Share

Chapter 46

Pagkatapos patayin ni Jay ang tawag ay nagpagulong-gulong siya s kanyang kama dahil sa kilig na naramdaman niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya na parang gusto na kumawala sa kanyang dibdib.

Pakiramdam ni Jay na sobrang init ng kanyang mga pisnge kaya napagdesisyonan niya na maligo ngayon. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya. Pinatuyo niya ng abuti ang kanyang buhok para hindi siya makatulog na basa ang kanyang buhok at sumakit ang kanyang ulo.

Pagkatapos magpatuyo ng buhok si Jay umupo siya sa kanyang kama at kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita niya na may mensahe si Lorenzo para sa kanya. Napangiti na lang siya ng mabasa ito.

“Good night, darling,” pagbasa niya sa mensahe at may heart emoji pa ito.

Inilagay ulit niya ang kanyang cellphone sa lamesa at humiga sa kanyang kama habang nakapikit ang kanyang mata at yakap-yakap ang isa niyang unan.

Dahil sa pagod at saya ay may ngiti sa labi si Jay na nakatulog ng mahimbing.

Kinabukasan ay sinuot ni Jay ang damit na binili
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status