LOGIN"Kung hindi mo kami kayang pakinggan, isipin mo man lang sana si Gael. Anak, hindi siya makakatulog hangga't hindi ka umuuwi sa bahay. Ikaw lang ang mayroon siya ngayon. Kung susugod ka ng gan'yan, walang armas, walang malinaw na plano, walang pangalangin, at tanging poot lamang ang iyong dala-dala, sa tingin mo ba ay makakabalik ka ng ligtas sa kaniya? Nauunawaan ko ang nararamdaman mo pero anak, hindi ito ang panahon para sundin mo ang iyong emosyon. Alam mo na kung sino ang ina ni Gael at alam mo na ring may isa pa kayong anak pero anak, isang pader ang binabangga mo at hindi lang siya isang pader—isa siyang mataas, matibay at puno ng pananggalang na pader. Nakikiusap ako, anak. Kumalma ka muna. Walang magandang maidudulot ang pagkilos ng walang sinusunod na blueprint. Alam kong nauunawaan mo ang mga sinasabi ko. Hindi ka naman nag-iisa, anak. Nandito kami ng mga tito mo. Handa ka naming tulungan pero hindi pa sa ngayon. Kulang ang isang araw, isang linggo o baka kahit isang buwan
“Anak, sigurado ka na ba sa gagawin mo? Hindi mo kailangang magmadali. Kailangan mo munang planuhin ang lahat. Baka mapahamak ka lang sa padalos-dalos mong desisyon," nag-aalalang turan ni Jacob habang hinahabol niya si Yael. Kasalukuyan itong naglalakad patungo sa sasakyan nito.“Yael, makinig sa Daddy Jacob mo. Hindi makakatulong sa sitwasyon kung paiiralin mo ang emosyon mo," payo naman ni Jett. May tangay siyang lollipop habang bitbit ang bag ng kaniyang Kuya Jackson.Walang imik si Yael. Tila hindi niya naririnig anv sinasabi ng kaniyang ama at ng kaniyang tiyuhin. Nang makarating siya sa kinaroroonan ng kaniyang sasakyan ay agad niyang hinawakan ang bukasan ng pinto para sana buksan iyon nang biglang may mga kamay na pumigil sa kaniya. “Tito Jackson, bitiwan niyo po ako. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Luna, sa mag-ina ko. Kailangan kong malaman kung nasaan sila ngayon at si Rafael lang ang makakapagbigay sa akin ng mga impormasyong kailangan ko!"Nagpupumiglas
Nang banggitin ni Mona ang ang tunay niyang pangalan ay kitang-kita niya ang takot sa mukha ng mag-ina. At tuwang-tuwa siyang makitang parang maamong tupa ang mga ito. Malayong-malayo sa mapagmataas nilang kilos at ekspresyon. “Alam na alam ko kung ano ang ginawa niyo sa kaniya. At isang salita ko lang ay maaari kayong mabulok nang tuluyan dito sa kulungan.”“Anong kailangan mo sa amin?!” nanggigil na sigaw ni Livina, nanginginig sa galit at takot.Bahagyang ikiniling ni Mona ang kaniyang ulo, tila pinag-iisipan pa niya kung paano niya sasagutin ang tanong. “Hmm… may isang bagay lang akong kailangang malaman mula sa’yo, Livina.”“What is it? Dàmn it!” Halos pumutok na ang boses ni Livina.Tumigas ang ekspresyon ni Mona. Nawala ang ngiti sa labi niya. “Nasaan ang anak ni Luna?” mariin niyang tanong. “Nasaan ang anak ng kaibigan ko?”Mabilis na sumagot si Livina, pilit niyang ibinabalik ang kaniyang tapang. “At bakit naman namin sasabihin sa’yo, Mona?”“Dahil gaya ng sinabi ko,” mari
Kasunod na tumayo ang ina ni Livina na si Vida. Matalim ang mga mata niya habang sinusukat si Mona mula ulo hanggang paa, parang hinahanap niya kung saan niya ito puwedeng sugatan. “Anong kailangan mo sa amin?” malamig niyang tanong.Inangat ni Mona ang tingin, inosente ang anyo, kalmado ang kilos na tila ba ay wala siyang balak makipagtalo. “Nandito lang po ako para kumustahin kayo,” mahinahong sagot ni Mona. “Agad po akong pumunta rito nang marinig ko ang balita. Nasaan na po ang mga abogado ninyo?”“Drop the act, Mona!” singhal ni Livina. Halatang-halata ang pagkamuhi niya kay Mona. Kung wala lang sila sa loob ng presinto at kung wala lang posas sa kamay niya, matagal na niya itong sinugod at hinablot ang buhok nito. Sa bawat segundo ng presensya nito, mas lalong kumukulo ang galit sa dibdib niya—galit na matagal nang naghihintay ng pagkakataong sumabog.Ang mga babaeng tulad ni Mona ay salot sa paningin ni Livina. Para sa kaniya, iisa lang ang hulma ng mga ganoong babae—mga tao
Huminto ang kotse ni Drake sa harap ng presinto. Tahimik niyang nilingon si Mona sa backseat. Tulala ito, walang kahit anong emosyon sa mukha. Doon siya mas kinabahan. Mas delikado ang taong hindi mo mabasa kaysa sa taong galit. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng amo niya. Hindi niya rin alam kung ano ang susunod nitong hakbang.“Bababa na ako,” malamig na sabi ni Mona.Bago pa man makasagot si Drake ay bumukas na ang pinto. Bumaba si Mona at diretso itong naglakad papasok ng presinto, walang lingon-lingon.Agad na kinuha ni Drake ang cell phone niya. Muli siyang sumulyap sa direksyong tinahak ni Mona, pero wala na itong bakas. Parang nilamon na ng gusali. Walang pag-aalinlangang idinial niya ang numero ni Rafael. Ilang ring pa lang ay sinagot na agad ang tawag niya.“Hello, Drake,” bungad ni Rafael. “Magkasama ba kayo ni Mona ngayon?”Napatingin muli si Drake sa presinto. “Opo. Nandito kami. Naiwan po ako sa kotse, pumasok na siya sa loob—”“Pigilan mo siya at pakalmah
“Ano pong nangyari, Ma’am Mona? Bakit hindi po natuloy ang event?"Hinilot ni Mona ang kaniyang sintido bago niya isinara ang pinto ng sasakyan. “I don't know, Drake. Bigla na lamang akong ininform ni Mr. Huff na ireresched na lang ang fashion show. Masyado akong naging abala sa backstage kaya wala akong alam sa nangyari sa labas. Mabuti na lang at napakiusapan ko ang mga models na nakuha ko na sila ulit ang rarampa kapag nag resume ang event. I even used my own money to pay them pero sabi naman ni Mr. Huff ay babayaran ako ni Sir Yael."“Dapat lang po, Ma’am Mona. Matagal niyo pong pinaghandaan ang event na ‘yon eh at saka hindi lang resources nila ang nasayang. Your efforts, your time, your ideas. Sobrang ganda po ng setup ng stage kanina noong sumilip ako—-" “Sandali. Naroon ka kanina?"Ini-start na ni Drake ang sasakyan pero hindi pa niya ito tuluyang pinapatakbo dahil nag-uusap pa sila ni Mona. "Opo pero saglit lang po.”"Ah. Akala ko naman may alam ka sa nangyari kanina eh." K







