Coffee moment
Aria Zaprine and Aria set together at "The Cozy Cafe," sipping their lattes. Nagulat pa ako nang hawakan ni Zaprine ang isa kong kamay. Napatingala ako sa kanya sumikdo ang puso ko ng pakiramdam ko nagtama ang aming mga mata. Sana tanggalin niya ang sunglasses na suot niya. "Aria?" mahinang tawag sa akin ni Zaprine. Ang puso ko dumagundong na naman sa lakas ng tibok. Hindi ko naramdaman ito sa unang naging boyfriend ko. Kay Zaprine lang ako nakaramdam ng ganito, boses pa lang niya napapatalon na ang puso ko. "Yes?" "Pwedeng magtanong?" Tumango naman ako. Boses pa lang nito sumisikdo na ang puso ko. Parang ng aakit naman kasi ang boses nito. Nakakapanindig balahibo. "Anong mayroon kayo ng lalaking iyon at mukhang galit na galit? I'm just curious, ayos lang kung ayaw mo sagutin. I understand," ngiti pa nito sa akin na mukhang apologetic pa. Napatulala na naman ako at natameme. Ngiti pa lang niya kinikilig na ang puso ko. Ang easy to get naman yata ang puso ko. 'Kelan ka pa naging marupok, a?' bulong ng isipan ko. "He...he is my ex-boyfriend, very controlling, manipulation, and possessive in a bad way. Sobra akong nasasakal sa kanya," problematic ko pa na sambit. Pinisil nito ang hawak pa rin niyang kamay ko. I feel like he comforting me. "You're safe now," pag-assure pa nito sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa at pinakita ko mula sa aking mga mata ang pasasalamat at tiwala sa kanya. Nararamdaman kong safe na safe ako kay Zaprine. Magaan ang pakiramdam ko habang kausap ko siya. And my heart never stop beating faster everytime na titingin siya sa akin. "Let's go. Ihahatid na kita sa bahay n'yo." Tumayo na ito ng tapos na kaming nagkape. Inalalayan pa niya akong makatayo sa kinauupuan ko. God! He's so gentleman and i appreciate him. "Hindi kaya kita naistorbo? Nakakahiya naman sa 'yo, mukhang nagmamadali ka pa kanina," nahihiya ko pa na sabi dito. "It's fine. Nag-message na ako sa kaibigan ko na may emergency, kaya late ako sa tagpuan namin," bahagyan pa itong tumawa. Napangiti naman ako. "Baka importante ang usapan n'yo, tapos mainip siya sa kakahintay sa'yo. Ako pa sisisihin mo," natatawa kong sambit habang naglalakad na kami patungong sasakyan nito. "Mas mahalaga 'yong ngayon dahil nakilala kita. Hayaan natin siyang maghintay ng matagal. Dahil ang oras natin ang malapit ng maubos kaya sinusulit ko na," natawa na naman ito. Gustong gusto ko talaga ang pagkaprangka nito, very natural at hindi siya nagkukunwari lang. "Ikaw nag-apply ka ba ng trabaho sa ospital o nagtatrabaho ka doon?" tanong naman nito. "I'm working there. I have a contract from abroad kaya i grab it, para makaiwas sa panggugulo ng lalaking iyon," buntong hininga ko pa. Habang nasa loob na kami ng sasakyan nito. Naging maaliwalas ang atmosphere dahil pala kwento ito, nawawala ang pagkamahiyain ko. "Alam mo ba na ayaw ni Mommy na turuan ako ng tagalog na lengguwahe dati?" natatawa nitong sambit. "Bakit naman? Taga saan ba kayo na ayaw niya na magsalita ka ng tagalog?" usisa ko naman. "Pinanganak ako sa Spain. My Mom is a Filipina and my Dad is from Spain. When i was nine years old I learned tagalog with my Tito. Tapos kapag kausap ko si Mommy tagalog ang ginagamit ko, gulat na gulat siya. Nagalit pa sa akin na dapat daw hindi ako nagsasalita ng tagalog. My mom is so weird." Natatawa na naiiling na kwento nito. Mahina naman akong natawa. "Do you know what word i first said to Mommy then?" "Ano?" tanong ko agad. "Putang-ina mommy ko!" sabay pa kaming humalakhak. "Ayon pinalo ako ni Mommy. Sabi ko pa turo iyon ni Tito. Ang meaning na sinabi ng Tito ko sa 'putang-ina' is maganda ang Mommy ko. Nagpilitan pa kaming dalawa ni Mommy noon," tawang tawa kaming dalawa. "Nakakatawa ka," bungisngis ko pa. "O, malapit na tayo sa bahay namin," anunsyo ko pa ng makapasok na kami sa private subdivision. "Saan kita banda ibababa, my dear?" tanong nito. Kinilig na naman ako sa pagtawag nito sa akin ng my dear. Simpling salita lang kinikilig na ako. "Diyan mo na lang ako ibaba sa itim na gate." Sabay turo ko sa gate namin. "Alright." Pagkatigil sa sasakyan nito ay agad itong lumabas at pinagbuksan niya ako ng pinto. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya. Naka-sunglasses ito pero alam ko at ramdam ko na katitig ito sa akin everytime na titingin ako sa kanya kanina. "Maraming salamat sa lahat. I owe you a lot," madamdamin kong pasasalamat. "You're always welcome my dear Aria," matamis pa itong ngumiti sa akin. Kaya hindi ko maiwasan na malapad din na ngumiti. "Pumasok ka na sa sasakyan mo." "Ikaw ang pumasok na sa bahay n'yo," panggagaya sa akin ni Zaprine. "No! Ikaw ang pumasok na sa loob ng sasakyan mo at umalis na. Baka hinihintay ka na ng kaibigan mo," pagtataboy ko pa. "I stay here, hangga't hindi ko nakikitang nakapasok ka na sa loob ng bahay n'yo," pagpupumilit nito. "Ang kulit mo din ano?" "Ang tigas din naman ng ulo mo ano?" natatawang sambit naman ni Zaprine. "Pasok na!" sabay pa naming sambit na dalawa. Nagkatawanan na lang kami. "Ikaw ang may panganib sa buhay kaya dapat ikaw ang papasok sa bahay n'yo. Don't mind me i have my bodyguards," pangungulit nito. "Ano pa nga ba. Mas matigas pa pala ulo mo sa akin," mahina pa akong natawa. "I'm just protecting you and i want to see you safe until you get inside your house. Pasok na." Sabay lapit sa akin at tinulak na papasok sa gate na nakabukas na sa ngayon. "Thank you for everything you did for me today. And for the coffee, nag-enjoy akong kausap ka," pasasalamat ko. "My pleasure to meet you, Aria. And I hope we can meet again someday. Always take care of yourself okay?" seryoso nitong paalala sa akin. Tumango naman ako. "Bye Zaprine," kaway ko pa. "Bye my dear Aria," malamyos ang boses nitong sambit sa akin. Kung sana tanggalin nito ang sunglasses niya para makita ko ang imosyon sa mga mata nito. "Take care of driving," kumaway na ako bago pumasok na sa loob. Makulit din pala ito. May babaunin na akong masayang memory sa pag-alis ko patungong america bukas ng gabi. Matamis akong ngumiti na naglakad papasok sa mansion namin.Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Kapapasok pa lang namin sa gate ay kita ko na ang napakalawak na bulwagan kung saan gaganapin ang reception. Dito na rin sila mismo ikakasal garden wedding raw. Hindi pa tapos pero sigurado akong bongga at sosyal ang araw ng kasal nila Kuya Lucas at Greene. Masaya ako para sa kanila. Napangiti ako ng makita ko ang mga anak namin na naglalaro sa labas ng mansion kasama si Lily at iba pa nilang mga pinsan. Lumuwag na rin ang pakiramdam ko ng naging magkasundo na lahat ang mga bata. Nag-sorry rin sila sa kambal noon kaya naging maayos na muli ang pagkikita nilang lahat. Napatigil sila ng makita nilang may paparating na sasakyan. Lumiko ang sasakyan at sa parking lot ito tumigil. Agad akong bumaba ng tumigil na ang sasakyan. Sumunod naman si Zaprine sa akin. Ang kasambahay na raw ang bahala sa mga gamit naming dalawa. Kumaway si Zaprine sa mga batang naglalaro ng bola sa malawak na bakuran ng mansion ni Lolo Francisco. Napansin naman nila kami k
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Nasa Spain na ang mga anak ko at ang pinsan nilang si Lily with their grandparents. Mag-isang linggo na sila doon. Sunod na lang kami ni Zaprine dahil may emergency pa dito sa hospital. Isang araw pa lang nila sa Spain panay tawag na ni bunso sa amin. Gusto na raw niya umuwi at namimiss na niya kami.Ako minsan ang nahihiya kapag sinusundo niya ako dito sa opisina ko. Laging may dalang bulaklak at regalo na kung ano-ano. Kung gaano ito kalambing noon ay mas lalo na ngayon, very clingy. Basta na lang nanghahalik kapag gusto nito. Hindi na nahiya sa mga staff ng hospital. Heto nga at naka-akbay na naman habang palabas na kami ng hospital. Mamayang gabi na kasi ang flight namin pauwing Spain. Sa makalawa na ang kasal ni Kuya Lucas at Greene. Laging nireremind ni Kuya Lucas na dapat nando'n na kami bago pa magsimula ang kasal nila.Ayaw raw niyang maging malungkot ang asawa to be niya kapag hindi kami makadalo. Paranoid na raw ito na baka hindi kami
Love Amidst the Danger AriaYumakap rin sa amin si Blessa. Hindi namin alam kung gaano kami katagal na nag-iiyakan at nagyakapan na tatlo. Alam ko na kahit ito gumaan na rin ang pakiramdam niya. Ito lang pala ang way para mawala ang lahat ng agam-agam sa sarili. Kapatawaran lang pala ang kailangan para maging okay na kaming lahat.Halos dalawang oras kaming nakikipagkwentuhan kay Greene. Lahat ng nangyari sa kanya dito sa loob ng kulungan kweninto niya sa amin. Marami rin pala siyang pinagdaanan hirap dito sa loob ng kulungan. Kung wala pang nagbanta na pulis sa kanila ay baka daw hanggang ngayon ay magulo pa rin ang loob ng selda. At may tumutulong raw sa kanya dito kaya hindi gaano mahirap para sa kanya ang lahat. "Tinapangan ko ang sarili ko sa loob ng selda dahil kapag namatay ako, hindi ko na masasabi ang lahat ng ito sayo. I want to tell you how sorry I am for all the bad things I did to you. Para sa gano'n ay mapawi naman ang bigat na dinadala ko araw-araw dito sa puso ko,"
Love Amidst the Danger Aria"Ready ka na ba?" nakangiting tanong ni Blessa. "Kanina pa ako ready, sasabak na ba tayo sa gyera?" biro ko. Tumawa naman ito. "Kelan ka pa marunong magbiro?""Kanina lang," sagot ko naman. Sabay pa kaming tumawa. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumunod na kay Blessa. Sana panginoon maging maayos ang pag-uusap naming dalawa ni Greene.Kausap na ni Blessa ang isang pulis, ako naman ay nakatayo lang sa tabi ni Blessa. Maya't maya pa ay iginiya na kami ng isang pulis sa visitor area, para sa mga bumibisita sa mga kamag-anak na nakakulong dito.Iniwan na kami ng pulis hinintay na lang namin ang pagdating dito ni Greene. "Alam mo ba na maganda ang record dito ni Greene. Marami raw siyang natutunan at narealise sa buhay. Marami rin siyang nagawang maganda dito sa loob ng kulungan. Nagtuturo siya ng mga gustong manahi na naging libangan na ng ibang mga kababaihan na nakakulong dito. Naging motivational speaker siya sa mga katulad niyang nakakulong rin,"
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Naging hands on kaming dalawa ni Zaprine sa mga anak naming tatlo. Ang gusto kasi ni Zaprine ay maging close kaming Lima. Walang dapat favorite at walang hindi favorite sa pamilya. Dapat pantay kami lahat. Ngayon may event sila sa school ng kambal, lumiban pa kami sa trabaho masuportahan lang namin ang mga anak namin. Gusto kasi namin na nando'n kami sa lahat ng klase ng event sa paaralan nila. Hindi pa rin nawawala ang panganib sa paligid namin kaya marami pa rin body guard si Zaprine. May dalawa rin yaya na nakabantay sa loob ng paaralan para sa kambal. Sabay silang kumakain sa tanghalian sabay rin silang uuwi. Gano'n palagi ang routine nila. Palaging nagpapakarga ang bunso namin sa Daddy nito. Hindi nawawala ang oras ng asawa ko sa mga bata lalo na sa akin. Kada buwan ay pinapacheck up niya kami ng mga anak namin. Masyadong matatakutin na kapag may nagkasakit sa amin ay agad niya kaming dinadala sa hospital. Kahit alam niyang kaya ko naman
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Hindi ko talaga kinaya ang mga rebelasyon niya sa akin. Grabe naman siya mag-revenge ng palihim para sa akin. Nakakatakot! "How about Greene? Hahayaan mo na lang rin ba na gano'n ang ginawa niya sayo? She almost killed you, remember! Kung lalaki lang siya o hindi lang siya kapatid ng asawa ng pinsan ko. Matagal ko na siyang pinatay!" madiin at may galit sa boses nitong sambit."Stop it! Ayokong nakikita kitang ganyan kabayolente. Ayokong makagawa ka ng bagay na pagsisisihan mo balang araw. Sabi ko naman sa'yo na ang panginoon na ang bahala sa kanya! Naawa rin naman ako sa nangyari sa kanya at... oh wait," kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.Mapanuring ko siyang tinignan sa mata. Mukhang guilty naman ito agad. Napakamot pa sa batok niya. I knew it. Pero bago pa ako magsalita ay inunahan na niya ako."What's on your mind is true, sweetheart. Kilala ko ang ilan sa mga pinahiya ni Greene at binastos sa mga party or event na dinadaluhan nito noo
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Nakasalampak silang dalawa sa carpet sa sala habang kumakain at nanonood sila ng movie. Pero nagulat ako ng patayin ng asawa ko ang TV. Nagtataka akong napalingon sa kanya."Bakit mo pinatay ang TV? Ang ganda na ng palabas tapos i-off mo lang!" reklamo ko agad. "Itutuloy natin panoorin mamaya, sweetheart. May sasabihin lang ako sa'yo," ngiti nito sa akin."About what?""Everything,""Like?""The past. At ayaw ko ng maglihim pa sa nakaraan ko. It's all in the past but I just want to share it to you. Dahil bahagi ka naman sa ilang kwento na sasabihin ko sa'yo," Nahihiwagaan ako sa gusto niyang i-kwento sa akin. Kaya tumango na lang ako. Kaya nagsimula na itong magkwento."You know already about my Mom, family background di ba? At totoo ang sinabi ng Mommy mo na masama at marami ng nagawang kasamaan sa bansang Pilipinas at sa iba pa na mga bansa sa mundo. And I'm glad na nahuli na ang leader ng sindikato na pinsan ng Mommy ko," kwento ni Zaprine.
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine "Mommy, Daddy, balik kayo agad ha. Magpakabait po kami dito at alagaan po namin si baby Zachy," sambit ni Zaria.Tumango tango naman kami ni Zaprine."And Mommy, Daddy, remember po ang sabi ng doctor. Bawal po magbuntis ulit si Mommy. Take care of our mommy okay ha, daddy?" bilin rin ni Zamia. Matamis naman akong ngumiti sa kanya."No baby in the tummy pag-uwi po!" humalakhak naman ang mga parents namin at pati sila grandparents natatawa na rin sa mga kapilyahan ng kambal."Mag-iingat po kayo sa pamamasyal ha, mag-enjoy po kayong dalawa, mommy and daddy," sabi naman ni Zaria."Don't forget our pasalubong po ha," si Zamia."And don't forget to call us here po. Take care and enjoy both of you mommy and daddy," "Kami na ang bahala sa mga bata mga anak. Mag-ingat kayo sa pupuntahan ninyo. Enjoy and don't think about us here," sabi naman ni Mommy ko."Opo Mom!" ani ko."Saka mommy and daddy, kami na po bahala sa dalawa po namin na Lola. Kapag mag-away
Love Amidst the Danger Aria Nang binalita ko sa mga kapatid ko na nandito sa bahay mga parents ng Mommy namin ay hindi sila nagdalawang isip na magtungo dito sa mansion namin. Hindi pa nga sila naniniwala noong una pero nang mag-send ako ng picture sa kanila ay saka lang sila naniwala. Normal lang na reaksyon yun kasi nga ayaw ni Lolo sa akin at galit. Halos hindi rin makapaniwala sila Daddy. Pero now okay na ang lahat. Naging masaya ang buong maghapon namin dahil kompleto na kami lahat at masaya na. Nagkapatawaran na at nagka-ayos na rin. Nag-video call rin sila grandparents sa Australia Kaya kahit video call lang ay parang buo pa rin naman kami. Sa akin na rin ipinagkatiwala ni grandpa ang pamamahala sa hospital. Inanunsyo na rin ni grandpa sa mga staff ng hospital na ako na ang magiging bagong boss nila. Pati sa ka-business ng pamilya pinakilala na rin ako ni grandpa. Sisikapin kong maging maayos ang takbo ng hospital. Ayaw kong biguhin si grandpa. ***** A year later...