Share

Chapter 3

Unti-unting nagmulat ang mga mata ko nang nagising ako mula sa mahimbing na tulog. Mga ilang buntong-hininga pa bago ko napagtantong may kakaiba sa mga nalalanghap at nakikita ko sa paligid.

Agarang nanlaki ang mga mata ko nang may naalala. Bumalikwas ako ng bangon at kabadong tiningnan ang paligid.

“Oh my god!” bulalas ko at mabilis na tiningnan ang sarili.

Nalaglag ang panga ko nang nakitang maninipis na ternong lingerie na ang suot-suot ko ngayon na alam kong hindi ito ang huling suot kong damit noong umalis ako ng bahay.

“Amancio!” malakas na sigaw ko nang tuluyang naproseso ng utak ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay.

Unti-unting lumukob ang galit at kaba sa aking sistema nang napagtantong t-in-raydor ako ng mga magulang ko at walang awang pinaubaya sa lalaki na ‘to.

Hindi ko alam kung mga ilang oras o araw na ang nagdaan. Ngunit sigurado akong wala na ako sa bahay ngayon. This is not my room!

All I could smell was a manly scent that circulates around. Maging ang kulay at design ng interior ay halatang panlalaki rin.

Mga ilang segundo pa bago ako tuluyang bumangon at umalis sa malapad na kama. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri nang tumama ang mumunting sinag ng araw sa aking balat na sumisilip sa pagitan ng mga kurtina. It’s the morning sun.

Sa gitna ng nararamdaman kong galit ay hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkamangha habang sinusuyod ng tingin ang buong kwarto.

Halos lahat ng mga nakikita kong furnitures at materyales sa loob ay halatang mamahalin. Don’t get me wrong, mayaman din ang pamilya namin. My dad is a business tycon. Our business has the potential to generate millions of pesos within a single day. Bagay na ipinagmamalaki ko. Ngunit ngayon, habang nakatayo sa mamahaling muwebles sa loob ng kwartong ito ay pakiramdam ko walang-wala ang yaman namin kumpara sa yaman ni Amancio. Dellanos are well-known globally. Walang miyembro sa pamilya nila ang hindi bilyonaryo. All of them has their own businesses.

Pero alam ng lahat ng mga tao na si Amancio ang pinakamayaman sa lahat ng mga Dellano. He is a resort industry tycoon, with an extensive network of resorts spanning multiple nations that generate billions in just a minute or even second. He’s the CEO of Magnate Haven Resorts. Hindi niya minana sa kaniyang angkan ang company na ‘yon. Siya mismo ang nagbuo no’n. It was the fruit of his own blood and sweat! Ganoon ka successful si Amancio. Kaya naiintindihan ko kung bakit pabor sa kanila ni daddy na matali ako sa lalaking ito! Hindi lang ako mas lalong yayaman dito kung sakali, pati sila. Malaking contribution ito sa sarili naming business.

Sa kasamang palad, hindi ako sang-ayun sa sitwasyong ito. I’m a spoiled brat, pero hinding-hindi ko kayang sikmurahin ang katotohanang ikakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal! That’s a crime!

Sa kalagitnaan ng pagtitingin ko sa malaking diamond na nakadisplay sa shelf ay biglang bumukas ang pintuan ng banyo. It was Amancio!

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha. Ngunit imbes na sigawan ko siya at murahin ay mga ilang sandali akong na-distract sa kaniyang anyo. Puting towel lang ang tanging nakatakip sa kaniyang katawan kaya kitang-kita ang mga muscles niyang umiigting sa bawat galaw niya. Madramang pumapatak ang mga butil ng tubig galing sa kaniyang buhok, leeg, dibdib at abs na halos ikalunok ko ng laway.

Ngunit noong bumalik ang huwsiyo ko ay agarang kumulo ang aking dugo at dinampot ang diamond para ibato iyon sa kaniya.

“You f*cking assh*ole! You kidn*pper!” sigaw ko.

Mas lalo akong nainis nang naiwasan niya ang diamond na binato ko.

“What the f*ck, Iana! Stop that!” aniya at mabilis akong nilapitan para igapos ang aking magkabilang kamay.

Langhap na langhap ko ang bango niya nang halos hagkan niya ang katawan ko para pigilan ako sa pagbabato sa kaniya ng mga diamond na naroon sa kaniyang shelf.

Pumiglas ako at sinubukan ko siyang sikuhin ngunit nahawakan niya agad ang kamay ko.

“Iana, stop-”

“No! Bakit mo ako dinala rito?! F*ck you, Amancio! Hinding-hindi ako magpapakasal sa ‘yo! Bitawan mo ‘ko! Ilabas mo ‘ko dito!”

Patuloy ang pagpiglas ko ngunit dahil sa katawan at lakas ni Amancio, halos hindi ko na tuluyang magalaw ang katawan ko.

Bumuntong hininga siya at mahinahon akong tiningnan.

“You were planning to flee. At saan ka pupunta kahapon? I’m just helping your parents, Iana-”

“D*mmit! Ano namang pakialam mo kung gusto kong lumayas?! Hindi mo ba naiintindihan?! I don’t love you, Amancio! Ni kahit katiting ay wala akong pagtingin sa ‘yo! I don’t want you to be my husband! Maghanap ka ng ibang babae na pakakasalan mo! Hindi ako interesado sa ‘yo! Ilabas mo ko dito!” nanggagalaiti kong sigaw sa mukha niya.

Dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata dahil sa mga salitang sinabi ko. Umigting ang kaniyang panga habang mataman akong tinitigan. Gumalaw ang kaniyang adam’s apple nang lumunok siya.

“Alright. I know that. Alam kong ayaw mo sa ‘kin. Alam kong hindi mo ako gusto. Alam kong ayaw mo sa pagkatao ko. I already know that. Hindi mo na kailangang isigaw ‘yon sa ‘kin,” malamig na sinabi niya ngunit halos mahimigan ko ang pait sa kaniyang tono habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-guilty roon. But why would I? Kasabwat siya nina daddy dito kaya dapat lang na pati siya ay makatikim ng galit ko. And he’s to blame! Alam niya naman palang hindi ko siya gusto pero bakit siya pumayag sa kagustuhan ni daddy? I thought he’s a principled man?

“O-Oh, alam mo naman pala! Bakit ka pa pumayag na maikasal tayong dalawa? Ano? Ganiyan ka na ba kabaliw sa’ kin at nagawa mong pumayag kahit na alam mong hindi ko naman kayang suklian ang pag-”

“I want us to talk about this. Kaya kita dinala dito-”

“Para saan pa? Wala na dapat tayong pag-usapan, Amancio! Tumanggi ka lang sa plano ng mga magulang natin at matatapos na ang lahat! Wala silang magagawa kapag tayo mismong dalawa ang umayaw!” nanggagalaiti ulit na sigaw ko.

Ngunit umiling lang siya sa ‘kin.

“Desidido ang mga magulang ko tungkol dito, Iana, at ganoon din ang mga magulang mo. This is to discipline you, you’re having an unhealthy habit, you were making out with random guys almost everyday. This has to stop. You’re tainting your parents’ reputation,” aniya sa tonong dismayado.

“Ano ngayon? I already told my parents na magbabago ako, Amancio!” bulyaw ko ngunit tumaas lang ang kilay niya sa akin.

“Ilang beses mo na ‘yang sinabi sa mga magulang mo? Ginawa mo ba?” nanunuya niya akong tiningnan habang nakataas ang gilid ng labi, “See? You’re a liar too. You really have to be disciplined.”

Bago pa ako makapagsalita ay nagpatuloy siya.

“At your age, hindi kita masisisi kung masyado ka nang kuryuso tungkol sa s*x, Iana. But it’s unhealthy to do it with ramdom guys in your school. Paano kapag may sakit pala ang mga ‘yon? Alam mo ba kung gaano kadelikado ‘yon?” matigas na sabi niya.

“Makikipag-s*x ako sa kung sino ang gusto ko, Amancio, at wala ka nang pakialam do’n! At anong unhealthy? We’re using c*ndoms!” sigaw ko.

“Still, you have to stop. Hindi normal na ginagawa mo ‘yon sa kung sino-sino lang. Well, wala namang problema kapag araw-arawin mo, basta sa iisang tao mo lang ginagawa ‘yon,” ngumisi pa ang g*go.

“At talagang umaasa ka na makikipag s*x ako sa ‘yo? Mandiri ka nga sa sarili mo, Amancio! Hindi ako kailanman papatol sa ‘yo kaya asa ka na matikaman mo ‘ko!”

“I didn’t say anything. Hindi ko sinabi na sa ‘kin mo gawin ‘yon. But, for you to know, ako palagi ang makakasama mo rito sa mansion kaya sino pa ang pwede mong lapitan kapag gustong-gusto mo nang magparaos?” halakhak niya.

Nag-init ang pisngi ko sa galit kaya muli akong pumiglas mula sa pagkakahawak niya para muli siyang sampalin ngunit lalo niya lang hinihigpitan iyon habang nanatiling nakangisi.

“T*ngina mo, Amancio! Bitawan mo ‘ko!”

“Not if you stop throwing my diamonds. Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga ‘yan? Sige ka, mas lalo kitang ikukulong dito kapag nabasag mo ang lahat ng ‘yan,” humalakhak siya ngunit binitawan din naman ako kalaunan para tumalikod.

Bago ko pa siya muling mabigwasan ay nakapasok na siya sa loob ng walk in closet kaya naiwan ako roong nahihingal at nagpupuyos sa galit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status