Share

KABANATA 11

Kabanata 11

"Saan ka pupunta, binibini?" Seryosong tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin ng blanko at habang hawak ko pa rin ang door handle.

binibini? Oo, bata pa ako pero hindi ko iyon pangalan. Bakit niya ako tinatawag na binibini kung alam niya lang ang pangalan ko kanina? Nakalimutan niya agad? Mabilis akong nalungkot at hindi ko alam kung bakit.

Nakasuot siya ngayon ng branded na navy blue na t-shirt with gray sweat shorts na ipinares sa kanyang itim na tsinelas na may nakakabit na salitang "Balenciaga".

Mukhang kakaligo lang niya kasi mula sa kinatatayuan ko ay napapansin ko agad na medyo basa pa ang buhok niya. At ang mabangong pabango niya ay mabilis na nanunuot sa aking ilong.

Kahit simpleng damit lang ang suot niya, hindi ko maitatanggi na napakagwapong lalaki pa rin niya.

Hindi muna ako nakapagsalita at nanatili lang akong nakatingin sa kanya, hindi pa rin makapaniwala na nandito talaga siya ngayon sa harapan ko at hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nandito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status