Share

Chapter 41

Author: Madam Ursula
last update publish date: 2026-02-14 23:38:20

Nang mga sumunod na araw, nagulat si Amara na pati ang pagbabasa ng libro at ang pagligo ni Anton ay tinatawag na siya. Tuloy inaabot na siya ng mga alas diyes sa silid ng amo.

"Ah Amara, pwede bang pagkatapos mong ilagay sa kusina yang pinakainan ko, pwede ka bang bumalik dito?" malambing na tanong ni Anton. Kinabahan si Amara dahil sa totoo lang, masyado na silang malapit ni Anton, at hindi niya alam kung kaya niya pang panatilihing ligtas ang kanyang puso tuwing napapalapit siya rito.

Nguni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 67

    Muling nabalot ng katahimikan ang paligid, ngunit sa pagkakataong ito ay narinig ni Anton ang mahihinang yabag ng mga paang papalapit mula sa loob ng silid. Ang simpleng tunog na iyon ay nagbigay ng panibagong pag-asa sa kanyang puso na kanina pa tila namamatay sa panghihinayang at takot. Umugong ang seradura at dahan-dahang umikot, hanggang sa wakas ay unti-unting bumukas ang pinto.Doon ay tumambad sa kanya si Amara. Mapula at namamaga ang mga mata sa kakaiyak, gusot ang suot na damit, at halatang pagod na pagod, hindi lamang ang katawan kundi lalo na ang kanyang damdamin. Ngunit sa kabila ng lahat ng sakit at hirap na dinanas, nakatayo pa rin ito at nakatingin sa kanya; at kahit puno ng kirot ang mukha ng dalaga, kitang-kita pa rin ni Anton ang wagas na pagmamahal na mayroon ito para sa kanya. Bago pa man makapagsalita o makapaghayag ng damdamin si Amara, dali-daling lumapit si Anton at niyakap ito nang mahigpit. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga at hinigpitan pa l

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 66

    Ang sakit ay hindi lang basta dahil sa mga salita, kundi dahil sa katotohanang ang lalaking mahal na mahal niya, ang lalaking ibinibigay niya ang lahat ng kanyang lakas at oras, ay siya ring taong walang tiwala sa kanya at laging handang maniwala sa kung ano lang ang nakikita o iniisip nito."Bakit ganito? Bakit kailangan mong saktan ako nang ganito, Anton?" bulong niya habang dahan-dahang lumulugmok pababa at napaupo sa sahig, niyakap nang mahigpit ang kanyang mga tuhod na parang bata na naghahanap ng proteksyon at kapanatagan."Akala ko ba… akala ko ba naiintindihan mo na ako? Akala ko ba alam mo kung sino ako? Ang bawat tanong ay walang sagot, tanging ang pait at bigat lamang ng damdamin ang nananatili. Naaalala niya muli ang mga nakaraan, ang mga pang-aapi ni Peachy, at ngayon naman ay ang paninisi mismo ng taong akala niya ay kakampi niya. Pakiramdam niya ay mag-isa lamang siya sa malaking bahay na ito, mag-isa siyang nakikipaglaban sa mga maling akala at mapanghusgang mata ng mg

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 65

    "Hah! Ah... eh kasi... ano kase... Hmm, sa totoo lang… nagdahilan lang ako noon," nauutal at ilang na pag-amin ni Amara habang nakayuko at kinakalikot ang laylayan ng kanyang damit. Ramdam niya ang init na gumagapang sa kanyang pisngi dahil sa hiya, dahil alam niyang nahuli na siya nito sa pagsisinungaling at pag-iimbento lang ng kuwento kanina para makaligtas sa gulo.Pero tila hindi nakuntento o napakalma man lang si Anton sa narinig. Sa halip ay lalo lamang kumunot ang kanyang noo at lalong tumalim ang tingin sa dalaga.Sunod-sunod at walang palya ang pagbato nito ng mga tanong, na parang isang imbestigador na gustong-gustong makakuha ng katotohanan sa lahat ng bagay."Sino ba 'yang lalaking 'yan sa litrato? Sino siya sa'yo?" mabilis na tanong nito, puno ng kuryosidad at tila may halong paghihinala. "Ex-boyfriend mo ba siya? O kaya may kasintahan ka bago ka pumasok at magtrabaho sa akin? Kayo pa ba hanggang ngayon? Magkasama pa rin ba kayo kahit nandito ka sa bahay namin? O baka nam

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 64

    Hingal na hingal si Amara nung nakalayo na siya, at huminto lang nung sigurado siyang wala nang nakakakita o nakakarinig sa kanya. Hiningal siya nang malalim, hindi dahil sa pagod kundi sa halo-halong kaba at tuwa. "Buti na lang talaga at nakaisip ako agad ng isasagot," sabi niya sa sarili habang hinahaplos ang dibdib na ang bilis pa rin ng tibok. Halos mahuli na siya sa bitag ni Peachy ah, at kung wala lang sa litrato sa cellphone niya, sigurado siyang lalo lang siyang aapihin at hihiyain ng babaeng ‘yon. Naiwan naman sa kusina sina Anton at Peachy. Nakatulala lang si Anton habang nakatingin pa rin sa direksyon na tinakbuhan ni Amara. Ang nakita niyang litratoyung lalaking dayuhan, gwapo, at mukhang mayaman—ay tumatak pa rin sa utak niya. Hindi niya maipaliwanag, pero parang may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya. Yung dati kasing kuryosidad niya, napalitan na ng inis at pagkainis, pero hindi niya matukoy kung kanino siya galit: kay Amara ba, sa lalaking nasa

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 63

    Samantala, kahit na hindi siya gumalaw o nagsalita agad, may malaking balak na tumatakbo sa isipan ni Peachy. Hindi siya papayag na magpatalo lang sa mga nangyari, lalo na’t hindi niya matatanggap na haharapin siya at ipapahiya nang ganoon lang. Kahit na nakangiti si Donya Soledad sa harap niya, nanginginig ang ngipin ni Peachy sa sobrang galit na nararamdaman niya. At ang galit na iyon ang ibinuhos niya kay Amara kinabukasan. Natuwa si Peachy nang makitang aalis na pala si Donya Soledad. Agad niyang isinagawa ang mga bagay na pinagplanuhan niya. Pero bago pa man umalis ang matanda, kailangan muna niyang bigyan ng leksyon ang taong akala niya ay nakikipaglaro lang at tumatapak sa karapatan niya, si Amara. Gusto niyang iparamdam dito kung sino ang dapat mag-utos at kung sino ang dapat sumunod. Nakita ni Peachy na abala si Amara sa paghahanda ulit ng pagkain para kay Anton. Kaya dali-dali siyang lumapit dito para asarin at utusan. “Hoy, babaeng wala namang kwenta! Bitawan mo ‘yang p

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 62

    At tungkol naman kay Anton? “Totoo bang napapalitan na nito ang mundo niya dahil kay Amara? O dahil lang ba ito sa kalungkutan ng apo ko? Dahil ba naghahanap lang ito ng makakausap at makakapitan dahil sa nangyari sa kanya?”Napabuntong-hininga siya. Pero base sa tindi ng emosyon at lambing na narinig niya kanina, parang matagal na talaga silang magkakilala at posibleng malalim na ang pinagsamahan ng dalawa. Hindi lang ito basta fling o simpleng laro. Ramdam niya ang sinseridad sa boses ni Anton at sa kilos ni Amara. Muling napangiti si Donya Soledad, ngunit ito ay ngiting may halong plano at kalkulasyon. Dahan-dahan siyang umalis sa harap ng pinto at naglakad palayo.Isa na lamang ang hinihintay at kailangang mangyari. Una, ang makalakad na nang tuluyan at ganap na gumaling si Anton. At ang pangalawa at pinakamahalaga… ang pagsang-ayon ni Amara sa huling kontrata o usapan na hindi pa siya sigurado kung papayag ang dalaga. Ang sikaping magkaroon ng anak si Anton. Ito ang pinakahuling

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status