Share

Chapter 2

“Daddy, please... don’t do this to me,” umiiyak kong makaawa sa aking ama na ngayon ay wala ng katiting na awa para sa akin.

Sinundan ko siya at dito ko siya sa library natgpuan.

Umiling siya at matigas pa rin ang tingin niya sa akin. Binalik niya ulit ang tingin sa kaniyang laptop.

“This is for your own good. Mag-impake ka na roon. And be presentable tomorrow morning-”

“No! I won’t be going anywhere! Hindi ako aalis dito!” I stubbornly said.

This is so scary. Iniisip ko pa lang na magpapakasal ako sa taong katulad ni Amancio ay kinikilabutan na ako. Mas mabuti sana kung si Marcellus ang ikakasal sa ‘kin ay ayos lang. Pero si Amancio? Hindi ko ‘yon matatanggap.

“Hindi na magbabago ang isip ko, Saziana. Whether you like it or not, doon ka na titira sa mansion ni Amancio. Your marriage will take place right after your graduation in college. And for the meantime, doon ka muna titira sa kaniya. Marami siyang body guards na ipapabantay sa ‘yo everytime you are at university. Siya ang maghahatid at magsusundo sa ‘yo. Kailangan mong tanggapin ang pagbabagong ito, Iana. And remember, you are not allowed to cheat to your future husband. Respect him,” kalmadong sabi ni Daddy habang ako naman ay napaawang na ang mga labi at hindi makapaniwala na magagawa ito sa akin ng sarili kong ama.

Tumulo ang luha ko habang tinitingnan si Daddy na wala nang pakialam sa akin ngayon.

“Dad please... don’t do this to me. Don’t ruin my life,” umiiling na sabi ko habang umiiyak.

Bumuntong hininga siya at humalukipkip.

Shit. Sa ekspresyon ni Daddy ngayon, alam kong hindi ko na magawang baliin ang kaniyang desisyon.

“You are the one who’s ruining your life, Iana. And I am just helping you to rectify it-”

“And you think magiging maayos ang buhay ko kapag ikakasal mo ako sa taong hindi ko mahal? You’re just making my life miserable, dad! That’s bullshit!” sigaw ko.

Ngayon ay bumalik na ang galit sa kaniyang mga mata. Nagalit ko siyang muli. And it satisfies me! I want to stress him out until he is going to give this up!

“Hindi mahirap pakisamahan si Amancio. He’s principled man, kind and very succesful. Mga katulad niya ang dapat mong ginagawang boyfriend. And who knows, right? If you got to know him more, you will fall inlove with him eventuall-”

“That’s not going to happen, Dad. He’s so out of my league! He’s fucking old!”

“What are you talking about? He’s only twenty-nine-”

“And I am eighteen!”

“It doesn’t matter,” sagot niya at bumuntong hininga, “Sige na. Mag-impake ka na roon. Amancio will fetch you tommorow.” Binalik niyang muli ang atensyon sa kaniyang laptop.

Lumubog ang puso ko sa pagkadismaya.

Nagmamakaawa ko siyang tiningnan.

“Dad, c’mon. Magbabago na po ako-”

Sa kalagitnaan pa lang ng sinasabi ko ay umiling na siya. Mas lalo akong nadismaya dahil alam ko kung bakit ganoon ang reaksyon niya.

“I’m not buying that anymore, Iana. Hindi mo na ‘ko maloloko ngayon. Go now and prepare yourself for tommorow,” matigas niyang sinabi.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang tinitingnan siya. Dammit! I can’t believe this. Gustong-gusto ko pang magmura at magsumigaw ngunit alam kong useless pa rin ang lahat.

Sa huli, hindi na ako nagsalita pa at mabilis nang tinalikuran si Daddy. Sobrang bigat ng nararamdaman ko habang nagbibihis sa loob ng aking walk-in-closet.

Hinding-hindi sila magtatagumpay sa desisyon nilang ito. Isa sa mga pinakaayaw ko sa lahat ay ang kinokontrol ang buhay ko. I will decide for myself. Ako ang magdedesisyon kung sino ang papakasalanan ko. Habang buhay akong magdurusa kung susundin ko ang kagustuhan ni Daddy at hindi ko hahayaang mangyari iyon.

Iitim na longsleeve, jeans at sneakers ang suot ko nanag lumabas ako ng aking kwarto. Tanging sling bag ko lang ang dala ko. Hindi na ako nagdala pa ng maleta dahil alam kong perwisyo lang iyon.

“Hija, where are you going?” Tumayo si Mommy galing sa pagkakaupo sa couch sa sala.

May kaba at alarma ang kaniyang mukha habang tinitingnan ako.

Napalunok ako at nag-isip ng sasabihin.

“Kina Pauline,” I lied.

Sana ay maniniwala si Mommy roon kahit na alam niyang hindi talaga kami close ng malditang pinsan kong iyon.

“Ngayong gabi?” nagtatakhang tanong ni Mommy.

Tumango ako, “O-Oo, mom.”

Nag-aalinlangan pang tumango si Mommy. At bago pa siya makapagsalita ay nagpaalam na ako.

“Alis na po ako,” sabi ko at tinalikuran siya.

Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ng mansion ay narinig ko na ang boses ni Daddy na kakababa lang doon.

“Where is she going?” dinig kong tanong niya.

“Pauline daw...” sagot ni Mommy.

Mabilis kong binuksan ang maindoor at lumabas na roon ngunit tinawag na ako ni Daddy.

“Saziana where are you going? Don’t you ever leave!” banta niya.

Umirap ako at halos tinakbo na ang distansya sa aking sasakyan. Pumasok ako at pinaharurot agad iyon palabas ng parking lot.

“What the fuck! Open the gate!” sigaw ko sa loob nang napansing inutusan ni Daddy ang guard na hindi ako pagbuksan.

Nakita ko sa rearview mirror ang mabilis na lakad ni Daddy palapit sa sasakyan ko. Okay, they are really testing my patience.

Walang pag-alinlangan kong tinapakan ng malakas ang gas at binangga ang nakasaradong gate. Luckily, nasira ko iyon. Ngunit sigurado akong nasira rin ang ulo ng aking sasakyan. Ngunit wala na akong pakialam.

Pinaharurot ko agad ang sasakyan palabas ng village.

Maingay agad na tumunog ang aking cellphone at alam kong si Daddy o Mommy iyon. I ignored my phone and focus on my driving. Hindi ko alam kung tama ang desisyon kong pumunta ng Manila at magtago roon pero alam kong maraming paraan kaya wala dapat akong ipangamba.

“Dammit!”

Napamura ako nang malakas nang sa kalagitnaan ng pagmamaneho at pag-iisip ko ng plano ay may apat na sasakyan na ang tumigil at humarang sa akin. Hindi ako pamilyar sa mga sasakyang iyon kaya hindi iyon mga tauhan ni Daddy. May ideyang pumasok sa isipan ko ngunit hindi ako sigurado roon.

“What the heck are you doing!?” iritadong sigaw ko kahit na alam kong hindi nila ako naririnig.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang lumabas ang mga unipormadong mga lalaki sa mga sasakyang iyon at patakbong nilapitan ang aking sasakyan. Nagtiim bagang ako at mabilis na minaubra ang sasakyan para iliko iyon at bumalik sa dinaanan ko kanina.

Malaki ang chance na matatakasan ko sila dahil halos wala nang ibang sasakyang dumadaan sa parteng ito ng kalsada. Ngunit tumigil ang mundo ko nang nakitang na-corner na nila ako. Marami ring sasakyang itim ang nakatigil at nakaharang sa likuran ko kaya wala na akong palag ngayon. Ang natitirang pag-asa ko na lang para hindi nila ako madakip ay tumalon sa bangin sa gilid ko.

Malakas ulit na mura ang pinakawalan ko at hinampas ng malakas ang manibela. Nahihingal ako at muling napatingin sa kanilang nilapitan na ang aking sasakyan. Ngunit ang tanging nakakuha ng aking atensyon ay ang isang lalaking kakalabas lang ng isang kulay itim at mas mamahaling sportscar.

He’s wearing a formal business attire. Pamilyar na pamilyar ang kaniyang tangkad, body built, kilos, aura at mukha. Nang natitigan ko siyang mabuti ay nalaglag ang panga ko nang natantong si Amancio iyon.

What the... hell?

Anong ibig sabihin nito? Is he going to take me now! Oh fuck!

Kumalabog ang puso ko sa kaba at mabilis na lumabas ng sasakyan. Sinalubong ako nang malakas na hangin. Naalarma ang mga tauhan niya at mabilis akong nilapitan. Ngunit bago pa nila ako mahawakan ay tumakbo na ako malapit sa bangin at tumayo malapit sa dulo no’n. Bumilis ang tibok ng puso ko sa nyerbos nang hinarap ko silang lahat na natigilan sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit wala man lang harang sa parteng ito ng kalsada ngunit pabor ito sa akin ngayon.

KIta ko ang gulat sa mga mata ni Amancio habang tinitingnan ako.

“Sige lumapit kayo! Tatalon ako!” sigaw ko sa kanilang lahat kaya mas lalo silang nag-alinlangan na lapitan ako.

Nakita ko ang pag-igting ng bagang ni Amancio habang madilim ang tingin sa akin. He’s been like that even before. There’s really something on him that I hate so much. Hindi ko alam kung sa aura niya ba o dahil sobrang layo niya lang talaga sa standard ko sa mga lalaking gusto ko.

Nakita kong sinenyasan niya ang mga tauhan niya kaya umatras naman ang mga ito maliban sa kaniya na titig na titig sa akin. Bumuntong hininga siya at unti-unting lumapit sa akin.

“Don’t!” I warned him but he seemed so unbothered by it,” I said you don’t come near me or I’ll jump! Are you fucking deaf!?” iritado kong sigaw.

Tumigil siya sa paglalakad ngunit halos abot kamay niya na ako kaya kinabahan ako na baka bigla niya akong hilahin.

“Why are you doing this?” kalmadong tanong niya sa baritonong boses.

Kumulo ang dugo ko sa kaniya.

“You asshole. Ba’t ka pumayag na magpakasal sa akin?” galit na tanong ko.

Kalaunan ay ngumisi ako nang naalala ang mga panahon na nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin sa tuwing dumadalo kami sa mga party nina Daddy at naroon din siya.

Gumalaw ang kaniyang panga at nanatili pa rin siyang kalmado.

“I don’t like the decision of our parents either. But I was left with no choice-”

“You will always have a choice!” halos manggalaiti kong sigaw, “Hinding-hindi mamimilit si Daddy if you disagreed to his damn fucking offer! Siguro ay hindi ka talaga tumanggi at pumayag ka agad kasi may gusto ka sa ‘kin kaya pabor sa ‘yo na ikasal ako sa ‘yo!”

Mas lalong kumulo ang dugo ko nang tumitig lang siya sa akin. Bumuntong hininga siya at nilahad ang kamay niya sa akin.

“Come here. We’ll talk about that,” malambing niyang sinabi ngunit umiling ako.

“Sige, subukan mong lumapit para hindi na matutuloy ang kasal nating dalawa,” banta ko at ngumisi.

Tumigil siya sa paglapit sa akin at mariin akong tiningnan. Hindi ko alam pero naiinis ako sa kaniyang reaksyon.

Bumuntong-hininga siya at tumingin sa bangin sa likod ko.

“You saw that? You’ll kill yourself just for a petty reason?” aniya.

Lumingon ako sa aking likuran at biglang nangilabot sa taas nito at sa mga naglalakihang mga bato na parang naghihintay sa akin sa ilalim. Napalunok ako sa kaba.

Ngunit pinagsisihan ko agad ang ginawa ko dahil bago pa ako lumingon kay Amancio ay nakalapit na siya sa akin. Mabilis niyang hinaklit ang aking beywang para buhatin ako.

“Amancio! Put me fucking down!” nagpumiglas ako at sinasampal ang kaniyang mukha ngunit umiilag siya sa akin.

Halos manghina ako nang nalanghap ang kaniyang bango. Hindi siya nagsalita at narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan.

“No! Hindi ako sasama sa ‘yo! Bitawan mo ‘ko, Amancio!” halos mamaos kong sigaw at patuloy na sinusuntok ang kaniyang mukha ngunit tingin ko ay hindi man lang siya nasasaktan doon.

“I’m sorry. I have to do this,” marahan niyang sinabi at bago ko pa siya mamura ay may naramdaman na akong karayom na itinusok sa aking balikat.

Mas lalo akong kinabahan nang natanto kung ano iyon. Naging mabilis ang pangyayari. Dahil mga ilang sandali lang ay unti-unti na akong nawalan ng lakas hanggang sa nanghina na rin ang talukap ng aking mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status