“She's not my girlfriend, tita."
Tumaas ang kilay ni Luna. ‘Aba’t nauna pa niya akong i-deny. Ano bang akala niya? Papatulan ko siya? Nasobrahan yata ito sa hangin kaya nagkaroon ng benda sa ulo niya eh. Kahit nuknukan siya ng guwapo, kahit sobrang bango at hot niya, h-hinding-hindi ako m-mahuhulog sa k-kaniya. Teka. Bakit mukha akong nag-aalangan?’ Winaglit niya ang laman ng kaniyang isipan. Napaismid siya nang mapansin niya ang kamay ng lalaki sa kaniyang bewang. Hinayaan niya lang ito. Ngumiti si Diana. “Talaga? Bakit nakaalalay ka pa rin sa kaniya? Type mo?” Kinindatan niya si Yael. Yale's face suddenly burned out of shyness. Hindi niya napansin na pagkatapos niyang ibaba ang babaeng sinalo niya kanina ay muli niyang hinawakan ang bewang nito. Marahang hinawakan ni Luna ang kamay ng binata at inalis iyon sa pagkakahawak sa kaniya. ‘What the hell am I doing? Bakit hinintay ko pang siya mismo ang mag-alis ng pagkakahawak ko sa kaniya?’ inis na sigaw ng isip ni Yael. Tumayo siya nang maayos at napalunok. Hindi niya magawang lingunin ang babae. “Pasensya na po kayo sa misunderstanding. Hindi ko po kilala ang lalaking ito at mas lalong hindi ko po siya boyfriend." Nilingon ni Luna ang binata. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. “He's far from my type." Napaubo si Yael sa kaniyang narinig mula sa dalaga. “Anyway, maraming salamat sa pagsalo mo sa akin kanina. If you don't mind, magbabayad na ako ng mga pinamili ko." Hindi na napigilang mapatawa ni Diana nang makita niya ang pagkainis sa mukha ng kaniyang pamangkin. “Mukhang hindi tumalab ang karisma mo sa babaeng ‘yon. Nasanay akong mga babae mismo ang naghahabol sa'yo. What happened, my dear nephew? Mukhang nabawasan na ang kaguwapuhan mo ah," pabirong wika niya. Sinenyasan ni Diana ang isa sa mga staff niya na sundan ang babae ang alamin ang pangalan nito. Agad naman itong umalis. Inayos ni Yael ang kaniyang coat at buhok. “Wala pang natanggi sa isang Yael Anderson, tita. Isa pa, ang daming matang nakatingin sa atin kanina. Siyempre, mahihiya siyang umamin. Alam na alam ko na ang strategy ng mga babae. Playing hard to get para mas makuha ang atensyon ko.” Napatawa si Diana. "Sabi mo eh. Anyway, where are the reports?” Iniabot ng secretary ni Yael ang files kay Diana. Agad na binuklat ni Diana ang mga dokumento. “Good." Ibinigay niya sa kaniyang secretary ang documents. Napatingin siya sa direksyon ng pinto nang makita niyang umalis ang babaeng nakakuha ng atensyon niya kanina. “I like her." “Ano naman ang nagustuhan mo sa kaniya, tita?" Nilingon ni Yael ang babae. Nag-aabang ito ng masasakyan sa labas. ‘She really looks familiar. Where did I meet her and why? Why do I feel nervous whenever she's around?’ “I don't know. Basta, magaan ang loob ko sa kaniya. Mukha siyang mabait pero mukha ring palaban at may paninindigan." Nakatingin pa rin si Diana sa labas ng clothing store niya. Lumapit sa kaniya ang staff niya at ibinulong sa kaniya ang pangalan ng babae. “Luna. Her name suits her well. She's pretty like the goddess of the moon.” ‘So, Luna ang pangalan niya.’ Nang makita ni Yael na hindi pa nakakasakay ang babaeng sinalo niya kanina ay agad siyang nagpaalam sa kaniyang Tita Diana. “Tita, I have to go na pala. May appointment pa akong kailangang puntahan. Babalik din ako mamaya sa Monte Carlos. Sasama ka ba?" “Hindi. Dito muna ako. May mga kailangan pa akong ayusin dito. Anyway, maraming salamat sa pagdala ng mga reports. I really appreciate that you came all the way here kahit sobrang busy mo rin. Iyakap mo ako sa Mommy Freya at kapatid mo pagbalik mo sa Monte Carlos ha. Pakisabi rin sa Daddy Jacob at mga tito mo na bawas-bawasan na ang adventures at baka maaga silang magkita-kita ng lolo mo sa langit.” Bumuntong hininga si Diana. "Miss na miss ko na si papa.” Niyakap ni Yael ang kaniyang Tita Diana. “I also missed Lolo Vandolf, tita. Don't be sad. Nasa masaya at payapang lugar na si lolo ngayon." “Sige na at baka mapaiyak pa ako. Alam kong marami ka pang aasikasuhin. Babalik na rin ako sa office ko. Maraming salamat, Yael. Mag-iingat ka. Don't forget to text me kapag nasa Monte Carlos ka na ulit.” B****o si Diana sa kaniyang pamangkin at saka tumalikod dito. “President Anderson, saan po pala tayo pupunta? As I remember, wala po kayong ibang appointments dito sa Monte Rocca,” sambit ng sekretarya ni Yael habang nakasunod sa kaniyang amo. Malalaki ang hakbang nito kaya halos matapilok na siya kahahabol dito. Huminto sa paglalakad si Yael. Muntik nang mabangga sa likod niya ang kaniyang sekretarya. "You don't need to come with me, B. It's a personal matter. Go to the nearest spa and pamper yourself. Ipapasundo na lang kita kay Zack kapag pauwi na tayo ng Monte Carlos.” Yumuko ang sekretarya. "Sige po, President Anderson.” Sumakay na ng sasakyan si Yael. "Saan po tayo pupunta, Sir Yael?” tanong ni Mang Edwin. "’Tay Edwin, sundan mo po ang babaeng ‘yon." Tumingin sa salamin ang driver. “Po?" "Sumakay na po siya. Sundan mo po ang jeep na sinasakyan niya. No matter what happens, don't lose her.” Nakasentro ang atensyon at paningin ni Yael sa babaeng nakabangga niya kanina. Sa may dulong upuan ito ng jeep nakasakay at nakatingin sa kaniyang direksyon. "Type niyo po ba siya, sir?” natatawang tanong ni Mang Edwin. Napaubo si Yael. "H-Hindi po, ‘tay. M-May kailangan lang po akong itanong sa kaniya.” Ngumiti lang si Mang Edwin habang sinusundan ang babaeng tinutukoy ng kaniyang amo. "Mukhang may natipuhan ng babae si Sir Yael. Kailangan itong malaman ni Ma’am Freya at Sir Jacob,” bulong niya. "’Tay Edwin, may sinasabi ka po ba?” "Ah wala po, Sir Yael. Wala pa po kayong maayos na pahinga. Umidlip po muna kayo at gigisingin ko na lang po kayo kapag bumaba na ang baba—” "No. I am not going to close my eyes until she's standing in front of me.” Nagulat si Yael sa kaniyang sinabi. ‘Why am I invested in that woman? And why the hell am I going after her? Am I really interested in her?’ he thought while staring at Luna.Hinintay talaga ni Yael na mawala nang tuluyan sa kaniyang paningin sina Yana at Asyon. Nabura na sa agam-agam niya ang ideyang lesbian o bi sina Yana at Luna nang malaman niya ang tunay na ugnayan ng dalawa mula sa kaniyang pribadong imbestigador. Natatawa siya sa kaniyang sarili nang mapagtanto niyang nagawa niyang pagselosan ang isang babae. Tama. Aminado na siya sa sarili niya na gusto niya talaga si Luna.Pumasok si Yael sa loob ng sasakyan at marahang ihiniga si Luna. Habang nakaunan ito sa kaniyang isang braso ay pilit naman niyang inabot ang paborito niyang stítch pillow na nasa driver's seat. Nang makuha niya iyon ay maingat niyang itinaas ang ulo nito para maipaunan niya ang stitch pillow niya. Nakahinga si Yael nang maluwag nang hindi nagising si Luna sa mga ginawa niya rito. Napansin niyang parang nilalamig ito kaya agad niyang hininaan ang aircon. Kinuha niya rin ang kaniyang spare na coat at ikinumot iyon sa natutulog na dalaga.“Napakaamo ng mukha niya. Mukhang hindi m
“Babe, pasok ka na rito!"Nakahinga nang maluwag si Luna nang sinaklolohan siya ng best friend niya. Mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Naiwan niya si Yael na napapangiti na lang sa pag-iwas na ipinakita niya.Nagkukulitan sa loob ng sasakyan sina Luna at Yana. Si Asyon naman ay mahimbing nang natutulog. Tumigil lang ang mga bulungan ng magkaibigan nang umupo na si Yael sa driver's seat.Bago pa man buhayin ni Yael ang kaniyang sasakyan ay tiningnan niya muna sa rearview mirror si Luna. Napatawa siya nang mahina nang muli na naman itong magtulog-tulugan. Hindi na niya ito ginising pa dahil ano nga naman ang punto ng pagpukaw sa taong hindi naman talaga natutulog?Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na sina Yael sa parking lot ng condo. Nang maiparke na niya nang maayos ang kaniyang sasakyan ay agad siyang bumaba para pagbuksan ng pinto ang tatlong nasa backseat.“Mukhang natutulog na nga talaga sila," bulong ni Yael. Ayaw niya sanang putulin ang mahimbing n
“How is she?" Yael asked while keeping his eyes open.“O-Okay naman na po si babe, boss. Kami na lang po ang magbabantay sa kaniya. Umuwi na muna po kayo at magpahinga. Halata pong inaantok na kayo eh,” ani Yana habang nakatitig kay Yael."Nagising na ba siya?”"Opo, kanina.”"Mabuti naman kung gano'n. Ano palang sabi ng doktor?" tanong ni Yael. Tumaas ang dalawa niyang kilay nang magtinginan muna sina Yana at Asyon bago sumagot sa tanong niya.“Okay na naman daw po si babe. Kailangan lang po niyang magpahinga. Papasok na rin daw po siya bukas pagka discharge niya eh."Umiling si Yael. “Huwag niyo na muna siyang papasukin. Ikaw rin. Mag take ka muna ng day off. Ako na ang bahala sa HR. Samahan mo siya bukas sa room niya." “Naku, hindi na po kailangan. Isa pa, hindi rin po papayag si babe sa nais niyo. Medyo hard headed din po kasi siya," wika ni Yana."Sige. Kung kaya na talaga niyang pumasok, hindi ko siya pipigilan. Anyway, okay na ang bills at papers niya. Ipinaasikaso ko na kay M
Hinihintay na magising nina Yana at Asyon si Luna. Bumili na sila ng mga gamot na inireseta ng doktor. Si Yael naman ay hindi pa bumabalik buhat kanina.“Yana, tigilan mo nga ang kakalakad mo. Nahihilo ako sa'yo," reklamo ni Asyon sa kaniyang apo.“Lola, pasensya na po. Hindi po kasi ako makapaniwalang nakabuo agad sina Luna babe ng bata eh. Isang gabi lang naman ‘yon tapos hindi pa sinasadya. Paano na ang mga plano ni babe? Mas magiging mahirap para sa kaniya ang kumilos dahil hindi na lang sarili niya ang aalalahanin niya, kung hindi pati na rin ang anak niya.” Bumuntong hininga si Yana bago naupo sa tabi ng lola niya."Ano pa bang magagawa natin? Nangyari na ang nangyari. Isa pa, walang kasalanan ang bata. Kilala mo naman siguro ang lalaking nakabuntis kay Luna. Tawagan mo at ipaalam mo sa kaniya ang balita. Kailangan niyang panagutan ang mag-ina,” kalmadong turan ni Asyon.Nalukot ang mukha ni Yana sa sinabi ng lola niya."Oh, bakit gan'yan ang mukha mo? Huwag mong sabihing tinata
Nang maayos ang elevator ay agad na binuhat ni Yael si Luna. Pagdating nila ng groundfloor ay mabilis siyang sinalubong ng securities.“President, ano pong nangyari?" tarantang tanong ng head ng security.“I have no time to waste. Open the door!" Yael yelled.Pagkabukas ng main door ng building ng Y.A. Group ay natigilan si Yael. Buhat pa rin niya si Luna. Agad na rumehistro sa mukha niya ang pagtataka at inis.“Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Yael.“I'm not here for you. I'm here for Luna,” ani Rafael habang nakatingin sa walang malay na dalaga.Nagdilim pa lalo ang aura ni Yael. “Nakaharang ka sa daan. Kung hindi ka magkukusang tumabi, mapipilitan akong itulak ka." "Anong nangyari sa kaniya? Anong ginawa mo?” Kita ang inis sa mukha ni Rafael.Sa halip na sagutin ni Yael ang tanong ni Rafael ay mabilis niya itong tinabig.“Anderson, tinatanong kita! Anong ginawa mo kay Luna?!"Marahang humarap si Yael kay Rafael. “Wala akong ginawa sa kaniya pero may kailangan akong gawin ngayon
“Nagustuhan mo ba ang pagkain?" tanong ni Yael habang naglalakad sila ni Luna patungo sa kinaroroonan ng elevator. “O-Oo. Maraming salamat pala. Sa susunod, ako naman ang manlilibre. Hindi nga lang gano'n kamahal. Hindi ko pa afford," ani Luna habang nakasunod sa kaniyang amo. Nilalaro niya ang kaniyang mga daliri habang naglalakad. Nakayuko siya kaya hindi niya napansing huminto pala si Yael sa harapan niya. Namilog ang mga mata ni Luna nang maramdaman niyang lumapat ang katawan niya sa katawan ni Yael. “I…I’m s-sorry. H-Hindi ko sinasadyang mabangga ka. I mean, hindi ko nakitang tumigil ka sa paglalakad dahil may malalim akong iniisip kanina habang nakasunod sa'yo. P-Pasensya na.” Mabilis na hinawakan at hinila ni Yael ang isang kamay ni Luna dahilan para mapasandal ito sa dibdib niya. “What are you thinking, Luna? May problema ka ba?" ‘Shít! Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? Ang init!’ “Luna…” "Mainit.” "Anong mainit?” nagtatakang tanong ni Yael. "Ha? Sinabi