Share

Kabanata 75 Making a move

Author: Docky
last update publish date: 2025-11-03 20:16:28

Mainit ang sikat ng araw nang umagang iyon sa tapat ng secret villa ni Yael. Sa loob ng itim na sasakyang pag-aari ng young business tycoon ay naroroon sina Luna at Yana. Nakaupo ang mga ito sa may backseat habang nakatingin sa labas ng bintana. Tahimik lang ang mga ito at tila may malalim ang iniisip. Si Yael naman ay nasa driver’s seat. Siya ang magmamaneho dahil may inutos siya kay Mr. Huff kanina

“We’re leaving. Baka may nakalimutan pa kayo,” ani Yael habang nagsusuot ng seatbelt.

“We're a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 264

    Matapos ang usapan patungkol sa anong edad maaaring magka nobyo si Liana ay nagpatuloy pa rin ang kwentuhan nina Liana at Gael tungkol sa kung anong klaseng kasal ang gusto nila—kulay, pagkain, pati kung sino ang iimbitahan.“Mommy, p'wede po bang may pool pa rin?” tanong ni Liana.“Sa kasal?” natatawang sagot ni Luna.“Opo! Para masaya!”“Pag-iisipan namin,” sagot ni Luna, aliw na aliw sa mga suhestyon ng anak.Habang nagsasalita ang mga bata, muling hinanap ni Yael ang kamay ni Luna sa ilalim ng mesa. Masuyo niyang pinagdikit ang mga palad nilang dalawa.Napatingin si Luna kay Yael. “Okay ka lang?” tanong ni Yael, mahina.Tumango si Luna. “Oo,” sagot niya. “Ikaw?”Sandaling natahimik si Yael. Tapos ngumiti. “Mas okay na ngayon.”Nagpatuloy ang kwentuhan nila kahit ubos na ang laman ng mga plato. Si Liana, nakahiga na sa banig habang hawak ang tiyan. “Busog na ‘ko…” reklamo niya, pero nakangiti.“Hindi mo nga inubos ang pagkain mo,” puna ni Gael.“Busog na nga!” sagot ni Liana, saba

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 263

    “Mommy, daddy… kailan po ang kasal niyo?”Natigilan ang lahat nang marinig nila ang tanong ni Gael. Si Liana ay napatigil sa pagsubo ng pasta—ang kamay nito ay nakabitin sa ere. Si Yael naman ay natulala. At si Luna ay napakurap sa gulat.Hindi inaasahan nang dalawang matatanda ang tanong ng kanilang anak. Yael already proposed to Luna. Alam na iyon ng dalawang bata pero dahil sa pagiging abala nila nitong mga nakaraang araw ay nawala sa isipan nina Yael at Luna ang usaping kasal. “Kuya…” mahinang sabi ni Liana, pero halatang curious din siya. “Oo nga po, kailan?”Napalingon si Luna kay Yael. Sandali lang iyon pero sapat na para maramdaman niya na hindi lang siya ang nagulat.‘Hindi namin napag-usapan ‘to…’ sa isip-isip ni Luna. Napakagat siya sa loob ng pisngi niya, hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin niya.“Ah…” si Yael ang unang nagsalita, pero halatang naghahanap pa ng tamang salita. “Bakit niyo naitanong?”“Wala lang po,” kibit-balikat ni Gael, pero hindi siya umiwas ng t

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 262

    “Daddy, ano pong kakainin namin?” tanong ni Liana, habang nakabalot sa tuwalya at kumakapit pa rin sa kamay ng kaniyang ama.“Hmm…” Kunwari’y nag-isip si Yael, habang sinisilip niya si Luna. “Ikaw, anong gusto mo?”Napatingin si Luna kay Yael, bahagya siyang napatawa. “Ako pa talaga?”“Oo naman,” sagot ni Yael. “Ikaw ang boss ngayon.”“Mommy, ikaw na po ang pumili!” sabat ni Liana, sabay lapit ulit—ingat pa rin na hindi niya mabasa ang mommy niya.Napaisip si Luna sandali. “Something light lang. P'wede na siguro ang pasta? Tapos fruits.”“Yay!” sigaw ni Liana.“Approved,” dagdag ni Gael, tumango pa na parang seryoso.“Okay, I’ll have it prepared,” sabi ni Yael, saka siya tumingin kay Luna. “Dito ka lang, ha?”“Oo na. Dito lang ako,” sagot ni Luna, malambot ang boses.Hindi agad umalis si Yael. Saglit muna siyang tumayo sa harap ni Luna. Parang may gusto siyang sabihin dito pero hindi niya masabi. Sa huli, marahan niyang inayos ang buhok nito na bahagyang dumikit sa pisngi nito. “Don’t

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 261

    Dahan-dahang uminom si Luna ng mango juice habang ang ulo niya ay bahagyang nakasandal pa rin kay Yael. At sa harap nila, patuloy lang ang tawanan ng mga bata na parang walang katapusan.Hindi nagtagal, napansin na ni Liana na hindi na lang nanonood ang kaniyang ina, nakasandal na ito sa kaniyang ama, hawak ang mango juice, at tahimik na nakangiti.“Daddy!” sigaw ni Liana, sabay lapit sa gilid ng pool. “Bakit si mommy po ay hindi sumasali?”Napatingin si Luna sa kaniyang anak, at bago pa siya makasagot, si Yael na ang sumagot.“Bawal muna si mommy sa tubig,” mahinahong sabi ni Yael. “Kaka-opera lang niya, remember?”“Ah…” Bahagyang nalungkot ang mukha ni Liana. “Masakit pa po ba, mommy?”Napangiti si Luna, kahit may kaunting pagod sa mga mata niya. “Hindi na masyado, baby. Kailangan ko lang magpahinga.”Dahan-dahang lumapit si Liana. Kumapit siya sa gilid at maingat niyang inilapit ang maliit niyang kamay sa tuhod ng kaniyang ina na parang takot na baka masaktan ito.“Hindi ka po p'we

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 260

    Nakaupo si Luna sa gilid, nakababad ang mga paa niya sa malamig na tubig habang ang dulo ng kaniyang damit ay bahagyang nababasa. Pinagmamasdan niya ang mga anak nila ni Yael na nasa gitna ng pool nagtatampisaw. Nakatitig lang siya sa mga ito. Nakangiti siya habang nakatingin siya kina Liana at Gael na masiglang nagtatalsikan ng tubig.“Kuya Gael! Huwag!” tili ni Liana, sabay iwas, pero huli na. Nabasa na siya ng buhos ng tubig mula kay Gael na halatang tuwang-tuwa sa ginagawa.“Isa pa!” pang-aasar ni Gael, sumisid pa lalo sa tubig bago muling umahon.Napailing si Luna pero hindi nawala ang ngiti sa labi niya. Ang gaan sa pakiramdam. Parang sa simpleng eksenang ito, kumpleto na ang lahat. ‘Ganito lang pala kasimple ang saya,’ naisip niya. Hindi engrande, hindi magulo… basta kasama sila.“Mommy! Tingnan mo po!” sigaw ni Liana, sabay talon sa mababaw na parte ng pool. Hindi man kalakihan ang talon, pero para sa bata, parang napakalaking achievement na iyon.“Wow!” palakpak ni Luna, tod

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 259

    Makalipas ang ilang araw ay pinayagan na ring makauwi si Luna mula sa hospital. Buryong-buryo na siya sa hospital. Nananawa na rin siya sa amoy ng mga gamot. At naaawa na rin siya sa mga bata. Tahimik ngunit masigla ang presidential room nang umagang iyon. Abala ang nurse sa pag-aayos ng mga papeles habang si Yana ay tinutulungan si Luna na isuot ang manipis na cardigan nito. “Dahan-dahan lang,” paalala ni Yana habang inaayos ang manggas. “Kakagaling mo lang sa operasyon.” Napangiti si Luna. “I’m fine,” sabi niya, kahit halata pa rin ang bahagyang panghihina sa kilos niya. “Hindi ka pa okay,” agad na kontra ni Yana. Bago pa makasagot si Luna ay may dalawang maliit na aninong biglang sumingit sa gilid ng kama-- sina Liana at Gael. Parehong nakapamulsa ang kamay ni Gael habang seryoso ang mukha. Si Liana naman ay nakapamewang, para bang may mahalagang sasabihin. Napakunot ang noo ni Luna. “Why are you both looking at me like that?” Nagkatinginan muna ang magkapatid bago

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 214

    “Daddy, kanina ka pa pong palakad-lakad. Hindi ka po ba napapagod o nahihilo? Kasi ako po, nahihilo na po ako sa inyo eh," puna ni Gael habang nakatingala sa kaniyang ama na kanina pang pabalik-balik ng paglalakad sa harapan niya. Kasalukuyan silang nasa DNA Testing Center sa mismong loob ng hospit

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 213

    Nanginginig ang mga kamay ni Mona nang abutin niya ang white envelope mula sa staff ng DNA Testing Center. Para siyang masusuka na matatae na ewan. Parang hinahalukay ang kaniyang tiyan ng kung ano na siyang nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa kaniya. “The moment of truth…” Napatingin si M

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 216

    Saglit na natulala si Yael. Kahit pa sabihing buhok lang nina Gael at Mona ang ginamit na sample para sa DNA test, imposible pa ring mag match iyon dahil alam niyang si Luna ang totoong ina ni Gael.[“Sir Yael, nandiyan pa po ba kayo?"]“Fine. I'll get their blood sample as soon as possible. Get in

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 202 Hearing the Truth

    "ENOUGH! TULUNGAN NIYO NA LANG KAMING MAKALABAS DITO AT ITUTURO KO KUNG NASAAN ANG ANAK NG MALANDING SI LUNA!” walang pagtitimping sigaw ni Vida.Mabilis na naglakad palapit kay Vida si Mona. Hinawakan niya ang pala-pulsuhan nito. "Sige. Sabihin mo na sa akin, Vida. Saan ko matatagpuan ang anak ng

    last updateLast Updated : 2026-04-02
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status