Share

Chapter 71

Author: Meowwie Tales
last update Last Updated: 2025-08-09 23:02:10

Tahimik na ang paligid, maliban sa kaluskos ng mga kutsara’t kawali sa kusina. Gabi na—mga alas-onse siguro—at karamihan sa mga bisita ay nag-uwian na para magpahinga. Yung iba naman, natutulog na sa mga bangkong nakapalibot sa lamay.

Ako naman, nakatayo sa harap ng kalan, hawak ang sandok habang hinahalo ang tinola. Mahaba pa ang gabi, at gusto kong siguraduhin na may mainit na pagkain ang mga magpupuyat. Amoy na amoy ang luya at sibuyas, halong sariwang singaw ng kumukulong sabaw.

Pero kahit abala ang kamay ko, lutang pa rin ang isip ko sa nakita ko kaninang lalaki sa ilalim ng poste. Sino kaya siya? Bakit siya nakatingin sa bahay pero hindi pumasok? At… bakit parang may kakaibang kilabot akong naramdaman nung makita ko siya?

Napasinghap ako nang marinig ang mahinang katok sa pintuan ng kusina. Hindi malakas, pero tatlong beses, at parang may bigat ang bawat katok.

Tok. Tok. Tok.

Napatigil ako sa paghahalo, nakiramdam. “Sino ‘yan?” tanong ko, pero walang sumagot.

Bago pa ako makalap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Beyond Contract   Chapter 73

    ★Denver’s POV★The air inside was getting heavy. I could tell from the way Sienna’s eyes shifted between me and Gelbert — parang may invisible tension na nakadikit sa bawat galaw namin.I looked at her directly. “Sienna, I’ll just borrow Gilbert for a moment. We need to talk… outside.”Her lips parted, as if she was about to ask why, pero I gave her a short nod. No need to make this awkward in front of everyone.I turned to him. “Let’s go.”Gilbert raised an eyebrow, smirking like this was some kind of joke. “Sure, sure… let’s talk. Mukhang seryoso ka ah.”“Yeah. I am,” I answered, my tone flat.We stepped out of the house, malamig ang simoy ng hangin, and the muffled chatter from the lamay faded behind us. Tumigil ako sa gilid ng porch, where no one could overhear us.I folded my arms. “So… let’s skip the small talk. What exactly do you want from Sienna?”He gave a small laugh. “What do I want? Bro… wala akong masamang balak. I just missed her, is that a crime?”“Missing her is one t

  • Love Beyond Contract   Chapter 72

    Nandito kami sa tabi ng kabaong ni Kuya Steve. Pag-upo pa lang namin sa mahabang kahoy na bangko sa sala, ramdam ko na ang tensyon sa dalawang kasama ko. Maraming kamag-anak sa paligid — may ilan nag-uusap sa gilid tungkol sa mga kandila, may mga bata namang pabalik-balik sa kusina. Pero sa gitna ng lahat ng ingay na iyon, ang atensyon ko ay nasa dalawang lalaking katabi ko.Nasa kanan ko si Denver, tahimik pero halatang alerto na akala mo ay may girang magaganap; nakasandal siya bahagya sa akin pero yung mga mata niya ay matalim at nakatutok pa rin kay Gilbert. Sa kaliwa ko naman, nakaupo si Gilbert, nakasandal nang todo na parang bang hindi ko katabi si Denver at parang wala lang sa kaniya ang nasaksihan niya kanina lang.Bigla na lang nag-ring ang phone ng kung sino. “Excuse me, I’ll take a call,” paalam ni Denver.Bago siya tumayo, tumingin muna siya nang diretso kay Gelbert — matagal, matalim, at parang sinasabi sa titig pa lang na I’m watching you.Nanlamig ang batok ko. Napalu

  • Love Beyond Contract   Chapter 71

    Tahimik na ang paligid, maliban sa kaluskos ng mga kutsara’t kawali sa kusina. Gabi na—mga alas-onse siguro—at karamihan sa mga bisita ay nag-uwian na para magpahinga. Yung iba naman, natutulog na sa mga bangkong nakapalibot sa lamay.Ako naman, nakatayo sa harap ng kalan, hawak ang sandok habang hinahalo ang tinola. Mahaba pa ang gabi, at gusto kong siguraduhin na may mainit na pagkain ang mga magpupuyat. Amoy na amoy ang luya at sibuyas, halong sariwang singaw ng kumukulong sabaw.Pero kahit abala ang kamay ko, lutang pa rin ang isip ko sa nakita ko kaninang lalaki sa ilalim ng poste. Sino kaya siya? Bakit siya nakatingin sa bahay pero hindi pumasok? At… bakit parang may kakaibang kilabot akong naramdaman nung makita ko siya?Napasinghap ako nang marinig ang mahinang katok sa pintuan ng kusina. Hindi malakas, pero tatlong beses, at parang may bigat ang bawat katok.Tok. Tok. Tok.Napatigil ako sa paghahalo, nakiramdam. “Sino ‘yan?” tanong ko, pero walang sumagot.Bago pa ako makalap

  • Love Beyond Contract   Chapter 70

    ★Sienna’s POV★Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang liwanag na dahan-dahang pumapasok mula sa siwang ng kurtina. Medyo malamig pa rin ang paligid, at saglit kong niyakap ang kumot bago ko mapansin ang mahinang tunog ng hanger mula sa gilid ng kuwarto.Idinilat ko nang buo ang mga mata ko at doon ko nakita si Denver, nakatalikod, nakasuot ng puting long sleeves na kalahating nakaboton at naka-tuck in sa itim na pantalon. Nakayuko siya habang inaayos ang cufflinks sa kamay niya, ang buhok ay medyo basa pa, halatang bagong ligo.“Good morning,” nakangiting sabi niya, saglit siyang lumingon at binalik ang tingin sa ginagawa.Napaupo na ako sa kama, hawak pa rin ang kumot. “Saan ka pupunta?” tanong ko.He turned to me, expression calm but focused. “I have to leave for a while. There are things I need to take care of.”“Importante ba?”“Yes. I won’t be gone too long. I know you’re going to Bulacan with your mom. I’ll see you there tomorrow.”Napakunot ang noo ko. “Bukas ka pa sus

  • Love Beyond Contract   Chapter 69

    ★Sienna’s POV★Tatlong araw. Tatlong araw na akong hindi mapakali.Simula nang isugod siya sa ospital, halos hindi na ako umalis sa tabi niya. Kahit pa paulit-ulit akong sinasabihan nina Mama at Faye na magpahinga, hindi ko magawa. Hindi ako mapalagay hangga’t hindi ko siya nakikitang maayos. Dahil alam kong kailangan niya ako.Pero ngayon… ito na. Makakauwi na si Denver. Malungkot man na hindi na namin kasama na makakauwi si Kuya Steve ay masaya pa rin ako dahil narito pa rin si Denver.Tahimik ako habang inaayos ang gamit niya. Isa-isang tinutupi ang mga damit, pinaplastik ang toiletries, at sinisiguradong walang maiiwan. Kahit simpleng bag lang ito, parang bigat-bigat sa dibdib habang nilalagyan ko ng gamit.Napahinto ako nang makita ko ang polo niya—‘yung suot niya noong araw na ‘yon. May mantsa pa rin ng dugo sa kwelyo, kahit ilang beses ko na itong nilabhan kagabi. Napakapit ako sa telang ‘yon, saglit na pinikit ang mga mata.Hindi ko na naman napigilan.“Nalaman ko sana kaagad,

  • Love Beyond Contract   Chapter 68

    Mabigat ang bawat segundo habang nakatayo kami sa hallway malapit sa morgue. Walang imik. Tanging tunog ng aircon at mahinang yabag ng mga nurse ang naririnig sa paligid at mahihinang hikbi namin ni Mama. Ang katawan ni Kuya Steve, dinala na sa loob. Kasama na siya sa mga katawang hindi na muling babangon.Nakahawak pa rin sa akin si Mama, pero ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Si Faye naman, tahimik lang, nakatingin sa sahig habang patuloy ang pagpatak ng luha niya.“Anak… uwi na muna tayo,” mahina at pagod na pagod na wika ni Mama. “Wala na tayong magagawa dito ngayong hapon. Bukas natin asikasuhin ang lahat.”Tiningnan ko siya. Pagod at nanghihina—hindi lang pisikal, kundi pati puso.“Ma…” mahina kong tugon, pilit na buo ang boses. “Umuwi na muna kayo ni Faye. Magpahinga ka muna. Ako na muna ang bahala dito.”Nag-angat siya ng tingin. Kita ko agad ang pag-aalala sa mga mata niya.“Sigurado ka, anak?” tanong niya.Tumango ako. “Gusto ko po muna puntahan si Denver at makita ku

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status