Share

Chapter 2

Azuriette's POV

(The next day)

Walang patid na pagda-daldalan. 'Yan ang karaniwang sumasalubong sa'kin sa tuwing papasok ako sa classroom ng GAS-A, but this time? The atmosphere seems a little bit unusual.

Si Elle na best friend ko, and at the same time ay Class President at parte ng Senior Student Council, ay hindi pa rin mabigyang-solusyon ang ingay na ginagawa ng karamihan sa'min. Sa hindi malamang dahilan, e napakahirap sawayin ng mga kaklase ko.

Something's going on here.

"Elle? Anong nangyayari? May namatay ba?" Agad na pang-uusisa ko sa best friend kong nananahimik din. 'Pag ganito kasi ang senaryo ay normally, agad na pumapasok sa isip kong may nangyaring hindi maganda.

"Gaga! Tahimik lang, may namatay ka'gad? Hindi ba puwedeng may gusto lang pumalit sa pwesto ko?" Tugon naman niya.

"What do you mean?"

"Mukhang may bago nang presidente ang klaseng 'to. Napapasunod n'ya 'yung mga gunggong, e." Aniya't itinuro ang isang lalaking nakasandal sa pader at nakapamulsa habang iginagala ang paningin sa apat na sulok ng classroom.

Nang mabaling ang tingin ko sa kaniya ay napaawang ang bibig ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa taong tinititigan ko ngayon. He really had this superiority complex.

"Pero pa'no naman mangyayaring 'yang si Miller pa ang magiging president natin? E kararating lang naman niyan dito?" Tanong ko, ngunit 'di inaalis ang tingin sa lalaking 'yon.

"Come on, Azi. Drop the formalities! May pangalan siya, bes. Treyton. Mahina na ba memorya mo?"

"Ewan ko sa'yo! Naiilang akong tawagin siya sa pangalan niya, e."

"Hmm, I wonder why.. Siguro, ayaw mo siyang tawagin sa first name niya dahil may sarili kang endearment para sa kaniya?" Nanunuksong sambit niya saka kiniliti ang tagiliran ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ang baduy mo naman, Elle. Ano bang pinagsasasabi mo? Pwede ba? Stop changing the topic!"

"Kilalang-kilala na kita, Azuriette Primadeo. Ultimong kulay ng panty mo e batid ko 'yan." Nagbibiro niyang sabi saka humagalpak ng tawa, "Kaya't alam ko rin kung may gusto ka sa isang tao o wala."

Hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko! Pilit niya pa akong pinapaamin!

"Sinabi na ngang wala-"

"As someone who's running for highest honor and a part of the council, isn't it a bad thing to start the fuss?"

Natigil ang pagchi-chismisan namin ni Elle nang may sumingit na asungot. I'm talking about Treyton who just cut my words short.

"Well, well.. Look who's talking." Tumayo ako't naglakad palapit sa kaniya saka sumaglit ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kababalik mo lang dito, akala mo naman kung sino kang superior? You have no right to act like a leader, when you clearly aren't one. Suit yourself."

Kasunod ng madidiin kong mga buwelta sa kaniya ay ang pag-'oh' ng buong klase.

I can't even imagine myself dissing my own boyfriend - in front of many people, but here we are again.

"Really, huh?" Ngumisi siya, "E ako nga lang ang nakakapagpa-tahimik sa GAS-A. Isang bagay na hindi nagagawa ng current president niyo." Dagdag pa niya saka inilipat ang tingin kay sa best friend ko. "I'm barely doing anything, yet I managed to shut them up. Can she do that?"

HE'S NOT HESITANT TO EVEN PULL ELLE INTO THIS TROUBLE.

"Well, they're probably intimidated by your looks, sa bagay. 'Yan lang naman kasi ang meron ka." Bumawi na rin ako ng ngisi. Ang kaninang mala-sementeryong classroom ay napuno na ng hiyawan.

Humakbang siya palapit sa'kin, at ako naman 'tong mistulang napako na sa kinatatayuan ko. I'm caught off guard and it's like my senses aren't working well together.

I gulped. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko nang dahil sa ginagawa niyang 'yon.

His face is only a few inches away from me - I can even smell his minty breath. He smirked and poked my forehead.

"Loser." He muttered.

As expected. We're used to humiliate each other in class, anyway.

Pero kung kaming dalawa lang ang magkasama? May malalim na kahulugan ang ginawa niyang pagtapik sa noo ko kanina.

It's actually his way of expressing his love for me.

"What did you just say?" Singhal ko, ngunit makailang-beses akong kumurap bago mapagtantong wala na pala siya sa harapan ko. Nandoon na siya't paupo na sa upuan niyang nasa dulo ng row. Para na lang akong tanga na nakatayo mag-isa.

Naging dahilan 'yon para maging tampulan ako ng katatawanan. Pero okay lang, sanay naman na ako. Kung si Treyton lang din naman ang sumisira ng reputasyon ko, kagaya nito, walang kaso sa'kin iyon. I know that this was purely not his intention.

Nakayuko akong bumalik sa upuan ko, at sakto namang dumating ang professor namin sa Applied Economics. Kinuha ko na lang 'yung binder ko sa bag at nag-jot down ng notes habang nagdi-discuss siya.

Apparently, I wasn't actually supposed to be in this strand. My main objective was to take up HUMSS, since it's by far the most relevant strand that matches my preference at it highly piques up my interest, pero dito ako dinala ng kapalaran. Masyadong naging magulo ang isip ko noong nakaalpas ako ng grade 10. GAS was the alternative choice of mine kung sakaling mag-alangan akong kunin ang HUMSS, and that's what happened.

It was 9 in the morning when the school bell rang. Hindi iyon hudyat ng pagtatapos ng klase - kundi pagsisimula ng breaktime. Rinig ito sa buong building ng senior high. Mabilis na nagsi-labasan ang mga estudyante kaya't napuno agad ang corridors.

"Bes? Sama ka sa cafeteria?" Kinalabit ko si Elle na abala sa tambak na papel sa harapan niya. Siya kasi ang naatasang mag-check ng quiz papers namin.

"'Di na muna. Busy ako e." Aniya saka ako makahulugang tiningnan. "Ilibre mo na lang ako ng frappe."

"Did I hear it right? Ilibre kita? The nerve!"

"Isa kang Primadeo, kaya't alam ko kung ga'no ka kayaman. Ngayon, isang frappe lang naman ang pinapalibre ko. Kung ayaw mo, hindi ko ire-record ang score mo, sige ka."

She's being sarcastic. Kailan pa naging mayaman ang pamilya namin? Let's just say, we run a few businesses, but it's not big enough for the industry. We're just on average. Hindi mayaman, hindi rin mahirap.

Pero napaka-demanding naman ng bruhang 'to!

"I will let this pass, pero next time, ikaw naman ang dapat na manlibre." Iritado kong tugon at inilabas ang wallet ko bago kumpirmahin kung magkano na lang ang laman n'on.

"Deal!"

Nagkalat ang napakaraming senior high students sa school grounds, partikular na sa cafeteria na bagong bukas dito sa campus. Mamayang 10 am pa ang breaktime ng junior high students.

La Vermia Academy is a prestigious school. Para makapasok ka sa school na 'to ay may isang requirement. Dapat ay nagmamay-ari ng isang malaking negosyo ang pamilya n'yo. With that being said, walang isang-kahig-isang-tuka ang namamalagi rito. Or at least, that's what I thought.

Naaaninag ko na ang overcrowded na cafeteria. Ilang hakbang na lang ako mula rito nang maramdaman kong may umakbay sa'kin. Mabibigat na braso.

Nang magtama ang mga mata namin ay natawa siya.

"Na-miss mo ba ko, Azuri?"

Have I mentioned that there's a guy whom I consider as a best friend alongside Elle? Maybe I haven't.

He's Cohen Levington. My best buddy, taking up the Sports Track.

"Sorry, who are you?" I jokingly said and chuckled.

"Your future." Nakangising aniya.

"Future ano?"

"Future murderer."

Nahampas ko ang braso niya saka tumawa. "So, may balak ka palang patayin ako? Then get out of my sight."

"Biro lang. Ako pa nga magiging tagapag-tanggol mo 'pag may umaway sa'yo, e."

"Ang jologs mo! Tara na nga! Sa cafeteria rin ba punta mo?"

Halos mapunit ang mukha niya sa kaka-ngiti niya. "Oo. Libre kita, gusto mo?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Basta't si Cohen ang kasama ko, hindi ko na kailangang maglabas pa ng pera. Siya nang bahala sa lahat. He insists on treating me everytime he gets the chance.

"'Yan ang gusto ko sa'yo e." Natutuwang tugon ko.

"Eh ako? 'Di mo ba ko gusto?"

"H-ha?" Kunwari'y di ko narinig ang tanong niya. Why is he asking that out of the blue?

Hindi pa ako nasanay kay Cohen. Ang hilig-hilig nga pala niyang bumanat.

Pasimple na lang siyang ngumiti. "Wala. 'Wag mo na lang pansinin."

Pagpasok ng cafeteria ay sinalubong kami ng napakaraming tao na nakapila. Wala kaming ibang choice kundi maghintay na humupa ang mga tao sa paligid. Ang iba pa sa'min ay pinagtitinginan kami.

"Balita ko, nakabalik na raw 'yung kumag dito sa campus?" Tanong ni Cohen. Agad kong nalaman kung sino ang pinatutukuyan niya.

"Ah, si Treyton? Oo. Nakabalik na nga siya."

Treyton, Cohen and I are actually childhood friends, and I don't miss a single day without reminiscing how our paths have crossed, five years ago. It's a long story to tell.

Pero maging si Cohen ay walang ideya sa kung anumang namamagitan sa'min ni Treyton. Elle has a hint about us, pero kampante akong hindi niya pa 'yon nakukumpirma. She just loves relying on her assumptions.

"Iba rin talaga 'yung hunghang na 'yun, e. Wala man lang pasabi na nakauwi na pala siya? Sa mga kalaro ko pa nalaman?" Dagdag pa niya.

Si Cohen ay parte ng varsity team ng campus namin, kaya't ang mga kalarong tinutukoy niya ay mga kapwa niya basketball players - na malapit din kay Treyton.

Pareho silang sikat sa campus na'to - that's why I might be the luckiest girl ever known to exist in La Vermia. I'm surrounded by talented, popular and handsome guys. Kaya nga, nakatayo lang kaming dalawa dito ni Cohen sa isang tabi, e mga mapag-usisang mata ang tumitingin sa'min.

"Hindi ka pa ba nasanay sa kaniya? He ain't wasting his time on unnecessary things. Hindi 'yan mag-aabalang i-text ka para sabihing nakauwi na siya." Anas ko habang tumatawa.

"Sa bagay. Maiba ako, pa'no pala 'yan? Kayong dalawa na naman ang pagsasabungin ng mga teachers niyo pagdating ng finals?" Nag-aalalang ani Cohen. "Ano sa tingin mo? Mahihirapan ka pa rin ba sa tunggalian n'yo?"

"Ano ka ba? Hindi mo ba ko kilala, Cohen? I can handle everything by myself. Kahit pa 'yung lalaking 'yon. Tss, sisiw lang 'yon sa'kin!" Pagmamayabang ko naman. Sanay na si Cohen sa'kin.

"Ganyan dapat, Azuri! Ilampaso mo sa sahig 'yung pagmumukha ng lalaking 'yon para sa'kin!" Aniyang akala mo kung sinong malaki ang galit sa sarili niyang kaibigan.

"Baka hindi lang 'yon ang magawa ko. Baka maitapon ko pa 'yon sa kabilang planeta." Pagbibiro ko rin.

Nang humupa na ang mahabang pila ay agad kaming nakabili ng dalawang iced coffee, maging 'yung frappe na nire-request ni Elle.

Palabas na sana kami nang mapansin namin ang napakaraming babae na nagkukumpulan sa milktea stall. Hindi dahil sa bagong trend ng inumin - kundi dahil sa isang lalaking nakapila't bumibili.

All the girls around him are squealing loud enough to deafen the whole cafe. Ilan sa kanila'y mukhang nanggaling pa sa ibang strand. Judging by their looks, they seem like TVL students.

I met his gaze, but it soon shifted to the guy beside me.

"Treyton! Long time no see!" sinambit ni Cohen saka binunggo ang braso ng kaibigan.

Bakit ba kung saan-saan ko nakikitang sumusulpot 'tong lalaking 'to? Namimingwit ata ng mga babae. Yari 'to sa'kin mamaya.

Pero may iba akong naramdaman sa paraan ng pagtingin niya sa'kin. Isang bagay na mukhang ngayon ko lang nakita mula sa kaniya.

"Sup, dude?" Matipid na tugon naman ni Treyton kay Cohen. Halos 'di magkandamayaw sa katitili ang mga babaeng pinalilibutan silang dalawa. 'Eto ang mismong dahilan kung bakit ko nasabing swerte ako.

Two campus heartthrobs in one stone. 'Yung isa nga lang, e mukhang galit sa'kin.

"You're surrounded by your fangirls again, hm?" Sumingit ako sa usapan nila saka matalim na tiningnan si Treyton. Nasa mood akong inisin siya ngayon.

"Look at this. A top student and a varsity player. Wouldn't that make a good couple?" Banat naman niya, walang bahid ng anumang emosyon sa mukha niya.

"Are you jealous?" Ngumisi ako.

"Why would I be jealous? Do I even care about you?"

I wonder if he enjoys playing pretend with me. Pero kung ako ang tatanungin? I'm loving it.

Nang makuha niya na ang biniling milktea ay pinasadaan niya ako nang tingin. He arched his eyebrows and smirked, and soon made his way out of the cafeteria.

If I were one of these girls from TVL at tiningnan niya ako nang gano'n, I don't know. I probably fainted. Knowing how eager these girls are just to come close to him. What more kung titigan sila ng gano'n? Ewan ko na lang. It might feel like winning a lottery.

"Anong problema no'n?" Tanong ni Cohen nang makalayo kami sa maraming tao.

"Hindi ko nga alam, e. Nabugnot ata sa kahihintay sa milktea niya. Dinamay pa tayo sa sama ng loob niya." Natatawa ko namang tugon.

"Iba talaga tama no'n, e." Nginitian ako ni Cohen at mabilis na tinapik ang balikat ko. "Mauna na 'ko, Azuri. Baka nagsisimula na rin klase namin."

Pinanood ko ang paglayo niya. Kumaway-kaway pa ako bago siya tuluyang naglaho sa paningin ko. Muli kong tiningnan ang iced coffee na treat niya. Kailan kaya 'to mauulit? Panigurado kasing magiging busy na kami dahil sa dami ng naka-lineup na activities namin.

Nang makabalik ako sa classroom ay sinalubong ako ni Elle na mukhang excited na sa inumin niya.

"The best ka talaga, Azuriette." aniya't agad na itinusok ang straw sa cup ng frappe niya. Iginiya niya ako sa upuan at napansin kong wala na 'yung tambak na yellow papers. Malinis na ang desk niya.

"Sinubmit ko na kay Ma'am yung record sheets para sa quiz natin kanina. Don't worry, mataas ang nakuha mo. 'Di nga lang tama lahat." she whispered, and then took a long sip. I just nodded. What else would I expect? Lagi naman akong mataas sa Applied Economics.

"Anong subject nga ba ang sunod?" tanong ko. Natawa naman siya.

"Wala ka bang copy ng schedule natin? Jusko po, Azi. Ulyanin ka na yata."

Oo nga pala. 'Yung schedule.

Kinuha ko ang isang maliit na folder sa bag ko. Nang buklatin ko ito ay tumambad sa'kin ang isang listahan. Inisa-isa ko ito at napagtantong Gen Math na pala ang susunod na subject. Naloko na.

I'm doomed at Math, even with the basic ones. Bahala na!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status