Hindi bumaba ang lagnat ni Ashtrid kinagabihan. Pabalik-balik si Nich sa bathroom para palitan ang towel na binabad sa malamig na tubig na nakapatong sa noo ng dalaga para pababain ang temperatura nito. Nag-aalala niyang tinitigan ang mukha ni Ashtrid nang umungol ang babae. She looked so fragile yet beautiful.
Bumuntong hininga muna siya bago maingat na dinampian ng bimpo ang mga braso nito maging ang maamong mukha nito pababa sa makinis nitong leeg. He gulped when he reached her neck. Pinagpawisan siya ng hindi sinasadyang mailapat ang daliri sa mapang-akit na leeg nito. At nang akmang pupunasan na niya ang panga nito ay biglang nabuhay ang hindi dapat mabuhay sa ibaba niya nang bahagyang umungol ang babae.
Fucking shit! Mabilis niyang ibinaba ang bimpo sa plangganita at sinabunutan ang sarili.
‘Shit! Calm down man.’ This is not the right time.
Ipagpatuloy na lamang niya ang pagpupunas sa mukha nito, iniiwasang mapatingin nang matagal sa tila nang-aakit na leeg nito. Pero siya rin ang sumuko. Itinigil niya ang pagpupunas at marahang idinampi ang kamay sa buhok nito. He gently caressed her hair.
Maya-maya pa ay tila naalimpungatan ito at nanghihinang tumingin sa kanya. Sumulyap siya sa wall clock, kailangan na nitong uminom ng gamot. Inalalayan niya ito para masubuan ng lugaw at mapa-inom ng gamot. Bago umalis si Ayesha ay ipinagluto muna si Ashtrid ng lugaw at inihanda na ang mga kailangan nito. Ayaw pa nitong umuwi kaso mukhang may emergency dahil nagmamadaling umuwi matapos makatanggap ng tawag. Mabuti na lamang ininit niya ang lugaw kani-kanina. Matapos makasubo ng ilang kutsara at maka-inom ng gamot walang imik itong bumalik sa pagkakahiga.
"Sa-lamat," bulong nito. Wala pang ilang minuto ay mahimbing na muli itong nakatulog. Napangiti siya nang makitang malalim na ang paghinga nito.
Madaling araw na pero hindi pa rin s’ya makatulog. Pinagmasdan niya si Ash, natatakot siya na baka kapag lumingat siya ay mawala sa paningin niya ang babae. Hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya kapag nangyari iyon. Maya-maya, nagpabaling-baling ito na tila may tinatawag.
"No. Nick! Help me!" sigaw nito nang nakapikit pa rin. Bahagya n’yang hinawakan ang pisngi nito para tumigil sa pagbaling.
"Hey.” His voice was smooth and soothing. “Ash?" he whispered avoiding to freak out her.
Nabigla siya nang bigla ito umupo habang lumuluha. Agad niya ito hinawakan sa balikat sinusubukang pigilan ang panginginig ng katawan nito.
Fuck!
Mabilis ang naging reaksiyon niya sa patuloy na panginginig nito, hinawakan niya ang batok nito at hinila pasubsob sa d****b niya. Ramdam niya ang paghigpit ng yakap nito then he heard her cried.
"Don't leave me Nich pleaaase.” Hinagpis nito habang marahang binabayo ng kamay nito ang kanyang likod. Ramdam niya ang pamamasa ng t-shirt sa mga luha nito pero hindi niya iyon pinansin imbis ay mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa babae.
He held her tightly but gently. At parang biglang niyang naramdaman ang sakit na nararamdaman nito ngayon. He could feel her whole-body trembling. Hinaplos niya ang buhok nito.
"I won't leave you again, Baby. Never again." He must admit he liked the feeling of her having in his arms again. Hindi niya alam kung gaano katagal sila sa ganoong ayos. Hanggang naramdaman niyang bumibigat na ito.
"Hey..." he looked at her face. Nakatulog na ito.
Her eyes were closed and her lips were slightly opened. Napalunok siya saka inilayo ang paningin sa tila nang-aakit na mga labi nito. "You'll be fine now, Baby." And he gave her a light kiss.
Itinaas niya hanggang sa d****b nito ang kumot saka inayos ang gamit sa loob ng kuwarto. Nang kukunin na niya ang mangkok na may laman na lugaw ay napansin niya ang pag-ilaw ng phone ng dalaga. Kanina pa niya napapansin ang pag-ilaw niyon hindi nga lang niya pinag-abalahan dahil sa sitwasyon ni Ash kanina.
Agad na umahon ang pamilyar na emosyon sa kanyang d****b nang makita ang pangalan ng kanina pa nag-te-text sa babae. Sinulyapan muna niya si Ash bago muling matalim na titigan ang cellphone nito. Naghintay siya nang ilang segundo bago sinubukang hulaan ang password ng babae. He hopefully tried their anniversary but it didn’t work. Of course, alam niyang malabo talaga iyon ang maging password ni Ash. Nagbakasakali lang siya. He tried his birthday na kaagad ikinangiwi niya nang muling ‘forgot password’ ang lumabas. Then, he tried her birthday. Napangiti siya nang mabuksan iyon. Apat lamang ang laman ng inbox nito: 8080, AutoLoadMAX, Yesha at Rio na nangunguna sa inbox nito.
Rio
Kumain kna?
12:15 p.m.
Kaagad lumukot ang mukha niya sa message ng binate. Hanep rin ang lalaki na ito. Daig pa ang teenager kung magtanong. He hissed on his mind.
“Kumain kana?” pinatinis niya ang boses habang binabasa ang text nito. “Pweh!” He hissed again. Gustong-gusto niyang burahin ang numero nito at mga messages pero alam niyang wala siyang karapatan na gawin iyon lalo pa’t alam niya kung gaano kahalaga si Mabini kay Ayesha.
Rio
Ash? Y R u not picking up my calls?
2:40 p.m.
Rio
Hey? U okay? Sory now lang sa amin naibalik yung phone Received your text last time. Lumipat ka na ba kay Singkit? Or U ned 2 use my unit? Wala namang gumagamit non.
3:57 p.m.
Pssh, need your unit? Your face!
Rio
Hey, pm or call me asap ned nmin surnder yng phone see yah soon. Pkamusta si singkit.
6:35 p.m.
Kahit ‘wag ka nang bumalik. See yah. See yah pang nalalaman. Pweeh! At sino bang singkit iyon? May iba pa ba silang kaibigan? Teka…Bakit hindi niya kilala ang singkit na iyon? Gago talagang Adolfo iyon matapos makuha ang pera ko tumakas na. Ni walang matinong report.
Ipinilig niya ang ulo saka napipikon na binalik ang cellphone ni Ash sa side table. Wala siyang magagawa kung si Rio ang piliin ni Ash kaysa sa kanya. Ni hindi pa nga siya nakakahingi ng tawad sa babae sa nangyari dati. Back to square one siya o mas malala pa dahil galit sa kanya ito. Malaki ang naging epekto nang kagaguhan na ginawa niya noon dito.
Muli niyang sinulyapan ang babae bago tuluyan nang lumabas sa kuwarto nito. Nanghihina na inilapat niya ang likod sa sofa sa sala bago tumitig sa kisame habang inaalala ang nakaraan. Kahit anong gawin niya hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan. Kung naging matapang lamang siguro siya noon hindi na kailangan pang maghirap ng dalaga. Malaki ang kasalanan niya rito at hindi niya kailanman makakalimutan ang mukha nito nang hiwalayan niya ito. Iyong luha…sakit at mga salita nito na hindi na maalis pa sa isip niya. Hanggang ngayon hindi niya mapatawad ang sarili sa pagkakamali na ginawa niya noon.
Kinabukasan, magaan ang naging gising ni Ash, para siyang isang linggong nakatulog sa gaan ng pakiramdam. Pilit niyang inalala ang nangyari kahapon. Only bits of memory scattered on her tired mind. Mamaya na niya alalahanin kung anong nangyari kahapon ang mahalaga ay nakalayo siya sa lalaking manyak na iyon. She mentally made a note for her to call Yesha. Kailangan niyang balaan ang kaibigan tungkol sa maniac nitong boyfriend. Dahan-dahan siyang bumangon at nagtaka nang makitang nakabukas ang pintuan ng kuwarto niya. Hindi na niya iyon pinansin imbis ay tumuloy sa bathroom at nag-ayos na.
She was about to go in the kitchen when she saw Nich sleeping uncomfortably in the sofa. Magulo ang buhok nito, halata rin ang itim sa ilalim ng mga mata, she also noticed the discomfort in his face dahil na rin siguro pagkakabaluktot nito sa sofa. But he looked dashingly handsome though mukhang kulang ito sa tulog. Hindi siya nakatiis at muling bumalik sa kuwarto para kunin ang kumot niya. She tucked it carefully to Nich's body afraid that the man might woke up. Then, she headed at the kitchen to cook.
Kasalukuyang nagluluto siya ng pagkain nang matanaw si Nich na kinukusot pa ang mga mata. Inaantok itong umupo sa lamesa at tiningnan ang mga nakahain na pagkain. Magulo ang buhok nito at halata ang pangingitim ng eyebags. Gayunpaman hindi naman nakabawas iyon ng kagwapuhan nito.
"Anong nangyari sayo?" hindi makatiis na tanong niya. Bahagya pa siyang natigilan dahil sa paraan ng pagsasalita niya. Hindi niya alam pero parang biglang may nag-iba sa kanya simula kagabi. Parang may ilang kilong bigat ang nawala sa kanyang puso. She didn’t know what happened but she was thankful dahil ibig sabihin lang niyon ay maari pa rin niyang maibalik ang dating siya.
Alam niya na maging ito ay natigilan sa pagtatanong niya. "Wala" nakasimangot na sagot nito. Kibit-balikat na binalikan na lamang niya ang pinipritong bacon.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo para magluto?" tanong ni Nich.
"Oo naman. Ikaw bakit hindi ka pumasok?" aniya habang abala sa paglalagay sa baunan ng pagkain. Babaunin niya ito mamaya sa school para makatipid siya mamayang lunch. Mabuti na lamang talaga at maaga siyang nagising para mag-ayos. May klase na kasi siya mamayang 10 am, nakapagpa-alam na rin siya na ma-la-late siya ng pasok. May dalawang oras pa siya para magbihis at umalis.
"May inalagaan ako." Ani nito habang nilalantakan ang ilang nakahain sa lamesa.
Tiinapik niya ang kamay nito. "Ano ba? Huwag mong pakealaman ang baon ko. Alam mo iy—"
Natigilan siya nang makita ang nakasimangot na mukha ng lalaki. Mariin niya itong tinitigan. Naglaway siya nang mapansin ang bakat na mga abs nito sa suot na white sando. Maging ang mga biceps nito ay hitik na hitik na tila handa nang anihin at kainin.
Naudlot ang paglalaway n’ya sa guwapong lalaki na nakabusangot nang mag-angat ng tingin ito at titigan siya. Mabilis s’yang nagbaba ng tingin at muling bumalik sa ginagawa.
"Hmm" nilingon ulit niya ang lalaki na kasalukuyang nilalantakan ang mga pagkain sa baunan na inihanda niya.
"Stop it. Nich, ang kulit mo." Pinukol niya ito ng masamang tingin pero binalewala lang siya nito.
"Aist! why did you eat it?" she hissed while Nich devoured the food on the lunch box. Masamang tingin na inagaw niya sa harapan nito ang baunan.
"There's a left over in the pan. Mag-sandok ka doon." Iniwan niya si Nich na nag-aalburoto sa harapan ng lamesa. Wala sa sariling napangiti siya habang papasok sa kuwarto. Gaano man katagal ang panahon na lumipas hindi pa rin niya maipagkaka-ila na gwapo pa rin ang lalaki. Na kahit na ano man ang mangyari mananatili ang binata sa puso niya.
///
The Beginning of their Love Story -Nich POV “Nich, pare sino ba ang tinitigan mo d’yan?” iniiwas ni Nich ang tingin sa babaeng kanina pa niya tinititigan nang tapikin siya ni Torence sa balikat. “Huwag ka ngang maingay diyan. Mamaya palayasin tayo ni Ms. Toledo ang sungit pa naman noon.” Tukoy niya sa sa masungit na librarian. Nasa loob sila ng library. Hindi nga niya alam kung anong pumasok sa isip niya kung bakit niya niyaya itong gagong kaibigan sa library. Sabagay wala naman kasi siyang ibang mahihigit dahil wala sila Craig at Cllive na maagang umuwi. So, no choice kung hindi pagtyagaan niya ang isang ito. “Tsk! Ano ba kasi ang trip mo at bakit dito pa tayo tumambay hindi mo naman binabasa iyang libro na iyang hawak mo.” reklamo nito sa kanya. He just gave h
S "Congratulations, Ija.” Maluha-luhang bati kay Ash ng kanyang Auntie Tess. Two weeks ago, ay sinurprisesa siya ni Nich nang ipakilala siya kay Auntie Tess, isa sa natitirang kamag-anak ng namayapa niyang nanay. Hindi niya alam kung paano nahanap ng asawa si Auntie Tess pero maluha-luha siya nitong niyakap. Matapos ikwento na matagal na siya nitong hinahanap. Napalayo kasi ang Aunti Tess niya sa kanyang ina matapos makapag-asawa ng amerikano. Kaso hindi naging maganda ang pagsasama ng dalawa dahil sinasaktan ang tita niya at ilang buwan na ikinulong sa bahay nito sa Amerika. Mabuti na lamang ay may tumulong sa tiyahin niya kaya nakatakas ito mula sa sadistang asawa. At simula nga noon ay hinanap na siya nito nang malaman na namayapa na ang kanyang mga magulang. “Salamat po, Auntie.” aniya saka niyakap ang tiyahin. “No. No. No. Ash, stop crying masisira ang make-up mo.” saway
Ash was hugging Jenny who was now crying on her shoulder. Nasa gilid si Nich at tahimik na pinapanuod lamang sila. Hinintay muna nila ni Nich na maalis ang benda sa mga mata ni Jenny bago siya sinamahan sa hospital para makausap at mabisita ang babae. As soon as Jenny heard her voice Jenny broke out.Umiyak nang umiyak ito habang nanginginig na humihingi ng tawad sa kanya at kay Nich. Nich remained silent at her side. Hinayaan nitong mag-usap sila ni Jenny. Alalang-alala si Jenny para sa kalagayan ng bata sa sinapupunan niya saka ito kumalma nang sabihin niyang maayos ang bata.Dahil sa ilang pirasong bubog na nakapasok sa mga mata ni Jenny ay sumailalim ito sa operasyon. Naging successful ang operasyon kaso mananatili ang malabong paningin nito dahil sa nangyari pero masaya pa rin sila na hindi ito tuluyang nabulag.Clive's dad said that Jenny would only have to wear an eyeglass to correct her vision.
READ AT YOUR RISK! RATED-18For the whole three weeks, Ash had been at their home and would not allow to go outside. Noonguna ay naiintindihan niya ang pag-aalala ni Nich sa kanya kaso nitong mga nakaraang araw ay hindi na niya talaga matiis na maiinis sa asawa niya. Nich was over acting to her condition na kung tutuusin ay okay naman. She’s more than okay actually.Magaling na ang mga sugat niya maging ang benda sa ulo ay maayos na na-alis na rin ni Clive. Clive also gave her an ointment for the scars left in her skin. Nakakapaglakad naman siya. In fact, she could take care of herself but Nich was acting like she’s kind of a baby. And she was pissed about it. Hindi naman kasi siya sanay na tratuhin siyang tila sanggol na kulang na lamang ay samahan siya nito sa bathroom. Well, he did it once but they ended up having a sexy make out inside.Sa loob rin ng tatlong linggo ay hindi siya sumusuk
Hours passed at halos mabaliw na si Nich kakaisip kung nasaan na ang asawa niya. He was with Torrence who was driving his Bugatti. Kanina pa niya tinatawagan ang cellphone ni Ash at maging ni Jenny pero walang sumasagot. He could feel his frustration. He was so afraid for her wife lalo na't buntis ito.Malakas niyang sinuntok ang gilid ng kotse. "Fuck it! I'm gonna kill her if something happened to my baby.""Calm down, man." Pagpapakalma sa kanya ni Torence."She's pregnant man. Buntis ang asawa ko. B-Ba-ka... T*ngina!" Parang nababaliw na wika niya.Dalawang oras pa at halos nalibot na nila ang buong mall kung saan na-traced ni Spencer sina Ash pero hindi parin niya nakikita ang dalawa. Maya-maya ay tumawag sa kanya si Alastair agad niyang sinagot iyon."I already got her location. I already sent my men there. Dumiretso na kayo sa Sinclair's hospital." Nanginig si
It was at noon when Torrence and Spencer barged in Nich’s office. Prenteng umupo ang dalawa sa sofa malapit sa office table niya. Kanina pa natapos ang meeting niya kaya ngayon ay tambak na paper works naman ang binigyan niya ng atensyon. Natambakan na rin kasi siya ng trabaho dahil ilang linggo siyang nag-leave dahil sa asawa niya.Tumayo si Nich mula sa upuan at hinarap ang dalawa na seryoso ang mga mukha. So, he already knew that somethings off.“What is it?” he asked.“We already did a chitchat to them.” May inihagis na envelope sa kanya si Spencer.Nakita niya ang litrato ni De Leon. Kumunot ang noo niya nang makita ang puro pasa at dugong mukha ng lalaki sa huling litrato na hawak niya. Nagtatanong na tumingin siya sa dalawang kaharap.“What!?” panabay na sagot ng dalawa. Iniharap niya sa mukha ng dalawa