Simula
Halos lakad-takbo na ang aking ginagawa para lang makaabot ako sa tamang oras habang yakap-yakap ko ang aking tatlong makakapal na libro na hiniram ko lang sa library ng school namin kanina. Hindi ko inalintana ang dami ng mga taong nakakasalubong ko pati na rin ang ibang taong bumubundol sa aking braso. Maging ang mga madudumi at mababahong amoy ng usok na nagmumula sa mga sasakyan na aking naaamoy at pati na rin ang tirik na tirik na sikat ng araw ay hindi ko na rin pinansin pa dahil mas abala ako sa aking pagtakbo. Paniguradong mamumula-mula na naman ang aking mukha dahil sa tindi ng sikat ng araw na pumapaso sa aking balat.
Ipinagpatuloy ko lang ang aking pagtakbo at hindi ako tumigil kahit na hinihingal at sobrang pinagpapawisan na ako, umaasang makakarating ako sa tamang oras ngunit hindi nangyari dahil pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pinto sa likod ng pinagtatrabauhan kong malaking karinderya ay kaagad bumungad sa akin ang nakapameywang at nanggagalaiting may-ari nito.
Mataba ang pangangatawan ng aking boss. Nakasuot siya ngayon ng isang kulay itim na dress habang putok na putok sa makeup ang kanyang buong mukha. Makapal ang pagkakaguhit ng kaniyang mga kilay at ang kanyang labi ay pulang-pula na may labis-labis pa. Maging ang kanyang mukha at leeg ay malayo ang kulay dahil sa tingin ko ay magkaibang foundation ang kaniyang ginamit.
Maraming beses ko nang gustong subukan na sabihin sa kanya na dahil sa mga ayos niya ay pinagtatawanan na siya ng mga kasamahan ko pati na rin ng mga ilang costumers ngunit hindi ko matuloy-tuloy dahil baka imbis na matuwa siya dahil concern ako sa kanya ay baka magalit lang siya sa akin.
"Aba, Andra! Late ka na namang bata ka?! Aba'y mahiya ka naman! Alam mo namang mas maraming kumakain dito tuwing tanghali! Huwag mong idadahilan sa akin ang punyetang paaralan mo na naman! Mabuti na lang talaga at matalik na kaibigan ko ang tiyahin mo dahil kung hindi, matagal na kitang tinanggal dito sa karinderya kong 'to! Hala sige magtrabaho ka na! Huwag kang pabagal-bagal at marami na naman tayong kostumer!" sunod-sunod na bulyaw nito sa akin at pagkatapos ay mabilis na akong tinalikuran.
Habang pinagsasabihan niya ako kanina ay nakatungo lang ako at pinaglalaruan ang aking mga daliri. Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya. Hindi na lang ako umimik pa dahil baka lalo lang siyang magalit sa akin.
Ito ang ikalawang beses na na-late ako sa trabaho. Ang una ay dahil pinagtripan ako ng mga babae kong kaklase. Kinulong nila ako sa classroom namin. Mabuti na lang at narinig ng isang teacher ang paghingi ko ng tulong dahil kung hindi ay baka hapon pa ako makita doon ng janitor namin o kung mas malala pa ay baka kinabukasan na.
Ang dahilan naman kung bakit ako nahuli ngayon ay dahil sa sobrang haba ng pila kanina sa library namin. Ang halos lahat pa ay sumisingit lang sa harapan ko. Mga walang pakialam sa mga nauna sa pila at kaysa makipag-away at makipagtalo pa ako sa kanila ay mas napili ko na lang manahimik at huwag na silang pansinin para hindi na magkaroon pa ng gulo.
Pagkaalis na pagkaalis ng boss naming si Madam Baby ay kaagad kong inilagay ang mga gamit ko sa loob ng locker ngunit bago pa iyon mangyari ay narinig ko pa muna ang bulungan ng mga babaeng kasamahan ko na nanunuod lang sa nangyari kanina.
"Buti nga sa kanya! Ang taas kasing mangarap eh! Papasok-pasok pa sa school eh hindi rin naman makakapag-aral ng kolehiyo!"
"Napakaambisosya! Dito pa rin naman ang bagsak niyan panigurado!"
Pasok sa isang tainga, labas sa kaliwa. Iyan lang ang palagi kong ginagawa sa tuwing may mga nagmamaliit sa aking kakayahan at humuhusga tungkol sa pag-aaral ko.
Kagaya ng palagi kong ginagawa ay binaliwala ko na lang sila at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ko sa aking sarili. Ayaw kong masayang lang ang oras ko sa mga katulad nilang mapangmata at mapanghusga ng kapwa na animoy mga perpekto sila.
Ang edukasyon ang pinakamahalagang bagay para sa akin lalo na at isa na akong ulila. Namatay ang nanay at tatay ko matapos ang ilang linggo nang maipanganak ako. Sobrang taas daw ng lagnat ko ng gabing iyon at dahil sa sobrang pag-aalala at takot nila ay mabilis nagdesisyon sina nanay at tatay na dalhin kaagad ako sa pinakamalapit na hospital.
Nasa daan at nakasakay na sila mismo sa isang tricycle habang kalong-kalong at yakap-yakap ako ni nanay nang mangyari ang aksidente. At dahil nga emergency ang nangyayari at dahil gabi na at madilim na rin ng mga oras na iyon ay hindi napansin ng tricycle driver dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ang paparating na mabilis ding kotse kaya sumalpok ang sinasakyan naming tricycle dito.
Sa lakas ng salpukan ay tumilapon daw kaming lahat sa kalsada. Ang tricycle driver, si tatay at si nanay ang mga nasawi at tanging ako lang ang nakaligtas. Maging ang nasa loob ng SUV na nakabanggaan namin ay wala raw nakaligtas miski isa. Wala pa ring halos mga bahay sa lugar ng insidente noon kaya ilang minuto pa raw ang hinintay para madala kaming lahat sa hospital.
Tinuturing ko na napakalaking milagro ang pangyayaring 'yon dahil hindi iyon biro. Lubos ang aking pasasalamat sa Diyos dahil binigyan niya pa ako ng pangalawang buhay. Hindi lahat ng tao dito sa mundo ay nabibigyan ng pagkakataon na magpatuloy sa buhay kaya naman dapat lang na pahalagahan natin ito. Tanging sa mga larawan ko na lamang nakikita sina nanay at tatay at kahit wala akong natatandaang memorya na kasama sila dahil sanggol pa lang ako ng mga panahong iyon ay nararamdaman ko palagi ang pagka-miss ko sa kanila araw-araw lalo na sa tuwing araw ng kaarawan ko.
Madalas ay natutulala na lang ako lalo na kapag gabi at minsan pa ay naiiyak na lang dahil wala man lang akong maalala na nakasama ko sina nanay at tatay. Maging ang mga boses nila ay hindi ko rin alam kaya naman sa tuwing nag-i-imagine ako ng mga senaryo kasama sila ay nasasaktan lang ako at palaging nauuwi sa pag-iyak.
Sobrang daming tanong ang madalas na tumatakbo sa aking isipan sa tuwing mag-isa ako.
"Ano kayang feeling ng mayroong nanay at tatay na kasama?"
"Ano kayang feeling na makasalo sa hapag-kainan ang sarili mong mga magulang?"
"Ano kayang feeling na mayroong nag-aalaga at nagmamahal sa'yong mga totoo mong magulang?"
Ilan lang 'yan sa mga katanungan ko na nakakapagpabigat ng aking damdamin.
Wala nang ibang pamilya si nanay kaya sa nag-iisang kapatid ako ni tatay naiwan na si Tita Cecille. Teenager pa rin siya noong nangyari ang aksidenteng 'yon. Sa kanya ako naiwan ngunit hindi siya ang madalas na nag-aalaga sa akin kung hindi ang kapitbahay namin noon na si Nanay Myrna na kakamatay lang nitong nakaraang dalawang buwan, at kahit ilang buwan na ang lumipas ay sobrang sakit pa rin para sa akin ang pagkawala niya dahil sa loob ng labing-pitong taon ay si Aling Myrna na ang itinuring kong ina at sa kanya ko rin naramdaman ang tunay na pagmamahal at pagmamalasakit kahit hindi ko siya tunay na kadugo.
Siya ang bukod tanging nag-alaga at nagpaaral sa akin. Si Nanay Myrna ay isang matandang dalaga kaya naman lahat ng panahon, oras at pagmamahal ay tanging sa akin lamang niya ibinuhos at ibinigay lahat. At dahil sa pagkawala niya ay kinailangan ko ngayong magtrabaho upang matustusan ang aking pag-aaral lalo na at matatapos na ang school year na ito sa susunod na school year ay Grade 12 na ako kaya kailangan ko talaga ng pera para maipagpatuloy ko pa ang pag-aaral ko. Buti na lang talaga at bago siya mawala ay binayaran niya muna ang mga bayarin ko sa school dahil kung hindi ay siguradong patitigilin ako ni Tita Cecille sa pag-aaral kahit pa lumuhod at magmakaawa ako sa kanya.
Hanggang sa huling sandali ng buhay ni Nanay Myrna ay ako pa rin talaga ang inisip niya at habang buhay kong ipagpapasalamat iyon. Isa siyang biyaya na ibinigay sa akin ng Panginoon, 'yon nga lang ay mabilis lang siyang kinuha sa akin ng Diyos katulad din nina nanay at tatay ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan ako ng pagkakataon na makasama sila.
Pangarap kong maging isang ganap na guro upang balang araw ay maturuan at matulungan ko rin ang mga batang katulad ko. Sobra-sobra ang pagpapahalaga ko sa edukasyon dahil naniniwala ako na ang edukasyon ang bagay na hinding-hindi mananakaw sa akin nino man at ang magdadala sa akin sa tagumpay kaya naman pinagbubuti ko talaga ang aking pag-aaral.
Matapos kong maiayos ang hairnet sa aking buhok ay nagsimula na rin akong tumulong sa mga kasamahan ko na maghatid ng orders sa mga table ng kostumer. Nakasuot ako ng isang itim na slacks at isang puting polo shirt na uniporme namin dito sa karinderya. Ang aking sapin sa paa naman ay isang kulay itim na sapatos na iniregalo pa sa akin ni Nanay Myrna noong sampung gulang pa lang ako.
Pitong taon na ito sa akin at isa ito sa mga ibinigay sa akin ni Nanay Myrna na pinakainiingat-ingatan ko. Medyo pudpod na ang ilalim nito ngunit hindi pa naman masakit sa paa. Ito lang kasi ang nag-iisang sapatos ko simula noon pa man kaya nag-iipon ako upang makabili ng bago at para maitabi ko naman itong suot ko upang magsilbing isa sa mga ala-ala ko kay Nanay Myrna.
"Oh, ayan dalhin mo sa table number eight!" Padabog na pagbigay sa akin ni Monica ng isang malaking tray na may lamang mga pagkain.
Mabilis ko siyang sinunod at kaagad kong dinala sa tamang table ang mga pagkain.
"Miss, nasaan na ang order namin?" sigaw at pag-agaw pansin sa akin ng grupo ng mga lalaki mula sa kabilang bahagi ng karinderya matapos kong mailapag ang mga order sa table ng grupo naman ng mga babae.
"Sandali lang po, Sir," magalang na saad ko sa kanila at lumakad na patungo sa counter.
Muli na namang inabot ng padabog sa akin ni Monica ang isang malaking tray na naglalaman ng mga order ng grupo ng mga lalaki. Muntik nang mabubo ang ilang inumin doon, buti na lang at nahawakan ko kaagad.
Naglalakad na ako patungo sa lamesa ng mga lalaki nang bigla ko na lang naramdaman ang pagpatid sa akin ng isang babae mula sa kabilang table at kasabay niyon ang pagkadapa ko at pagbagsak ng dala-dala kong mga pagkain sa sahig.
Kabanata 1Dahil sa pagkabigla at pagkagulat ay ilang sandali muna akong hindi nakagalaw sa pagkakadapa ko. Kitang-kita ko mula sa pwesto kong 'to ang mga nagkalat na mga pagkain na dumikit na rin sa suot kong kulay puti na polo. Natauhan lamang ako nang marinig ko ang mga bulong at hagikhikan ng grupo ng mga babae kung saan nanggaling ang isang babaeng nagpatid sa akin kaya ako nagkaganito."Ayan! Patanga-tanga kasi eh!""Papansin kasi sa mga lalaki!"Ilan nahuli mong isda diyan, 'te?"Gustong-gusto ko silang lapitan at tangunin kung bakit tuwang-tuwa pa sila sa nangyari sa akin ngunit parang nanghina ang aking buong katawan dahil sa bilis
Kabanata 2 Nang maialis ko na sa pagkakaumpog sa locker ang aking noo ay mabilis akong nakaramdam ng pagkahilo. Parang umiikot ang buong paligid at parang gusto kong masuka. Sinubukan kong tumayo ng maayos ngunit natutumba-tumba ako kaya naman mabilis akong kumapa ng mahahawakan at doon ibinalanse ko ang aking sarili. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking noo dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Madam Baby sa akin. Dumagundong din ang tunog ng pagtama ko sa locker sa buong silid. Noong hinawakan ko ang aking noo ay kaagad akong nakaramdam ng basa. Mabilis kumabog ang aking puso dahil sa kaba at dahil na rin sa biglang pumasok sa aking isipan na posibilidad kung ano ang basang iyon. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay at nang mapapantay ito sa aking mata ay nakita ko kung ano ang basang 'yon, walang iba kung hindi sarili kong dugo. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis akong nilukob ng takot ngunit unti-unti ring nawala ang takot na 'yon nang maisi
Kabanata 3Unti-unting nagmulat ang aking mga mata nang makaramdam ako ng matinding sakit sa aking ulo. Para akong pinupukpok doon kaya halos hindi ako makamulat ng maayos.Mabilis ko ring naramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan, ang mainit kong paghinga, ang bara sa aking ilong at maging ang aking napakabigat na pakiramdam.Pinilit kong buksan ng maayos ang aking mga mata at nang magawa ko iyon ay kaagad bumungad sa aking paningin ang isang malaki at mahabang salamin na ang nasa baba ay isang fireplace.Katapat iyon ng malambot at mukhang mamahaling hinihigaan ko ngayon kaya iyon kaagad ang aking nakita.Ikinalat ko kaagad ang aking paningin sa buong piligid. Nap
Kabanata4Katatapos ko lang kumain ng umagahan at busog na busog na ako dahil sa sarap ng mga pagkaing kinain ko kaya naman pagkatapos ay tumayo na rin ako mula sa kama para naman maghintay sa muling pagbalik nina Nanay Nineth at Doña Amanda rito.Medyo maganda na ang aking pakiramdam ngayon dahil nakainom na ako ng gamot at sa tingin ko ay dahil din sa iniluto at inihandang masasarap na pagkain sa akin ni Nanay Nineth kaya ganito na kaginhawa ang aking pakiramdam.Nang tumayo ako mula sa harapan ng kama ay mabilis akong na-mesmerized nang makita ko mula sa malaki at malinis na salamin ang kulay dark green silk pajamas na suot-suot ko ngayon.Habang sinusuri at pinagm
Kabanata 5 Nang matapos na si Nanay Nineth sa pagpapatuyo at pagsusuklay ng aking buhok ay agad na rin kaming nagpasyang bumaba. Habang pababa na kami ng hagdanan ay hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi makaramdam ng kaba dahil hindi ko alam kung sino ang mga taong makikita at mga makikilala ko kapag nasa baba na kami. "Kinakabahan ka na naman, Andra. Huwag kang kabahan," mahinahong saad ni Nanay Nineth na nasa tabi ko lang habang sabay kaming bumababa mula sa mga baitang ng hagdan. Sa tingin ko ay naramdaman at napansin niya na kinakabahan na naman ako kaya naman hinawakan niya agad ang aking kanang kamay at pinisil pa niya iyon para lang mabawasan ang kaba na aking nararamdaman habang papalapit na kami ng papalapit sa pinakadulo ng hagdanan. "Pasensya na po, Nanay Nineth. Hindi ko lang po talaga mapigilan," kinakabahang sagot ko habang pinipisil-pisil ko ang kaliwang kamay ko pabalik. "Huwag kang matakot, Andra. Ang mga taong makikita at makikilala mo sa ibaba ay mga ma
Kabanata 6Agad na napuno ng katahimikan ang buong silid pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Lalo akong kinabahan ng mabingi ako sa biglang katahimikan.Ramdam ko ang titig ni Doña Amanda sa akin mula sa kinauupuan ko habang ang sarili kong tingin ay nasa kanyang tasa ng tsaa sa mesang nakaposisyon sa kanyang harapan at habang nilalaro ko ang aking mga daliri na nakapatong din sa mesa.Ang tanong na iyon na ngayon ko lang itinanong sa kanya ay tumatakbo na sa isip ko pagkagising ko ulit kanina pa.God knows how thankful and grateful I am because of their kindness to me but . . . Ayokong maging pabigat sa kanila. Pakiramdam ko anytime, magiging malas na lang ako sa buhay nila gaya ng laging sinasabi sa akin nina Auntie Cecille at Madam Baby."Andra." She was calling my attention pero nanatili lang ang mata ko sa cup dahil kinakabahan pa rin ako. "Look at me, Andra, please," matamis niyang sabi kaya unti-unti kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.Nakangiti siya at bakas din s
Kabanata 7After that crying session with them, nagsimula na rin kaming magluto at maghanda ng mga kakainin namin mamaya habang nanunuod na kami ng movie.Mayroon nang anim na medium sizes ng stainless trays sa marble countertop na gagamitin namin pagkatapos naming magluto at maghanda ng popcorn, french fries, nachos, besuto prawn crackers, at homemade pork siomai at pizza.May iisang gawain na nakatalaga sa bawat isa sa amin dito sa kusina. Si Marie ang bahala sa popcorn, si Anne na ang bahala sa french fries, si Mary na ang bahala sa nachos, si Grace na ang bahala sa homemade pizza, si Anna ang bahala sa besuto prawn crackers, habang ako at si Angel ang kukuha. pag-aalaga ng homemade pork siomai.Napakalaki ng kusinang ito at marami pang glass built-in hobs kaya naman sabay kaming nagluluto ngayon para lang matapos ang pagluluto ng mabilis.Pareho kaming gumagawa at nagbabalot ng siomai ni Angel. Siya ang gumagabay sa akin kung ano ang kailangan kong gawin. Marami kaming trabaho dito
Kabanata 8 Iyak ako ng iyak habang naglalakad palayo sa Mansion ni Del Mundo habang bitbit ko ang sa tingin ko ay isang mamahaling bag na ang loob nito ay ang mga damit na dala ko lang noong umalis ako sa bahay ni Auntie Cecille. Bago ako umalis, alam ko lang na ang naglaba ng damit ko ay si Angel at ang grupo niya at nagpasalamat na ako sa kanilang lahat dahil doon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala akong planong balikan si Auntie Cecille dahil baka masaktan na naman niya ako physically and with her words, or worse, baka mapatay niya ako dahil sa tindi ng galit niya sa akin. Habang naglalakad ako palabas ng kalye, hinahanap ko ang maliit kong pink na wallet sa bag at nang makita ko na ito ay agad ko itong binuksan at mabilis akong nalungkot nang makita ko na kung ano ang nasa loob nito. Eksaktong limang daang piso na lang ang nasa loob ng wallet ko at hindi ko alam kung paano pigilin ang paggastos hanggang sa makahanap na ako ng trabaho dito. Ramdam