LOGINSaglit na ngumiti ang nurse bago siya sumagot. “Successful po ang operasyon.”Parang biglang huminto ang mundo sa narinig nina Yael at Yana.“Nasa recovery room na po siya ngayon,” dagdag pa ng nurse. “Stable na rin ang lagay niya.”Napasinghap si Yana. Agad siyang napatakip sa kaniyang bibig habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata niya. “Thank God…” bulong niya. Bumigay ang tuhod niya at napaupo siya sa sahig. Wala na siyang pakialam kung marumi o hindi ang sahig. Ang tanging nasa isipan niya lang ay ligtas na ang kaibigan niya sa bingit ng kamatayan.Samantala, si Yael ay napapikit nang mariin. Para bang sa wakas ay nakahinga siya nang maayos matapos ang napakahabang oras ng paghihintay. Mabagal siyang nagmulat ng mata. “P’wede na po ba namin siyang makita?” tanong niya, mas kalmado na ang boses ngunit halatang puno ng pag-aalala.Tumango ang nurse. “Sandali lang po. Inaayos pa po siya sa recovery room. Tatawagin po namin kayo mamaya.”“Salamat…” mahinang sagot ni Yana.Haba
Apatnapung minuto. Apatnapung minuto ng paghihintay pero parang isang taon na ang lumipas sa kanilang apat. Magkahawak kamay ang dalawang paslit na napapagitnaan nina Yana at Yael. Kinakabahan sila at hindi alam ang gagawin. Takot na takot silang mawala ang ina nila pero hindi nila magawang magreklamo dahil ramdam nilang natatakot din ang ama nila para sa kapakanan ng kanilang ina.Tanging ang tunog ng orasan sa dingding at ang ugong ng aircon sa loob ng private waiting room lang ang maririnig. At sa bawat segundong lumilipas ay lalo lang bumibigat ang dibdib ni Yana. Hindi siya mapakali. Panay ang sulyap niya sa orasan. Kasabay rin noon ang pagsulyap niya sa may pintuan. Nagbabakasakaling may pumasok na nurse o doktor para sabihing tapos na ang lahat.“Nagugutom na po ako…” mahina at halos nagmamakaawang sabi ni Liana habang marahan niyang hinihila ang laylayan ng suot na damit ng kaniyang ama. Sumulyap siya kay Yael, ang mga mata’y tila nanlalambot na dahil sa gutom. Mula kanina ay
“Yana, ano bang nangyari?" Umiling si Yana, pilit inaalala ang nangyari.“Bigla na lang siyang bumagsak. May bula sa bibig niya… hindi ko alam kung ano ’yon. Wala pa akong balita. Hindi ko pa nakakausap ang mga pulis pero ang sabi ng doktor, food poisoning daw." Napahawak si Yael sa ulo niya. “Shít…”“Nasaan ang doctor? May nakausap ka na ba?” tanong ni Yael, pilit kalmado.“Wala pa…” sagot ni Yana. “Diretso siya sa OR… wala pa silang sinasabi.”Natahimik sina Yael at Yana samantalang ang dalawang paslit naman ay tulala at parehong hindi na makausap. Ramdam ang bigat ng sitwasyon sa bawat mukha nila.Maya-maya ay lumapit ang isang nurse. “Ma’am, sir… dito po muna kayo sa waiting area.” Tinuro niya ang isang silid na katabi ng operating room. “Maghihintay po kayo roon habang ongoing ang operasyon.”Walang tumutol. Tahimik silang sumunod. Masyado pang magulo ang isipan nilang apat.Pagkaupo nila ay hindi pa rin mapakali si Liana.“Lord, please save our mommy…” bulong ni Liana, nanging
Sa loob ng operating room ay nakahiga si Luna sa malamig na metal. Nakapikit siya at walang malay, habang ang dalawang doktor at mga nurse ay abala sa kanilang trabaho.“We will now start the operation.” Tumingin ang lead surgeon sa anaesthesiologist."The patient has deep abscess. Her case required surgical debridement. General anesthesia applied. To reduce possible bleeding, I use one percent lidocaine with epinephrine," the anaesthesiologist said.“Sterilization?""Chlorhexidine already applied, doc. Draping the area also done,” mabilis na sagot ng nurse.“Good. Let's start the incision procedure. Scalpel." “Here, doc,” ani ng nurse sabay abot ng scalpel sa doktor.Gumawa ng incision ang doktor sa parte kung saan matatagpuan ang sentro ng abcess. Bumungad agad sa kaniya ang nana (pus). Napalunok siya."The lead surgeon made an incision parallel to the skin tension lines and because of that scar tissue formation will be prevented. Magaling si doc," puna ng isang assistant nurse.“H
Agad na nilagyan ng IV fluids si Luna ng mga paramedics pagkarating nila. Nilagyan na rin nila ang IV fluids ng anti-emetics para maapula ang dehydration at maibsan ang pagsusuka at pagkahilo nito subalit nawalan ulit ito ng malay tulad kanina. “Prepare the ER. We have a patient arriving with a severe food poisoning case. Name of patient, Luna Scott Wrights. Her vitals are continuously fluctuating. Possible cause, severe dehydration or toxin effects. Contact the best infectious disease specialist. Prepare the operation room in case the patient is already suffering from necrosis or abscess formation.” “Luna, please, hold on…” umiiyak na sambit ni Yana habang hawak niya ang kamay ng kaniyang kaibigan. Nakasakay siya sa stretcher habang tulak-tulak sila ng mga medics papasok ng ambulansya. “Miss, please calm down. Hindi makakatulong sa sitwasyon kung magpapanic ka. We will do our best to save the patient.” "Pasensya na po, doc. Nag-aalala lang po talaga ako nang husto sa kaibigan ko,”
“Miss Luna," pagtawag ng pansin ni Miss Quinn.“Just continue what you're doing here, Miss Quinn. Gawin mo ang lahat para mapahirapan silang dalawa. Huwag na huwag mo silang ipapapatay. Your people can do anything to them. Use them as your slaves. Si babe na ang bahalang magbigay sa mga tao mo ng mga bagay na nais nila," mahinang sabi ni Luna habang pinagmamasdan ang luhaang mag-ina. Ni kakarampot na awa ay wala siyang maramdaman para sa mga ito.“Oo nga pala, tungkol sa lalaking sumusunod sa inyo—-" “Ikaw na ang bahala sa kaniya, Miss Quinn. Alam mo na ang dapat mong gawin kay Victor." Mabilis na huminto sa pag-iyak sina Vida at Livina nang marinig nila ang pamilyar na pangalan.“A-Anong gagawin niyo kay Victor? Anong gagawin niyo sa asawa ko?!" histerikal na tanong ni Vida.“Luna, nagmamakaawa ako sa'yo. Walang kinalaman si papa sa lahat. Kami lang ni mama ang may atraso sa'yo. Huwag mo siyang idamay," pagsusumamo ni Livina.Ngumisi si Luna. “He's plotting something against me and
“Andy, naparito ako para iabot sa iyo ang background information ng bagong lead fashion designer. Tingnan mo.” Agad na inabot ni Livina kay Yael ang folder na dala niya. Hindi pa niya nakakausap si Richard at wala rin siyang ideya na galit na galit si Yael sa kaniyang ginawa dahil naging abala siya
“Bakit mo tinatakpan ang bibig mo?! Anong problema? Anong ginawa ng Livina na ‘yon? Yael, huwag mo siyang pagtakpan. Hindi kita pinalaking ganiyan. Huwag mong i-tolerate ang hindi tamang gawain.”Tumikhim si Yael. Kamot ulo niyang ikinuwento sa kaniyang ina ang tungkol sa bago niyang kumpanya kahit
“Mawalang galang na pero mauna na ako. Mahirap na at baka kung ano-anong kasinungalingan na naman ang ibintang mo sa akin. Ako na ang iiwas.” Tumalikod si Mona kay Yael. Maglalakad na sana siya palayo ngunit pinigilan siya nito. Hinawakan nito nang mahigpit ang kaniyang kamay.“Sandali lang. Huwag
“Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pumasok?” “Hindi ka kasi nagpakita sa office ngayon. Akala ko ay may masamang nangyari sa’yo kaya napasugod ako rito. Ayos ka lang ba?” tanong ni Livina. Humakbang siya palapit kay Yael at lumingkis na naman sa braso nito. “Namiss kita, Andy!” Mabilis na ti







