Mag-log in“Miss Luna," pagtawag ng pansin ni Miss Quinn.“Just continue what you're doing here, Miss Quinn. Gawin mo ang lahat para mapahirapan silang dalawa. Huwag na huwag mo silang ipapapatay. Your people can do anything to them. Use them as your slaves. Si babe na ang bahalang magbigay sa mga tao mo ng mga bagay na nais nila," mahinang sabi ni Luna habang pinagmamasdan ang luhaang mag-ina. Ni kakarampot na awa ay wala siyang maramdaman para sa mga ito.“Oo nga pala, tungkol sa lalaking sumusunod sa inyo—-" “Ikaw na ang bahala sa kaniya, Miss Quinn. Alam mo na ang dapat mong gawin kay Victor." Mabilis na huminto sa pag-iyak sina Vida at Livina nang marinig nila ang pamilyar na pangalan.“A-Anong gagawin niyo kay Victor? Anong gagawin niyo sa asawa ko?!" histerikal na tanong ni Vida.“Luna, nagmamakaawa ako sa'yo. Walang kinalaman si papa sa lahat. Kami lang ni mama ang may atraso sa'yo. Huwag mo siyang idamay," pagsusumamo ni Livina.Ngumisi si Luna. “He's plotting something against me and
“Miss Luna, anong gusto mong gawin ko sa mag-inang ito? Tuluyan ko na ba?"Mabilis na umiling si Luna sa sinabi ni Miss Quinn. “Just let them live. Let them experience hell on earth."Hinawakan ng dalawang preso ang mag-inang Vida at Livina sa braso ng mga ito. Iniharap nila ito kay Luna kahit na nanghihina na ang mga ito dahil sa mga natamong sugat at sakit. Nakaluhod ang mga ito habang hindi pa rin nawawala ang pagkabigla sa mga mukha.Ngumiti si Luna. Bahagya siyang yumuko para magpantay ang lebel ng tingin niya sa mag-ina. Maya-maya pa ay mabilis niyang hinawakan at pinisil ang pisngi ng mag-ina.“Kinailangan ko pang gumamit ng ibang mukha para lang maging ligtas ang isa ko pang anak mula sa kademonyohan niyo…para makapaghiganti ako sa inyo. Hindi lang mukha ko ang sinira ko kung hindi pati ang buhay ko at ng mga anak ko. Ilang taon…Ilang taon ang tiniis namin ni Gael. Ilang taon akong naghanap sa kaniya na wala akong kahit anong ideya kung ano ang hitsura niya, kung saan ako mags
“Fire?" mahinang bulong ni Livina. Saglit siyang natahimik. Tila pinoproseso pa niya kung ano ang narinig niya.“You think, you can hide my son from me forever?" kuyom ang kamaong tanong ni Luna. Ang kaniyang kalamnan ay nagsisimula nang manginig dahil sa poot na unti-unti nang bumabakas sa kaniyang buong sistema.Nanlaki ang mga mata ni Vida. Marahan siyang tumayo at naglakad palapit kay Mona. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Nangunot ang kaniyang noo. “Miss Mona, I think you are barking at the wrong tree. Kung galit ka sa anak ko dahil kay Yael, well, you can freely have him all by yourself. My daughter loathes than man to the core."Natawa nang pagak si Luna. “Sa tingin niyo ba talaga ay magkakaganito ako dahil lang sa isang lalaki? Hindi ako katulad ng anak mo, Vida. Hindi ako katulad niya na desperadang naghahabol sa lalaking hindi naman siya gusto. She even taken my place to enter Yael's life—-" “Your…Your what? Your place?” naguguluhang tanong ni Livina."Aha. Ow, you
Marahang lumingon si Miss Quinn sa kinauupuan ni Yana. Hindi man siya kumaway rito, nginitian naman niya ito.“May atraso ba kami sa kaibigan mo? Gusto ko siyang makausap. Kung kinakailangang lumuhod ako sa harapan niya ay gagawin ko, matigil lang ang impyernong buhay namin ng anak ko rito sa loob,” seryosong sabi ni Vida.Umiling si Miss Quinn. "Hindi niya ikatutuwa ang pagluhod mo. Kahit yata lumuha kayong mag-ina ng dugo ay kulang pa para masiyahan siya. Wala naman kayong atraso sa kaniya pero sa taong napakalapit sa puso niya, mayroon.”"Sino ba ang kaibigan mo?” wala ng paggalang na tanong ni Vida. Nauubos na ang pasensya niya. Ilang taon na silang binaboy at itinuring na parang alipin ng lahat ng mga kasamahan nila sa preso.Ngumiti si Miss Quinn. “Look around, Vida, at makikita mo kung sino ang kaibigan ng kaibigan ko. Hindi ko lang alam kung makikilala niyo siya pero napakalaki ng kasalanan niyo sa kaniya.”Hindi maipaliwanag ni Vida ang kaniyang nararamdaman sa pagkakataong i
Nagkakagulo sa loob ng selda nang makarating si Luna roon. Sa likod ng rehas ay naroroon ang dalawang taong pinakakinamumuhian niya.Hindi na sumunod si Yana kay Luna at naupo na lamang siya sa bench para panoorin ang kaniyang kaibigan. Ayaw niyang maging distraction dito kaya mas pinili na lang muna niyang dumistansya.“Ako naman ang magpapamasahe kay Livina," ani ng isang babae.“Mamaya ka. Hindi pa nga siya tapos sa akin eh!" bulyaw naman ng matabang babae na kasalukuyang minamasahe ni Livina. Matalim niyang tiningnan ang kanilang alila. "Livina, bilis-bilisan mo naman at saka galingan mo namang magmasahe! Ang tagal-tagal mo nang ginagawa ang bagay na ito eh hanggang ngayon eh hindi ka pa rin marunong! Napakakupad mo!” Hinablot niya ang buhok nito at inginudngod ito sa kaniyang malaking hita. "Gusto mo bang mabugbog na naman bago ka magtrabaho ng maayos ha?!”"Anak!” sigaw ni Vida. Bibitiwan na sana niya ang mop nang pigilan siya ng isang matabang preso na nakabantay sa kaniya."Sa
“Handa ka na ba, babe?" nag-aalalang tanong ni Yana habang nakatingin siya sa kaniyang kaibigan. Kasalukuyan silang nasa harap ng presinto kung saan nakakulong ang mag-inang Vida at Livina.Malayo pa sa entrance sina Luna pero rinig na rinig na nila ang ingay mula sa loob.Huminga nang malalim si Luna. “Handa na akong harapin sila…"Mabilis na sinundan ni Yana si Luna nang magsimula na itong maglakad patungo sa loob ng presinto. Malalaki ang bawat hakbang nito, halatang nais na nitong makaharap ang mag-inang naging dahilan ng mga paghihirap niya noon at nang pagkasira ng masayang pamilyang mayroon siya.Hindi pinansin ni Luna ang bawat komosyong nadaanan nila. Dire-diretso lang siyang naglakad sa may front desk at agad na itinanong kung saang selda naroroon ang mag-ina. Agad naman siyang inassist ng isa sa mga pulis na kilala ang Kuya Tamahome ni Yael.Malayo pa lang si Luna ay kita na agad niya ang mag-ina. Marami ang mga itong kasama sa selda pero agad na nahuli ng mga mata niya ang
“Liana, anak… bakit kanina ka pa tahimik diyan? Ayos ka lang ba?” tanong ni Mona sa kaniyang anak. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinaplos-haplos ito. “Natatakot ka pa rin ba dahil sa nangyari kanina?”Hindi umimik si Liana. Nakatitig lamang siya sa ina dahil ang totoo, hindi mawala
“Daddy, thank you po ng marami ha,” ani Gael sabay yakap sa kaniyang ama.Inalis ni Yael ang pagkakayakap ng kaniyang anak. “Walang anuman, anak. Birthday mo man o hindi, daddy will still make time for you. Natutuwa nga ako at hindi ka materialistic eh. You just want our time and attention. Proud s
Matapos maghanda ng meryenda ni Liana ay nag-ring ang cell phone ni Mona. Mabilis niyang sinagot ang messenger call nang makita niya kung sino ang caller.[“Mona, I just called to wish Liana a happy birthday. Where is she?”]“She's in the living room. I'm here in the kitchen. I prepared something f
Kasalukuyang nakaupo si Yael sa presidential chair habang pinapanood ang anak niyang nasa couch at naglalaro. Kausap niya ang amang si Jacob at nasa kabila itong linya.[“Ilang araw mo nang sinasama si Gael sa kumpanya. Kumusta siya? Kumusta ang apo ko? Pamilyar na ba siya sa lugar at sa ibang mga







