“O-Of course. S-Sa akin ang kwintas na ‘yan."
“Then, what?" “H-Huh?" Ibinaba ni Yael ang kaniyang cell phone sa mesa at tumayo. Nakatingin siya kay Livina at pinag-aaralan ang kilos nito. Naglakad siya palapit sa kinatatayuan nito at ipinakita ang kwintas. “Ano ang nakaukit sa lock ng kwintas na ito?" Napalunok si Livina. Tumaas ang dalawang kilay ni Yael. “Do I need to repeat myself again, Miss Wright?" Huminga nang malalim si Livina. Alam niyang galing ang kwintas na iyon sa ina ni Luna. ‘Bahala na,’ isip-isip niya. Umayos siya ng tayo at saka nagsalita, “L-L. W. ang nakaukit sa lock ng kwintas. It stands for Livina Wright." Hindi niya p'wedeng ipahalata sa lalaki na nanghula lang siya. "Is that all?" 'Ano? May iba pa bang nakaukit doon?' Tumaas muli ang dalawang kilay ni Yael. "B-Buwan. May imahe ng buwan sa tabi ng initials," nakangiting sabi ni Livina nang maalala niya ang palaging sinasabi noon ni Luna sa kaniya. "To be exact, a crescent moon." ‘She’s right. Sa kaniya nga ang kwintas na ito pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi ako masaya. Parang dismayado akong tama ang naging sagot niya.’ Ibinigay ni Yael ang kwintas kay Livina at saka muling bumalik sa kaniyang upuan. ‘Hindi man lang niya isinuot sa akin ang kwintas? How ungentleman! So, totoo nga ang tsismis? Hindi romantiko ang isang Yael Anderson Gray.’ Pinilit ngumiti ni Livina. “O-Okay na ba ang ulo mo?" ‘Why can't I remember her face that night? Why does her voice sound unfamiliar? Am I expecting another woman to fill her position?’ Kinuha ni Yael ang kaniyang cell phone at nagtipa roon. “I'm fine." Binasa ni Livina ang labi niya. "Bakit niyo po pala ako ipinatawag?" Ibinaba ni Yael ang kaniyang cell phone. Kinuha niya ang dokumentong nasa loob ng isang brown envelope at inihagis iyon sa mesa. “Read and comprehend what's written in those papers then tell me if you agree.” Hindi na nag-aksaya ng oras si Livina. Agad niyang kinuha ang dokumento at binasa iyon. Napangiti siya pagkatapos. "Are you done?” Tumango si Livina. Malapad pa rin ang ngiti niya at kulang na lang ay mapunit ang labi niya sa kakangiti sa self-made billionaire na binata. Kahit galing sa prominenteng pamilya si Yael ay nagsikap itong itaguyod ang kumpanya nito hanggang sa nakahanap ito ng mga investors at hanggang sa nag-expand nang nag-expand ang line of businesses nito. “Do I need to ask you a–” "I agree! I agree to become your girlfriend, Andy.” Kumunot ang noo ni Yael. "Andy?” "Yes. Andy. You're now my Baby Andy and you can call me Baby Liv. Ahm, short for Livina. It's called endearment, by the way.” "Fine.” "Fine? That's it?” "Liv, sign these papers and put them in my cabinet drawer after.” Kinuha ni Yael ang kaniyang cell phone at inilagay iyon sa kaniyang bulsa. 'I need to ward off Gracia. Alam kong tototohanin niyang babalikan niya ako. She's arriving next week. I need a woman to drive her away. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa pang-iiwan niya sa akin noon sa ere,' isip-isip niya. "Baby Liv not Liv." Hawak na ni Livina ang ballpen nang mapansin niyang paalis si Yael. “Teka. Where are you going?” “None of your business." Tumalikod si Yael at naglakad na patungo sa may pintuan. Muli siyang humarap dahil may nakalimutan siyang sabihin kay Livina. “Read all my conditions. I will transfer your first salary to your account this afternoon. You don't need to be sweet when we are alone together. This relationship is just a business proposal. No feelings attached. Just money, acting and fake connection. Bear those in mind. Don't forget to close the door when you leave. I need to go.” Magsasalita pa lamang si Livina nang biglang isinara ni Yael ang pinto. "He's really a tough target. Anyway, I am going to make him fall in love with me sooner. For now, let me enjoy being called your woman.” Napatili siya nang makita niya kung magkano ang salary na ibibigay nito sa kaniya kada buwan. “Fúcking shít! Napakayaman niya!" Kinuha ni Livina ang kopya ng kaniyang kontrata at inilagay ang kopya ni Yael sa drawer nito. Hinalikan niya ang hawak niyang papel pagkatapos. “I'll be wealthy after a year of being in this fake relationship but I will be wealthier if I become his fiancee.” Umupo siya sa mesa nito at tumingin sa pinto. "Yael Anderson Gray, mamahalin mo rin ako at mababaliw ka sa akin. Gagawin ko ang lahat para maging asawa mo at walang sinuman, lalong-lalo na si Luna, ang makakahadlang sa mga plano ko.” Umismid siya at saka nilisan ang opisina ng kaniyang contracted boyfriend. **** Monte Rocca “Okay na siguro ang mga damit na ito. Hindi rin naman ako magtatagal dito sa probinsya ni Yana. Kailangan ko pa ring maghanap ng trabaho sa Monte Carlos. Kailangan kong gumawa ng paraan para mabawi ang lahat ng kinuha sa akin ng mag-inang ‘yon.” Napakuyom ang mga kamay ni Luna nang maalala niya ang lahat ng paghihirap at sakit na dinanas niya sa kamay ng mag-inang Livina at Vida. Naglakad na siya patungo sa counter para bayaran ang mga napili niyang mga damit. “Good afternoon po, Ma’am Ganda. Ito na po ba lahat? Baka may gusto pa po kayong bilhin,” nakangiting bati ng kahera. Napangiti si Luna. “That will be all. Thanks for the compliment.” Habang pina-punch ng kahera ang mga damit na pinamili ni Luna ay naalala niya si Yana. “Sandali lang pala. May isa pa akong gustong bilhin." “Okay po, Ma’am Ganda. Take your time po." "Salamat. Mabilis lang ako. Pasensya ka na ha.” Agad na umalis si Luna at nagtatakbo sa women's apparel section. Kinuha niya ang isang dress na tiyak na magugustuhan ng kaniyang kaibigan. “I'm sure she will love this one." Mabilis na tinatahak ni Luna ang daan pabalik sa counter nang bigla na lamang siyang natapilok. Napapikit siya sa pag-aakalang babagsak siya sa sahig. Nagtaka siya nang biglang may humawak sa bewang niya. “Miss, are you okay?" Napakunot ang noo ni Luna nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Tumambad sa kaniya ang mukha ng isang napakaguwapong binata. Napanganga siya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang maamoy niya ang pamilyar na amoy na nagmumula sa lalaking nakasalo sa kaniya. “Miss, okay ka lang ba? Miss…” ‘His voice and scent seems familiar to me but I couldn't remember his face. Did we meet before? Wait. Bakit may benda siya sa noo niya?’ Luna thought. Titig na titig si Yael sa mukha ng babaeng nasa bisig niya. Medyo nabibigatan na siya rito pero hindi niya ito magawang bitiwan. Tila hindi ito ang unang pagkakataon na nakasalamuha niya ito. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. ‘Did I already meet this woman? Her eyes and her scent s—’ Napatigil si Yael sa pagmumuni-muni nang bigla niyang narinig ang boses ng tita niya. “Yael, nari—naririto ka na pala.” Napangiti si Diana nang makita niyang may hawak na babae ang kaniyang pamangkin. Mas lalo siyang napangiti nang mapansin niyang titig na titig dito ang babaeng nasa bisig nito. ‘Mukhang magkakaroon na ulit ng girlfriend ang panganay na apo ni Don Vandolf ah. Well, that woman looks pretty and her aura, I kinda like it for no specific reason,’ piping turan ni Diana. Mabilis ngunit maingat na ibinaba ni Yael ang babaeng hawak niya. “Tita Diana." Namula ang mga pisngi ni Luna nang mapansin niyang nakatingin lahat sa kaniya ang mga tao sa clothing store. "What happened to your head? Anyway, hindi mo naman sinabing may kasama ka pala. So, who's that lucky lady? Ipakilala mo naman sa akin ang girlfriend mo,” nakangiting sabi ni Diana. "Girlfriend?” Nagkatinginan sina Yael at Luna nang pareho sila ng naging reaksyon sa sinabi ni Diana.“Here's your room and here's the key." Yael gave a magnetic card to Luna.Nahihiyang inabot ni Luna ang magnetic card na binibigay ni Yael sa kaniya. "T-Thank you.”"This will be your first night as my executive assistant. Since you'll be working on a night shift, I will give you a bonus. Tomorrow, I will give you and your girlfriend’s employment contract. Be ready in twenty minutes.”"Girlfriend?" Luna murmured. “Sandali—” Huli na ng sabihin niya iyon dahil nakaalis na si Yael.Nagkibit-balikat si Luna at pumasok na sa kaniyang silid. Napanganga siya sa disenyo ng kwarto. Napakalawak nito. Marahan siyang naglakad patungo sa kama at agad na umupo roon.“Namiss ko tuloy ang kwarto ko sa mansyon. Kasing lambot ng kamang ito ang higaan ko roon.” Biglang kumirot ang puso ni Luna. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi lang ang kaniyang silid ang namimiss niya kung hindi pati na rin ang kaniyang mama at papa. Nabasa ang mga pisngi niya at agad din naman niya iyong pinahid. “Oo nga pala kail
"Mr. Yael, paano mo nakilala ang papa ko?" kunot-noong tanong ni Luna."I just did some research about my new executive assistant. Bawal ba?”"H-Hindi naman,” mahinang tugon ni Luna.‘Sa lahat ng mga empleyado ko, siya lang ang hindi marunong gumalang sa akin but I kinda like it,’ Yael thought."Gusto ko nang magpahinga. Give me my card key para mahanap ko na rin kung saang floor naroroon ang unit na titirhan ko.”‘Hindi pa rin pala talaga niya nagegets.’ Umayos nang pagkakatayo si Yael. Kukunin niya sana ang gamit ni Luna nang bigla itong hablutin ng dalaga. Hindi sinasadyang nagkahawak ang kanilang mga kamay. Napatitig siya sa kamay ng dalaga.Biglang binitiwan ni Luna ang gamit niya dahilan para mapunta iyon nang tuluyan kay Yael. Namula bigla ang kaniyang mga pisngi. “I…I'm sorry. H-Hindi k-ko sinasadyang hawakan ang kamay m-mo,” nauutal na sabi niya."Is that how you make your first move on me? Oh. I forgot. Padalawang move mo na pala ito para mapansin kita,” pang-aasar ni Yael.
Siniko ni Yana si Luna. Matapos nilang makababa sa eroplano ay sinalubong agad sila ng mga tauhan ng bago nilang amo. Kasalukuyan na silang nakasakay sa isa sa mga sasakyan nito.“Bakit babe? May problema ba?" Binuksan ni Luna ang isang bottled water at uminom ng tubig.“Ilang beses kong nahuli si Boss Yael na sulyap nang sulyap sa'yo kanina. Siguro, may gusto siya sa’yo.”Nasamid si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Muntik pa niyang maibuga ang tubig sa bibig niya rito buti na lang at agad niyang nalunok iyon.Agad na tinapik ni Yana ang likod ng kaibigan. "Malayo pa ‘yan sa bituka,” natatawang sabi niya.Nang maka-recover si Luna ay saka niya sinagot ang sinabi ng kaibigan niya kanina. "Wala namang rason para magkagusto sa akin ang lalaking ‘yon. Isa pa, hindi kami compatible. Ayoko sa isang asbag na lalaki.”"Weh? Hindi ka man lang na attract kay boss? Ang guwapo at ang hot niya kaya. Tapos ang yaman-yaman pa niya. Ano pa bang hahanapin mo?” ani ni Yana habang magkadaop ang ka
Abala si Yael sa kaniyang cell phone dahil kausap nito ang kaniyang daddy. Kasalukuyan silang sakay ng eroplano. Hindi pa ito nagte take off kaya may oras pa siyang makipagtawagan. Medyo hassle sa kaniya sa tuwing nasa ere siya dahil hindi niya magawang makipag communicate sa mga staff at mahahalagang tao sa business niya pero wala siyang choice. P'wede naman silang magbarko pero dahil kailangan niyang umattend ng birthday party ng isa sa top investor ng kaniyang group of companies ay mas minabuti na niyang magbyahe sa himpapawid. “Hoy babe," tawag ni Yana sa kaniyang kaibigan. May paghampas pa siya sa braso nito. “Bakit babe?" “Kanina pa kitang napapansin. Mukhang malalim ang iniisip mo. Ayos ka lang ba?" Tumango si Luna. Ngumuso si Yana. “Huwag mo nga akong pinaglololoko. Naalala mo na naman ba ang papa mo at ang dalawang bruhang ‘yon kaya ka nagkakagan'yan?” Umiling si Luna. Huminga siya nang malalim saka hinarap si Yana. "I'm just thinking about our company. Dahil sa mga nan
“Babe, sino siya?" kunot-noong tanong ni Yana habang nakaturo ang hintuturo niya sa binatang nasa harap ng kaniyang kaibigan. “Hindi ko siya ki—” Natigil ang pagsasalita ni Luna nang biglang sumabat si Yael. "I'm your boss starting tomorrow." Kumurap ng ilang beses si Yana kay Luna. Nakaawang naman ang bibig nito. “Babe, totoo ba ang sinabi niya? May work na agad tayo? Did you already apply for a job position? Hindi na natin kailangang mag job hunting pagdating natin sa Monte Carlos?" Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha niya. Nangingilid din ng kaunti ang luha niya. Nang makita ni Luna ang reaksyon ni Yana, parang may humaplos sa puso niya. Ngayon lang niya ulit ito nakitang halos maiyak sa sobrang saya. Marahil ay nag-overthink din ito dahil sa mga sinabi niya kanina. Tunay niya talagang kasangga si Yana dahil kahit batid nitong magiging mahirap ang paghahanap nila ng trabaho sa Monte Carlos, dahil sa impluwensya ng kaniyang pamilya, ay hindi pa rin siya nito nagawang iwan. Hindi
“Luna babe, nandito na ako sa bahay. Nasaan ka ba?” wika ni Yana mula sa kabilang linya. “Kabababa ko lang ng jeep, babe. Nandito ako sa may tapat ng Monte Rocca University.Bibili lang ako ng kwek-kwek at kikyam tapos sasakay na ako ng tricycle pauwi." Kumunot ang noo ni Yael. "Babe? May boyfriend na siya?" dismayadong bulong niya. Hindi pa siya bumababa ng kaniyang sasakyan pero rinig na rinig niya ang boses ng babae. Nakatigil lang ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada, malapit sa cart na may tindang mga street foods. "Nagfile ako ng voluntary resignation. Sasama na lang kami ni lola sa'yo papuntang Monte Carlos. Doon na lang din ako maghahanap ng work.” “ANO?” Naitikom agad ni Luna ang kaniyang bibig nang pinagtinginan siya ng mga dumaraan. “Babe, hindi ka dapat nagresign. Mahirap maghanap ng work ngayon. Kung sasama ka sa akin papuntang Monte Carlos para sa job hunting, madadamay ka lang sa kamalasan ko. Alam mo naman ang nangyari sa pamilya ko, hindi ba? I'm sure that finding