Share

Kabanata 15

Nagmarka sa aking palad ang matagal na paghawak ng cooler. Kaninang ala-sais pa ako nag-umpisang maglako pero hanggang ngayon, ni hindi man lang nangalahati itong ibinebenta kong ice candy.

Madalas itong mabenta. Lalo na't ngayong buwan at sa susunod pa ay panahon ng tag-init. Kung tutuusin bilang ang mga nagtitinda ng ice candy rito kaya madaling kumita. Pasuwerte-suwerte lang talaga.

"Ice candy! Ice candy kayo riyan! Lima isa! May pandan, abokado, at buko flavor! Ice candy na kayo!" malakas at pasigaw na sabi ko. Nakuha ang atensyon ng iilang mga mamimili rito sa Mercado. Ngunit hindi nagbisa dahil agad naman nilang binalewala.

"Mama... Bili 'ko Ma. Isa lang, 'yong pandan Ma. Gusto ko pandan!" Narinig ko ang sabi ng bata. Hawak-hawak niya ang kamay ng kanyang ina, nakiki-usap na pumayag sa kanyang gusto. Sigurado akong itong binebenta ko ang tinutukoy niya. Sana naman pumayag 'yong nanay nang mabawasan ang nilalako't dagdag sa kita.

"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status