FIRST MET.
Jazer's POV 🌹“ Ladies and gentlemen, We're about to land at Chiangrai Thailand private transport. Local time is 9: 15 in the morning, and the temperature is 34°C blah, blah, blahhhh ”Tumayo na ako at niligpit ang mga dukomentong binasa ko simula pa kanina.“ Have a nice trip sir ” nakangiting sambit pa ng flight attendant bago ako tuluyang bumaba ng eroplano.Hindi ko na siya pinansin at pinagmasdan nalang ang buong paligid. May maliit na bayan sa di kalayuan, bumuntong hininga muna ako bago nagsimulang maglakad patungo ro'n. Muli kong nilingon ang eroplanong sinakyan ko ng muli itong umandar at lumipad paalis." Simula na ng trabaho "Napahinto ako sa paglalakad ng mag vibrate ang selpon ko kaya agad ko iyung dinukot sa bulsa ng jacket .( Dad's calling... )“ Dad ”{ Alam kong nakarating kana kaya ako na ang tumawag }“ Nice guessing dad ” sambit ko saka bahagyang natawa.{ Syempre, alam ko namang tatlong oras lang ang byahe papunta ng Thailand galing dito sa Philipinas }“ So naka punta kana dito? ” naka ngising tanong ko{ Hindi lang ako, kasama pati mommy mo }" di ko alam yun ah "{ Nga pala, kaylangan natin mag usap tungkol sa mommy mo }“ Dad, diba Kakatapos lang natin mag usap kanina? ”{ Oo, at binabaan mo rin ako ng phone }Napabuntong hininga ako at di umimik.{ Ibibigay ko sa mommy mo itong telepono, kausapin mo dahil hindi ko masuyo }Napa buntong hininga ako ulit bago sumagot.“ Fine ”Saglit na tumahimik sa kabilang linya bago ko ulit narinig si Dad na magsalita.{ - “ Oh, kausapin ka ng anak mo "- “ Can you stop bothering me! you're making me asar! ”- “ Hon, kakausapin ka nga ng anak mo ”- “ But I already talked to him ” - “ May gusto lang sabihin ang anak mo sayo ” }" hays! napaka tampuhin talaga niMommy "{ Hello, sweetie? }“ Hi mom ”{ Yes sweetie, what is it? }“ Are you mad? ”{ No, sweetie why would I get m--- stop it, you jerk! }Mariin akong napapikit dahil sa narinig.“ Ahh mom? ”{ Yes, sweetie say it-- hey! hahaha I said stop, can you see? I'm talking to your son }“ Ok, I have to go mom ”{ Sweetie wait! }“ Why? ”{ Can you by me some souvenirs }“ Sure mom, anything else? ”{ Ahm yes! buy me some fruit soap in Bangkok market }“ Fruit soap, what kind? ”{ Anything, but make sure to buy 1 mango soap hehe it is popular there }“ Ok ”{ Thanks sweetie, take care ok I love you }“ I love you too ma-- ”{ Waaaaaa! What are you doing down there! go away jerk!..... }Napamaang ako dahil sa narinig kong paghaharutan nila sa kabilang linya bago pa tuluyang matapos ang tawag. Napailing na lang ako sabay patay ng telepono bago ulit ito ipinasok sa bulsa ng jacket, bumuntong hininga ako bago muling pinagmasdan ang buong paligid at nagsimula ulit sa paglalakad. Kung pagbabasehan ang linggo sa pagsisimula ng trabaho ko, sa susunod na araw pa yun dahil sabado pa lang ngayon. Pero kung araw ang bibilangin para maka buo ng limang linggo at ngayon ang simula ko, ibig sabihin meron na lang akong tatlompo't limang araw.( 35_days_left )Napabuntong hininga ako. Ang kaylangan ko munang hanapin ngayon ay ang tutuluyan ko. Ng makarating ako sa maliit na pamilihan na iyun ay agad kong narinig ang ingay ng paligid dahil sa kaliwat kanan na pagbebenta, may mangilan ngilan din na nag aalok sakin ng mga paninda nila pero tinatanggihan ko. Nung maka layo na ako sa pamilihan na yun ay napagdisisyonan kong kunin ang selpon ko para buksan ang g****e map at do'n mag hanap ng malapit na hotel. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay may biglang naka bunggo sakin.“ Ai!! ” d***g ng isang babaeNapahinto ako saka siya tinignan, tumingin rin ito sakin sabay hawak sa braso niyang bumangga sa balikat ko.“ Khot hort ” aniya sabay pinagdikit yung dalawang palad at yuko ng yuko." Khot hort? "Kunot noo lang akong nakatingin sa kanya, habang paulit ulit niyang sinasabi ang salitang 'yun, hangang sa huminto siya at nagtatakang tumingin sakin.“ I'm sorry, but I can't understand Thai languages ” pag papaumanhin ko sabay ngiti.“ No, no, no, it's ok... I can speak in English anyway hehe ” masiglang sambit niya habang naka ngiti ng sobra. “ Are you traveller? ”Palihim na kumunot ang noo ko dahil sa iniasta niya habang tinatanong 'yun, nakatabingi kasi yung ulo niya tapos 'yung dalawang kamay naman ay nasa likuran." She's acting like an infantile... E mukha naman na siyang nasa 20s "“ Ahmm, sort of ” tugon ko saka ulit siya nginitian.Naibaba niya ang tingin sa lupa at sabay napanguso.“ Sort of? ” usal na tanong niya sa sarili habang nasa gano'ng posisyon parin “ Hala... Wala ata akong nabasa na ganon sa English dictionary ni ate, hmm... ” usal niya ulit na ikinagulat ko sabay ismid.“ Nakaka pagtagalog ka pala eh ”Mabilis niyang na-iangat ang tingin sakin matapos kong sabihin yun.“ Oo! Ikaw rin? ” ngiting ngiti na sambit niya na may kasabay pang talon." She's acting weird...may sayad ata "“ Yehey! pareho tayo ” tuwang tuwa na sambit niya ulit.Para siyang bata na binigyan ng laruan at sobrang natuwa. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, nakasuot ito ng puting long sleeve na may kapares na cargo pans, tapos kulay red na sumbrerong pambata. May kahabaan ang buhok niya na medyo kulot at may pagka golden brown ang kulay.“ S-sige una na ko ” pagpapa alam ko bago nagsimulang maglakad ulit.“ Hoy lalake saglit, wag ka jan ” pigil niya sakin na hinila pa yung laylayan ng damit ko.Kunot noo ko siyang tinignan.“ Kita mo yung paliko nayan? ” turo niya dun sa isang maliit na iskinita sa di kalayuan habang nakapulupot naman yung isa niyang kamay sa braso ko . “ Galing ako jan kanina at alam mo ba, andaming aso duo~~~n ” dugtong niya na ani mo'y nanginginig pa habang nakakapit sa braso ko “ Kaya wag ka na jan dumaan lalake, sige ka, kakainin ka ng mga yun ”" Ang kulit niyang magbigay nang detalye, para talaga itong bata na ani mo'y nananakot ng kapwa niya bata "“ Haha , gano'n ba ” pekeng tawa ko saka ko inalis ang pagkaka kapit niya sa braso ko. “ Mag iingat na lang ako, salamat ”Aalis na sana ako ng bigla ulit niyang hilahin yung laylayan ng damit ko. Kaya nagpakawala ako ng buntong hininga.“ May mga aso nga jan lalake, ang kulit mo naman eh ” pamimilit niya na para bang maiiyak na talaga.Muli ko siyang tinignan. “ Miss, kaya ko ang sarili ko ” pormal na sambit ko sabay alis ulit ng kamay niyang nakahawak sa damit ko.Sumimangot lang siya sabay tungo, hindi ko na yun pinansin at nagsimula na lang ulit akong maglakad. Tinignan ko yung sinearch ko sa g****e map at nakita kong malapit lang dito sa nilalakaran ko 'ang eksaktong lokasyon ng hotel, muli ko na 'yung ibinulsa at tumingin nalang sa dinadaanan kong iskinita. pagliko ko sa iskinitang ito kaylangan ko pa na lumiko ng dalawang bases para marating ang hotel.Napahinto ako ng marinig ang isang ingay na nagmumula sa isang galit na aso. Mabilis na kumabog ang dibdib ko matapos kung lingunin ang mga aso sa di kalayuan. Apat na malalaking aso at galit na nakatingin sakin ngayon habang may tumatagaktak na laway mula sa mga bibig nito, at nakaka takot ang mga pangil nila." Anak ng.. "Napaatras ako nang marahan dahil sa biglang pagtahol nung isa sa mga aso na ani mo'y naghahanda na rin sa pag atake sakin." Na loko na "Mabilis akong tumakbo pabalik sa kinaruruonan ko kanina, nakita ko pa yung babae na nagbigay babala sakin na ngayon ay parang bata parin at nakaupo habang yakap yakap ang dalawang tuhod.“ Takbo! ” sigaw ko dahilan ng pagbaling niya ng tingin sakin.Automatikong bumilog ang parehong mata niya at mabilis na tumayo para tumakbo ng naka hawak pa sa suot niyang sumbrero. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ng mas lalong lumakas ang mga pagtahol nito habang patuloy parin sa paghabol samin." Ano ba namang kamalasan tohhh!!! "Continuation...Muling tanong nito nang hindi umimik ang dalawa. Nagbuntong hininga si Ms. Hazel, si Ilyza naman ay saglit na napatingin sa'kin bago diretsyong tignan si sir Dylan.“ Kaylan po ba ang kasal? ”Magalang na tanong ni Ilyza dahilan para tignan siya ni Ms. Hazel na punong-puno ng pagtataka. Natawa naman si sir Dylan sabay itinukod ang parehong siko sa makabilaang tuhod. Tumingin ito mang diretsyo sa mga mata ni Ilyza habang naka ngiti saka ibinaling kay Ms. Hazel.“ Next month ”“ Eh?! ”“ Dylan?! ” Suway ni Ms. Hazel kasabay ng biglaang pagtayo dahil sa gulat. Bahagya akong na tawa saka tumingin kay Ilyza na napatingin din sa gawi ko habang takip- takip ang bibig nito at napasandal sa inuupuan.Naibaling ko naman ang tingin kay sir Dylan ng bahagya ulit itong tumawa at umayos sa pagkaka-upo habang nakatingin kay Ms. Hazel.“ C'mon, Hazel... I've been waiting for us to get married. It's been two months, Baka nakakalimutan mo'ng dapat kasal na tayo ngayon? ”Nakangiting sa
ONE WEEK LATER...JAZER'S POVNAGLAKAD palapit sa pintuan nang banyo habang inaayos ang suot ko. Na sa loob kasi si Ilyza, nag- aayos ng sarili dahil ngyon ang araw na ihahatid kona ito sa mansyon.Kung saan nghihintay si Ms. Hazel sa kanya. Bago kumatok ay naisipan ko munang ayusin sa pagkaka- ahawi ang buhok ko saka ako humarap sa glass door nitong banyo sa kwarto ko para tawagin si Ilyza." Ready to go? "" Oo, teka lang. Pasuyo naman ako "Anya kasabay nang paglabas sa banyo. Agad itong tumalikod sa'kin habang hirap na hirap sa pag- abot ng zipper nitong suot niya." Hindi ko maabot "Dugtong pa nito dahilan para mapa- ismid ako habang isinasara ang zipper ng damit niya sa likuran. Matapos kong maisara ito ay hinalikan ko ang leeg niya saka siya mahigpit na niyakap." Can you just stay here? "Mapanuyo sambit ko habang nakapatong ang babasa balikat nito. Hinawakan nito ang mukha saka napa- ismid." Jazer, halos dalawang linggo na akong nandito. Baka matampo na 'yon si ate Hazel "
Continuation..." So... pa'no naging kayo? "Tanong nang isa sa mga kaibigan ni Jazer , na sa pagkakatanda ko ay Chrish ang pangalan. Sa dalawang araw kong nandito ay ngayon lang kami nagka- usap- usap dahil sa nag aaral pa ang mga ito." Ahmm "Usal ko habang iniisip kung pano kami nagkakilala." Did he even court you? "Tanong naman nitong isa na mukhang inosente." Kairene, Luma na 'yun. At saka wala sa bokabularyo 'yun ni Jaze, noh "Biglang sabat naman nitong isa pa na mahaba ang buhok at may suot sa salamin. Naibaba ko ang tingin sa hawak na baso at palihim na ibinaling ang tingin kay Jazer, na ngayon ay abal sa pakikipag- usap sa mga may edad ng bisita. Na sa living room sila habang kaming apat ay andito sa kusina." Ok, but... Did he even asked you to be his girl? "Mabilis kong naibaling ulit ang tingin dun sa inosenteng babae na kairene, daw ang pangalan." For sure, hindi "Biglang sabat ulit ni ate na may suot na salamin sabay tungga sa hawak na baso. Napa- isisp ako sa si
JAZER'S POV MARAHAN akong napamulat at kaagad na napatingin sa gilid ko nang mapansin ang isang presensya na nakahiga rito. Agad akong napangiti dahil kahit hindi ko man ito tignan ng mabuti, alam kong si Ilyza itong mahimbing na natutulog sa tabi ko.Nakatalikod ito sa'kin kaya hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Kumilos ako para sana umusog at masilip siya nang biglang kumirot ang tagiliran ko kung saan ako may tama ng bala.Napahinto ako at muling napahiga ng diretsyo kasabay nang pagtitig sa kisame. Napabuntong hininga ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Pero nauwi lang ako sa pagka-tulala. " Hindi ko alam kung nauwi ba sa maayos ang lahat. Pero sana ay gano'n nga "Huminga ako ng malalim at muling humugot ng lakas para makakilos. Nang tuluyan akong makausad at maupo ay agad kong dinungaw si Ilyza, na natatakpan pa ng buhok ang mukha." Hey... "Usal ko habang hinahawi ang mga hibla ng buhok nito at mai-ipit sa tenga niya. Matapos 'yon ay napakunot nuo kaagad ako
" Do you want to buy something? "Biglang tanong ni tita sa'kin dahilan para bahagya akong magulat at agad na bumalik sa ulirat. Kanina pa kasi ako nakatingin dito sa mga naka- display na pang birthday party." Ah! wala po, tita. hehe "" You sure? " " Hehe! wala po talaga,tita. Tapos na po kayo mamili ng bibilhin? "Saglit niyang tinignan ang mga na sa push cart habang nag- iisip." Yeah, I guess? " Tumingin siya sakin habang natatawa. " Siguro , this is all what I need na in the kitchen. So let's go na sa cashier? " Pag- aaya niya sa'kin kaya tumango na lang ako at nakitulak sa push cart. Pagkarating namin sa harap ng cashier napahinto ako sa isang lagayan na maraming naka display na ibat- ibang chocolates." Nakakatakam "Napapalunok ako habang ini- imagine ang sarili ko na kinakain lahat ng y'on. Gusto kong magpabili kaso sabi ni ate Ilyza sa letter na iniwan niya para sa'kin eh, mag behave lang daw ako para hindi ako pauwin kina ate Hazel." Ayaw ko pa'ng umuwi, tulog pa si J
TWO DAYS LATER...HAZEL'S POVTAIMTIM akong nag-iisip habang mag- isa na nakatayo dito sa garden ng mansyon at pinagmamasdan ang buong paligid nito.Hindi ko maalis sa sarili ang pag- iisip sa kalagayan ngayon ng kapatid ko. Kahit na alam ko'ng na sa mabuting kamay siya kasama ang pamilya ni Jazer.Hindi ko parin maiwasan ang mag- alala kahit pa alam ko na nakakulong na si Don Rafael. Marami parin itong kanang kamay dahilan kaya mahirap sa'kin ang magpakampante ." Lalo na't hindi parin nagigising si Jazer hanggang ngayon "Iyon ang isa sa dahilan kung bakit wala sa tabi ko si Ilyza dahil ayaw iwan ng kataohan niyang si Iyesha, ang walang malay na si Jazer hangga't hindi niya ito nakikita na gumising." At wala akong magagawa patungkol dun dahil baka takasan lang ako nito kapag pinaghigpitan ko siya "" Hey "Bahagya kong naibaling ang tingin sa likuran nang yumakap mula rito si Dylan kasabay ng paghalik sa leeg ko at sumuobsob pa rito. Napangiti ako dahil sa mahigpit na pagyakap niya