Share

Chapter 4

"You assh*ole! Bakit dito mo ako dinala sa kwarto mo? Anong ginawa mo sa 'kin? Nasaan ang mga damit ko?!" galit na sigaw ko nang napagtanto iyon.

Mabilis ko siyang sinundan sa loob ng kaniyang walk in closet sapagkat hindi niya naman sinarado iyon. Kaya noong nakapasok na ako ay halos mabulunan ako sa sarili kong laway nang naabutan ko siyang h*bo't hubad at aambang magsusuot ng boxer bri*f.

"What are you doing here?!" gulat na tanong niya nang tuluyan nang nausot iyon.

Binalewala ko iyon at mas lalo kong kinapalan ang mukha ko.

"Bakit dito mo ako dinala sa kwarto mo? Anong ginawa mo sa akin? Bakit ganito na ang suot ko? Hinubaran mo ba ako kagabi?" galit na tanong ko at halos sugurin siya.

Bumuntong hininga siya at isang beses na pinasadahan ng mga daliri ang kaniyang mamasang buhok bago nakapamaywang na tinignan ako.

Muling lumakbay ang paningin ko sa kaniyang katawan. Hindi ko alam kung bakit nadisistract ako tuwing bumabalandara iyon sa harapan ko. I admit it, he's freaking hot. Sobrang perpekto ng pagkakaukit at nadedepina ng husto ang mga muscles niya, na halos wala akong maisip na imaheng kayang tapatan ang maganda niyang katawan. Hindi maipagkakailang pinaboran ng husto si Amancio sa pisikal na anyo.

"Ang mga housemaid kagabi ang nag-asikaso sa 'yo. I was in my office the whole night. You have nothing to worry about. Hindi kita sinilip. I am not that kind of person, Iana," malamig na sinabi niya at muli akong tinalikuran para kumuha ng masusuot na damit.

"At bakit sa kwarto mo pa? Sa laki ng mansion mo imposible naman siguro na wala kang guestrooms dito? Siguro nasanay ka nang sa kwarto mo palagi dinadala ang mga babae mo kaya pati ako dito mo rin dinala!" inis na paratang ko.

"Wala akong babaeng dinadala rito. You can ask our maids if you're doubting it," aniya at muli akong hinarap. "Pinapaayos ko pa ang kwarto mo sa kabila kaya dito muna kita pinatulog kagabi. Pwede ka nang lumipat mamaya sa kwarto mo kung gusto mo."

Kalmado lang siya sa pagsasalita na para bang dito talaga ako titira. Wow, naman. Talaga lang, huh.

"Amancio-"

"Sa baba na tayo mag-usap, Iana. Let me change first," aniya at muli akong tinalikuran.

Aba't siya pa talaga ang ganang mag sinuplado ngayon?

Kahit na gustong-gusto ko muling sumabog at magsumigaw ay kinimkim ko ang lahat ng emosyon ko at mabilis na siyang iniwan doon para lumabas ng kaniyang kwarto.

Hindi ko na pinansin ang nakakamanghang ganda ng interior design ng mansion noong nakalabas na ako ng kwarto at bumababa sa magarbong hagdanan.

But then, I failed. Dahil noong tuluyan na akong nakababa ay nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung gaano kalinis at kalawak ang living area ng mansion. Lahat ng natatapakan ko ay gawa sa mamahaling marble. Kung titigang mabuti ay mayroong gold veins na makikita sa marbles. And everything was obviously premium. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng kastilyo ngunit ang kaibihan lang ay moderno ang mga materyales na ginamit. Mayroong waterfalls sa loob at nasa harap iyon ng malawak na dining area. Iyon lang ang tanging ingay na maririnig sa buong paligid.

But these won't change my mind! Lalo na ngayong may pagkakataon akong tumakas at malayang mabubuksan ang malapad na maindoor ng mansion.

Ngunit noong tuluyan ko na iyong nabuksan ay agarang lumubog ang puso ko nang nakita ang sandamakmak na mga bodyguards sa labas ng mansion. Lahat sila ay mabilis na na alerto nang nakita akong lumabas. Tumingin ang lahat sa akin at binabantayan ang bawat galaw ko. May nakita pa akong may tinawagan sa hawak na walkie talkie na alam kong si Amancio ang kinausap no'n.

Laglag panga ko silang tinignan lahat at halos maluha ako sa sobrang galit. What the fr*aking f*ck is this? Grabe! Seryoso ba ang mga magulang ko rito? Ganoon na ba talaga ako kasamang anak para magawa nila ito sa akin! P*tangina! Nakakapanlumo!

Hindi ko pinansin ang mga bodyguards na naalarma sa aking paglabas. Sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa mga magulang ko at para kay Amancio, mabilis akong tumakbo at hindi alintana ang pag-alarma ng lahat sa pagsusubok kong makatakas kahit na alam kong imposible iyong mangyari!

"Ma'am!" sigaw ng mga bodyguards na humabol sa akin.

Patuloy ang pagtakbo ko kahit na alam kong maabutan nila ako. Sobrang lawak ng bakuran ng mansion kaya tingin ko ay aabot ng liman daang metro ang layo ng gate mula rito.

Maraming mga yapak ang nakasunod sa akin na alam kong mga tauhan iyon ni Amancio, ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Don't touch her!" dinig kong sigaw ni Amancio sa malayo.

Lumingon ako at nakita kong naroon nga siya sa labas ng mansion at mariing nakatingin sa akin. Tumigil sa paghahabol ang mga tauhan niya para sundin ang kaniyang utos. Hinayaan nila akong tumakbo.

I was confused at first. Ngunit noong tuluyan na akong nakarating sa gate ay doon ko lang napagtanto kung bakit hinayaan nila ako. The gate was locked! At alam ko na imposible ko itong maakyat dahil sa sobrang taas nito.

"F*ck! F*ck! F*ck! Let me out! Let me out, Amancio! You bastard!" halos maiiyak kong sigaw habang kinakalampag ang bakal na gate.

Tuluyan nang nakalapit ang mga tauhan niya sa akin. Ngunit walang may nangahas na hawakan ako. Naroon lang sila sa malayong harapan ko.

"Amancio, please! Let me out! I'll talk to my parents! Magpapakabait na 'ko! Just please..." makaawa ko nang nakitang papalapit na rin siya sa kinaroroonan ko.

Gumalaw ang kaniyang panga at binalingan ang kaniyang mga tauhan.

"Ako na ang bahala dito," utos niya na mabilis naman nilang sinunod kaya naiwan kami roong nag-iisa.

Mabibigat ang hininga ko dahil sa pagod sa pagtakbo. Muli kong nagmamakaawang tiningnan si Amancio para diggin ang nais kong mangyari. Mas lalo siyang lumapit sa akin.

Bihis na bihis na siya ngayon. But unlike, yesterday, he's now wearing a casual attire. Nakaitim na polo at white na khaki short.

His cold eyes bore into me. Ngunit kitang-kita sa kaniyang mga mata at galaw ang hinahon nang inabot niya ang kamay ko para marahan akong hilahin palapit sa kaniya.

"Come here..." malambing niyang sinabi na halos nagpatindig ng balahibo ko.

"Amancio, please..." makaawa kong muli nang halos magkadikit na ang katawan naming dalawa.

Gentleness were evident in his eyes while he's holding me. Langhap na langhap ko na naman ang kaniyang bango na agarang nanuot sa aking sistema.

"What do you want?" aniya sa mahinahon pa ring boses.

Umiling ako at hindi na napigilang dumaloy ang luha sa aking mga mata.

"I want to talk to my parents... Kailangan ko silang kausapin," nanghihinang sambit ko.

Titig na titig siya sa akin. Tinatantya ako. Ngunit kalaunan, pagkatapos ng ilang sandali ay bumuntong hininga siya at kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Nagliwanag ang mukha ko dahil doon. Para akong nakaramdam ng pag-asa sa mga pagkakataong iyon. Dahil naniniwala pa rin ako na hindi ako tuluyang isusuko ng mga magulang ko. Lalo na si daddy. He loves me so much! Kaya imposibleng hindi niya ako dinggin kapag magmakaawa ako ng husto sa kaniya.

Iyon nga ang nangyari. Mga ilang sandaling nag-usap si Amancio at daddy sa harapan ko habang ako naman ay halos gusto nang agawin ang cellphone ni Amancio sa kaniyang kamay.

"It's my pleasure, sir..." dinig kong huling sambit ni Amancio at kalaunan ay nilahad sa akin ang kaniyang mamahaling cellphone.

Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis ko agad iyong hinablot para kausapin si daddy. Tumalikod ako at lumayo kay Amancio.

"Dad!" tawag ko at hindi ko na napigilang umiyak.

"Iana-"

"Dad, this is too much! This is too much! Don't do this to me! This is not right, dad! Paano niyo to nagawa sa 'kin?!" umiiyak kong makaawa sa ama ko.

Narinig ko ang kaniyang buntong hininga.

"Iana, sweetheart. I'm sorry, okay? But this is the only way na naiisip kong makabubuti sa 'yo."

"No! Dad, hindi mo 'ko naiintindihan!" sigaw ko. "How can you be so cruel to your daughter?! Dad, sinisira mo ang buhay ko! Kaya kong tanggapin ang kung anumang parusa ang ibibigay niyo sa 'kin, but not this! This is too much!"

"Iana, listen. Hindi ko ito ginagawa para magdusa ka. Amancio is a good man. Panatag akong magiging maayos ang kalagayan mo kasama siya. This is for your sake. I am doing this just to discipline you-"

"Dad, c'mon! Hindi naman ganitong disiplina! This is too much!" nanghihinang iyak ko.

"What too much? Why? Sinasaktan ka ba ni Amancio? Is he treating you bad? Sabihin mo sa 'kin," he said in a concerned tone.

"Dad, it's not that! Please, hear me! Amancio is not the man I want to marry! Dad, I promise, magbabago na po ako, palayain niyo lang po ako rito! Babawi po ako sa inyo!" naiiyak na makaawa ko ngunit alam kong hindi na iyon oobra kay daddy. But I want to try my luck this time. Mahal ako ni daddy. Kaya umaasa akong makakaramdam din siya ng awa sa akin.

Kaya noong bumuntong hininga siya kalaunan ay halos bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pag-asang naramdaman. Napalunok ako nang bigla siyang nagsalita.

"Alright. I'll give you another chance. This would be your last." ani daddy.

"D-Dad. I promise, I'll be a good girl now," ani ko at hindi mapigilang mapangiti.

Ngunit naglaho ang lahat ng iyon nang muli siyang nagsalita.

"Bibigyan kita ng isang taon para patunayan sa aking magbabago ka na sa bisyo mo. Pero sa loob ng isang taong iyon, you'll stay there. I'll just get you back and set you free when I am satisfied and fully convinced, Iana," he said with finality before hanging up the call.

"Dad! No!" sigaw ko sa galit at kaba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status