Share

Chapter 42

Third Person POV

Habang nasa loob ng barko sila Jay kaharap niya si Leo habang nakaupo sa harap ng lamesa at kumakain ng kanilang pananghalian. Sa buong byahe ay tahimik lang sila Jay at Leo at may kanya-kanyang pinag-iisipan.

Ang buong atensyon ni Jay ay naka pukos sa mga katanungan at pag-alala sa kanyang ama na ngayon ay wala pa rin malay. Habang si Leo naman ay nag-iisip sa kalagayan ng kanyang fiancee at sa trabaho.

Parehong napabuntong hininga sina Jay at Leo kaya napatingin sila sa isa’t-isa ng mapansin nila ito. Biglang sumagi sa isip ni Jay ang mga sinabi ni Joyce sa kanya tungkol sa kalagayan ni Leo.

“Commander Leo, nagkita kami ni Joyce at sinabi niya sa akin ang tungkol sa kalagayan ng paa mo,” pagbukas ng salita ni Jay. Hindi naman nagulat si Leo at kinuha ang kanyang tasa na may lamang kape at ininom ito habang mainit pa. Nakapikit si Leo habang ininom ang kape at ibinaba ang tasa at napaisip sa kanyang nobya.

“Sinabi pala sa iyo ni Joyce ang tungkol sa akin,” sabi ni Le
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status