Share

Chapter 32.1

Kinabukasan, nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng alarm ko. Napasapo na lamang ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Ano ba ang ginawa ko kahapon? Uminom ba ako? Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang papasok sa banyo ko daladala ang towel. Isinabit ko ang tuwalya at napatingin sa harap ng salamin. Napatingin naman ako sa reflection ko. Parang may hindi ako maalala kagabi. Nagkibit balikat na lamang ako at sinimulan ko na ang pagligo. Hangover pa rin ako pagkatapos ko maligo pero hindi na gaano kalutang ang isip ko simula noong nabasa ng tubig ang ulo ko. Ngayon napagpasyahan ko na magdala ng tote bag para may malagyan ako.

Sana nagluto sila Nate. Gutom na gutom na ako kaya agad ako bumaba sa hagdan at dumeritso sa kitchen. Agad ko nakita si Nate. Hinanap ko si Thomas pero hindi ko siya makita. May nakahain na pagkain na sa lamesa. Mukhang masarap ang pagkain hinanda.

"Ikaw ba ang nagluto nito, Nate?" tanong ko sa kanya habang tinikman ang pagkain. Masarap nga.

Tumango naman siya.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status