Share

Kabanata 16

Sa kabila ng nagsiliparang pirasong sumugat sa aking pagkatao, pinilit kong hindi matibag nito. Hindi ko hahayaang bumalatay sa aking mukha na naapektuhan at nasaktan ako sa sinabi niya. Huwag ngayong nasa harap ko sila.

"Sige nga paano umakto ang hindi bata? Ngingiti sa 'yo ta's sasabihing ayos lang na ninakawan ako? Na 'wag kang mag-alala maliit na bagay lang 'to? Gano'n ba ha?! Salita ka lang nang salita palibhasa wala ka sa sitwasyon ko!"

Bumubugso na ang galit sa kaloob-looban ko. Sinasabayan din ng nang-aapaw na sakit.

"Pakialamero ka masyado! Pagtuunan mo na lang 'yang kaibigan mo! Turuan mo siya kung paano alamin kung ayaw ng tao sa kanya—tanga kasi 'yan eh. Pakituro na rin na 'wag niyang ipilit ang sarili na magustuhan siya ha? Tutal pareho kayong pabida!"

Padabog kong isinukbit sa braso ang cooler at humakbang na paalis. Hindi na lumingon sa gawi nila. Baka kung gawin ay makikita nilang sunod-sunod na umaagos ang luha ko. Walang pagk

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status