Binuksan ni Amara ang pinto at sumalubong sa kanya ang malakas na ulan at hanging ng bagyo. Naroon ang kanilang kapit bahay na binata at nakakapoteng nakaabang sa pinto.
"Romar, Romar, tulungan mo ako, paki alalayan mo si Ama," sabi niya sa kanyang kapit bahay.
"Ako ng bububat kay mang Tunig, buhatin mo na rin ang iyong Ina madulas ang pilapil. Ilikas muna natin sila sa bahay pulungan ng mga magsasaka" utos ni Romar sa kanta. Agad isinampa ni Romar si Aling Imang sa likod ni Amara st saka naman nito isinakay sa kilod niya si Mang Tuning.
Nakipaglaban ng lakas at tatag ng braso at binti si Amara sa pagbabay ng putikan at madulas ng gilid ng kabundukan ipang maililas ang mga magulang. Matapos madala sa isang sementadong pasilidad ang mga magulang, muling lumabas si Amara sa gitna ng masungit na panahon.
"Ara, saan ka pupunta? bumalik ka dito pasungit na ng pasungit ang panahon," habol sa kanya ni Romar.
"Oo nga anak, dumito ka na lang hayaan mo na ang mga gamit s bahay" sigaw din ng kanyang ama.
"Ama, kailangan kong bumalik sa bahay. Kailangan kong anihin ang mga tanim nating gulay. Inaanod na sila ng malakas na ulan. Masisira ang lahat ng pananim at saka ama, kailangan kong makapag -harvest sa taniman. Kung hindi, bukod sa malulugi tayo, magbabayad pa tayo sa punla," sabi ni Amara.
"Ngunit Amara, kalamidad ang kalaban natin. Mauunawaan naman siguro ng mga may-ari ng pananiman ang nangyari," sagot ni Romar.
"Alam kong mauunawaan nila, pero kung meron akong maisa-sako, at maisa-salba pa kahit man lang hanggang tatlong sako, pagkakaperahan ko yun Romar, pwede ko yun ibenta kahit pa nga mas mura kaysa hayaan na lang natin na mabulok. Total, uulit din naman tayong magtanim ng punla. Ano ba naman, na pakinabangan natin ang maisasalba pa," sabi ni Amara.
Sa gitna ng masungit na panahon at nagsasalimboyang mga kidlat, kumuha ng ilang pirasong sako si Amara. Matapos maisa-sako at maitali, pinakiuspan niya Romar na ilagsy sngvmga nasako sa mataas na lugar. Kalaunan ay bumaba naman si Amara sa pataniman at inani ang ilang mga broccoli, hinugot ang ilang mga carrots at ilang mga curly flower na maaari pang pakinabangan.
Lumipas ang dalawang gabing walang tigil abg ulan, sa ikatlong araw nakita ng mga taga tribong Kumal ang sinapit ng pananim at ang lahat ay halos madisya.
Mabilis na lumipas ang tagulan, isang gabi, ilang buwan matapos na matagumpay na ma operahan ang ama ay tulalang naglalakad si Amara sa kadiliman ng daan pabalik sana sa kanilang bahay. Tumawag na kase si Donya Soledad kay Amara at kailangan na daw ng dalaga na magpunta ng Maynila upang tuparin ang kasunduan. Sa Maynila na lamang daw sila magpirmahan ng kontrata.
Laking pasalamat ni Amara, dahil sa mga sandaling iyon ay paubos na ang pera niya. Nagdagdag kase siya ng puhunan at bumili ng karagdagang mga punla sa sarilng taniman, pagkatapos ay ipinagawa pa niyang yero ang bubong ng kubo at pinalitan ang buong kusina na nasira matapos ang unos.
Halos magkautal-utal pa nga si Amara sa paglilihim sa ama at ina kung saan niya nakuha ang pinang gastos nila, at upang hindi magalala, sinabi niya na pina utang siya ng may ari ng gulayan pero ang kapalit ay kailangan niyang mangamuhan sa bahay ng mga ito.Totoo ang salitang pinautang ngunit kasinungalingan ang salitang mangangamuhan. Pababa ng kakahuyan si Amara ng umalingawngaw muli sa tenga niya ang misyon niya.
"Kailangan mo siyang bigyan ng anak" parang sirang plaka na nangpaulit ulit sng salitang iyon.
Walang karanasan si Amara at sa walang muwang sa kalakalan ng buhay, inisip ng dalaga na magkaroon muna ng karanasan bago siya pagsawaan ng matanda at kailangan may alam siya para mabiiis din magbuntis. Kaya walang patumpik tumpik na parang lutang, nagtungo si Amara isang gabi sa Session Road na kilala sa maraming turista at Bar. Suot ang kanyang native, Igorot skirt at native na scarp lamang ang tinapal sa mayaman niyang dibdib. Tumambay si Amara sa bar na iisa ang layunin, ang magka experience, pero ang gusto ni Amara ay sa ideal man niya.
That day, halos walang tigil sa pagpapalipat lipat ng lugar si Anton, na iisa ang motibo takasan ang kanyang lola. Hindi niya gusto ang mga idea nito. He's a bachelor na ini enjoy lang ang buhay malaya, ayaw niya ng commitment, lalong ayaw niya ng komplikasyun at drama.
Anton was drunk and having fun. Maraming umaali-aligid na p****k sa kanya, meron din namang ang gusto lang kay kalaro sa apoy. May pagka arogante si Anton at suplado. He hates complications. Isang doctor si Anton, ngunit ayaw yakapin ang propisyun. Ang lola lamang niya kase ang may gusto ang nais niya ay maging piloto.
Ang paruparong liwanag ng lampara ay naghagis ng mga aninong sumasayaw sa mga makulay na dingding na ng magarbong bar, si Amara ay nanghihintay ng tamang tao sa tang pagkakataon.
Habang patuloy na umiikot ang kanyang mga mata, naghahanap siya ng lalaki na magugustuhan niya sa unang tingin. Walang lalaking akma sa kanyang ideal man. Sa ilang sandali na nakaupo doon si Amara, maraming lalaki ang lumapit sa kanya at nagsimula ng usapan. Ang iba ay nag-aalok ng inumin, ang iba naman ay napagkamalan siyang pick up girl at agad na nagalok ng pera. Pero alinman sa mga ito, hindi niya nagustuhan. Palagay niya ay hindi sila ang mga ideal niya.
Muling iginala ni Amara ang kanyang paningin, ngunit nararamdaman niya ang dagundong ng takot sa dibdib niya. Hanggang sa isang lalaki, na tila arogante at maangas, ang lumapit sa kanya at agad siyang inofferan ng inumin. Pero umiling siya para tanggihan.
"Anong pangalan mo?" may bakas ng otoridad ang tono nito.
"A... Arabela," tugon ni Amara na sa huling sandali ay nagbago ng isip.
"Anong ginagawa mo sa harap ng Bar? Ito ba ang trabaho mo?" tanong nitong tila pinagaaralan ang kanyang kabuohan. Nakapagtatakang lasing ang lalaki ngunit maayos magsalita at hindi bastos ang salitang lumalabas sa bibig nito, bagay na di inaasahan ni Amara.
Ang inosenteng mga mata ni Amara, ay kumikislap sa isang hindi pangkaraniwang katapangan, sumandal siya sa upuan at nagpapungay ng mga mata sa lalaking kanina pa nakatingin sa kanya.
Gwapo ito, may nakakalokang kislap sa kanyang mga berdeng esmeralda na mata. Parang may koneksiyon na nag uugnay sa kanila. Parang magkakilala na sila noon pa.
Sa Maingay na bulong ng kanyang mga alalahanin sa puso ni Amara, tumango ang dalaga kahit napakabilis ng tibok ng kanyang puso.
Lumapit kay Amara ang lalaking may esmeraldang mga mata, tanging ang tibok lamang ng kanyang puso ang naririnig ni Amara.Inakbayan siya ng lalaki at tumhimilk lamang si Amara. Maganda ang kasuotan ni Amara. suot inya ang native na skirt ng isang igorota ngunit sa gabing ito ay sinadya niyang hindi suotin nang tradisyunal na pangitaas ng igotora bagkos ay halos pa bra lamang sa nipis na telang batik batik ang suot niya na itinali lamang sa likod.
Labas ang kaputian at kagandahan ng katawan niya sakto sa hubog. Sa karamihan ay kaakit akit ang kanyang dating lalo na sa taong medyo may ispirito ng alak. Ngunit totoong larawan si Amara ng isang nakakaakit na bulaklak, isang ngiti ang ibinigay ni Amara kay Anton sabay inayos ang telang batik na nakatakip sa kanyang dibdib. Para naman kay Anton ay senyales iyon ng nais ng babae .
"Uminon muna tayo, what do you want?" sabi niya.
"Lasing ka na nga, saka hindi yan ang pakay ko" dumadagondong man ang kaba ay nilakasan ni Amara ang loob.
"Hey, cutie, I'm not a foreigner, huwag mo akong huthutan" brutal na sabi ni Anton dahil sa kalasingan.
"No I dont need your money?"
"Hmm, my body right?"
"Oo, isama mo ako, and make love to me" wala sa loob na sabi ni Amara.
"Make Love? woooah! big word girl... but it's a No!" tumayo si Anton...
"Make love with a woman like you? in your dreams" sabi pa nito saka tumatawang umalis at lumayo kay Amara.
Sumunod kay Donya Soledad si Amara patungo sa dulong pasilyo. Medyo paliko at dulong bahagi ito, at kung tutuusin ay parang nakatago sa karamihan ang silid. Kinabahan si Amara. “Shemay, dadalhin na ba siya sa silid ng lalaki? Ngayon na ba ang simula ng trabaho?” Kinakabahang tanong ni Amara sa sarili. “Grabe naman, ano ba ang lalaking iyon? bampira ba, masyado namabg pagjaduljgn dulo na kulang na lang itago sa tao eh. Teka may diperensya kaya? Baliw ba? Pangit ba? Oo tama, baka pangit nga… parang… parang…” Biglang napahawak si Amara sa dibdib at natakot. “Tama, Beauty and the Beast! ‘Yun yung palabas, ‘di ba? Ganu’n ba ang itsura ng apo niya? Hindi… hindi! Isang halimaw ba ang paliligayahan niya?” Nanginig ang tuhod ni Amara sa takot. “Oh, iha, bakit ka namumutla? Gutom ka ba? Mahaba nga pala ang naging biyahe mo. Sige, padadalhan kita ng pagkain.” Tumango na lang si Amara para hindi na magtanong ang matanda. Binuksan ng matanda ang silid at nagulat siya sa ganda nito. Parang si
"Alam ko, ang una nating usapan ay ang pagpapaligaya lang ng ilang beses sa aking apo, at siguraduhing mabubuntis ka niya para magkaroon ako ng apo sa tuhod. Ako na ang bahala sa lahat. Ngunit ngayon, iba na ang gusto kong mangyari, kung papayag ka lang," sabi ni Doña Soledad, tinitigan nito si Amara mula ulo hanggang paa. "Napakaganda mo, Amara. Napakakaakit-akit, at maganda ang hubog ng iyong katawan. Sa palagay ko, walang dahilan para mabigo ang nasa isip ko," dagdag pa ng matanda."Eh ano po ba ang nasa isip ninyo? Anong pagbabago ang gusto ninyong mangyari?" kinakabahang taning ng dalaga. "Pumapayag ka ba? Gusto kong malaman kung papayag ka?" sabi ni Doña Soledad."Paano po ako papayag kung hindi ko pa alam ang pagbabagong nais ninyong mangyari? Alam kong malaki ang utang na loob namin sa inyo. Hindi biro ang perang inilabas ninyo para mailigtas ang aking ama. Alam kong wala akong magagawa at hindi ako pwedeng tumanggi. Pero may karapatan naman po akong malaman kung ano ang pagb
Isa sa mga katulong na naabutan ni Amara sa sala ang lumapit sa kanya. "Ah kanina ka pa niya hinihintay, halika sumunod ka sa akin"sabi ng babae. Tahimik naman na sumunod si Amara dito matapos niya itong bigyan ng mabait na ngiti. Derederetso silang naglakad papasok. Mahabang pasilyo ang tinahak nila bago sila huminto sa isang nakapinid na silif. Kumatok ng tatlong beses ang katulong. "Senyora narito na po ang hinihintay nyo!" sabi nito. "Sige papasukin mo na at iwan na kami. Ihanda mo na rin ang silid pala ang magiging silid niya!" narinig ni Amara na utos ng babaeng nasa loob ng silid. "Oh pasok ka na daw, maiwan na kita" sabi ng katulong na umalis na rin. Tumitig ng matqgal si Amara sa pinto.Bumlis ang tibok ng kanyang puso. Mula sa mukha ni Amara, bakas ang matinding takot at pag-aalala. Bumuntong-hininga ang dalaga. “Eto na,” bulong niya sa sarili. “Eto na ang katotohanan.” Kailangan niyang magpakatatag. Ang kanyang kapalaran, ang kanyang kinabukasan, ay nakasalalay sa mga su
Saktong tanghaling tapat ng dumating ang bus sa terminal, halos manakit ang balakang ni Amara sa biyahe, hindi siya sanay maupo ng ganun katagal. Kung tutuusin mabilis lang ang biyahe mula Bagiuo dito na lamang ng pagpasok na ng pa Maynia tumagal ang biyahe dahil sa traffic. Tulad ng ibinilin sa kanya ni Donya Soledad naghintay lang siya ng sundo sa terminal. "Miss, ikaw ba si Miss Amara? ako si Mang Crispin per hindi ko kaano ano si Basilio, ako ang nautusan ni Donya Soledad na bingwitin ang isda sa dagat este ang sunduin ka," sabi ng may edad na lalaki na nagmamaneho ng magarang CRV. Maliit nalalaki ito, kaya halos ulo lamang ang nakadungaw sa bintana. Hawig ang lalaking may edad na sa aktor na kanang kamay palagi ni Fernando Poe sa mga pelikula. "Ah, oo ho ako ho si Amara, ayon ho ba ang magsusundo sa akin?" paniniguro ni Amara. "Oo, ako nga ang bibingwit sa iyo, ineng. Pasensya na at traffic masyado sa Edsa. Kanina ka pa ba nagaabang?" tanong nito, magaan angbmukha ngatanda p
Sa wakas, dumating na ang bus na hinihintay ni Amara. Halos isang oras na siyang nasa terminal at halos maubos na ang tatlong plastik ng malamig na inumin ng dalaga. Siniguro rin niyang may laman ang tiyan dahil malayo ang kanyang biyahe. Ayon sa mensahe ni Donya Soledad, kailangan lang niyang sumakay ng bus mula Baguio patungong Maynila at pagkatapos ay may susundo sa kanya sa terminal at ihahatid siya sa bahay ng matanda. "Ito na nga pala, eto na ang realidad. Wala ka ng takas ngayon, Amara," bulong ng dalaga sa sarili. Ipinagpapasalamat niya na binigyan siya ng sapat na panahon ng matanda. "Pasensya na ho talaga, Donya Soledad, naging maselan ho ang aking Ama dahil na rin sa katandaan at wala hong ibang magaasikaso sa kanyang sugat hanggang tuluyang gumaling. Pansamantala ho ay kailangan akong humalili sa gulayan," naalala niyang pakiusap niya sa matanda. "Ganun ba? Mga ilang buwan naman kaya?" tanong ng matanda. "Hindi ko ho masabi dahil depende ho sa bilis ng paghilom ng
Tapik sa balikat ni Donya Soledad ang nagpabalik sa kanya sa kanyang katinuan. Naroon na pala sa harapan niya si omar. "Donya Soledad, tumawag na po si Pandoy, nadala na daw po sa ospital si Senyorito at stable na daw po. Ang kanyang kalagayan. "Mabuti naman, sabihin mo kay Pandoy na bantayang mabuti ang senyorito niya." "Sige po Senyora" sabi ng katiwala at muli ng bumalik sa telepono. Makalipas ang ilang saglit ay kinuha ng matanda ang knayang cellphone at tinawagan ang kanyang abogado. "Attorney Erik, may tauhan tayo sa Baguio hindi ba? utusan mo ang isang tauhan natin na katagpuin si Amara at ibigay ang salaping kailangan nito. At pagkatapos ay akikasuhin mo ang kailangan ng apo ko sa hospital" bilin ng matanda. "Sige po Donya Soledad, aayusin ko po agad ang lahat, Ah magkano nga po pala ang perang iaabot kay Amara? tulad po ba ng dati?" tanong nito. "Bigyan mo ulit ng isa pang milyon, pagkatapos ay pa simple mo na ring alamin kung totoong may emergency sa kanila. Gusto kon