ORPHANAGE.
Jazer's POVHINDI parin matigil sa pag pintig ng mabilis ang puso ko ngayon dahil sa pagtakbo namin kanina. Hihingal hingal ako habang naka hawak sa tuhod.Nilingon ko yung kasama kong babae na ngayon ay nakasalmpak sa semento at pinapaypayan ang sarili gamit ang dalawa niyang kamay habang naghahabol din ng hininga tulad ko." Bakit hindi ka hinabol ng mga asong 'yun kanina? " kunot noong tanong ko habang hinihingal parin saka umayos ng tayo at nagpamewang." Hah... hah, si- hah-guro-hah dahil dun sa--hah " huminto siya sabay hawak sa dibdib niya habang hirap parin sa paghinga. " Binigay ko kasi yung--hah--yung bitbit kong--hah--ga--hah--gummy worms--hah "" tss "" Pwede ka namang huminga muna bago ka sumagot " bahagyang inis na sambit ko.Huminga siya ng malalim..." Sobrang lalim "Saka ibinuga ito sa ere, kasabay nun ang tuluyan niyang pag higa sa sementong kinauupuan niya at napa nguso." Problema nitong babae na to? "" Wala na tuloy akong gummy worms " usal niya sa sarili sabay simangot at buga ulit ng hangin sa kawalan." Hoy " tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sakin sabay ngiti " Kulay puti 'yang suot mong damit tapos humiga ka jaan? "" Hala! " gulat na sambit niya saka mabilis na tumayo at pilit na inaabot ang likurang bahagi ng damit upang pagpagan " Lalake pa alis naman ng dumi oh, lagot ako kay ate Ilyza nito eh " naka ngusong ani niya sabay talikod sakin." Maganda din siguro ate nito "" Hindi sa nagagandahan ako sa kanya ha... pero ok, parang ganon na nga. Isip bata lang kasi talaga siya "Ibinaba ko muna yung bag na hawak ko bago lumapit sa kanya para pagpagan ang likod niya." Matanong ko lang, ilang taon kana? " tanong ko habang pinapagpagan ang likod niya." Ahmm, walong taon-- lalake ikaw? " tugon niya dahilan ng pagka gulat ko kasabay ng paghinto sa pag aalis ng mga duming dumikit sa damit niya." Seryoso ba siya? "Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa." parang magka edad na nga ata sila ni Kairien kung titignan "" Mukha kang hindi walong taon " naka ngiwing sambit ko.Humarap siya sakin sabay ngiti ng pagkalawak lawak." Hindi nga! Hihihihihi si ate Ilyza twenty " masiglang sambit niya.Biglang nagbago yung pakiramdam ko ng sabihin niya yun." sakto "Palihim akong napangiti ng nakakaloko." Yung ate mo, may boyfriend na? " nakangising tanong ko.Wala namang masam sa gagawin ko tutal hindi pa naman simula ng trabaho, isa pa paniguradong maganda ate niya dahil aaminin kong maganda din to'ng kaharap ko kung hindi lang siya isip bata kung umasta." Ahmmm, wala ata? " tugon niya ng naka tabingi ulit ang ulo. " Ikaw lalake may girlpren kana? " ngiting ngiti na tanong niya.Dinampot ko muna yong bag ko saka nagsimulang maglakad bago sinagot ang tanong niya." Nope "Mabilis siyang sumabay sa paglalakad ko ng marinig ang naging tugon ko." Ako lalake pwede mo 'kong maging girlpren, tutal pogi ka naman hihihi " masiglang sambit niya na may talon talon pa." Tss, hindi ako pumapatol sa isip bata " iritang bulong ko." Hmmm? " usal niya dahilan para lingunin ko siya sabay ngiti." Ano ba'ng pangalan mo? "" Hehe... ako nga pala si Iyesha " ngiting ngiti na tugon niya sabay lahad ng kamay.Tinanggap ko naman yun para makipag shake hands saka bahagyang ngumiti." Jazer " pagpapakilala ko" Hihihi pag nakilala ka ni ate Ilyza magkaka crush yun sayo, kaso hindi na pwede yun diba? " nakangusong sambit niya dahilan ng pagkunot ng noo ko." Bakit naman? "" Syempre boyprend na kita eh! Hihi " masiglang sambit niya sabay kapit sa braso ko." Anak ng "" Alam mo, umuwi ka na sa inyo baka hinahanap kana ng ate mo " ani ko sabay alis ng braso niyang nakapulupot sakin dahilan ng pagsimangot niya " Sige na, mauuna na ako magiingat ka sa pag uwi "Nagsimula na akong maglakad, nilingon ko pa siya at grabe yung pagka busangot ng mukha niya habang nakatungo bago ito padabog na tumalikod sa dereksyon ko at nagsimulang maglakad palayo." ibang klase "Wala sa sarili akong napaismid sabay pamulsa at itinuon nalang ang sarili sa mga istraktora na madadaanan ko.------Dahil sa ginawang pagtakbo namin kanina napalayo ako ng bahagya sa hotel na pupuntahan ko, pero kahit ganun narating ko rin naman ang hotel nayon ng hindi inaabot ng tanghali." 12: 01 "" Here's your room sir, have a nice stay "Naka ngiting ani nung isa sa mga facility workers sabay yuko habang naka dikit ang dalawang palad dahilan para gayahin ko 'yun bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.Iniitsa ko sa malaking kams ang bitbit kong bag saka ako naghubad ng damit at dumeretsyo sa banyo para maligo. Habang naliligo ay biglang pumasok sa isip ko si Ms. Hazel, napahinto ako at itinukod sa pader ang dalawa kong kamay. Nalaman kong may kakilala si Ms. Hazel dito sa Thailand, ayon sa haka haka ng mga nag background check sa kanya.Bumabagabag din sa'kin ang kulang kulang na impormasyong ibinigay nila sakin." Oh baka, magaling lang talaga mag tago nang totoong pagkatao itong si Ms. Hazel " sa isip isip ko bako ako nagpakawala ng buntong hininga at agad na tumayo upang tahakin ang banyo ng maka ligo.Pinatay ko na ang shower saka ako kumuha ng bathrobe at towel para sa buhok. Naglakad ako pabalik sa may higaan para buksan ang dala kong bag saka inilabas ang laptop bago sumampa sa kama at binuksan yun. Kinuha ko din ang mga dukomento patungkol kay Ms. Hazel at kinuha ang isang litrato niya ro'n na may kasamang mga madre." Kung tama ang hinala ko, malamang bahay ampunan to dahil maraming bata ang naglalaro sa likuran nila "Kinuhanan ko ng picture ang litrato gambit ang selpon ko saka ito isinend sa laptop para ma-e-search kung sa'n ang lokasyon ng bahay ampunan na yun. Maraming lumabas na litratong may katulad nung gusali na nasa likuran nila." At tama ang hinala kong bahay ampunan nga 'yun, bakit naman siya pupunta sa isang bahay ampunan "Muli kong kinuha ang litrato niya upang mapagmasdan ulit ng maigi." kung titignan, parang napaka saya nilang tignan sa litratong ito... Ibig sabihin, ito na yung tinutukoy nila na kakilala ni Ms. Hazel dito sa Thailand "Napa-ngisi ako dahil sa sariling naisip." Sabi ko na nga ba't saglit lang ako dito sa Thailand " pagyayabang ko pa sa sarili.Dinampot ko ang envelope at tinignan pa ang ibang litrato na nakalakip ro'n. Ang ibang larawan ay kuha mula sa malayo, at may isang litrato na naman ang nagkuha ng atensyon ko. Inilatag ko sa higaan ang mga litratong nakita ko kung sa'n may kasama pa siyang isang babae na hindi nahahagip ng kamera ang mukha dahil sa lagi itong nakatalikod o di kaya natatabunan ng buhok ang mukha ." Sino naman to "Kung titignan ang pustora nung babae masasabi mo'ng may maibubuga yun pagdating sa labanan, magkasing tangkad lang sila ni Ms. Hazel, mahaba ang itim at tuwid niyang buhok. Sa unang litrato na nakita ko ay may inabot si Ms. Hazel na isang puting sobre, yung pangalawa naman ay inabutan niya ng isang itim na back pack, minarkahan pa yun sa litrato ng kulay pula at nilagyan ng salitang." here?... tsk! pinapahirapan din ba nilaako "Inis akong bumuntong hininga saka tinignan ang pangatlong litrato, kausap niya ulit yung babae sa isang kainan na sa pagkaka tanda ko ay nadaanan ko na kanina." So nandito nga sa lugar na 'to mismo si Ms. Hazel. Kung gano'n... bakit hindi pa nila hinuli at iniharap kay sir Dylan "" Eh kasi nga boy, mas magaling ka kaysa sa kanila kaya tanggapin mo na " -- inner me" Haisst, Oo nga pala "Napaismid nalang ako sa sariling kayabangan bago inilabag ang mga litrato at humiga. Ginawa kong unan ang sariling braso habang nakatitig sa kisame at nagbuntong hininga." Do I need to search the whole city just to find that girl?... Tsk!"Continuation...Muling tanong nito nang hindi umimik ang dalawa. Nagbuntong hininga si Ms. Hazel, si Ilyza naman ay saglit na napatingin sa'kin bago diretsyong tignan si sir Dylan.“ Kaylan po ba ang kasal? ”Magalang na tanong ni Ilyza dahilan para tignan siya ni Ms. Hazel na punong-puno ng pagtataka. Natawa naman si sir Dylan sabay itinukod ang parehong siko sa makabilaang tuhod. Tumingin ito mang diretsyo sa mga mata ni Ilyza habang naka ngiti saka ibinaling kay Ms. Hazel.“ Next month ”“ Eh?! ”“ Dylan?! ” Suway ni Ms. Hazel kasabay ng biglaang pagtayo dahil sa gulat. Bahagya akong na tawa saka tumingin kay Ilyza na napatingin din sa gawi ko habang takip- takip ang bibig nito at napasandal sa inuupuan.Naibaling ko naman ang tingin kay sir Dylan ng bahagya ulit itong tumawa at umayos sa pagkaka-upo habang nakatingin kay Ms. Hazel.“ C'mon, Hazel... I've been waiting for us to get married. It's been two months, Baka nakakalimutan mo'ng dapat kasal na tayo ngayon? ”Nakangiting sa
ONE WEEK LATER...JAZER'S POVNAGLAKAD palapit sa pintuan nang banyo habang inaayos ang suot ko. Na sa loob kasi si Ilyza, nag- aayos ng sarili dahil ngyon ang araw na ihahatid kona ito sa mansyon.Kung saan nghihintay si Ms. Hazel sa kanya. Bago kumatok ay naisipan ko munang ayusin sa pagkaka- ahawi ang buhok ko saka ako humarap sa glass door nitong banyo sa kwarto ko para tawagin si Ilyza." Ready to go? "" Oo, teka lang. Pasuyo naman ako "Anya kasabay nang paglabas sa banyo. Agad itong tumalikod sa'kin habang hirap na hirap sa pag- abot ng zipper nitong suot niya." Hindi ko maabot "Dugtong pa nito dahilan para mapa- ismid ako habang isinasara ang zipper ng damit niya sa likuran. Matapos kong maisara ito ay hinalikan ko ang leeg niya saka siya mahigpit na niyakap." Can you just stay here? "Mapanuyo sambit ko habang nakapatong ang babasa balikat nito. Hinawakan nito ang mukha saka napa- ismid." Jazer, halos dalawang linggo na akong nandito. Baka matampo na 'yon si ate Hazel "
Continuation..." So... pa'no naging kayo? "Tanong nang isa sa mga kaibigan ni Jazer , na sa pagkakatanda ko ay Chrish ang pangalan. Sa dalawang araw kong nandito ay ngayon lang kami nagka- usap- usap dahil sa nag aaral pa ang mga ito." Ahmm "Usal ko habang iniisip kung pano kami nagkakilala." Did he even court you? "Tanong naman nitong isa na mukhang inosente." Kairene, Luma na 'yun. At saka wala sa bokabularyo 'yun ni Jaze, noh "Biglang sabat naman nitong isa pa na mahaba ang buhok at may suot sa salamin. Naibaba ko ang tingin sa hawak na baso at palihim na ibinaling ang tingin kay Jazer, na ngayon ay abal sa pakikipag- usap sa mga may edad ng bisita. Na sa living room sila habang kaming apat ay andito sa kusina." Ok, but... Did he even asked you to be his girl? "Mabilis kong naibaling ulit ang tingin dun sa inosenteng babae na kairene, daw ang pangalan." For sure, hindi "Biglang sabat ulit ni ate na may suot na salamin sabay tungga sa hawak na baso. Napa- isisp ako sa si
JAZER'S POV MARAHAN akong napamulat at kaagad na napatingin sa gilid ko nang mapansin ang isang presensya na nakahiga rito. Agad akong napangiti dahil kahit hindi ko man ito tignan ng mabuti, alam kong si Ilyza itong mahimbing na natutulog sa tabi ko.Nakatalikod ito sa'kin kaya hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Kumilos ako para sana umusog at masilip siya nang biglang kumirot ang tagiliran ko kung saan ako may tama ng bala.Napahinto ako at muling napahiga ng diretsyo kasabay nang pagtitig sa kisame. Napabuntong hininga ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Pero nauwi lang ako sa pagka-tulala. " Hindi ko alam kung nauwi ba sa maayos ang lahat. Pero sana ay gano'n nga "Huminga ako ng malalim at muling humugot ng lakas para makakilos. Nang tuluyan akong makausad at maupo ay agad kong dinungaw si Ilyza, na natatakpan pa ng buhok ang mukha." Hey... "Usal ko habang hinahawi ang mga hibla ng buhok nito at mai-ipit sa tenga niya. Matapos 'yon ay napakunot nuo kaagad ako
" Do you want to buy something? "Biglang tanong ni tita sa'kin dahilan para bahagya akong magulat at agad na bumalik sa ulirat. Kanina pa kasi ako nakatingin dito sa mga naka- display na pang birthday party." Ah! wala po, tita. hehe "" You sure? " " Hehe! wala po talaga,tita. Tapos na po kayo mamili ng bibilhin? "Saglit niyang tinignan ang mga na sa push cart habang nag- iisip." Yeah, I guess? " Tumingin siya sakin habang natatawa. " Siguro , this is all what I need na in the kitchen. So let's go na sa cashier? " Pag- aaya niya sa'kin kaya tumango na lang ako at nakitulak sa push cart. Pagkarating namin sa harap ng cashier napahinto ako sa isang lagayan na maraming naka display na ibat- ibang chocolates." Nakakatakam "Napapalunok ako habang ini- imagine ang sarili ko na kinakain lahat ng y'on. Gusto kong magpabili kaso sabi ni ate Ilyza sa letter na iniwan niya para sa'kin eh, mag behave lang daw ako para hindi ako pauwin kina ate Hazel." Ayaw ko pa'ng umuwi, tulog pa si J
TWO DAYS LATER...HAZEL'S POVTAIMTIM akong nag-iisip habang mag- isa na nakatayo dito sa garden ng mansyon at pinagmamasdan ang buong paligid nito.Hindi ko maalis sa sarili ang pag- iisip sa kalagayan ngayon ng kapatid ko. Kahit na alam ko'ng na sa mabuting kamay siya kasama ang pamilya ni Jazer.Hindi ko parin maiwasan ang mag- alala kahit pa alam ko na nakakulong na si Don Rafael. Marami parin itong kanang kamay dahilan kaya mahirap sa'kin ang magpakampante ." Lalo na't hindi parin nagigising si Jazer hanggang ngayon "Iyon ang isa sa dahilan kung bakit wala sa tabi ko si Ilyza dahil ayaw iwan ng kataohan niyang si Iyesha, ang walang malay na si Jazer hangga't hindi niya ito nakikita na gumising." At wala akong magagawa patungkol dun dahil baka takasan lang ako nito kapag pinaghigpitan ko siya "" Hey "Bahagya kong naibaling ang tingin sa likuran nang yumakap mula rito si Dylan kasabay ng paghalik sa leeg ko at sumuobsob pa rito. Napangiti ako dahil sa mahigpit na pagyakap niya