Masuk
"Arabella...... Arabella, nasaan ka? Please, magpakita ka. Nasaan ka? Nasaan ka, Ara? Sigaw ni Anton sa dilim ng kagubatan.
Nagmamadali siyang lumabas ng isang transient house matapos magising na wala si Arabella sa tabi niya. Matapos tumakas at maglaho ang babaeng kasama niya noong gabing iyon, gusto niyang bawiin ang mga masasakit na salitang sinabi niya. Gusto niyang burahin ang mga masasakit at agresibong bagay na nagawa niya dahil akala niya ay isa lang si Ara sa mga babae sa bar. Dahil sa natuklasan niya noong gabing iyon, parang muling isinilang si Anton.
"Arabell...Nasaan ka… mag-usap tayo, Arabella…!" sigaw ni Anton. Ngunit sa hindi inaasahang pagkilos, nakaapak siya sa madulas na bato at nahulog si Anton at nagpagulong-gulong pababa ng bundok. At sa nahihilo at duguan niyang ulo, nakita niyang tumatakbo palapit sa kanya ang isang anino ng babae. Umiyak ito palapit at isinisigaw ang pangalan niya.
"Anton....Anton!"
"Arabella…!" sigaw ni Anton bago tuluyang panawan ng ulirat.
"Aaaahhh, malakas na sigaw ni Anton at biglang napabalikwas.
"Huh!" Muli na naman pala niyang napanaginipan ang babaeng iyon, ang babaeng hindi niya matandaan ang mukha, ang babaeng tanging ang anino lamang ang nakikita niya kahit sa panaginip, ngunit hindi niya makalimutan.
Ang mga nag-iingay ng malakas na boses ng mga babae ang tuluyang nagpabangon kay Antong at nagmamadali siyang lumabas kahit hindi pa nakakapaghilamos.
Sa sala.....
“Oo na sa'yo na kung sa'yo, iyo na kung iyo. Ang tanong, binigyan ba kita ng permiso? Umayos ka, hindi ka ano dito,” sabi ni Amara. Buwiset na Buwiset na siya sa epal na bestfriend ng kanyang amo. If I know she is a FBF f*ck girl, best friend, pwe! Ngitngit ng dalaga.
"At sino ka naman para magbigay ng permiso, Aber? Who do you think you are, huh? Wow, ang taas din ng kalembang ng tililing mo, eh noh. Feeling mo ba mababawalan mo ako?" sabi ng best friend daw ni Anton. Nameywang pa ito habang sinasabi ang tanong na iyon. Tama naman ito. Ano nga bang karapatan niya? Binigyan nga ba siya ng karapatan o ilusyon lamang niya iyon?
"Hoy! Babaeng taga-bundok, ipapaalala ko lang sa'yo, Igorot, na isa ka lang namang alila dito, isang basahang utusan, isang bayaran hampaslupa. Baka nakakalimutan mo 'yan,"ika nito.
"Hindi porke't malapit ka sa lola ni Anton ay feeling belong ka na.Why pinatikim ka na ba niya ha? Masarap ba? Kaya ba kung mangarap ka eh delusional na. Huwag kang manghangal. Hindi ang tulad mo ang gugustuhin ni Anton sa kama; baka amoy gulay at pataba ka pa, eh yak. Umalis ka na nga sa harap ko malandi ka” sabi ni Peachy.
Isang malakas na sampal ang sinagot ni Amara sa talipandas na babae. Gigil na siya dito sa pangaalipusta nito, bukod pa sa matindi rin ang selos na nararamdaman niya ngayon. Pero hindi pinatatag ng kalawakan ng gulayan ng Benguet ang mga binti niya para lamang sukuan ang anumang hamon ng buhay. Hindi siya papayag na maapi nang ganoon-ganoon na lang.
“Oo, masarap siya, yummy , malinamnam at uulit-ulit mo sa sarap. Katas pa lamang, ulam na. Kapag natiknam mo, makakalimutan mo ang pangalan mo; ganoon siya kasarap na halos mababaliw nang sagad. At uulit-ulit ko pa . Ano, may angal ka ha?Inggit ka ba?” pasigaw na sabi ni Amara.
”Sinong masarap, ano yung malinamnam, Amara? What the hell are you two talking about?” Biglang sumulpot si Anton Almonte sa likod ni Peachy.
“Ay patay ka na Amara buking ka inday”
"Oh, Anton, I'm glad you're here, na.At least may kakampi na ako," maarteng sabi ni Peachy, pero hindi nito binanggit na sinampal ito ni Amara.
"Oh, Anton, ngengenge ang arte, tse!" panggagaya ni Amara sa maarteng pagsasalita ni Peachy.
"Why? What is wrong? Anong problema?" tanong ni Anton na sumulyap kay Amara.
"Oh eto kasing tsimay nyo aba, mataas ang lipad at baliw na ata. Siya ata ang presidente ng mga hangal na nakatira sa deluluverse. Aba, kailan pa nagkaroon ng karapatan 'yan na bawalan akong pumasok sa silid mo,"sabi nito.
"Is that true, Amara?Teka, sinong masarap at mainam na sinasabi mo?" Kunot ang noong tanong ni Anton.
"Aba, Sir, hindi ko po alam ang sinasabi ni Ms. Peachy; hindi ko po siya binabawalan na pumasok sa silid nyo dahil, in the first place, hindi naman siya nagpapalam, di ba?" Nalalaki pa ang matang sagot ni Amara.
"Really, sinungaling kang alila ka, if I know, pinapantasya mo ang amo mo. Isang kang timang na delulu. Alam mo ba, Anton, na sinabi niyang masarap ka raw? Sisantihin mo 'yang katulong nyo na 'yan dahil pinagnanasaan ka," giit pa ni Pechy.
"Ganun ba, Amara? Ako ba yung masarap na sinasabi mo?" tanong ni Anton, sabay medyo iniliyad ang matipong dibdib.
"Naku, kayo pala ang delulu, Sir. Damay nyo na 'yang FWB (friend with benefits) nyo. Ang sinasabi kong masarap at malinam, Sir, ay itong aking afam, oh, di ba, Yummy…," sabi ni Amara, sabay pakita sa naka-wallpaper na larawan sa cellphone niya. Screenshot iyon ng kano na nabakausap at nakabiruan niya sa isang dating app.
Nakita ni Amara ang pagdaan ng galit sa mga mata ng amo at biglang naging maasim ang mukha nito… Nakurot ni Amara ang sariling tagiliran dahil isa na rin siyang delulu.
"Ay..Ahahahay, yung nakasalang na bulalo sa kalan, naku! Ubos na ang sabaw. Dami kasing delulu sa universe. Excuse ho.... excuse me,"sabi ni Amara na gumilid na para lumabas ng kusina.
“Anu kamo?” gulat na napahinto si Peachy, halos hindi makapaniwala nang tumawag bigla si Prado at ibalita ang kanyang nakita, agad ding tumalim ang kanyang tinig. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Huwag‑ kang magbibiro, g*go ka wala ako sa mood!” “Oo, sigurado ako Peachy.Kelan ba ako nagbiro. Nakita ko mismo siya rito sa Baguio, hindi ako nagkakamali!” mariing sagot ni Prado mula sa kabilang linya, punong‑punong detalye ang ibinibigay. “Umuwi nga siya doon sa bahay ng kanyang mga magulang gaya ng sabi mo, pero hindi lang siya nag‑iisa.Kase inabangan ko siya na lumabas. Balak ko sanang kidnapin diba?Ang kaso nakita ko may kinatagpo siyang lalaki sa isang carwash. May kasama siyang lalaking sinalubong siya nang makarating siya roon. Guwapo ‘yon, matangkad, malinis manamit at mukhang napakayaman din. Kitang‑kita ko ang sasakyan niyang mamahalin at bagong modelo, alam mo nang hindi karaniwang tao ito yun. At hindi lang iyun. Nakita ko ring nagyakapan sila nang mahigpit na parang matagal n
Hindi na napigilan ni Amara ang sarili.Tumulo ang mainit na luha sa kanyang mga mata habang nakatitig sa mukha ng lalaking tumulong sa kanya at nag-alaga. Ngayon ay nauunawaan na niya ang dahilan kung bakit mula pa noong una ay may kakaibang koneksyon na siya rito. Ang pagmamalasakit, ang pag-aalala, ang pagtulong nang walang hinihintay na kapalit. Dahil ang dugo na tumatakbo sa kanilang mga ugat ay iisa. Doon lang din nagkaroon ng paliwanag kay Amara kung bakit parang magkakulay ang mga mata nila ni Mathew.Hindi makapagsalita si Amara sa sobrang kaligayahan. Hindi siya makapaniwalang matatagpuan pa ang kapamilya. Tumayo na lamang siya para yakapin nang mahigpit si Mathew, ang kapatid na matagal na niyang hindi nakikilala. Sabik na sabik siya sa kapamilya, lalo na sa kapatid. Ngayon ay may masasandalan na siya. "Oh, tama na ang pag-iyak, baka maapektuhan ang bata," sabi ni Mathew."Kase...Kase, kuya, buong buhay ko, akala ko wala na akong magulang talaga at nabuhay akong may hinana
"Alam mo, Amara, dapat kinausap mo si Anton kahit minsan lang. Paprangkahin kita, ha. May kasalanan ka rin sa part na ito. Dahil sa simula pa lang, hindi ka naging tapat kay Anton noong dumating ka sa mansyon at nakilala mo siya. Dapat ay sinabi mo na sa kanya na ikaw si Arabella, pero naglihim ka. Kaya hindi mo masisisi si Anton kung mag-isip ng masama at hindi mo rin masisisi ang mga tao sa paligid mo, pati na si Donya Soledad," sabi ni Mathew. "Natatakot kase ako, Kuya Mathew. At hindi ko kaya kung kasusuklaman ako ni Anton. "Pero Amara, mas mabuti nang hinarap mo ang problema, mas mabuti nang narinig at nakita mo ang totoong reaksyon ni Anton. At ito pa ang isa. Dinagdagan mo pa ang dahilan ng ikasasama ng loob niya dahil umalis ka, at hindi mo ipinaalam sa kanya na nagdadalang-tao ka. Amara, anak ni Anton ang batang 'yan. Hindi kita tinatakot, pero ang batang 'yan ang tagapagmana ng korporasyon ng mga Almonte. Hindi lang si Anton ang sasama ang loob sa'yo. Tiyak kong magagalit
"You better sit, Amara.You're my guest and not my maid. Ano bang naisip mo? Natulog ka lang, bigla na akong naging amo sa'yo?Akala ko ba kuya mo ako," sabi ni Marhew. Nais matawa. Sa sulok ng kanyang mga labi ay gumuhit ang pinipigil na ngiti."Sorry, K-Kuya Mathew. Naisip ko lang na habang naririto ako ay ayokong maging pabigat. Sanay naman ako sa gawaing ganito," sabi ni Amara. "I'm so sorry about the past, Amara. I promise to do my best to change that if you trust me. Now, relax and eat. Bawal kang malipasan ng gutom. Later I'll check kita. Tatawagan ko rin ang kaibigan kong OB for the prenatal check. You see, I'm a trauma doctor, Amara," sabi ni Mathew.Tumango-tango si Amara at ngumiti, saka umupo sa tapat ni Mathew. Isang makahulugang titig ang namagitan sa dalawa. Si Mathew ang unang bumigay at medyo natawa sa sarili.Gusto niyang batukan ang sarili nang maalala niya ang pagkakataon na nakita niya si Amara sa kalsada na walang malay. Sa unang pagkakataon, akala niya ay tumibok
"Ah, ganun ba? May hinahanap ka pa lang, kapatid. Sana mahanap mo na siya. Ah, Doc, maraming salamat talaga sa kabaitan mo. Hindi mo alam kung paano ako makakabawi sa'yo," sabi ni Amara."Walang anuman, masaya akong gawin ito sa'yo kung alam mo lang,"sabi ni Mathew. Biglang nanahimik ang paligid. Nakaramdam ng kakaiba si Amara."Bakit ang bait mo sa akin, Doc? Ayokong mag-isip ng masama, pero sana maintindihan mo na nagdadalang-tao ako at may lalaki sa buhay mo. Kaya lamang ako tumatakas dahil may mga bagay na hindi ko maipapaliwanag habang wala siyang maalala." prangkang sabi ni Amara. Ayaw niyang magkaroon ng ibang ideya si Mathew sa paghingi niya dito ng saklolo. Bagama't napakabait nito.Tumawa si Mathew at naaliw sa pagiging prangka ng kapatid. "Wow, ganyan ka kalupit mang basted, Amara. Ouch! Ang sakit naman," sabi ni Mathew."Ano, teka, ang ibig mong sabihin, iyon ang ina mong kapalit. Doc, naman. Huwag naman iyon.Ayaw kitang saktan," nalulungkot na sabi ni Amara."Biro lang ,
Matapos ibaba ang tawag mula sa imbestigador, nanatiling nakatayo si Mathew sa tapat ng kanyang sasakyan. Halos hindi siya makagalaw sa halo-halong damdaming bumabalot sa kanyang buong pagkatao. Ang kaba, tuwa, at labis na gulat ay tila nag-uunahan sa kanyang dibdib. Sa wakas… matapos ang mahabang panahon ng paghahanap at pag-asa, nahanap na niya ito. Si Amara, ang babaeng kanyang tinutulungan, ang babaeng kanyang pinagkakatiwalaan, ay siya pala ang kapatid na matagal na niyang hinahanap. Wala siyang kaalam-alam na malapit lang pala ito sa kanya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad niyang tinawagan muli si Amara. Nang sumagot ito, narinig niya agad ang pangamba sa boses ng dalaga. "Doc?" takang tanong nito. "Amara," mabilis ngunit may halong nanginginig na tinig na panimula ni Mathew. "Pumunta ka na rito. Huwag ka nang mag-alala sa kahit ano. Magmadali ka. Hihintayin kita. At huwag kang matakot. Kapag nandito ka na, ligtas ka na. Hindi na kita hahayaang mapahamak." Nagulat
"Sa character ni Lola Soledad, alam mo naman siya, 'no? Siya yung tipo ng taong tuwid ang landas at matigas ang paninindigan. Siya yung klase ng tao na laging makatwiran at hinding-hindi hahayaang may mang-aalipusta o manlamang sa kapwa. Kaya nga hanggang ngayon, hindi ko talaga maintindihan kung b
Nang sumunod na araw, tila isang sirang plaka na paulit-ulit ang nangyari. Katulad ng eksaktong nangyari kahapon, nagtagpo ulit sila ni Peachy. Pababa ito sa hagdan habang si Amara naman ay papasok na galing sa garden ng mga edible plants. Muli na naman siyang inapi, inalipusta ng babae at pinipili
Biglang may boses na umaalingawngaw sa likod niya. "Ikaw na naman." Napalingon si Amara, nagulat nang makita si Anton sa likuran niya. "Sinusundan mo ba ako?" Hindi na sumagot si Amara. Wala na siyang ganang makipagtalo.Sobra na ang pang-iinsulto na natanggap niya mula kay Anton at sa dalawang mat
Anton is disgusted, gusto niyang tumawa. "Miss," tawag niya sa babaeng kausap. "You're not my type ," tila nandidiring sabi pa niya sa babae. Pinasadahan niya ulit ito ng tingin. Mukhang lokal sa lugar ang babaeng makapal ang makeup. Kinilabutan si Anton nang banggitin nito sa kanya ang salitang "ma







