Share

Love Between Bullets
Love Between Bullets
Author: Quimjii

Prologue

Nadapa ako nang itinulak ako ng dalawang batang lalaki na pinsan ko dahil ayaw nila sa akin. Ayaw nila sa isang tulad ko. Ayaw nila sa babae.

"Gusto ko lang makipaglaro sa inyo," sabi ko habang pinipigilan ko ang aking luha na tumulo mula sa aking mga mata.

"Hindi pwede! Kasi babae ka at ang babae ay mahina! Kapag nasasaktan ay umiiyak!" singhal ni Nate na pinsan ko. Tumawa sila pagkatapos. Pinagtatawanan nila ako na parang isang pusa na kawawa sa paningin nila. Ayaw nila sa babae kasi mahina ako.

"Isuko mo na ang pangarap mo na maging sundalo Jay, kasi kahit kailan hindi ka magugustuhan ni lolo! Ang gusto ni lolo ay lalaking apo na magdadala sa apelyido niya at ng kanyang mga yapak,” sabi niya at iniwan nila ako na nakadapa at sugatan. Hindi ako naniniwala sa kanila. Alam ko na hindi ganon si lolo dahil mabait siya sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha na kumawala sa mga mata ko at pilit na tumayo kahit masakit ang dalawang tuhod ko mula sa pagkakadapa. Alam ko na balang araw magiging magkaibigan din kami ng mga pinsan ko. Hindi ako susuko. Pinahid ko ang aking mga luha na kumalat sa aking mga pisngi at ngumiti ng pilit at umuwi na sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ni lolo ay dumiretso ako sa library room niya upang sabihin sa kanya na gusto ko maging katulad niya na isang sundalo. Tamang-tama, bukas ang pinto. Ngunit pagpasok ko ay magsasalita na sana ako nang nadatnan ko si papa na kausap si lolo. Hindi ko makita si lolo dahil tanging likod lang ni papa ang nakikita ko. Sa tono ng boses ni papa ay halatang galit siya. Nag-aaway ba sila ni lolo?

"Why did you give me a granddaughter? Women are weak! They can't fight in war! Your daughter is useless! Now that your wife has died, find some woman and give me a grandson!" sigaw ni lolo. Nagulat ako sa narinig at hindi makapaniwala. Tama ba ang mga naririnig ko? Bakit sinabi ni lolo ang mga iyon? Ayaw niya ba talaga sa akin dahil babae ako? Papayag ba si papa na maghanap ng ibang babae na mapapangasawa niya? Kung mangyayari iyon, paano na ako? Kung magkakaroon ng bagong pamilya si papa at magkaroon ako ng bagong kapatid na lalaki, paano na lang si mama? Ang sabi ni papa hindi siya naniniwala na patay na si mama dahil walang ebidensya na magpapatunay na patay na si mama.

Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Ang ngiti na nakapaskil sa labi ko kanina ay unti-unting nabura at napalitan ng isang lungkot.  Sobrang sakit ng mga salita na binitawan ni lolo. Akala ko ba mahal ako ni lolo? Bakit galit siya? Natatakot ako sa maaaring isagot ni papa kay lolo. Pilit ko pinipigilan ang mga luha at hikbi ko sa paglabas sa takot na baka makita nila ako na mahina.

"I will never change my wife! I'm not like you! If you can't accept my daughter as your granddaughter then, we will leave now this place!" May diin sa salita ni papa habang sinabi niya ang mga katagang iyon. Dahil sa sinabi ni papa ay lumiwanag aking mukha at napuno ng pag-asa. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko dahil sapat na ang mga narinig ko ngunit lumingon si papa sa direksyon ko. Pagkakita niya sa akin ay gulat ang rumehistro sa mukha niya at napalitan din ito ng isang malungkot na ngiti.

"Let's go home Jay, anak," mahinang sambit ng aking ama. Lumapit si papa sa akin at hinawakan ang kamay ko paalis sa silid na iyon. Sa araw na nilisan namin ang silid na iyon ay hindi ko pinalampas na tignan sa mga mata ang lolo ko. Wala itong emosyong ipinapakita kaya mas pinili kong suklian iyon ng mga blangkong tingin ngunit sa kaloob-looban ko ay nasasaktan ako dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ni lolo ngayon.

In-empake ni papa ang mga gamit namin at umalis kami sa bahay na iyon. Nakita ko pa ang dalawang pinsan ko na inirapan ako ngunit imbis na pansinin sila ay tumingin ako diretso sa harap. Balang araw ay patutunayan ko sa kanila na kahit babae ay kayang harapin ang giyera. Maghapon kaming tumambay ni papa sa isang lugar malapit sa daungan ng barko habang hinihintay ang oras ng aming pag-alis. Pagsapit ng gabi ay nakasakay na rin kami sa wakas. Pagdating namin sa kwarto na kinuha ni papa para sa amin ay nagpaalam siya na lalabas muna at binilinan ako na matulog muna. Hindi ako makatulog dahil paulit-ulit na sumusulpot sa isipan ko ang mga sinabi ni lolo kanina kay papa. Lahat ng mga narinig ko kanina sa library ay parang tinik na tinutusok ang puso ko. Nagsisimula na may namoong luha sa mga mata ko at kalaunan ay napaiyak na ako ng tuluyan dahil sa mga salitang binitawan ni lolo. Kung naging lalaki lang sana ako ay hindi mag-aaway sina lolo at papa. Kung naging lalaki sana ako ay tatanggapin ako ng mga pinsan ko. Bakit naging babae pa ako? Dahil sa pag-iyak ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.

Madaling araw ay nagising ako. Tinignan ko ang maliit na kama ngunit wala si papa sa aking tabi kaya napabangon ako. Akmang sisigaw na ako para tawagan si papa nang makita ko si papa na nakaupo sa gilid ng saradong pinto habang nakayuko at ang kaliwang binti ay nakatupi. Nakita ko na may tumulong butil na luha sa kanyang mga mata. Umiiyak ba si papa? Lumapit ako sa kanya at niyakap siya na ikinagulat niya. Mas lalo siya napahagulhol at niyakap din ako nang mahigpit. Nasasaktan ako na makita si papa na malungkot at umiiyak.

"Anak, everything will be okay," sabi niya. Alam ko ang pangungusap na iyon ay hindi lang para sa akin kundi para sa amin. I hugged him tightly with my small arms.

I never saw my papa crying, ngayon lang. Seeing him cry because of what happened to us, proved that he really is the best and strongest papa in the world. I'm lucky to have him as my father. He never replaces my mom, and he always protects me.

The day we arrived in Iligan City here in Mindanao, my papa resigned from being a soldier to spend more time with me. Since then, I promised myself that I will do my best to protect my father. Kung mabibigyan din ako ng pagkakataon ay gusto kong hanapin si mama dahil tulad ng paniniwala ni papa ay hindi rin ako naniniwala na namatay si mama sa aksidenteng nangyari. After all, we don't see an evidence that mama is dead. I'm sure of it, and also papa feels the same way.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status