“Ma’am Luna. Jusko! Ano pong nangyari sa inyo? Bakit po gan'yan ang hitsura niyo? May kasama po ba kayo? Bakit po wala ka man lang kadala-dalang gamit? Basang-basa ka na po sa ulan,” dire-diretsong wika ni Asyon, ang dating katulong sa mansyon ng mga Wright. Natanggal siya sa trabaho simula nang dumating ang mag-inang Vida at Livina sa mansyon. Pinagbintangan kasi siya ng mga itong nagnakaw ng kanilang mga alahas para mapaalis siya roon at para wala ng maging kakampi si Luna.
Nanlulumong lumapit si Luna sa kaniyang dating yaya. Mula sa Monte Carlos ay bumiyahe siya patungong Monte Rocca para puntahan ito. Wala na siyang maisip na malalapitan maliban dito. Sigurado siyang siniraan na siya ni Livina sa mga kaibigan at pinsan niya. Sigurado rin siyang ipinaalam na ng kaniyang Papa Allan sa lahat ang tungkol sa nangyari at ang sinumang tumanggap sa kaniya ay mananagot sa mga Wrights. Talagang pinaniwalaan ng kaniyang ama na nakipagtalík siya sa lalaking nasa litrato. Bumiyahe siya ng walang kadala-dalang gamit at pera. Isinangla niya lang ang kaniyang hikaw at relo pagkababa ng Monte Rocca para may maibayad sa bus at may magastos siya sa kaniyang pagtuloy sa bahay ni Yaya Asyon. “Umupo po muna kayo, ma’am. Kukuha lang po ako ng towel at bihisan niyo. Pasensya na po kayo sa bahay ko. Hindi pa po kasi ako nakakapaglinis," aligagang sabi ni Asyon. “No, ‘nay. Ako nga po ang dapat humingi ng pasensya sa inyo dahil bigla na lamang po akong dumating dito sa bahay niyo ng wala man lang pasabi. Huwag niyo na po akong tawaging ma’am dahil hindi na naman po namin kayo empleyado at isa pa, wala po tayo sa mansyon. Naririto po tayo sa inyong bahay." Luminga sa paligid si Luna. “Nasaan po pala si Yana?” Napakamot si Asyon. Nasanay na kasi siyang tumawag ng ma’am sa dalaga at sanay na rin siyang gumalang dito pero may punto si Luna, wala ng rason para gawin niya ang kaniyang nakasanayan. Napalunok siya bago niya sinagot ang tanong nito. "Hindi pa siya dumadating mula sa kaniyang trabaho, hija eh pero baka pauwi na rin siya.” Naglakad siya papasok sa kuwarto ng kaniyang apo. Maliit lang naman ang kanilang bahay kaya mabilis lang siyang nakabalik. “Gano'n po ba." Napaubo si Luna. Napangiti siya nang mapansin niya ang mga litratong nakasabit sa dingding. May mga litrato sila roon ng kaniyang ina kasama si Asyon at ang apo nitong si Yana. Dali-daling tumakbo si Asyon palapit kay Luna at iniabot ang isang bath towel, isang bestida at isang bagong pares ng undergarments ni Yana rito. “Isuot mo muna ito, hija. Huwag kang mag-alala, lahat ay bago ang mga ‘yan. Hindi pa naiisuot ng apo ko. Sigurado akong matutuwa siya kapag nakita ka niya rito." Nakangiting kinuha ni Luna ang iniaabot ng matanda. "Maraming salamat po, ‘Nay Asyon." “Magbihis ka na muna sa kwarto, hija. Magluluto muna ako ng paborito niyo ni Ma’am Lira na sopas para mainitan naman ang tiyan mo." Halos maluha si Luna sa sinabi ng matanda. Tanda pa pala nito ang paborito nilang meryenda ng kaniyang yumaong inang si Lira. Sa lahat ng kanilang mga naging tauhan, si Yaya Asyon ang pinakamabait at naging pinakamalapit sa puso nilang mag-ina. “Maraming salamat po, ‘nay." Naglakad si Luna papasok ng kwarto ni Yana at nagbihis doon. “Lola, narito na po ako. May pasalubong po akong inihaw na manok sa inyo!” Nang marinig ni Luna ang boses ng kaniyang dating kalaro at kababatang si Yana ay dali-dali siyang lumabas ng kwarto para salubungin ito. "Yana!” Nanlaki ang mga mata ni Yana nang makita niya ang tumatakbong si Luna. Muntik na niyang mabitiwan ang hawak niyang plastik na may lamang inihaw na manok. "Luna!” Nagyakapan ang magkaibigan. Halos mapuno ng tawanan nila ang munting tahanan ng matanda pero ilang saglit pa ay napalitan iyon ng inis at luha. Nagkwento si Luna kay Yana tungkol sa sinapit niya at kung bakit siya napadpad sa probinsya ng mga ito. Napatayo si Yana sa sobrang inis. “Bruha talaga ang mag-inang Vida at Livina na ‘yon eh. Huwag ka nang umiyak diyan, Luna. Tara. Samahan mo ako." Hinila niya ang kamay ng kaniyang kaibigan. “Yana, saan tayo pupunta?" Nanlisik ang mga mata ni Yana. “Saan pa? Eh ‘di sa bahay niyo. Kakaladkarin at sasabunutan ko hanggang sa makalbo ang mag-inang bruha na ‘yon. Nakakagigil sila. Napakasama na nga ng pagmumukha nila, napakasama pa ng ugali! Kapag pangit, dapat bumabawi na lang sa ugali!" Medyo natawa si Luna sa sinabi ni Yana. Unti-unting napangiti si Yana nang marinig niya ang paghalakhak ng kaibigan niya. “‘Yan, mas bagay sa'yo ang nakangiti. At saka, huwag mo ngang iyakan ang mga asal hay0p na ‘yon. They don't deserve your tears." “Salamat, Yana ha. Alam mo, sobrang namiss kita." Hinampas ni Yana si Luna. Muntik na itong matumba. “Sus! Namiss din naman kita." “Mga apo, humigop na muna kayo ng sabaw ng sopas. Mainit-init pa ito." Nagkatinginan sina Luna at Yana. Mabilis silang nagtungo sa mesa at agad na sinunggaban ang nakahaying sopas doon. Matapos kumain ng sopas at hapunan ay nahiga na sina Yana at Luna sa katre. Nasa kabilang silid naman si Asyon at mahimbing nang natutulog. “Yana." “Oh." “Sorry." “Bakit, Luna?" “Hindi ko natupad ‘yong pangako ko." Napaisip si Yana. Bigla siyang tinakasan ng antok nang mapagtanto niya kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang kaibigan. "HINDI KA NA BIRHE—-ASDKFHDKS!" Agad na tinakpan ni Luna ang bibig ni Yana. “Huwag kang maingay. Baka magising si nanay." “S***a ka! May jowa ka na?" Umiling si Luna. Namilog ang mga mata ni Yana. “Ha? Eh sino ang naka uhm mo?" “Ha? Anong uhm?" “Uhm. As in aaahhh uhhhhh ahhhh. Alam mo na ‘yon." Napatawa si Luna. “Ah, gets ko na." Napakamot siya. “Hindi ko nga kilala eh." Napabalikwas si Yana. “ANO? EH PAANO KUNG MABUNTIS KA? SAANG LUPALOP MO SIYA HAHANAPIN? PAANO MO SIYA HAHANAPIN? SAAN MO BA SIYA NAKILALA? SA BAR BA O SA CLUB O SA YATE O SA RESORT? SAAN? DOON NATIN SIYA UNANG HANAPIN KUNG SAKALI MANG MAGBUNGA ANG INYONG GINA—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang takpang muli ni Luna ang bibig niya. “Napakaingay mo talaga. Kumalma ka muna." Muling napakamot sa kaniyang ulo si Luna. “Ang totoo, iniligtas niya ako sa pangit at matandang lalaki na nais gumahasâ sa akin." “Nakaligtas ka nga sa matanda, bumukaka ka naman agad sa lalaking ‘yon. Tapos hindi mo pa siya kilala. Malay mo bang baka anak pala ‘yon ng matandang pangit na ‘yon o kaya baka magkasabwat sila." Napaisip si Luna. Umiling siya bigla nang maalala niyang pinukpok ng lalaki ang matanda ng bote sa ulo nito. “Hindi. Hindi sila magkakilala. Ang hirap kasing i explain. I was drúgged that night. Kasalanan ni Livina. She framed me at ‘yong lalaki naman, may mga humahabol sa kaniyang parang mga gangsters eh. May sugat pa nga siya sa noo niya, dumudugo." “Pareho kayong nasa panganib pero nagawa niyo pang mag chukchakan. Nakakaloka kayo ha." Pinigilang matawa ni Luna sa sinabi ng kaniyang kaibigan. “Nakakahiya mang aminin pero kasalanan ko kung bakit may nangyari sa amin. Ako ang gumawa ng first move. Actually, lahat ng moves…ako ang gu-gumawa.” Napatakip ang isang kamay ni Yana sa bibig niya. "Hindi ko akalaing wild ka pala. Grabe ka, Luna! Isa kang alamat! Teka, guwapo ba siya? Hot? Sexy? Mayaman? Mabango?” "S-Siguro. Hindi ko matandaan eh. Wala nga ako sa sarili ko, ‘di ba?” "Oh. Eh bakit parang kinikilig ka? Nako! Tinamaan ka agad sa isang lalaking hindi mo alam ang pangalan at hindi mo man lang matandaan ang hitsura? Malaking problema ‘yan, Luna.” "It's just a one night stand, Yana. Isa pa, imposibleng mag krus muli ang landas namin. Wala naman kami sa isang nobela o sa isang sine para magkaroon ng reunion.” "Sus. Huwag kang magsalita ng tapos. Paano kung siya na pala ang the one mo? Ah basta. Naniniwala akong kapag itinadhana kayo sa isa't-isa, pagtatagpuin at pagtatagpuin kayo ng tadhana kahit pa nasa magkabilang planeta pa kayo.” Tumawa nang mahina si Yana. "Matulog na nga tayo. May pasok pa nga pala ako bukas. Luna, pumunta ka pala bukas doon sa branch ng clothing store ni Miss Diana. Mamili ka ng mga damit mo. P'wede mo namang gamitin ang mga damit ko pero ang mga bra at panty, hindi. Baka mangati tayo parehas,” biro niya. "Sige. Don't worry, may pera naman ako rito. Isinangla ko ang hikaw at relo ko. Baka maghanap na rin ako ng trabaho bukas.” "Sige. Matutulog na ako ha. Goodnight, Luna babe." “Goodnight, Yana babe." Nang humaharok na si Yana ay biglang sumagi sa isip ni Luna ang lalaking nagligtas sa kaniya kahapon. “Kumusta kaya siya ngayon? Naaalala niya rin kaya ako? Sino kaya siya? Mabuti kaya siyang tao?” sunod-sunod na bulong ni Luna sa kaniyang sarili. Inalog niya ang ulo niya at saka nagtalukbong ng kumot. "Bakit ko ba siya iniisip?” Nakapa niya bigla ang kwintas niya. "Teka. Nasaan ang kwintas ko?” Tumayo si Luna at agad na tiningnan sa higaan niya kung nalaglag ba roon ang kwintas niya. Bumangon na rin siya at naghanap sa sala pero hindi niya iyon nakita. Nanlaki ang mga mata niya nang may naalala siya. "Dàmn it. Mukhang nalaglag ang kwintas ko sa may eskinitang ‘yon.” Ginulo niya ang buhok niya. Napakahalaga ng kwintas na iyon sa kaniya dahil iyon na lamang ang ala-alang naiwan sa kaniya ng kaniyang yumaong ina. "Kailangan kong balikan ang lugar na iyon. Kailangan kong makita ang kwintas ko pero bago ‘yon, kailangan ko munang mamili ng damit bukas at maghanap ng trabaho.” Sumapit ang umaga. "Luna, ang aga mo namang nagising.” Humarap si Luna kay Yana. Napasigaw ang kaniyang kaibigan nang makita ang pagmumukha niya. Sabog at gulo ang buhok niya at may kulay itim na rin sa ilalim ng mga mata niya. Idagdag pa ang kumayat na maskara at eyeliner. Nakalimutan niyang maghilamos bago mahiga kagabi. "Anong nangyari sa'yo? Hindi ka ba nakatulog? Nanibago ka ba sa higaan? Pasensya ka na. Wala pa kaming kutson eh.” Umiling si Luna. Ngumiti ng pilya si Yana. “Iniisip mo ‘yong lalaking naka uh ah ah mo, ano?" "Gàga! Bakit ko naman siya iisipin? Ang iniisip ko ay kung saan ko nalaglag ang kwintas na bigay sa akin ni mama," tanggi ni Luna pero punong-puno na ng katanungan ang isip niya tungkol sa lalaking naka one night stand niya. **** Y.A GROUP Main Building “President Anderson, nasa labas na po si Miss Livina. Papapasukin ko na po ba?" Hindi agad tumugon si Yael. Titig na titig pa rin siya sa kwintas na hawak-hawak niya. Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang may imahe ng isang buwan ang lock ng kwintas. “A crescent moon?" “Ano po?" ‘Ano kaya ang ibig sabihin ng crescent moon na ito?’ isip-isip ni Yael. “President, papapasukin ko na po ba si Miss Livina?" pag-uulit ng sekretarya. “Sige. Papasukin mo na." Umalis ang secretary ni Yael. Ilang sandali pa ay pumasok na sa kaniyang opisina si Livina. Dahan-dahan niyang ini-angat ang ulo niya. Itinago niya muna sa kamay niya ang kwintas na hawak niya. “It's my pleasure to meet you in person, President Anderson," mahinhing wika ni Livina. 'Shét! Napakaguwapo niya at mukhang mabango. Kahit may benda siya sa noo niya, hindi pa rin iyon naging kabawasan sa kaguwapuhan niya. Anong kayang nangyari sa kaniya? Hindi bale. Ang mahalaga ay may chance na akong maging super duper yaman. Kapag naikasal ako sa kaniya, hindi na kami magtitiis ni mama sa mabahong matandang Wright na 'yon,' sigaw ng isip niya. Nakasuot si Livina ng isang maikli at pulang dress na kapit na kapit sa kaniyang katawan. Halos lumuwa na rin ang kaniyang malulusog na dibdib sa kaniyang suot. “Bakit niyo po ako ipinatawag?" Nagsalubong ang mga kilay ni Yael. ‘Bakit parang iba ang boses niya? Siya ba talaga ang babae noong gabing ‘yon? I couldn't feel any connection to her.’ "Ahm, President Anderson,” maarteng sambit ni Livina. Yumuko si Yael nang biglang tumunog ang cell phone niya. Binabasa niya ang emails na nagmula sa mga VVIP clients niya. "I'm sorry. I just want to ask you something. ‘Yong kwintas na nalaglag mo last night, may nakaukit ba sa lock noon?” ‘Kwintas? Last night? Wait. Did Luna meet him before the ràpe incident happened?' Nanlaki ang mga mata ni Livina. 'Baka totoo nga ang sinasabi ni Luna na hindi siya nagalaw ng taong inutusan ko para halayín siya. Did he save that bítch kaya mayroong benda ang ulo niya?' Agad niyang hinaklit ang kaparehong kwintas na binili niya para gayahin si Luna at itinago iyon sa kaniyang sling bag. Napagtanto niya kasing si Luna ang tinutukoy ng binata at hindi siya. Nag-angat ng tingin si Yael. Kumunot ang kaniyang noo nang makita niyang mukhang balisa si Livina. “Okay ka lang ba, Miss Wright?" “Ah. O-Oo. Okay lang ako. Ah kanina, you're asking if may nakaukit sa lock ng kwintas ko, hindi ba?" Tumango si Yael at bumalik sa pagtitipa sa kaniyang cell phone. Pilit inalala ni Livina ang hitsura ng kwintas ni Luna. Minsan na niyang nahawakan iyon nang natulog ito sa kaniyang kwarto noon. “Miss Livina, bakit ang tagal mo naman yatang sumagot? Sa'yo ba talaga ang kwintas na ito?" tanong ni Yael habang titig na titig sa babaeng nakatayo sa kaniyang harapan.“Here's your room and here's the key." Yael gave a magnetic card to Luna.Nahihiyang inabot ni Luna ang magnetic card na binibigay ni Yael sa kaniya. "T-Thank you.”"This will be your first night as my executive assistant. Since you'll be working on a night shift, I will give you a bonus. Tomorrow, I will give you and your girlfriend’s employment contract. Be ready in twenty minutes.”"Girlfriend?" Luna murmured. “Sandali—” Huli na ng sabihin niya iyon dahil nakaalis na si Yael.Nagkibit-balikat si Luna at pumasok na sa kaniyang silid. Napanganga siya sa disenyo ng kwarto. Napakalawak nito. Marahan siyang naglakad patungo sa kama at agad na umupo roon.“Namiss ko tuloy ang kwarto ko sa mansyon. Kasing lambot ng kamang ito ang higaan ko roon.” Biglang kumirot ang puso ni Luna. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi lang ang kaniyang silid ang namimiss niya kung hindi pati na rin ang kaniyang mama at papa. Nabasa ang mga pisngi niya at agad din naman niya iyong pinahid. “Oo nga pala kail
"Mr. Yael, paano mo nakilala ang papa ko?" kunot-noong tanong ni Luna."I just did some research about my new executive assistant. Bawal ba?”"H-Hindi naman,” mahinang tugon ni Luna.‘Sa lahat ng mga empleyado ko, siya lang ang hindi marunong gumalang sa akin but I kinda like it,’ Yael thought."Gusto ko nang magpahinga. Give me my card key para mahanap ko na rin kung saang floor naroroon ang unit na titirhan ko.”‘Hindi pa rin pala talaga niya nagegets.’ Umayos nang pagkakatayo si Yael. Kukunin niya sana ang gamit ni Luna nang bigla itong hablutin ng dalaga. Hindi sinasadyang nagkahawak ang kanilang mga kamay. Napatitig siya sa kamay ng dalaga.Biglang binitiwan ni Luna ang gamit niya dahilan para mapunta iyon nang tuluyan kay Yael. Namula bigla ang kaniyang mga pisngi. “I…I'm sorry. H-Hindi k-ko sinasadyang hawakan ang kamay m-mo,” nauutal na sabi niya."Is that how you make your first move on me? Oh. I forgot. Padalawang move mo na pala ito para mapansin kita,” pang-aasar ni Yael.
Siniko ni Yana si Luna. Matapos nilang makababa sa eroplano ay sinalubong agad sila ng mga tauhan ng bago nilang amo. Kasalukuyan na silang nakasakay sa isa sa mga sasakyan nito.“Bakit babe? May problema ba?" Binuksan ni Luna ang isang bottled water at uminom ng tubig.“Ilang beses kong nahuli si Boss Yael na sulyap nang sulyap sa'yo kanina. Siguro, may gusto siya sa’yo.”Nasamid si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Muntik pa niyang maibuga ang tubig sa bibig niya rito buti na lang at agad niyang nalunok iyon.Agad na tinapik ni Yana ang likod ng kaibigan. "Malayo pa ‘yan sa bituka,” natatawang sabi niya.Nang maka-recover si Luna ay saka niya sinagot ang sinabi ng kaibigan niya kanina. "Wala namang rason para magkagusto sa akin ang lalaking ‘yon. Isa pa, hindi kami compatible. Ayoko sa isang asbag na lalaki.”"Weh? Hindi ka man lang na attract kay boss? Ang guwapo at ang hot niya kaya. Tapos ang yaman-yaman pa niya. Ano pa bang hahanapin mo?” ani ni Yana habang magkadaop ang ka
Abala si Yael sa kaniyang cell phone dahil kausap nito ang kaniyang daddy. Kasalukuyan silang sakay ng eroplano. Hindi pa ito nagte take off kaya may oras pa siyang makipagtawagan. Medyo hassle sa kaniya sa tuwing nasa ere siya dahil hindi niya magawang makipag communicate sa mga staff at mahahalagang tao sa business niya pero wala siyang choice. P'wede naman silang magbarko pero dahil kailangan niyang umattend ng birthday party ng isa sa top investor ng kaniyang group of companies ay mas minabuti na niyang magbyahe sa himpapawid. “Hoy babe," tawag ni Yana sa kaniyang kaibigan. May paghampas pa siya sa braso nito. “Bakit babe?" “Kanina pa kitang napapansin. Mukhang malalim ang iniisip mo. Ayos ka lang ba?" Tumango si Luna. Ngumuso si Yana. “Huwag mo nga akong pinaglololoko. Naalala mo na naman ba ang papa mo at ang dalawang bruhang ‘yon kaya ka nagkakagan'yan?” Umiling si Luna. Huminga siya nang malalim saka hinarap si Yana. "I'm just thinking about our company. Dahil sa mga nan
“Babe, sino siya?" kunot-noong tanong ni Yana habang nakaturo ang hintuturo niya sa binatang nasa harap ng kaniyang kaibigan. “Hindi ko siya ki—” Natigil ang pagsasalita ni Luna nang biglang sumabat si Yael. "I'm your boss starting tomorrow." Kumurap ng ilang beses si Yana kay Luna. Nakaawang naman ang bibig nito. “Babe, totoo ba ang sinabi niya? May work na agad tayo? Did you already apply for a job position? Hindi na natin kailangang mag job hunting pagdating natin sa Monte Carlos?" Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha niya. Nangingilid din ng kaunti ang luha niya. Nang makita ni Luna ang reaksyon ni Yana, parang may humaplos sa puso niya. Ngayon lang niya ulit ito nakitang halos maiyak sa sobrang saya. Marahil ay nag-overthink din ito dahil sa mga sinabi niya kanina. Tunay niya talagang kasangga si Yana dahil kahit batid nitong magiging mahirap ang paghahanap nila ng trabaho sa Monte Carlos, dahil sa impluwensya ng kaniyang pamilya, ay hindi pa rin siya nito nagawang iwan. Hindi
“Luna babe, nandito na ako sa bahay. Nasaan ka ba?” wika ni Yana mula sa kabilang linya. “Kabababa ko lang ng jeep, babe. Nandito ako sa may tapat ng Monte Rocca University.Bibili lang ako ng kwek-kwek at kikyam tapos sasakay na ako ng tricycle pauwi." Kumunot ang noo ni Yael. "Babe? May boyfriend na siya?" dismayadong bulong niya. Hindi pa siya bumababa ng kaniyang sasakyan pero rinig na rinig niya ang boses ng babae. Nakatigil lang ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada, malapit sa cart na may tindang mga street foods. "Nagfile ako ng voluntary resignation. Sasama na lang kami ni lola sa'yo papuntang Monte Carlos. Doon na lang din ako maghahanap ng work.” “ANO?” Naitikom agad ni Luna ang kaniyang bibig nang pinagtinginan siya ng mga dumaraan. “Babe, hindi ka dapat nagresign. Mahirap maghanap ng work ngayon. Kung sasama ka sa akin papuntang Monte Carlos para sa job hunting, madadamay ka lang sa kamalasan ko. Alam mo naman ang nangyari sa pamilya ko, hindi ba? I'm sure that finding