Beranda / Romance / Love Game with my Executive Assistant / Kabanata 34 Behind the Sex Drugs Part 2

Share

Kabanata 34 Behind the Sex Drugs Part 2

Penulis: Docky
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-20 23:24:10

“G-Good evening po, Mr. Gray. I-Ipinatawag niyo raw po a-ako."

“Good evening. What's with the stutter? Just act and speak like your normal self. Huwag kang masyadong kabahan. Take a sit first.” Ipinaghila ni Yael ng upuan ang waitress at saka siya naupo.

“Hi. I'm Livina, the one whom you gave a wine minutes ago.” Pilit inalis ni Livina ang kaba at takot sa kaniyang sistema. Ayaw na niyang ipahalata kay Yael na guilty siya. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa waitress at saka ngumiti rito. “May I know your name?"

“Ahm…"

“You don't need to answer if you're not comfortable, miss," pagsingit ni Yael.

“Hey." Hinawakan ni Livina ang isang kamay ng waitress. “Do I look scary to you, huh?"

Marahang umiling ang waitress.

“Okay. You may keep your name privately if you want to—”

“Enough, Livina. Do not intimidate her.” Lumingon si Yael sa waitress. “Na briefing ka na ba ng handler mo bago ka pumunta rito? Alam mo na ba ang pag-uusapan natin ngayon?"

Tumango nang mabilis ang waitress.

“Good. N
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Sue Emblawa
ganda2x talaga ng story mo ms. docky...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 43 The Good News

    Nang maayos ang elevator ay agad na binuhat ni Yael si Luna. Pagdating nila ng groundfloor ay mabilis siyang sinalubong ng securities.“President, ano pong nangyari?" tarantang tanong ng head ng security.“I have no time to waste. Open the door!" Yael yelled.Pagkabukas ng main door ng building ng Y.A. Group ay natigilan si Yael. Buhat pa rin niya si Luna. Agad na rumehistro sa mukha niya ang pagtataka at inis.“Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Yael.“I'm not here for you. I'm here for Luna,” ani Rafael habang nakatingin sa walang malay na dalaga.Nagdilim pa lalo ang aura ni Yael. “Nakaharang ka sa daan. Kung hindi ka magkukusang tumabi, mapipilitan akong itulak ka." "Anong nangyari sa kaniya? Anong ginawa mo?” Kita ang inis sa mukha ni Rafael.Sa halip na sagutin ni Yael ang tanong ni Rafael ay mabilis niya itong tinabig.“Anderson, tinatanong kita! Anong ginawa mo kay Luna?!"Marahang humarap si Yael kay Rafael. “Wala akong ginawa sa kaniya pero may kailangan akong gawin ngayon

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 42 Stuck with you

    “Nagustuhan mo ba ang pagkain?" tanong ni Yael habang naglalakad sila ni Luna patungo sa kinaroroonan ng elevator. “O-Oo. Maraming salamat pala. Sa susunod, ako naman ang manlilibre. Hindi nga lang gano'n kamahal. Hindi ko pa afford," ani Luna habang nakasunod sa kaniyang amo. Nilalaro niya ang kaniyang mga daliri habang naglalakad. Nakayuko siya kaya hindi niya napansing huminto pala si Yael sa harapan niya. Namilog ang mga mata ni Luna nang maramdaman niyang lumapat ang katawan niya sa katawan ni Yael. “I…I’m s-sorry. H-Hindi ko sinasadyang mabangga ka. I mean, hindi ko nakitang tumigil ka sa paglalakad dahil may malalim akong iniisip kanina habang nakasunod sa'yo. P-Pasensya na.” Mabilis na hinawakan at hinila ni Yael ang isang kamay ni Luna dahilan para mapasandal ito sa dibdib niya. “What are you thinking, Luna? May problema ka ba?" ‘Shít! Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? Ang init!’ “Luna…” "Mainit.” "Anong mainit?” nagtatakang tanong ni Yael. "Ha? Sinabi

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 41 Eat with me

    Nang nakabalik si Yael sa kaniyang opisina ay nakahinga siya ng maluwag nang makita niya si Luna na naroon pa rin. Abala ito ngayon sa pag-so-sort ng copies ng mga files. Suot-suot nito ang isang anti-radiation glass habang ang buhok nito ay nakatali. Tanging tunog lang ng keyboard ang maririnig sa buong silid.Napailing si Yael nang makita niyang nag-inat ng mga kamay si Luna sabay hikab.‘She’s overworking herself. Balak ba niyang magpaabot ng umaga sa opisinang ito?’Muling nagpatuloy si Luna sa kaniyang ginagawa. Sa sobrang focus niya at sa sobrang kagustuhan niyang matapos na niya ang task na ibinigay sa kaniya, hindi na niya napansin ang pagdating ni Yael. Seryosong-seryoso pa rin siya sa pag-so-sort ng mga ipina photocopy niyang files.“K’unti na lang, patapos na ako. Makakakain at makakauwi na rin ako." Napahikab siya habang napapapikit. Biglang tumunog ang tiyan niya. “Sandali na lang. Malapit na akong matapos."Sinipat ni Yael ang mga ginagawa ni Luna at kumunot ang noo niya

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 40 A Good Businessman

    Nagmamadaling naglakad si Yael patungo sa main entrance ng building. Agad naman siyang pinagbuksan ng pinto ng isa sa mga security guards na naka duty roon.“Good evening po, President Anderson. May nakalimutan po ba kayo sa office niyo?" tanong ng head ng security.“Good evening. Wal– Oo. May kukunin lang ako. Bantayan niyong mabuti ang area. Kapag may nakita kayong kahina-hinala, tawagan niyo agad ako,” utos ni Yael."Sige po, president.” Kinuha ng head ng security ang kaniyang radyo. "Everyone, go to your position. Use your night vision scopes. Observe and protect your area. Once you notice something or someone unfamiliar, report to me.”Tinapik ni Yael ang balikat ng head ng security at saka dali-daling naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Agad niyang pinindot ang floor kung saan naroroon ang kaniyang opisina. Napapahikab na siya habang hinihintay na magbukas ang elevator. Nang huminto ang elevator ay agad siyang lumabas mula roon. Malalaki ang kaniyang mga hakbang haban

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 39 Questioning Himself

    Mainit pa rin ang ulo ni Yael dahil sa naging usapan nila ni Livina, lalong lalo na sa biglaan nitong pagsulpot sa opisina. Matapos ang mahabang araw ay napagpasyahan na niyang umuwi. Pagod na pagod siya sa dami ng reports na in-analyzed at binasa niya. Nawala sa isip niya na may bago na nga pala siyang executive assistant dahil hindi pa niya napapalagyan ng working space si Luna sa loob mismo ng office niya. Nagmamadali siyang umuwi dahil nais na niyang magpahinga.“Sir Yael, mukhang pagod na pagod po kayong araw ah," komento ni Mr. Huff nang makita niya ang ayos ng amo niya sa likuran ng sasakyan, mula sa salamin.“Oo eh. Tinapos ko nang i analyzed ang reports mula sa finance team at sa audit team. Medyo sumakit ang ulo ko dahil may mga discrepancies pa ring nakita ang audit team sa mga financial statements ng ibang branches." “Gusto niyo po bang dumaan muna tayo sa spa para makapagpa massage po kayo?" “Hindi na. Dumiretso ka na sa condo. Gusto ko nang magpahinga." “Sige po, Sir

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 38 Leave her alone

    Kani-kaniyang balik sa trabaho ang mga empleyado ni Yael nang dumating siya. Ni isa ay walang nagsalita tungkol sa nangyaring komosyon.“Baby!"Kumunot ang noo ni Yael nang makita niya sa kaniyang harapan si Livina. “Anong ginagawa mo rito?"Nagtatakbo si Livina palapit kay Yael at agad na ipinulupot ang kaniyang kamay sa isang braso nito. “Baby, hindi ka ba masayang makita ako rito? Namiss agad kita kaya na—”Agad na hinawakan ni Yael ang isang kamay ni Livina at saka ito hinila papasok ng kaniyang opisina.Ngumisi si Ferlyn. "Mukhang not in good terms si Yael at ang girlfriend niya.”"Ma’am Ferlyn, talaga po bang tinatawag niyo lang ang president at amo natin sa pangalan niya? Hindi mo man lang po siya tinatawag na sir o president. Hin—”Tumaas ang isang kilay ni Ferlyn. "Hindi mo ba naiintindihan? Ako ang future Mrs. Gray kaya bakit ko siya tatawaging sir o president?”Napatawa ang ilan sa mga empleyado sa kanilang narinig."Talagang malaki na ang tama ng isang ‘yon kay sir.”"Obse

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status