Home / All / Live. Die. Repeat. / /LDR-20 part 1/

Share

/LDR-20 part 1/

last update Last Updated: 2022-07-01 21:44:14

                           IDRIS

Napatayo ako matapos marinig ang sinabi ng matanda. "Ho? Bakit ho?" kunot-noong tanong ko rito.

"Pawalang galang lang ho pero kasi wala na po talaga kaming ibang malalapitan. Parang awa niyo na ho, ayoko hong mawalan ng kapatid," pagmamakaawa ko pa.

Sa tingin ko ay alam ko kung bakit ayaw niya kaming tulungan. Dahil ba ito sa isyu na ginawa niya noon? Na narinig kong usap-usapan na bumabalik siya sa nakaraan para makasama ang kaniyang asawa?

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ipinasara at sinuspende ang kaniyang imbensiyon pero wala na akong ibang maasahan kundi 'yun lang.

Seryoso at mariin lang akong tiningnan ng matanda na parang kinililatis ako.

Binitawan muna niya ang crane niya at umupo. Pinagkrus niya ang kaniyang kamay at pinaningkitan kami ng mata.

"O sige. Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit kailangan ko kayong tulungan," saad niya.

Itatanong pa ba ito? Of course, dahil kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Responsibilidad ko na tulungan siya at gawin kung ano ang nararapat para sa kaniya.

My brother, my responsibility.

"Sa totoo lang ho, alam kong alam niyo na ang sagot. Kapatid ko ho siya, hindi ko ho siya kayang mawala. Gagawin ko ho ang lahat makabalik lang siya kung saan siya nababagay pero hindi ko ko 'yun magagawa kung hindi niyo ako tutulungan. Kaya nagmamakaawa ako, tulungan niyo siya. Pangako, tatanawin ko 'tong isang utang na loob alang-alang sa kaniya," sagot ko sa matanda.

Muntik pa akong lumuhod sa harapan niya kung hindi niya lang ako sinenyasan na huwag na.

Tinitigan muna ako ng ilang segundo ng matanda bago niya sinulyapan ang kaniyang anak na tahimik na nakikinig sa amin.

"Wala na akong magagawa. Sino ba ako para tumanggi? Pamilya mo ang batang 'yan at hindi ko hahayaan na mawalan ka ng kapatid."

Nabuhayan ako ng loob sa itinugon niya. Malapad ko siyang nginitian at paulit-ulit na pinasalamatan.

"Maraming salamat po! Salamat po talaga!" tuwang saad ko na siyang ikinangiti rin ng mag-ama.

"Hala sige. Ano pang hinihintay natin? Sundan niyo ako ngayon din sa underground bunker." pahayag niya.

Kaagad kong pinatayo si Max at inalalayan siya para maglakad.

Sa wakas, makakauwi ka na rin Max. Kaunting kapit na lang.

-----

THIRD PERSON

Sinamahan ng mag-ama sina Idris at Max patungo sa sinasabing underground basement.

Mula sa sala ay nagtungo sila pakanan kung nasaan ang isang mahabang hallway. Maliwanag ang dinaraanan nila dahil halos ay kulay puti dagdagan pa ng napakaliwanang na ilaw mula sa itaas nila.

Nang marating nila ang dulo ay bumungad sa kanila ang isang metal security door.

Bago sila tuluyang pumasok ay itinapat muna ng matanda ang kaniyang kamay sa isang scanner sa gilid at doon nakalagay ang kaniyang fingerprint.

"Welcome back, Sebastian Adler."

Nagulat na lang si Idris dahil may biglang nagsalita sa kung saan. Hindi niya matukoy kung sino ito dahil bukod sa kanilang apat ay wala na silang kasamang iba.

"Oh, sorry. That was my Dad's A.I. Awtomatiko siyang na-a-activate once na ma-detect niya ang handprint ni Dad." pahayag naman ni Prof. Gavin.

Wala sa sariling napatango si Idris at hindi maiwasang matulala't humanga sa nangyayari.

Nasa labas pa lang sila ng pintuan, paano pa kaya kapag nakapasok na sila sa loob at makakita ng mga bagay na hindi niya pa nakikita sa buong buhay niya?

"Pasensiya na kung nagulat ka, iha." paumanhin ng matanda. Nahihiya lang siyang ngumiti rito.

Samantalang, alay-alay niya pa rin ang kaniyang kapatid na si Max.

Alam naman ni Idris ang ibig sabihin at kung ano ang A.I. kaya hindi na siya nag-abalang tanungin ito.

Lumikha ng banayad ngunit mabigat na tunog nang sandaling magbukas ang pinto.

At doon tuluyang napanganga si Idris sa nakikita.

Isang napakalawak na kwarto. Mataas ang kisame, katulad sa hallway ay puros puti rin ang nasa loob. Maraming mga mechanical machines na umiilaw at umiindap-indap ang nasa kanang bahagi.

May mga iilan ding monitor computers sa kanan at kaliwang bahagi na pare-parehas nakabukas.

At hindi lang 'yan, sa bawat mesa na makikita ay may iba't-ibang devices, prototypes at kung anu-ano pang technology machines na hindi niya maintindihan kung anong tawag.

Napatingin na lang siya kay Mr. Sebastian.

'This man is a freaking genius! Grabe, ginawa niya lahat ng 'to? This is absolutely amazing!'

Kaagad dumiretso si Mr. Sebastian sa harap ng monitor pero kaagad din siyang napaatras.

"Gavin, nakita mo ba ang salamin ko? Hindi ko mabasa ang mga nakasulat."

Kinapa-kapa ng matanda ang katawan kung nandoon ang salamin pero wala talaga sa kaniya.

"Dad naman, e. Ano babalik pa ko sa itaas?" medyo inis na tanong ni Gavin sa ama.

"Kunin mo dali. Alangan naman ikaw dito bakit alam mo ba ang mga ito, aber?" kunot-noong tanong ng matanda sa anak.

Napakamot na lang sa ulo si Prof. Gavin at walang nagawa kundi bumalik para hanapin ang salamin ng ama.

Pinapanood lang sila ni Idris mag-ama kaya ng mapansin ito ng matanda ay kaagad silang tinawag nito.

"Hali kayo. Upo muna kayo habang iniintay natin si Gavin." aya ng matanda kaya walang reklamong sumunod ang dalawa't umupo rin.

Kahit nakaupo na si Idris habang katabi si Max ay hindi niya pa rin mapigilang pagmasdan ang kabuuan ang silid.

"Hanga ho ako sa inyo. Kayo ho ba ang nagmamay-ari ng lahat ng 'to? Grabe, ang galing-galing niyo naman po kung gano'n." puri ni Idris.

Napangiti naman ang matanda sa sinabi niya. "Naku, kung alam mo lang. Kulang pa ang mga 'yan kumpara sa mga imbensiyon ko noon. Kaya lang nawala na ang mga 'yon. Nagkaroon kasi ng aksidente at nasunog lahat," kwento niya.

Mahihimigan ang lungkot at panghihinayang sa tono ng boses nito. Napakunot-noo naman si Idris dahil sa sinabi ng matanda.

"Ayon ho ba ang oras na aksidente niyong nasunog ang basement ng Woodland University? Pasensiya na ho sa tanong. Ayos lang nama--" bago pa man matapos ang sasabihin ni Idris ay pinigilan na siya nito.

"Oo, 'yun ang panahon na nasunog ang basement ng campus. Lahat ng imbensiyon ko simula ng nagkaisip ako, doon nakalagay dahil wala naman akong mapagtataguan sa bahay. Hindi pa ganito kalaki ang bahay ko. Maliit pa lamang. Pagkatapos ng aksidente, kinasuhan ako ng principal ng campus. Nanatili ako sa kulungan ng ilang araw pero agad din akong pinalaya dahil sa nalaman nila. Nakita nila ang aking time machine na buong-buo at gumagana pa. Parang nawala na parang bula ang akong kaso, hindi ko alam kung paano nangyari. Pagkatapos ng ilang araw, maraming mga tao ang inaalok ako sa bidding, mga politiko mula sa iba't-ibang bansa, pati mga sindikato at sa balck market mula sa deep web. Nagulantang talaga ako ng mga oras na 'yon. Lahat ng nag-aalok sa akin ay tinanggihan ko. Bakit? Dahil hindi ako interesado sa pera. May dahilan kung bakit ko ginawa ang machine na 'yan. Hindi ko ito ginawa para pagkakitaan o sumikat," kuwento ng matanda.

Taimtim naman na nakikinig si Idris na interesadong-interesado sa kuwento.

"Pagkatapos no'n, ilang araw akong hindi nagpakita pero may isang grupo ng tao na personal na kumausap sa akin. Inimbitahan nila ako na pumunta sa tinatawag nilang 'Nobel Prize Awards' na ginanap pa sa Sweden. Muli, tumanggi ako. Sinabi ko sa kanila na tahimik na ang buhay ko at masaya na ako na simple ang kabuhayan ko pero nakumbinsi nila ako dahil nangako sila na sa oras na ipapakilala nila ako at ang aking imbensiyon ay poprotektahan nila ako sa kung kaninuman. Ilang taon akong nagtago noon kaya naisip kong bakit hindi ko subukan? At tsaka naisip ko na baka kapag sumama ako sa kanila ay magiging masaya siya para sa akin. Dala ang aking time machine, lumipad kami patungong Sweden at doon nagbago ang buhay ko."

Napanganga na lang si Idris sa narinig kaya ilang segundo rin siyang walang masabi. Hindi siya makapaniwala na ganito pala ang nangyari sa matanda.

Kung tutuusin, kahit na matanda na ito at may hawak hawak na crane ay malakas pa ito at kayang-kaya pang lumikha ng mga imbensiyon na paniguradong malaking tulong sa kanilang bansa.

Pero may isang tanong ang talagang gusto niyang masagot. Alam niyang personal ito masyado kaya mas pinili niyang manahimik na lang.

"Sa hinaba-haba ng sinabi ko, wala ka man lang sasabihin hija? May tanong ka ba?"

Parang nahalata tuloy ng matanda ang pananahimik ni Idris. Patingin-tingin kasi ito sa kaniya kaya tinanong na niya ang babae.

"Sigurado ho kayo?" Walang kasiguraduhang tanong pa ni Idris.

"Oo, kahit ano. Basta 'wag mo lang tanungin ang edad ko," pagbibiro pa ng matanda na natawa rin sa sariling biro.

"Uhmm, sige ho. Ano po bang dahilan kung bakit niyo... ginawa ang time machine? May nais po ba kayong balikan o may nais po kayong silipin sa hinaharap?"

Nawala ang ngiti sa labi ng matanda at napalitan ito ng kalungkutan. Napayuko pa ito at ilang segundo napatitig sa kawalan.

Inaasahan niyang itatanong ito ng babae kaya naman ay handa na niyang sabihin ito nang bigla na lang sumulpot si Gavin.

"Dad! Andito na ang salamin mo. Kailangan na nating magsimula, malapit nang maghapon. Kapag naabutan ng hating-gabi si Max dito sa nakaraan ay paniguradong katapusan na niya,"

Dahil doon ay naputol ang sanang sasabihin ng matanda. Nanghihinayang man si Idris dahil hindi nasagot ang tanong niya ay sa huli, kaagad siyang nakisali sa dalawa.

"Oo na. Alam ko na 'yan." inis na tugon sa kaniya ng matanda.

Kaagad na nagtungo ang matanda sa harapan ng computer at nagtipa-tipa doon. Rinig niya ang bawat tunog nito.

Nag-usap ang mag-ama sa paraang hindi niya maintindihan dahil puros tungkol lang ito sa science kaya mas pinili na lamang niyang hindi makisali at manahimik sa isang tabi.

Kausap din nila ang nabanggit na A.I. na siyang katulong nila sa pag-activate ng time machine.

Ang naintindihan niya lang ay aabutin pa ng tatlong oras para tuluyang mag-loading at mag-transfer ang iilang data sa machine bago ito tuluyang ma-activate.

"'Wag kang mag-alala, Idris. Mamadaliin ko na lang ito. Pasensiya ka na rin, ha? Ilang taon na rin kasi ang nakalipas nung huli kong ginamit ang machine kaya eto, mukhang nag-malfunction yata," paumanhin ng matanda.

"Naku, ayos lang ho. Ang mahalaga maayos na ho ang machine," sagot naman ni Idris.

Napalingon siya kay Gavin na kasalukuyang tinatanggal ang makapal at kulay itim na takip. Sa tingin niya ay ito na ang time machine na inimbento ni Sebastian Adler.

Nananatili ang mga mata nito sa screen ng monitor at patuloy na nagtitipa sa keyboard. Minsan ay inuutusan niya ang kaniyang anak na si Gavin kung kailangang may i-adjust at aayusin sa makina.

Kung puwede lang malaglag ang panga niya ay nangyari na dahil sa nakikita niya.

Sa buong buhay niya ay hindi niya naisip na makakakita siya ng ganitong kahalagang bagay at ngayon nga ay nasa harapan na niya ito.

Tila kinilabutan siya sa nakikita. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Para kay Idris, napakalaking bagay na makakita ng real life time machine.

Ang itsura ng machine ay isang perpekto at malaking bilog na napapalibutan ng LED lights. Sa tingin niya, ang bilog ay ang magsisilbing portal papunta sa future.

Ngunit sa nakikita niya ay madilim ito dahil nga sa hindi pa ito tuluyang nabubuksan.

Samantalang sa kabilang gilid ay may nakatayong dalawang malalaking hindi niya mawari kung ano. Ang nakikita niya lang ay ang nagliliwanagan nitong ilaw at sa bandang ibaba ay may nakatutok na mistulang laser gun. Wala siyang ideya kung para saan 'yon.

Sa kabila ng pagkamangha ni Idris sa lugar ay hindi maiwasang sumakit ng ulo niya dahil sa dami ng mga iba't-ibang makabagong teknolohiya na kaniyang nasasaksihan.

Sa kabilang banda, wala pang tatlong oras ay natapos na ng mag-ama ang machine. Ang ibig sabihin ay matagumpay nila itong nabuksan sa wakas.

Nagsimulang yumanig ang kinatatayuan nila at may maririnig na mga ingay na paniguradong nanggagaling sa portal.

Nasaksihan ni Idris kung paano lumiwanag ang portal sa pamamagitan ng lumalabas na maraming boltahe ng kuryente mula sa laser gun at doon dumiretso ito sa bilog sa gitna dahilan para lumikha ito ng portal.

Tila nahipnotismo ang mga mata ni Idris at nakatulala siyang nakatingin sa machine. Alam niyang maganda ito tingnan ngunit napakadelikado nito kung iisipin.

"Device initiating." rinig niyang banggit ng sa palagay niya ay ang A.I.

Mamaya-maya ay lalong lumiwanag ang ilaw na nagmumula sa portal.

"The machine device is now fully activated."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Live. Die. Repeat.   /OUTRO/

    IDRISNaalimpungatan ako dahil sa naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot-kusot pa ito.Ang sakit ng ulo ko. Damn.Tumayo ako para alamin kung saan nanggagaling ang tunog.Parang may nagkikiskis sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako para buksan ito at para makita kung sino ang pangahas na nilalang ang maingay nang biglang may dumamba sa akin ay dinila-dila pa ang mukha ko."Oh my God! Hi!"Nagulat ako dahil sa nilalang na kasalukuyan akong inaamoy at dinidilaan. Isa pala itong cute na cute na puppy. Kulay brown ito at sa tantiya ko ay wala pa itong tatlong buwan dahil sa liit.Nang makitang tumayo ako ay tumingala ito sa'kin at tinahulan ako gamit ang maliliit niyang boses.Aww. So cute!Kinuha ko ito at binuhat. Napaiwas na lang ako ng mukha ng muli akong dilaan nito kaya napatawa na lang ako."What's your name, baby? Bakit ka nandito? Asan ang amo mo, hmm?" banayad na tanong ko sa aso pero parang wala itong narinig at sa halip ay naglilikot lang.Hinagip ko

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-20 part 2/

    THIRD PERSON"Ipaupo mo siya rito. Dahan-dahan lang." utos ni Sebastian kay Gavin.Kasalukyang buhat-buhat ng lalaki ang nanghihinang katawan ni Max.Bagaman ay nanghihina at nanlalabo ang paningin ni Max ay alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid niya. Mas pinili na lang niyang huwag magsalita dahil napapagod siya."Ate Idris..." mahinang tawag nito sa pangalan ng kapatid. Nang marinig ito ng babae ay kaagad siyang tumabi sa kapatid at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig niya.Hindi maiwasang mapaluha ni Idris dahil sa sitwasyon ng kapatid. Namumutla na ito na parang wala ng dugo sa katawan, nanghihina at malamig ang katawan."Gavin, prepare the cap. Hurry!" aligagang saad ng matanda. Nagkakagulo na ang mag-ama ngunit hindi nito inalintana ang natitirang oras para sa magkapatid."Hey...I'm here, Max. Masaya ka ba? Look, makakauwi ka na. 'Wag kang matakot, nandito lang ako, okay?" Tumulo ang luha ni Idris sa kamay ni Max.Pilit inabot ni Max ang mukha ni Idris at siya na an

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-20 part 1/

    IDRISNapatayo ako matapos marinig ang sinabi ng matanda. "Ho? Bakit ho?" kunot-noong tanong ko rito."Pawalang galang lang ho pero kasi wala na po talaga kaming ibang malalapitan. Parang awa niyo na ho, ayoko hong mawalan ng kapatid," pagmamakaawa ko pa.Sa tingin ko ay alam ko kung bakit ayaw niya kaming tulungan. Dahil ba ito sa isyu na ginawa niya noon? Na narinig kong usap-usapan na bumabalik siya sa nakaraan para makasama ang kaniyang asawa?Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ipinasara at sinuspende ang kaniyang imbensiyon pero wala na akong ibang maasahan kundi 'yun lang.Seryoso at mariin lang akong tiningnan ng matanda na parang kinililatis ako.Binitawan muna niya ang crane niya at umupo. Pinagkrus niya ang kaniyang kamay at pinaningkitan kami ng mata."O sige. Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit kailangan ko kayong tulungan," saad niya.Itatanong pa ba ito? Of course, dahil kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Responsibilidad ko na tulungan siya a

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-19/

    IDRIS"W-Wait. Hold on for a sec. Too much information and it's still not processing. This is unbelievable," pagpigil sa'kin ni Prof. Gavin.Halata naman sa mukha niya ang matinding pagkalito dahil sa mga pinagsasabi namin. Hindi namin siya masisisi kung lubos siyang naguguluhan.'Gaya ng sinabi niya ay nandito kami sa loob ng office niya para masigurong walang makakarinig sa pinag-uusapan namin.Mainit kasi sa ilan ang apelyidong dinadala ng propesor gawa ng kaniyang ama na aksidenteng napasabog ang kabuuoan ng building ilang taon ang nakalipas.Ayon sa kaniya, pagkatapos ng insidente ay kaagad na inaresto ang lalaki (Arden) at kinasuhan dahil sa ginawa nito sa loob ng campus.Kinumpiska rin ang lahat ng kaniyang gamit kasama ang hinihinalang time machine na matagal na niyang pilit ginagawa simula ng mapunta siya sa campus.Nasa basement ng sinabing building nakalagay ang machine at doon din nakapwesto ang opisina niya.Sa loob ng ilang taon, ni isa at walang nakahalata at nakaalam s

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-18/

    THIRD PERSONPagkapasok pa lang ni Max sa worm hole ay alam niyang may mali na. Hindi lang sa paligid niya kundi sa katawan niya rin.Hindi katulad sa mga nakaraan niyang pagtawid mula sa kasalukuyan papuntang nakaraan, wala siyang nararamdamang kung ano pero ngayon ay mayroon na.Umiikot ang paningin niya at mistulang mabibingi siya dahil sa matitinis na tunog na naririnig niya.Napapansin din niya na ang makukulay at maliliwanag na ilaw na nadaraanan niya sa loob ng worm hole ay unti-unting nawawalan ng kulay.Patay-sindi ang mga ito at iindap-indap dahilan para mas lalo siyang mahilo. May malakas din na pwersa ang naghihila sa kaniya papunta sa iba't-ibang direksiyon dahil para umikot ang buo niyang katawan at mawala sa tamang balanse.Kung dati mabilis siyang maglakbay sa oras pero ngayon ay inabot siya ng ilang minuto bago bumungad sa kaniyang harapan ang nakakasilaw na liwanag.Tuluyan siyang nilamon nito at matagumpay siyang nakaapak muli sa nakaraan.----Ilang minuto bago siy

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-17/

    THIRD PERSONPagkatapos nang sagutan at pag-aayos ng magkapatid ay hindi muna sila nagkibuan ng ilang oras. Tahimik at malalim ang iniisip ni Max habang nakaupo sa kaniyang kama.Kanina, napagpasyahan ni Theresa na tuluyang i-secure ang kaniyang buong kwarto para hindi na tuluyang makapasok ni Max. Sa kagustuhang magkasundo sila ng kapatid ay walang nagawa si Max kundi sumang-ayon sa gusto nito.Pinalitan ni Theresa ang password sa secret chamber ng kwarto niya at ni-lock pa nito ang pintuan kaya imposible talagang makakapasok pa roon si Max.Lingid sa kaalaman ni Theresa ay marunong mag-hack si Max kaya marami siyang kaalaman pagdating sa mga ganoong bagay. Ngunit nagdadalawang-isip si Max kung papasukin niya ang kwarto ng kapatid gayong kakasundo lang nila.Nais ulit ni Max na bumalik sa nakaraan para pormal na makapagpaalam sa kaniyang mga magulang at humingi ng tawad sa kaniyang kapatid (Idris) sa lahat ng nagawa nita rito.Pagkatapos no'n ay nangangako siya na hinding-hindi na ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status