เข้าสู่ระบบAnton is disgusted, gusto niyang tumawa. "Miss," tawag niya sa babaeng kausap. "You're not my type ," tila nandidiring sabi pa niya sa babae. Pinasadahan niya ulit ito ng tingin. Mukhang lokal sa lugar ang babaeng makapal ang makeup. Kinilabutan si Anton nang banggitin nito sa kanya ang salitang "make love." Sa tanang buhay niya, wala pang babaeng nangahas na humiling sa kanya ng ganoon.
Hindi naniniwala si Anton sa salitang "pag-ibig." He has been with different women, iba't ibang sizes, lahi, lahat halos ay kanyang kauri. But never in his 27 years of existence na may babaeng nagbukas ng usaping ganito. Only this time, sa isa pang pickup girl. Para kay Anton, kase less hassle kapag less emotion, girls come and go, no promises, no complication. No love, just pure lust. Kampante siya doon. Tumayo si Anton, Inis na tinalikuran niya ang babae. Mabilis siyang naglakad patungo sa madilim na bahagi ng bar. Kumuha siya ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan ito. Naiwan naman si Amara na tila natigilan. Hindi siya makapaniwala sa reaksyon ng lalaki. Ganun ba talaga ka-big deal ang makipag-make love? Hindi ba dapat ay nagkukumahog pa nga ito para sunggaban siya? O kaya naman ay magmadali na itong kaladkarin sa isang motel o transient house? Naguluhang sabi ni Amara. Sa lahat naman ng lalaki, ito lamang ang lalaking ganoon ang reaksyon. Well, fine, sabihin na nating may karapatan naman siyang maging mapili. Dahil guwapo ang lalaki. Hunk. st oozing with sex appeal. Well, kaya nga niya ito nakursunadahan. Pero teka lang ha, hindi naman siya lugi sa akin. Aba, ako ang pinakamagandang Igorota sa balat ng lupa," sabi pa ni Amara sa sarili. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Nakita niyang nagsindi ito ng sigarilyo. Saka halos naghihit-buga na para bang tensyonado. Inalis ni Amara ang paningin sa lalaki at umikot ulit ang paningin sa bar. May isang lalaking lumapit sa kanya. At tinanong pa nga kung magkano ang presyo niya. "I'm taken," ang sagot ni Amara. Aba, kahit naman naghahanap siya ng ka-s*x, o kahit naman naghahanap siya ng lalaking magbibigay sa kanya ng first-time experience, hindi naman siya basta na lang papatol sa kung sino-sino lang. Gusto niyang maalala ang unang karanasan sa masarap na paraan, hindi para bangungutin lang. Lalo namang hindi pera ang hanap niya. Umalis ang lalaki nang bad trip at tiningnan ng masama si Amara. Sinabihan pa nga siyang maarte at langawin daw sana siya. Maya-maya, may dalawang medyo may edad na ang lumapit kay Amara. Ang isang may edad na may makakapal na alahas sa leeg at malalaking singsing sa daliri ay agad na tumabi sa kanya. "Miss, kanina pa kita pinagmamasdan. Mukhang lahat yata ng lumalapit sa iyo ay tinatanggihan mo. Gaano ba kataas ang presyo mo? Wanna bargain?" Sabi sa kanya ng lalaki. Sumingit naman ang isang lalaking may edad na natatawa at tila manghusga at hindi mapuri ang pakay. "Naku, pare, huwag kang magbibitaw ng malaki diyan,"sabi ng isa, ngunit ang mga tingin naman kay Amara ay pailalim, na tila ba kursunada rin ang dalaga. "Why, she seems lonely, hey, Babe, wanna come with me?" Umiwas si Amara at halos mailang sa pagdikit ng matanda. Para na niya itong Ama. Ngunit nang maalala na baka ganito rin katanda ang paliligayahin niya sa Maynila. Kinontrol ni Amara ang sarili upang hindi mandiri at mailang. Mabuti na ang masanay ngayong pa lang. Bagama't walang balak na tanggapin ang alok nito at maging unang lalaki sa buhay niya. Balak sana ni Amara na pakiharapan na maayos ang dalawa at makipagkuwentuhan muna sa mga ito habang wala pa siyang ibang hinahanap. Para sana masanay na may katabing matanda. Hinayaan din niyang nakaakbay ito sa kanya. Pero nang magsalita ang isang matanda at sinimulang laitin siya, bumaliktad ang sikmura ni Amara. "Naku, pare, mag-ingat ka sa mga tulad niyan. Mahilig ka talaga sa mga inosenteng mukha, pero bistado ko ang mga ganyang karakas, kumpadre. Kanina pa yan nandito, eh. Kanina pa nga may lumalapit na mga lalaki diyan, pero palagay ko, sinasadyang tanggihan. Mukhang matabang isda talaga ang puntirya niyan," maangas na sabi ng matanda. Nakaangat pa ang sulok ng bibig at matalim ang sulyap kay Amara. "Huwag ka nang magulat, pare, kung namamalikmata ka lang, ubos na ang laman ng iyong pitaka. Baka pag gising mo sa umaga, lahat ng alahas mo sa katawan ay wala na. Sige ka, ikaw din!" dagdag pa nito. "It's fine, walang problema, pare. As long as she can satisfy me in bed. Hindi pa naman ako nakukuntento sa tatlong round lang. I love playing with women. I want more. And if she can satisfy me well, Alam mo na... I can give her the world," sabi pa ng may edad na lalaki, at umakbay pa kay Amara sabay humalakhak—isang malakas at nakakapangilabot na halakhak na umalingawngaw sa medyo maingay na bar. Tumayo ang mga balahibo ni Amara, at halos mangisay sa pandidiri sa mga kaharap—dalawang lalaking may mga mukha na parang pinaglaruan ng panahon, ang balat ay kulubot at ang mga mata ay nanlilisik. Maaaring desperada siya na makatikim sa unang pagkakataon at magkaroon lamang ng first-time experience, pero hindi naman siya desperada para patulan ang mga ganitong amoy-lupa, mga lalaking ang amoy ay parang isang lumang kanal na puno ng dumi. "Excuse me lang ho, tatang, manong, lolo, o kung ano man po ang dapat na itawag sa inyo," matapang na sabi ni Amara. Ang boses ay nanginginig pero determinado. "Nagkakamali ho yata kayo ng inupuan, at mukhang nagkakamali rin kayo ng pagkakaalam. Hindi ho ako nagpunta rito para maghanap ng mga tulad niyo. Lalo't hindi ho ako mahilig sa matabang isda, dahil tuyo lamang sa akin ay sapat na. Huwag ho kayong mag-alala. Hindi ako interesado kung kayo man po ay nakakasampung rounds. Lalo't hindi naman po ako interesado sa mga kumikinang sa inyong katawan, kahit pa hanggang pilikmata niyo lagyan niyo ng ginto. Hindi pa ho ako desperada para patulan kayo. Maraming salamat at magandang gabi," sabi ni Amara. Ang boses ay puno ng pagkamuhi at pagkasuklam. Sabay galit at padabog na inalis ni Amara ang kamay ng lalaki sa kanyang balikat. Padabog din at mabilis siyang umalis sa kinauupuan, dire-diretso nang lumabas ng bar, iniwan ang dalawang lalaki na nakanganga at naguguluhan. Badtrip si Amara. Dahil ngayon na sana ang pinakamagandang pagkakataon, at ngayon siya ay may lakas ng loob para gawin ang pinaplano. Baka kasi sa linggo ay tuluyan na siyang bumiyahe papuntang Maynila. Dahil sa mga alalahanin ni Amara at sa buwisit niya sa sandaling iyon, hindi namamalayan ni Amara na ang tinahak niyang landas ay ang daan din kung saan nagpunta si Anton—isang landas na tila sinadya ng tadhana. "Nakakainis!" Sipa ni Amara ng ilang maliliit na bato, na gumulong palayo sa kanyang mga paa. Naglakad siya palayo, papunta sa mas tahimik na sulok ng bar. Ang inis at pagkadismaya ay halata sa bawat hakbang. "Ang kapal ng mukha ng mga matandang 'yon! Amoy-lupa na ang akala mo naman kung sino! Akala nila kakagat ako sa pagmamayabang nila? Over my dead body!" Bulong niya sa sarili, ang boses ay puno ng galit at pagkasuklam. "Grabe! Pinagkamalan pa akong gold digger! Kahit punuin pa nila ng ginto ang katawan nila, hindi ko sila papatulan!" Napailing siya, gigil na gigil. "Panira talaga ng gabi 'to!" maktol ni Amara."Hah! Ah... eh kasi... ano kase... Hmm, sa totoo lang… nagdahilan lang ako noon," nauutal at ilang na pag-amin ni Amara habang nakayuko at kinakalikot ang laylayan ng kanyang damit. Ramdam niya ang init na gumagapang sa kanyang pisngi dahil sa hiya, dahil alam niyang nahuli na siya nito sa pagsisinungaling at pag-iimbento lang ng kuwento kanina para makaligtas sa gulo.Pero tila hindi nakuntento o napakalma man lang si Anton sa narinig. Sa halip ay lalo lamang kumunot ang kanyang noo at lalong tumalim ang tingin sa dalaga.Sunod-sunod at walang palya ang pagbato nito ng mga tanong, na parang isang imbestigador na gustong-gustong makakuha ng katotohanan sa lahat ng bagay."Sino ba 'yang lalaking 'yan sa litrato? Sino siya sa'yo?" mabilis na tanong nito, puno ng kuryosidad at tila may halong paghihinala. "Ex-boyfriend mo ba siya? O kaya may kasintahan ka bago ka pumasok at magtrabaho sa akin? Kayo pa ba hanggang ngayon? Magkasama pa rin ba kayo kahit nandito ka sa bahay namin? O baka nam
Hingal na hingal si Amara nung nakalayo na siya, at huminto lang nung sigurado siyang wala nang nakakakita o nakakarinig sa kanya. Hiningal siya nang malalim, hindi dahil sa pagod kundi sa halo-halong kaba at tuwa. "Buti na lang talaga at nakaisip ako agad ng isasagot," sabi niya sa sarili habang hinahaplos ang dibdib na ang bilis pa rin ng tibok. Halos mahuli na siya sa bitag ni Peachy ah, at kung wala lang sa litrato sa cellphone niya, sigurado siyang lalo lang siyang aapihin at hihiyain ng babaeng ‘yon. Naiwan naman sa kusina sina Anton at Peachy. Nakatulala lang si Anton habang nakatingin pa rin sa direksyon na tinakbuhan ni Amara. Ang nakita niyang litratoyung lalaking dayuhan, gwapo, at mukhang mayaman—ay tumatak pa rin sa utak niya. Hindi niya maipaliwanag, pero parang may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya. Yung dati kasing kuryosidad niya, napalitan na ng inis at pagkainis, pero hindi niya matukoy kung kanino siya galit: kay Amara ba, sa lalaking nasa
Samantala, kahit na hindi siya gumalaw o nagsalita agad, may malaking balak na tumatakbo sa isipan ni Peachy. Hindi siya papayag na magpatalo lang sa mga nangyari, lalo na’t hindi niya matatanggap na haharapin siya at ipapahiya nang ganoon lang. Kahit na nakangiti si Donya Soledad sa harap niya, nanginginig ang ngipin ni Peachy sa sobrang galit na nararamdaman niya. At ang galit na iyon ang ibinuhos niya kay Amara kinabukasan. Natuwa si Peachy nang makitang aalis na pala si Donya Soledad. Agad niyang isinagawa ang mga bagay na pinagplanuhan niya. Pero bago pa man umalis ang matanda, kailangan muna niyang bigyan ng leksyon ang taong akala niya ay nakikipaglaro lang at tumatapak sa karapatan niya, si Amara. Gusto niyang iparamdam dito kung sino ang dapat mag-utos at kung sino ang dapat sumunod. Nakita ni Peachy na abala si Amara sa paghahanda ulit ng pagkain para kay Anton. Kaya dali-dali siyang lumapit dito para asarin at utusan. “Hoy, babaeng wala namang kwenta! Bitawan mo ‘yang p
At tungkol naman kay Anton? “Totoo bang napapalitan na nito ang mundo niya dahil kay Amara? O dahil lang ba ito sa kalungkutan ng apo ko? Dahil ba naghahanap lang ito ng makakausap at makakapitan dahil sa nangyari sa kanya?”Napabuntong-hininga siya. Pero base sa tindi ng emosyon at lambing na narinig niya kanina, parang matagal na talaga silang magkakilala at posibleng malalim na ang pinagsamahan ng dalawa. Hindi lang ito basta fling o simpleng laro. Ramdam niya ang sinseridad sa boses ni Anton at sa kilos ni Amara. Muling napangiti si Donya Soledad, ngunit ito ay ngiting may halong plano at kalkulasyon. Dahan-dahan siyang umalis sa harap ng pinto at naglakad palayo.Isa na lamang ang hinihintay at kailangang mangyari. Una, ang makalakad na nang tuluyan at ganap na gumaling si Anton. At ang pangalawa at pinakamahalaga… ang pagsang-ayon ni Amara sa huling kontrata o usapan na hindi pa siya sigurado kung papayag ang dalaga. Ang sikaping magkaroon ng anak si Anton. Ito ang pinakahuling
"Sa character ni Lola Soledad, alam mo naman siya, 'no? Siya yung tipo ng taong tuwid ang landas at matigas ang paninindigan. Siya yung klase ng tao na laging makatwiran at hinding-hindi hahayaang may mang-aalipusta o manlamang sa kapwa. Kaya nga hanggang ngayon, hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya pa ang nagustuhan at napili ng lola mo para sa'yo? Iba siya eh, iba ang ugali at pananaw," wika ni Amara habang nakakunot ang noo, tila ba iniisip pa rin kung bakit ganoon ang naging desisyon ng matanda."Hayaan mo na muna siya, Mahal. Pagpasensyahan mo na muna kahit sandali," payo ni Anton sa dalaga habang marahang hinahaplos ang likod nito para pakalmahin. "Pero dapat kahit nagpapasensya ka, lumalaban ka rin. Alam mo, kilalang-kilala ko si Peachy. Mabilis 'yun mapikon at mainit ang ulo. Magaling 'yun mang-inis at mamintas ng kapwa, parang laging may mali sa paningin niya. Pero alam mo kung ano ang sikreto? Kapag ikaw naman ang uminis at ikaw naman ang namintas sa kanya, huh? Kul
Nangingilabot siya sa kapal ng mukha ng dalaga. Ang lakas ng loob na magsinungaling sa kanya. "Sige lang, nakikiramdam lang ako, Peachy. Maghintay ka lang, malapit na. Ang sabi ni Amara, nakakailang hakbang ba ang apo ko? Kaya alam ko, malapit na, malapit na!bulong ni Donya Soledad na sarili ang kausap. Umaalis siya nang maaga, halos dalawang linggo na, dahil may 8 na asikaso, kaya ang observasyon ni Amara ay ikinagulat niya. Hindi siya makapaniwala sa tagal na ni Peachy sa mansion at hindi lang nito inaasikaso at inaalaga ang apo niya nang personal. Umakyat sa hagdan. Si Donya Soledad at nabagtugan sa kanya ang silid para magbihis. Balak niyang puntahan. Si Anton ngayong araw. Bagama't imbes i-beyerna si Amara sa babseng bisita ng mga amo niya, wala si Amara kundi ang gawin ang regular routine. Wala naman siyang mapag-sunod-sunod at hindi rin niya alam kung siya ba ang kakampihan. "Haist! Hanggang kailan kaya dito sa mansion ang paktang iyon?" bulong ni Amara habang nasa tapa







