LOGINSi Anton Almonte ay isang tagapagmana na rebelde, saksakan ng yabang, at masungit. Ang tingin niya sa lahat ng bagay, maging sa tao ay bayarang pwedeng pwede niyang presyuhan. Pero isang aksidente ang magtatakda ng hangganan ng kanyang kayabangan at magpapaikot ng kanyang mundo lalo na at makikilala niya si Amara Samarin,isang ordinaryong dalaga na mamamasukan bilang kanyang personal maid,ngunit hindi niya alam na kinontrata pala ng kanyang lola.Ang kanilang pagtatagpo ay magdudukot ng anghang at tamis sa mansion ng mga Almonte.
View More"Arabella...... Arabella, nasaan ka? Please, magpakita ka. Nasaan ka? Nasaan ka, Ara? Sigaw ni Anton sa dilim ng kagubatan.
Nagmamadali siyang lumabas ng isang transient house matapos magising na wala si Arabella sa tabi niya. Matapos tumakas at maglaho ang babaeng kasama niya noong gabing iyon, gusto niyang bawiin ang mga masasakit na salitang sinabi niya. Gusto niyang burahin ang mga masasakit at agresibong bagay na nagawa niya dahil akala niya ay isa lang si Ara sa mga babae sa bar. Dahil sa natuklasan niya noong gabing iyon, parang muling isinilang si Anton.
"Arabell...Nasaan ka… mag-usap tayo, Arabella…!" sigaw ni Anton. Ngunit sa hindi inaasahang pagkilos, nakaapak siya sa madulas na bato at nahulog si Anton at nagpagulong-gulong pababa ng bundok. At sa nahihilo at duguan niyang ulo, nakita niyang tumatakbo palapit sa kanya ang isang anino ng babae. Umiyak ito palapit at isinisigaw ang pangalan niya.
"Anton....Anton!"
"Arabella…!" sigaw ni Anton bago tuluyang panawan ng ulirat.
"Aaaahhh, malakas na sigaw ni Anton at biglang napabalikwas.
"Huh!" Muli na naman pala niyang napanaginipan ang babaeng iyon, ang babaeng hindi niya matandaan ang mukha, ang babaeng tanging ang anino lamang ang nakikita niya kahit sa panaginip, ngunit hindi niya makalimutan.
Ang mga nag-iingay ng malakas na boses ng mga babae ang tuluyang nagpabangon kay Antong at nagmamadali siyang lumabas kahit hindi pa nakakapaghilamos.
Sa sala.....
“Oo na sa'yo na kung sa'yo, iyo na kung iyo. Ang tanong, binigyan ba kita ng permiso? Umayos ka, hindi ka ano dito,” sabi ni Amara. Buwiset na Buwiset na siya sa epal na bestfriend ng kanyang amo. If I know she is a FBF f*ck girl, best friend, pwe! Ngitngit ng dalaga.
"At sino ka naman para magbigay ng permiso, Aber? Who do you think you are, huh? Wow, ang taas din ng kalembang ng tililing mo, eh noh. Feeling mo ba mababawalan mo ako?" sabi ng best friend daw ni Anton. Nameywang pa ito habang sinasabi ang tanong na iyon. Tama naman ito. Ano nga bang karapatan niya? Binigyan nga ba siya ng karapatan o ilusyon lamang niya iyon?
"Hoy! Babaeng taga-bundok, ipapaalala ko lang sa'yo, Igorot, na isa ka lang namang alila dito, isang basahang utusan, isang bayaran hampaslupa. Baka nakakalimutan mo 'yan,"ika nito.
"Hindi porke't malapit ka sa lola ni Anton ay feeling belong ka na.Why pinatikim ka na ba niya ha? Masarap ba? Kaya ba kung mangarap ka eh delusional na. Huwag kang manghangal. Hindi ang tulad mo ang gugustuhin ni Anton sa kama; baka amoy gulay at pataba ka pa, eh yak. Umalis ka na nga sa harap ko malandi ka” sabi ni Peachy.
Isang malakas na sampal ang sinagot ni Amara sa talipandas na babae. Gigil na siya dito sa pangaalipusta nito, bukod pa sa matindi rin ang selos na nararamdaman niya ngayon. Pero hindi pinatatag ng kalawakan ng gulayan ng Benguet ang mga binti niya para lamang sukuan ang anumang hamon ng buhay. Hindi siya papayag na maapi nang ganoon-ganoon na lang.
“Oo, masarap siya, yummy , malinamnam at uulit-ulit mo sa sarap. Katas pa lamang, ulam na. Kapag natiknam mo, makakalimutan mo ang pangalan mo; ganoon siya kasarap na halos mababaliw nang sagad. At uulit-ulit ko pa . Ano, may angal ka ha?Inggit ka ba?” pasigaw na sabi ni Amara.
”Sinong masarap, ano yung malinamnam, Amara? What the hell are you two talking about?” Biglang sumulpot si Anton Almonte sa likod ni Peachy.
“Ay patay ka na Amara buking ka inday”
"Oh, Anton, I'm glad you're here, na.At least may kakampi na ako," maarteng sabi ni Peachy, pero hindi nito binanggit na sinampal ito ni Amara.
"Oh, Anton, ngengenge ang arte, tse!" panggagaya ni Amara sa maarteng pagsasalita ni Peachy.
"Why? What is wrong? Anong problema?" tanong ni Anton na sumulyap kay Amara.
"Oh eto kasing tsimay nyo aba, mataas ang lipad at baliw na ata. Siya ata ang presidente ng mga hangal na nakatira sa deluluverse. Aba, kailan pa nagkaroon ng karapatan 'yan na bawalan akong pumasok sa silid mo,"sabi nito.
"Is that true, Amara?Teka, sinong masarap at mainam na sinasabi mo?" Kunot ang noong tanong ni Anton.
"Aba, Sir, hindi ko po alam ang sinasabi ni Ms. Peachy; hindi ko po siya binabawalan na pumasok sa silid nyo dahil, in the first place, hindi naman siya nagpapalam, di ba?" Nalalaki pa ang matang sagot ni Amara.
"Really, sinungaling kang alila ka, if I know, pinapantasya mo ang amo mo. Isang kang timang na delulu. Alam mo ba, Anton, na sinabi niyang masarap ka raw? Sisantihin mo 'yang katulong nyo na 'yan dahil pinagnanasaan ka," giit pa ni Pechy.
"Ganun ba, Amara? Ako ba yung masarap na sinasabi mo?" tanong ni Anton, sabay medyo iniliyad ang matipong dibdib.
"Naku, kayo pala ang delulu, Sir. Damay nyo na 'yang FWB (friend with benefits) nyo. Ang sinasabi kong masarap at malinam, Sir, ay itong aking afam, oh, di ba, Yummy…," sabi ni Amara, sabay pakita sa naka-wallpaper na larawan sa cellphone niya. Screenshot iyon ng kano na nabakausap at nakabiruan niya sa isang dating app.
Nakita ni Amara ang pagdaan ng galit sa mga mata ng amo at biglang naging maasim ang mukha nito… Nakurot ni Amara ang sariling tagiliran dahil isa na rin siyang delulu.
"Ay..Ahahahay, yung nakasalang na bulalo sa kalan, naku! Ubos na ang sabaw. Dami kasing delulu sa universe. Excuse ho.... excuse me,"sabi ni Amara na gumilid na para lumabas ng kusina.
Dahil nasa bahagi ng kabundukan ang kubo nina Amara, naiwan ang sasakyan nina Donya Soledad sa baba at nanglalad na lamang ang maglola. Nagkayongonan ang maglola nang huminto sila sa tapat ng simpleng kubo na gawa sa kawayan at dahon ng nipa. Pinagmamasdan ni Antin ang bahay at ang payak na paligid na kinalakihan ni Amara. Kumitoy ang kanyang dibdib dahil alam niyang naging mahirap ang buhay ng kanyang kasintahan at dinagdagan pa niya ang paghihirap na iyon. Si Donya Soledad ang kumatok. Nagulat ang mag‑asawang sina Mang Isko at Aling Rosa, mga kilalang magulang ni Amara. Nanlaki ang mga mata nila at halos hindi makagalaw sa bumungad sa pinto. Kilalang‑kilala nila ang matandang babae, ito ang mismong may‑ari ng Almonte Corporation, ang nagmamay‑ari ng lahat ng lupain at gulayan na kanilang pinagtatrabahuhan at pinagkukunan ng kabuhayan.Agad silang bumati kay Donya Soledad bilang paggalang."Magandang hapon po, Donya Soledad... Senyorito. Naku po, hindi po namin inaasahang dadalaw kay
"Anton, ang ibig mong sabihin na magdahan-dahan ka ay tungkol sa paghuhusga mo agad kay Amara. Nasasaktan ako sa sinasabi mo. Lahat ng narinig mo ay hindi totoo. Hindi ganyan ang pagkatao ng kilala kong Amara. "Pero Lola, paanong umalis si Amasa sa mansion pagkatapos ay hjdi naman pala umuwi sa kanila kundi para makipagkita sa lalaki niya." sabi ni Anton "Tahimik ka!Mahiya ka, Anton. Sa tingin mo ba kokontratahin ko si Amara na akitin ka kung hindi maganda ang karakter niya. Baka nakakalimutan mo, Anton, na ang ipinapaalala ko sa iyo ay mga posibleng maging asawa mo o ina ng tagapagmana. Sa tingin mo ba kakausapin ko siya na magpabuntis sa’yo kung alam kong masamang babae siya? Sa tingin mo ba magpapaangkin si Amara sa'yo kung may Iba siyang lalaking gusto? Ipinapaalala ko lang sa’yo, Anton, na nasubaybayan ko si Amara mula bata pa. Hindi man araw‑araw, alam ko ang bawat mahalagang pangyayari sa buhay niya. Matinong babae si Amara, at sa pagkakaalam ko, wala siyang kasintahan no
“Tumawag ka agad‑agad kay Donya Soledad. Sabihin mo na nakita mo na si Amara rito sa Baguio, pero hindi siya umuwi o nagpakita man lang sa bahay ng kanyang mga magulang gaya ng inaakala nila. Sa halip, sabihin mong nahanap mo siya sa isang malaking motel a magkasama sila ng isang lalaki. Idagdag mo rin na buong maghapon ko silang sinundan, magkasamang namili ng gamot, nagtungo sa palengke at bumili pa ng maraming pagkain na parang at matagal ng magkarelasyun. Tapos kamo eh nagtanong- tanong ka sa mga rao roon at sabihin mong sabi nila ayatagla ng magkasintahan ang dalawa. Ang tani g nakuhaa. mo ba ng lotrato si Amamea kahit malayo? Paniniguro ni Peachy. "Oo ako pa ba, si Amara eh kitang kita at makikilala kaso yung lalaki nakatalikod kase nakuhaan ko sila habang magkayakap. "Magkayakap?wow good....good yan. Mas kapani-paniwala yan." Masayang sabi ni Peachy. Kapag nalaman ni Anotn na ganuon si Amara at may ibang lalaki natitiyak ko, kasusuklaman ni Anton si Amara at ako....Ako na
Sa isang hapon sa Baguio, patungo si Prado sa address na ibinigay ni Donya Soledad. Habang naglalakad siya, napansin niya sa bintana ng isang barong-barong ang babaeng kamukha ng nasa larawang ipinadala ni Peachy. Natuwa si Prado sa wakas, nakita na niya si Amara. Ngunit dahil sa kanyang kasunduan kay Peachy, naisip niyang sundin na lang ito at huwag i-report sa matanda. Agad niyang tinawagan si Donya Soledad. "Nariyan ka na ba sa bundok? Nakita mo ba diyan si Amara?" tanong ng matanda. "Kagagaling ko lang doon, Donya Soledad. Nasa bahay ako pero nakailang oras ako doon at wala akong nakitang dalaga. Dalawang matanda lamang ang nakikita kong labas-pasok," pagsisinungaling niya. "Ganoon ba? Sige, manatili ka muna diyan malapit sa lugar nila. Baka sa susunod na araw ay dumalaw na diyan si Amara. Diyan mo na siya bantayan," bilin ng matanda. "Sige po, Donya Soledad," sagot ni Prado. Nang ibaba ni Prado ang telepono, nakita niya ang babae na lumabas ng kubo na tila nagmamadali. Nag
Biglang may boses na umaalingawngaw sa likod niya. "Ikaw na naman." Napalingon si Amara, nagulat nang makita si Anton sa likuran niya. "Sinusundan mo ba ako?" Hindi na sumagot si Amara. Wala na siyang ganang makipagtalo.Sobra na ang pang-iinsulto na natanggap niya mula kay Anton at sa dalawang mat
Anton is disgusted, gusto niyang tumawa. "Miss," tawag niya sa babaeng kausap. "You're not my type ," tila nandidiring sabi pa niya sa babae. Pinasadahan niya ulit ito ng tingin. Mukhang lokal sa lugar ang babaeng makapal ang makeup. Kinilabutan si Anton nang banggitin nito sa kanya ang salitang "ma
Binuksan ni Amara ang pinto at sumalubong sa kanya ang malakas na ulan at hangin ng bagyo. Naroon ang kanilang kapitbahay na binata at nakakapoteng nakaabang sa pinto."Romar, Romar, tulungan mo ako, paki-alalayan mo si Ama," sabi niya sa kanyang kapitbahay."Ako ang bububat kay Mang Tunig. Buhatin
"Ano ho? Halos magkano ho, Doc?" halos mapasigaw pa si Amara.Pero hindi niya matanong ang kanyang ina bukod kase sa halos hindi ito makausap dahil sa shock. Hindi rin ito tumitigil sa pag-iyak. Halos tuliro si Amara; hindi sapat ang kinita niya sa pag-indak kahit pa ang ipon niyang pangpunla sana n






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore