Malalaki ang hakbang ni Logan na lumapit sa kaniya at hinablot ang kamay niya. “Anong ginagawa mo sa kotse ni Juancho?”
“Paki mo?”
“PAN!”
“Ano ba Logan? Hindi ba sabi ko break na tayo? Kaya pwede ba huwag mo na akong pakialaman?”
Umalis siya at hindi nagpapigil kahit na ilang beses pa siyang tinawag ni Logan.
Umuwi si Pan sa bahay nila. Gabi na at ang gising na lang ay ang lola niya. “Pan, ginabi ka ata? Sabi ni Zahara umuwi ka kanina.”
Hindi masabi ni Pan kung saan siya nagpunta sa lola Iseng niya. “May raket po kasi la kaya umalis po ako agad. Si Zahara po?”
“Tulog na kanina. Umiyak yun kanina dahil sumasakit na naman ang likod niya.”
Nag-alala si Pan. “La, tinawagan niyo sana ako. Kamusta na siya?”
“Nakatulog na. Nawala rin naman agad ang sakit.”
Napaupo si Pan sa sofa at napahilamos sa mukha niya. Kailangan niya ng malaking halaga para sa bone marrow transplant ng anak. Pero paano niya yun gagawin kung nauubos na ang kinikita niya sa gamot pa lang ni Zahara.
Idagdag pa na kailangan pa magpa-chemo ng anak niya.
“Pan, bakit ayaw mong lumapit sa ina mo-"
“La, ayoko. Inabandona na niya ako. Ayokong lumapit sa kaniya kahit na ikamatay ko pa. At alam ko naman na hindi niya tatanggapin si Zahara.”
Ang ina ni Pan ay nagpakasal muli sa ibang lalaki. Iniwan siya at ang papa niya dahil nanglalake. Namatay ang papa niya dahil inatake sa puso kaya naiwan siya sa lola niya.
Lumaki si Pan na may galit sa ina niya.
“Huwag po kayong mag-alala La, may nahanap na po akong paraan para sa pampagamot ni Zahara.”
Ang iniisip ni Pan na paraan ay si Juancho, ngunit matapos ang araw na yun, walang Juancho ang tumawag sa kaniya.
Isang buwan ang nakalipas, busy na si Pan kasama ni Bobby dahil ngayon ang araw ng graduation pictorial ng mga senior high school students.
Busy si Pan sa pagmi-make up ng bawat isang studyante. Halos wala siyang oras para pansinin ang mga nasa paligid niya.
“Juancho!” Ngunit natigilan siya nang marinig ang pangalan na yun. Napatingin siya sa labas ng bintana at nakita niya si Juancho na naglalakad sa hallway, habang may suot na puting hat at sa tabi niya ay naroon ang isang babae na nakasuot rin ng white hard hat.
Isang buwan na hindi niya ito nakita. Ang alam niya ay hindi rin nagpupunta si Juancho sa skwelahan kaya hindi niya inaasahan na makikita niya ito ngayon.
Hindi niya napansin na napatagal ang titig niya kay Juancho, at nakita niya kung paano tignan ni Juancho ang babaeng kasama. Ngumiti rin ito habang nag-uusap sila.
Ang ngiting iyon ay hindi niya nakita no’ng magkita silang muli.
Ito ba ang tumawag sa kaniya ng babe no’ng nakaraang buwan? Pagtataka ni Pan.
“Pan!” Pagkuha ni Bobby sa attention niya.
Saka pa narealize ni Pan na marami ng nakapila sa linya dahil tumigil siya sandali sa pagmi-make up. Agad niya yun tinapos para makausad ang iba.
Pagdating ng hapon, pagod na pagod si Pan dahil halos wala siyang pahinga. Tumingin si Bobby sa kaniya at nginisihan siya. “Dumaan lang si Juancho, nadistract ka na agad.”
Ngumuso siya. “Napatingin lang naman.”
Biglang may kumatok sa pinto at tumambad sa harapan nila si Josh—ang best friend ni Pan at boyfriend ni Bobby.
Isang professor sa skwelahan na ito si Josh. Kaya nakuha ni Pan at Bobby ang partnership na ito dahil kay Josh. Nirecommend sila nito sa principal.
“Kamusta ang photographer at make-up artist namin dito?”
“Babe!” Sigaw ni Bobby at tumakbo kay Josh para yumakap. Si Pan naman ay napailing na lang. “Heto, pagod pero ayos lang dahil may kita naman.”
“Magaling kung ganoon. May dala akong pagkain sa inyo.”
Nilapag ni Josh ang pagkain na dala niya habang si Bobby ay nagpaalam. “Babe, saan ang CR niyo dito? Makikiihi muna ako.”
“Samahan na kita,”
“Huwag na. Samahan mo nalang dito si Pan at mukhang nagiging marupok kay Juancho.”
Nanlaki ang mata ni Josh at bumaling sa kaniya. “Masama yan Pan, may boyfriend ka di ba?”
“Pwede ba huwag niyo ‘kong tuksuin dalawa? Saka isa pa, wala na kami ni Logan. Nahuli ko siyang may kahaIikang iba sa birthday niya kaya hiniwalayan ko na.”
Napanganga ang dalawa at pinalakpakan siya. “Kaya ka pala panay sulyap kay Juancho dahil single ka na pala ah!” Sabi ni Bobby na tinutukso siya.
Tumayo si Pan at kinuha ang camera ni Bobby. “Diyan na nga kayo.” Sabi niya at umalis.
Naglibot libot siya sa school campus at napadpad siya doon sa building na kasalukuyang ginagawa. Isang buwan pa lang ang nakalipas pero may naitayo ng building ang mga construction workers.
Agad niya yung pinicturan, hindi niya namalayan na may lumapit pala sa likuran niya.
“Don’t you know na delikado ang ginagawa mo?”
Napatalon sa gulat si Pan at bumaling sa nagsalita.
“Anong ginagawa mo dito? Nagpapapansin ka na naman ba sa akin?” walang buhay na tanong ni Juancho sa kaniya.
Lumalim ang gatla sa noo ni Pan dahil kita namang nagpi-picture lang siya ng building. Pero hindi na niya inabala ang sarili na magpaliwanag.
“This area is hazardous. Bawal kang pumunta dito na wala man lang suot na hard hat. Hindi ko alam na wala pa lang laman yang utak mo.”
Iniisip ni Pan kung may galit ba sa kaniya si Juancho at palagi nalang siya nitong nilalait. Pero hindi niya ito pwedeng galitin dahil pera ang tingin niya kay Juancho.
“Bakit ka galit? Hindi mo ba ako namiss?” nang-aakit ang boses niya.
Itinaas ni Pan ang kamay niya para hawakan ang pisngi ni Juancho ngunit tinampal lang ni Juancho ang kamay niya.
“Tigilan mo na ako. Alam mo ba kung bakit nawala ako ng isang buwan dito? Dahil kay Logan. Kailangan kong umalis para tantanan niya ako. Bakit hindi ka nalang bumalik sa kaniya ng sa ganoon ay tigilan na niya ako?”
‘Dahil ba ito sa nahuli niya ako na lumabas sa sasakyan ni Juancho?’ takang tanong ni Pan sa isipan niya.
“Paano kung ayaw ko?” ngumiti siya ng pagkatamis-tamis, ngunit hindi man lang tinablan si Juancho ng mapang-akit na ngiti niya.
Mas lumapit si Pan sa katawan ng binata at agad niyang hinawakan ang bayag nito sa ibaba. “Ayaw mo ba talaga sa offer ko?” ngumiti siya. “Itong kaibigan mo kasi tumayo agad hinawakan ko pa lang.”
Magkadaop kamay si Pan habang pinapanalangin na magiging maayos ang lakad nila ni Juancho.Panay iyak naman si Dahlia dahil ayaw nitong pumayag na umalis ang ama niya kanina habang si Zahara ay kinakabahan.Takot na takot siya sa magiging lakad ng dalawang ama niya. Kung pwede lang niya itong pigilan ay baka ginawa na niya.Pinapanalangin nalang niya na babalik silang dalawa na ligtas.Sariwa pa kasi sa ala-ala niya kung gaano kasamang tao si Lorciano. Kapag naaalala niya ang sinapit niya noon dito, ay kinikilabutan at nanginginig pa rin siya sa takot.Samantala, si Pan, gusto nang makita ang pinsan niya. Gusto niyang mailigtas ito sa kamay ni Lorciano. At habang malalim ang iniisip niya, naroon si Marie sa tabi, nag-aalalang nakatingin sa kanila lalong lalo na kay Zahara.Hindi pa niya sinasabi ang katotohanan. Nataatakot siyang ibunyag na anak ng dad niya si Zahara, na kapatid niya ito.Dahil alam niyang isa iyong masamang balita na ikakadurog ng lahat.Sa kaniyang pagmamasid, nakita
Huminga ng malalim si Pan at tumingin kay Logan. “Gusto mo ng cookies?” Aniya para mag-iba ang usapan nilang dalawa.Bumaba ang tingin ni Logan sa plato na hawak niya.“Wala namang lason yan di ba?”Sinamaan niya ito ng tingin. Sinusubukan na nga niya maging mabuti dito pero talagang hahanap ito ng paraan para mabadtrip siya.“Kung ayaw mo edi huwag kang kumuha.” Inirapan niya ito.Tatalikod na sana siya nang hawakan ni Logan ang kamay niya para pigilan siya. “Ito naman.. Biro lang. Ikaw, nagbago ka na talaga. Hindi ka na yung gaya dati na mabait.”“Hindi ako mabait Logan. Baka nakakalimutan mo.”Umiling si Logan.“You were kind Pan. Hindi ako mababaliw sayo noon kung hindi ka mabait.”Natahimik siya at hindi niya inaasahan na sasabihin yun ni Logan sa mukha niya.Sa nakikita niya, wala ng nararamdaman si Logan sa kaniya.“K-Kung gusto mo, sa sala ka nalang tumambay para makita mo sa malapitan si Wil.”Tumitig si Logan sa mukha niya, tila ba nawi-weirduhan ito dahil sinabi niya ang bag
“2 months. 2 months ang hiningi ni Zahara kay Pan.” Mahinang sabi ni Juancho sa kaniyang isipan habang yakap yakap si Dahlia na nakatulog sa bisig niya.Kanina pa siya hindi lumalayo sa anak niya. Ayaw rin nitong malayo sa kaniya kaya hanggang ngayon ay bitbit pa niya ito habang si Zahara at Wil ay kasama ni Pan sa sala.“Juancho,” napatingin siya kay Leila na malungkot na nakatingin sa kaniya. “Dahlia is your mini version.” Nakangiti nitong sabi.Humigpit ang paghawak niya sa anak niya. “Yeah.”“Galit ka ba sa akin?”“Wala akong karapatan magalit sayo tita.”“Pero may karapatan kang magdamdam dahil sa ginawa kong hindi pagsabi sayo ng katotohanan tungkol kay Dahlia.”Tumingin siya sa gawi nina Pan at nakita niya ang masayang mukha nito habang nakikipag-usap kay Zahara.“Then pareha lang tayo tita. Tinago ko ang tungkol kay Zahara. Kung tutuusin, dapat lang na magalit kayo sa akin.”“Galit?” napailing si Leila. “Ayoko ng magalit Juancho. Ayoko ng masayang ang mga panahon na dapat ay it
“Ang hirap mo ng abutin, Pan.” Malungkot na sabi ni Juancho. “Akala ko magiging okay ang lahat kung malaman mong buhay si Zahara pero mali ako, ang pag-ibig mo pala para sa akin ang namatay.”Tumingin si Pan sa kaniya, ang mata ay puno ng sakit at puot. “You made me like this.”“And I’m sorry…” halos magcrack ang boses ni Juancho. “I’m sorry for making you like that. I’m sorry at wala ako nong pinakakailangan mo ‘ko.”Nakagat ni Pan ang labi niya. Naiinis siya na kung kausapin siya ni Juancho ay parang ini-invalidate nito ang mga pinagdaanan niya noon.“Do you wish for me to be dead during operation?”Nanlaki ang mata ni Pan. “I didn’t say that.”“Pero iyon ang pinapakita mo sa akin. Iyon ang nararamdaman ko. Na para bang inaasahan mo na mamamatay ako doon. Kung magsalita ka nga ay para bang wala ka ring pakialam kung mamatay ako doon.”Tinuro ni Pan ang pinto. “Umalis ka na.” Dahil hindi niya na kaya marinig ang anupamang sasabihin ni Juancho sa kaniya.“Kailan mo ‘ko balak harapin P
Malalim ang buntong hininga ni Pan matapos niyang makita si Juancho na karga karga ang anak nila na nakatulog na matapos ang pag-iyak."Hindi mo sana nilapitan ng sa ganoon e magtanda."Nag-alala ang mukha ni Zahara sa likuran. Natatakot siyang mag-away ang mga magulang niya. "I'm sorry. Hindi ko kayang makita na umiiyak ang anak natin.""Then paano mo ihahandle ang nangyari kanina? Nakita mo anong ginawa niya kay Zahara. Huwag mong sabihin ayos lang sa'yo yung ginawa niya?"Alam ni Juancho ang ibig iparating ni Pan. He didn't argue. Instead, nagsorry na lang siya. "I'm sorry.. Tatandaan ko ang lahat ng sinabi mo."Tumingin si Pan kay Dahlia at pagkatapos ay inayos niya ang buhok nito na nasa mukha."Ipasok mo siya sa kwarto niya."Naglakad na siya at sumunod naman sa kaniya si Juancho. Bahagyang hinawakan ni Zahara ang papa niya at nagthumbs up dito. Masaya siya ngayon na kahit papaano nagkakausap na ang mama at papa niya na walang sigawan.Matapos ihiga ni Juancho si Dahlia, si Pa
Nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ni lola Susana. Ang bawat patak ng luha ay katumbas ng libo-libong sakit na nasa puso ng bawat isa sa kanila.Lalo na si Pan na lola Susana na niya ang halos nagpalaki sa kaniya.Yakap yakap ngayon ni Zahara ang papa Juancho niya habang si Pan e yakap si Dahlia.Masiyadong magulo ang isipan niya dahil iniisip niya rin si Lou. Dahil sa biglaang pagkawala ni lola Susana, hindi sila agad nakapunta kay Lou.She sent her men at sinabi ni Marie ang lokasyon, pero wala na doon sa bahay na tinutukoy ni Marie si Lorciano, si Lou, Julia at mga tauhan nito.Nang matapos ang libing, agad na pinuntahan ni Leila si Pan. Kasama niya si Wil na ngayon ay natutulog na habang buhat niya.“Uuwi ka ba ngayon?”“Aalis na kami ni Marie mamaya, ma. May lead na daw kung nasaan si Lorciano.” Masiyado ng maraming oras ang nasayang nila.Hindi batid ni Pan kung may aabutan pa ba sila. Pero nananalangin siya na sana oo at gusto niya talagang mailigtas si Lou, alang-alang kay