Hila-hila ni Ashtrid ang may kalakihan na maleta papunta sa entrance lobby ng Elite Condominium Building. Sa bungad pa lamang ay sumisigaw na ang karangyaan ng condominium na iyon. Napalilibutan iyon ng makapal na salamin at sa bawat kanto ay kapansin-pansin ang naglalakihang Ionic pillar kaparehas ng sa mga Greek. Nangingibabaw din ang gold, silver at white na mga palamuti at mga kagamitan sa loob, mula sa naglalakihang mga banga hanggang sa iba’t ibang uri ng mga bulaklak na palamuti. Maging ang nilalakarang puting marmol na may kulay abo na mga batik ay agaw pansin din. Kaagad sila binati ng nakangiti’t magandang receptionist. Matapos pumirma ng ilang dokumento ay dumiretso na sila sa elevator.
Kasunod niya ang abogado na hindi siya tinutulungan sa dala. Busy ito sa pag-tetext kung kanino man. Pawis na pawis s’ya nang makarating sa harap ng unit na sinasabi ng lalaki.
Tumigil muna siya sa harapan ng pinto at hinintay si Jacob. "Pumasok ka na. Saka na lang tayo ulit mag-usap. If you need me nandito lang ako sa kabilang unit. Go." Itinuro nito ang pintuang kaharap ng unit na para raw sa kanya. Hindi na nito hinintay ang sagot niya dahil pumasok na ito sa unit nito.
Napabuga siya ng hangin bago binalingan ang pintuan ng unit na sinasabi ng abogado. Mukhang mamahalin ang unit na nasa harapan niya. Hindi naman maipagkakait iyon dahil ang unit ay nasa isa sa pinakasikat na condominium building sa lugar. Every part of the building screamed elegance and sophistication. Mula sa red carpet hanggang sa mga nakaka-enganyong mga disenyo ng pintuan.
Unit 341. Tinitigan niya ang numero na nakasulat sa kulay gintong pintuan.
This is it.
Ipininta muna niya ang malaking ngiti bago binuksan ang pintuan. Naglakad s’ya papasok habang hila ang maleta. Napahanga siya pagpasok sa loob ng unit.
The unit had a comfortable and cozy atmosphere mapapansin mo rin ang light mood na ibinibigay ng light blue painted wall and some abstract and surreal painting on the wall. Iginala pa n’ya ang mga mata nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto sa kaliwang bahagi ng unit. Umawang ang kanyang bibig nang makita ang isang pamilyar na lalaki na nakatapis lamang ng puting tuwalya at nagpupunas ng basang buhok. Parang slow motion nang humarap ito sa kanya.
Napatulala s’ya sa guwapong mukha nito. Walang nagbago from his wavy hair na paborito n’yang hawakan, those dominant and captivated grey eyes. Those pointed and proud nose. A perfect jawline and natural red lips na tila ba nanghahalina na halikan niya. Sinundan n’ya ang butil ng tubig na tumulo sa leeg nito hanggang sa mabatong d****b at tiyan nito. Those perfect V-line. Wala pa ring nagbago— No! She was wrong dahil lalo itong gumawapo at naging makisig sa paningin niya. Lalo itong naging masara...
Bigla siyang natigilan nang ma-realized kung saan papunta ang iniisip. Itinikom niya ang nakangangang bibig nang mapagsino ang nakangising adonis sa kanyang harapan.
Nicholas Wayne. Her Jerk Ex-Husband!
‘Huh! So, buhay pa pala ang gago!’
Binabawi na niya ang mga papuri para dito. Nagkamali siya nang sabihing gwapo ito dahil sa inis niya dito ay nagmumukha na itong hayena na nakangisi sa kanya. At ang katawan nito? Sinusumpa niya ang makasalanang katawan nito! Ang kapal ng mukha nito na humarap sa kanya matapos s’ya nitong saktan at mag-makaawang iwan niya ito.
Uminit ang ulo niya at damang-dama niya ang pagkulo ng dugo niya sa mga ugat. Sa galit ay nabitawan niya ang maleta. Lahat ng kasiyahan na naramdaman n’ya ay bigla na lamang naglaho. Natigilan siya at pumikit nagbabakasakaling baka panaginip o hallucination lamang n’ya ito.
“T-Tama! Hallucination ko lang ito.” she whispered.
Tatlong taon nang hindi nag-kru-krus ang landas nila ng lalaking ito. Tatlong taon! Kaya idinilat niya ang mga mata at marahang ngumiti. She blinked again
"Welcome abode, Baby!" nakangiti nitong bati sa kanya at akmang yayakapin siya.
Bumagsak ang ngiti niya at biglang dumilim ang paningin nang ma-realized na hindi panaginip ni hallucination ang nakikita. Bumalik lahat ng frustration at galit sa kanyang puso. Uminit ang katawan n’ya sa galit. Naging kulay itim at pula na ang paningin niya sa kaninang light blue na pader. Hindi na siya na-re-relax sa nakikita dahil nandidilim na ang paningin niya sa kaharap na lalaki. Ikinuyom niya ang kamao at lumapit sa dating asawa na ngayon ay nakabalandra ang katawan at nakangiti na tila ba wala kasalanan na nagawa sa kanya.
"Miss me?" presko nitong tanong.
Hindi niya sinagot ito imbis ay binato rito ang back pack na hawak niya kanina. Hindi pa s’ya nakontento at nang muling humarap ito buong lakas niya itong sinuntok sa mukha. Umalingawngaw ang lakas ng pagsuntok at paghahampas niya sa lalaki sa loob ng unit.
"Ouch!" reklamo nito habang hinihimas ang ilong na dumudugo na.
"Y-You…You fucking jerk!" sigaw niya saka sinuntok muli ito sa mukha.
Naramdaman niya ang kirot sa kamay dahil sa pag-suntok sa matigas na mukha nito. Bakit hindi titigas ang mukha nito eh, kumapal na iyon sa kapreskuhan ng damuhong kaharap. Hindi niya ininda ang sakit ng kamao dahil sa ngayon ang gusto lamang niyang gawin ay saktan ang lalaki.
"Fuck! Baby, you might get hurt. Stop i—" Hindi nito na-ituloy ang sinabi ng paulanan niya ito ng magkakasunod na hampas.
"You deserve this.” singhal niya rito saka walang alinlangan na pinagsusuntok ito. Ngayon lang siya magpapasalamat sa mga self-defense na itinuro ni Apolinario sa kanya.
“—And this!." isa pa muling hampas ang pinakawalan niya. "You. Are. Nothing. But a jerk and liar pervert!" Muli niyang nahagip ang back pack na may kabigatan dahil sa ilang librong nasa loob niyon. Malakas niyang hinampas ang bag dito na syang nagpatulog sa lalaki. Hinihingal n’yang tiningnan si Nicholas na nakahilata sa sahig.
"Welcome home, your face! Asshole!" she hissed before she angrily left the unit. Nabulahaw naman ang pagbabasa ng mga email ni Jakob dahil sa sunod-sunod na doorbell at pagkalampag sa pinto. Mabilis na binuksan ito ng lalaki. Bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Ashtrid.
"B-Bakit nasa unit na iyon si Nick? Are you two playing games with me!?" Pulang-pula ang mukha nito sa galit. Maging ang pagkautal nito ay nabawasan dahil sa galit nito.
"Oh, I forgot to tell you that he's also the co-owner of the unit Ash." mahinahong sagot ni Jakob sa babaeng kaharap.
"What the hell! Hindi ako titira kasama s’ya!" dire-diretsong pahayag nito.
"Hmmm. Better if we talk about this kasama siya." Ashtrid sighed then glared at him.
"F-Fine. Mag-uusap kami but first tingnan mo kung humihinga pa ang gago." pigil ang galit na pahayag ni Ashtrid saka tumalikod.
///
Masakit ang ilong at humahapdi ang magkabilang pisngi ni Nich nang imulat ang mga mata. Nanlalabo pa ang paningin niya habang pinipilit na maupo sa sofa. Napapiksi siya nang kumirot ang pisngi na hinawakan niya. ‘Fucking shit! What happened?!’ aniya sa isip habang pilit binabalikan ang mga nangyari. Pabalikwas siyang tumayo when he remembered what happened. His wife. Ashtrid. Back pack. The punched. Shit! Bumungad sa kanya ang mukha ni Jakob nang iginala niya ang mga mata. "Are you okay?" tanong nito. Sa tanong ng kaibigan ay naramdaman niya ang sakita sa panga. "I felt like hell! Why are you here anyway?" he asked while touching his nose as he felt the pain. Ang huli niyang na-a-alaala ay dalawa lamang sila ni Ashtird sa loob ng unit. "Saving your ass,"
Madilim pa nang magising si Ashtrid mula sa mahimbing na tulog. Kung tutuusin wala na siyang ma-irereklamo sa kuwarto na iyon— malawak at kompleto sa mga kagamitan— kaso hindi maipagkakaila na hindi siya komportable na makasama si NIch sa unit na iyon. Masusumbatan lamang niya ito dahil sa nakaraan nila. Pino ang mga kilos niya habang naghahanda sa pag-alis. Sinulyapan niya ang maleta at back pack sa tabi ng queen size bed bago tuluyang tumayo’t hinigit ang maleta papalabas ng kuwarto. Palabas na sana siya ng unit nang maramdaman ang paghapdi ng sikmura. Hindi pa nga pala siya kumakain. Feeling her hunger, she halted from walking, went in the kitchen instead, and immediately inspected the refrigerator. Nanubig ang bagang niya nang makita ang blueberry cheesecake sa ref. Pwede ana siguro iyon. Maingat at walang tunog na nagsalin siya ng brewed coffee sa tasa saka walang pag-aalinlangan na umupo at nagmamadaling kumain. Habang kumakain ay na
Ala-syete na ng umaga nang makarating si Ashtrid sa apartment ni Ayesha. Sinalubong siya ng dalaga na nakapang-opisina na. Manager ng isang Chinese restaurant ang kaibigan niya. 5’5 lamang ang height nito, singkit ang mga mata, maganda at maputi dahil na rin siguro sa Chinese blood nito sa father side. College classmate niya ang dalaga sa nilipatang unbersidad. Nang mangyari kasi ang paghihiwalay nila ni Nich ay kinailangan niyang lumipat ng unibersidad dahil sa mga pang-bu-bully sa kanya. Nakilala niya sa nilipatan si Ayesha, mabait ito kaya madali niyang nakasundo, ito rin lang ang pinagkakatiwalaan niyang kaibigan maliban kay Apolinario na sa Mindanao ngayon naka-destino. “Ashtrid. I’m so sorry now ko lang kasi na-check ang mga messenges sa phone ko. Anong nangyari? Are you okay?” maagap na kinuha nito ang maleta niya saka siya iginaya papasok sa bahay nito. Isang palapag lamang ang bahay at sakto ang laki para sa
Hindi bumaba ang lagnat ni Ashtrid kinagabihan. Pabalik-balik si Nich sa bathroom para palitan ang towel na binabad sa malamig na tubig na nakapatong sa noo ng dalaga para pababain ang temperatura nito. Nag-aalala niyang tinitigan ang mukha ni Ashtrid nang umungol ang babae. She looked so fragile yet beautiful. Bumuntong hininga muna siya bago maingat na dinampian ng bimpo ang mga braso nito maging ang maamong mukha nito pababa sa makinis nitong leeg. He gulped when he reached her neck. Pinagpawisan siya ng hindi sinasadyang mailapat ang daliri sa mapang-akit na leeg nito. At nang akmang pupunasan na niya ang panga nito ay biglang nabuhay ang hindi dapat mabuhay sa ibaba niya nang bahagyang umungol ang babae. Fucking shit! Mabilis niyang ibinaba ang bimpo sa plangganita at sinabunutan ang sarili. ‘Shit! Calm down man.’ This is not the right time. Ipagpatuloy na lamang
Ashtrid was having her lunch at school cafeteria when one of her students told her that someone was looking at her. How she wished na hindi ito isa sa mga magulang ng estudyante niya na nag-rereklamo sa mababang marka ng anak nito. As if naman may magagawa siya kung iyon ang lumabas sa computer system kahit anong gawin niyang adjustment sa score ng mga ito ay may babagsak at babagsak talaga. Hindi naman siya nagkulang sa pagtuturo at pabibigay ng mga key points para sa exam pero sadyang may mga tamad lang talaga. At sadyang may mga magulang talaga na akala mo ikamamatay ng mga anak nila ang mababang marka. Kung alam lang nila na hindi naman talaga sa grades na nasusukat ang lahat o magdidikta ng kapalaran ng mga anak nila. Maliit lamang ang Santa Catalina Academy, may tatlong building lamang doon na may tig-li-limang floor pero kompleto ito sa facilities. Kaunti lang din ang enrollees nila pero karamihan sa mga ito ay anak ng mayayaman sa lugar
Nich had an early flight to Seattle. He needed to visit their company site there and met some of the investors. Matagal na dapat siyang nakaalis kaso ay hindi niya kayang iwanan si Ashtrid na halatang iniiwasan siya. He wanted to have some serious discussion with her but she kept on avoiding his presence. Paano naman niya kakausapin ito kung maaga itong umaalis sa unit at kapag umuuwi naman siya ay naka-locked na ang kuwarto nito. He didn't want to lose her again. Natatakot siya na baka pag-uwi niya ay wala na ito sa unit at kailangan na naman niyan bulabugin si Torrence para ipa-locate ang babae. And he's fucking worried na baka muling mawala sa kanya ang babae, so he needed to monitor her as much as possible. Ngayon nga ay pinilit niya ang sarili na gumising ng mas maaga para maabutan ang dalaga na alam niya na nagluluto at nag-aalmusal sa kusina nila ng mga ganitong oras. "Give me your number," he
Nich's jaw tightened when he saw the picture of Ash inside the bar. The picture was sent by Torrence who he asked to look for Ash. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi niya magawang tawagan at i-message ang babae dahil tinatapos niyang pag-aralan ang mga reports ng kompanya sa Settle. Masyadong marami siyang kailangan na gawin lalo pa at magkakaroon sila ng extension.They were planning to extend the company in Singapore. Actually, it would take a month to study the extension of their company in Singapore. Pero nilalagari niya ang mga schedule n’ya para makauwi kaagad sa Pilipinas. Hanggang ngayon kasi ay inaayos pa rin niya ang gulo na ginawa ng mga magulang niya dati.He missed Ash. Gusto na niyang yakapin ang babae hindi na niya kakayanin ang isang buwan. Kaya ang dapat na isang buwan ay ginawa niyang two weeks. Kahit na halos wala siyang pahinga these past few days. Mabuti na lamang ay nakakuha siya n
Nich sighed as he looked at Lucy’s cute face. "Tsk, alright. Come here I'll hug you." Hinila niya ito patayo at niyakap. Agad nitong inilingkis ang mga kamay sa leeg niya saka walang pag-aalinlanagan na siniil ng h***k ang sabik niyang labi. Lalong nag-init ang kanyang katawan dahil sa ginawa nito. Buong puso niyang tinugon at mas pinalalim pa ang h***k. Mas hinapit pa niya ito papalapit sa kanya. Kumilos ito para tumayo at inilingkis ang mga hita sa beywang niya. Inilalayan niya ito habang ginagalugad ng dila niya ang mainit na loob ng bibig nito. Medyo nalalasahan pa niya ang mapait na alak na ininom nito. "Hmmm" Bumababa ang labi niya sa panga nito at bahagyang kinagat ang ibabang labi nito. He kissed her hungrily. He licked her earlobe down to her sexy collar bone. "N-nich" she moaned na mas nagpagana pa sa kanya. Muli niyang ibinalik ang labi sa masarap nitong mga labi.