Share

Chapter 4

Author: Jane Vauclain
last update Last Updated: 2021-12-31 02:11:00

Sanya...

BUMABA ako ng hagdan at nakita kong palabas na yung kaklase daw nung gago kong asawa-asawahan. Nakakainis lang talaga dahil sa mokong na ito kaya may isa ng nakakaalam sa school na asawa ko yung ungas na ito, nakalimutan ko bang sabihing gago siya?

Totoo naman kasi. Kundi ba namang nuknukan ng tanga itong bwisit na ito, maraming pwedeng pagdalhan dun sa babae, meron namang library para mag-aral eh dito pa talaga naisipang dalhin.

"Hoy! I-check mo nga sa banyo baka naiwan mo dun yung utak mo!" sigaw ko sa kanya kaya tumingin siya ng matalim sa akin. "Oh ano? Ako pa titignan mo ng masama diyan?"

Huminga siyang malalim at dumiretso sa kusina sabay kain ng tinapay na naroroon.

Aba't hindi man lang ako pinansin at sumagot, naningkit ang mata ko at agad sumunod sabay pitik sa tenga niya. "Aray! Ano bang problema mo?"

"Gusto mong mabugbog ulit?"

"Ano bang problema mo?"

"Hindi ba tinatanong kita bakit mo dinala yu-yung-"

"Si Lena ka-group ko sa english Class."

"Oo, kung sino man siya. Bakit mo naman naisipan na sa lahat pa ng lugar dito sa mundo eh dito mo pa dinala yung babaeng yun sa pamamahay ko?!" sigaw ko sa mukha niya.

"Sanya baka nakakalimutan mong mag-asawa tayo at kung anong sayo ay sa akin din!" tumayo na siya at napaatras ako dahil matangkad naman talaga siya. "Ano bang problema kung nalaman niyang magasawa tayo? Nangako naman siyang hindi ipagsasabi di ba? Isa pa kung uuwi din ako ng late magagalit ka rin, hindi ko na alam saan ako lulugar sayo."

Napairap ako sa kanya. "Nagagalit ako sa iyo na umuuwi kang late dahil walang tatao dito sa bahay lalo na kung gabi ako makakauwi."

"Ahh so ang tingin mo pala sakin gwardiya? May susi naman ang bahay ah, saka ikaw lang bang may karapatan umuwi ng late?"

"Ang bobo mo talaga, wala ka ngang kaibigan sa school kaya anong dahilan para umuwi ka ng late?"

"Hoy! Sinong nagsabi sayo na wala akong kaibigan? Isa pa may buhay din naman ako sa labas ng bahay na ito."

"Ahh talaga? Huwag ka ngang magpatawa Mister Zhymian," nagbigay ako ng pekeng tawa.

"Hindi ako nagbibiro Misis."

"Ano?! Ulitin mo nga yung sinabi mo!" tumaas na ang boses ko sa narinig ko. Ano daw misis? Endearment ba yun? "Anong misis pinagsasabi mo diyan?"

"Hindi ba misis na man talaga kit--aaahh-- Aray!" hindi na niya natapos sasabihin niya dahil bigla kong hinila buhok niya at pinagsasabunutan. "Ano ba? Sanya bitawan mo ako!"

"Bwisit ka, misis misis ka pa diyang nalalaman ah!" iniuntog ko nga siya sa ref ng kusina.

"Aray ko ano ba? Pasalamat ka babae ka at di kita pinapatulan."

"Aahhh talaga?" napangiti ako at piningot naman ang tenga niya, namumula na yung tenga niya at buong mukha, inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. "Oh bakit masakit na ba baby boy?"

Inasar-asar ko siya ng bigla ay hawakan niya ang kamay ko at palapitin sa kanya, nanlambot ako at parang muntik ng madulas pero nasalo niya ako, unti-unting natanggal ang kamay ko sa tenga niya at tumitig lang ako sa mga mata niya.

Teka bakit parang hinihipuan na ako ng mokong na ito?

Napatingin ako sa may bandang hita at nandun ang kamay niya, agad na tinapik ko yun at binatukan na siya sabay pingot ulit. "Manyakis kang bwisit ka!"

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko sila Kyra at Alexa. "Sanya anong nangyayari dito?"

"Walanghiya itong manyakis na ito?" sigaw ko habang aray lang siya ng aray.

"Did he try to rape you?" nanlaki yung mga mata ni Kyra at lumapit na sabay sipa sa paa nitong bwisit na ito.

"Aray! Ang sasama niyo!" sigaw niya.

Nakita kong inaamba na ni Alexa ang baseball bat na dala niya at napalayo kaming parehas ni Kyra,."Pagsasamantalahan mo pang kaibigan ko!" sigaw ni Alexa.

Nanlaki ang mata ni Adam. "Hindi, ano yan? Huwag!"

"Anong nangyayari dito?" mapahinto kaming lahat ng makita ko ang Mama ni Adam sa pinto at lumapit sa amin. "Anong meron? Bakit kayo nagaaway? Sanya iha anong gulo ito?"

Napaluha ako kunwari. "Mama si Adam po nagdala ng babae dito galing sa school, dun pa po sa kwarto namin."

Lumapit sa akin sila Kyra at Alexa, kunwari ay hinimas-himas ang likod ko para patahanin at i-comfort.

"Adam! Totoo ba ito?" galit na sigaw ni Mama kay Adam.

"Ma! Ka-groupmate ko lang yun sa english Class saka, saka..." napahinga siyang malalim dahil alam kong wala na siyang maisip na dahilan, alangan naman sabihin niyang nasa isang fake na pagsasama kami. "...Wala akong ginagawang masama Ma," paliwanag pa niya.

"Anong wala? Kakakasal niyo pa lang Zhymian! Kahit sabihin mong wala bakit dito mo pa dinala yung classmate mo na yun at sa kwarto pa?! Kung matino ka ba naman, anong gusto mo sumama ang tingin namin sayo?" lumapit na sa akin si Mama at agad akong yumakap sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na itong anak ko ah, nandito si Mama di ka namin pababayaan," hinima- himas niya ang ulo ko sabay may iniabot. "Dumaan lang ako ngayon para dito, pinabibili ng Mommy mo kaso di na siya makakapunta muna kasi nasa resort niyo siya sa Palawan dahil may kakausapin sila ng Papa mong mga investors yata, nakisuyo siya sakin."

Ngumiti na ako, nakita ko ang laman ng paper bag, mga grocery items ko at ibang vitamins. "Salamat po Mama."

"Ma! Hindi ba akong anak mo?" pagmamaktol naman nung ugok na iyon at himas-himas ang tenga.

"Tumigil ka, magtino ka Adam ah! Keganda-gandang babae ng asawa mo, naku lagot ka talaga sa amin ng Papa mo!" nagtawanan kami nila Alexa.

"Oh sige iha at aalis na ako ah," nakipagbeso beso pa ito sa akin at sa mga kaibigan ko.

"Bye po Tita, ingat po kayo," sabi nila at ngumiti pa, nung kasal namin ay naipakilala ko na sila kay Mama.

"Sige tutuloy na ako, Adam yung sinabi ko sayo," tinuro nito si Adam at h*****k naman ito sa pisngi ni Mama.

"Opo Mama hindi nga ako ganun, Ingat po," umalis na si Tita at nagtawanan kaming magkakaibigan.

"Yan ang napapala mo, sa susunod magtitino kang bwisit ka!" tumitig siya ng masama sa akin at ako'y lumakad na paalis kasama sila Kyra at Alexa, isa lang ibig sabihin nito, shopping!

Kinabukasan nagulat ako ng pagbaba ko ng sasakyan ay may lumapit sa aking babae, siya yung kasama ni Adam kahapon sa bahay ko.

"Miss Chrissanya Evangelista?" ngumiti siya sakin at ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"What is it that you want?" tanong ko naman.

"I want to be a part of the Mean Girls," diretsong sabi niya sa akin at napanganga lang ako sa kanya. "Well honestly I think you guys are really cool at wala rin kasi akong kaibigan pa rito dahil tingin nila ang creepy ko pero may kaya rin naman akong i-offer sa inyo, I can do what you guys want, kahit papano makakatulong ako especially when it comes to studies and-"

Itinaas ko ang isang kamay ko at itinapat ang palad ko sa mukha niya. "Hep hep, ano kamo? Tutulungan mo kami sa studies namin? Anong tingin mo samin bobo?"

Umiling-iling siya at itinaas ang salamin sa kanyang mata. "Hindi, don't get me wrong, what I'm trying to say is kung may mga lessons na nahihirapan kayo o kung anong gusto niyong malaman, kahit taga gawa ng research paper, projects, I can do that for the three of you."

"Sandali nga ulit ah, sumasali ka ba sa grupo namin o gusto mong maging yaya namin?"

"Ha?"

"You made it sound like we're really mean, hindi kami ganun, hindi namin inaasa sa iba ang mga bagay na kaya namin, isa sa ayaw namin ay yung minamaliit kami kaya paano namin mapapatunayan yun o paano kami nakarating ng fourth year college kung puros hingi kami ng tulong sa iba o pagawa?" lumakad na ako palayo sa kanya.

"Sorry for offending you, I apologize," humarap ulit ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "I really am sorry."

"Kung hindi kita isasali anong mangyayari?"

"Then I have a secret to tell," Ngumiti siya, I knew she was going to do that.

"Alam ko, in the first place I think it'll be better to have some nerd around us," ngumisi ako at nanlaki ang mata niya.

"Ibig sabihin, tanggap na ako?" tumakbo siya para masabayan ako.

"Yes you are pero bago ka maging ganap na isa sa amin, kailangan mo munang malaman at matutunan kung paano maging isa sa amin," ngumiti ulit siya ng pagkatamis-tamis. "Meron din kaming rules and regulations, what's your name again?"

"Selena Tora, kahit Lena na lang."

Umiling ako sa kanya. "Ang pangit parang Nene lang, ang itatawag namin sayo ay Tora parang Tiger di ba?"

Tumango-tango siya. "Ipapakilala na kita sa mga bago mong kaibigan," sambit ko sa kanya sabay akbay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 120

    Adam...NAKATITIGako kay Sanya habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.I like it when she's asleep because she looks so peaceful. She's beautiful with her eyes close and especially when she opens it and looks at me like I'm blessed to have her in my life. I could just stare at her like this for a lifetime, admiring everything about her while she is unaware of it.This is my Sanya. My C. The woman I love and the woman I'd spend my whole life with."Stop staring at me."Napangiti ako, "How did you know?""I can feel it."Hinapit ko siya sa beywang at yumakap ako ng

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 119

    Adam..."Iknow where Sanya is." Was the first thing Alexa told me over the phone when the plane where I boarded landed in Paris."You sure about that?""Sinundoko siya kanina sa airport at nandito na kami sa isang hotel. I'll text you where, ang alam ko magpapahinga siya, iniwan ko na muna siya at sinabi kong may trabaho ako. I'll wait for you here."When I got to the hotel lobby I saw her waiting for me."She had been crying since this morning. Anong nangyari? Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Alam mo namang buntis siya hindi ba? At isa pa, anak niyo yung&nbs

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 118

    Sanya..."C.Hey, wake up." Nagising ako sa masarap na amoy ng mainit na tinapay at sa boses ni Adam, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin, "God! I missed your lips. Wake up."Bumangon ako at agad na nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa kanya."Bakit umagang-umaga nakasimangot ka?"Lalapit sana siya sakin ng bigla akong umalis sa kama. Nakita ko ang cellphone ko sa bedside table kaya agad kong kinuha iyon kasama ng susi ng kotse.Naayos ko na ang lahat kagabi pa lang. Umiiyak akong nag-empake ng mga gamit ko kaya naisip ko na ipagpabukas na lang ang pag-alis. I need to go back to France, dun ko na lang din siguro isisi

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 117

    Sanya...DAYSpassed at hindi ko na kinausap si Adam simula ng araw na iyon, but he doesn't seem to care. Pakiramdam ko okay lang sa kanya ang lahat at dahil dun ay nasasaktan ako.Hindi niya ako sinuyo o kung ano man lang, ni sorry wala akong narinig sa kanya.Bakit parang bigla siyang nag-iba sakin?Was it because of that woman?"Sanya, the first thing you have to do is to be honest with him, hindi naman siya manghuhula hindi ba?"Napabuntong-hininga ako habang hawak ang cellphone sa tenga ko, "But Tora--""Ano? Nahihi

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 116

    Sanya...SINAMAHANako ni Adam sa check-up at naging maayos naman ang lahat. The Doctor said everything is normal. Niresetahan na lang niya ako ng mga vitamins na dapat kong i-take, sinabihan din ako na dapat ay mag-gatas ako palagi para mas maging healthy ang paglaki ng baby namin ni Adam sa loob ng tiyan ko.Pumapasok pa rin ako sa opisina, sabi nga ni Adam, hanggang sa matapos lang ang ZEN, naipakita ko na naman lahat ng designs sa kanya at pagpipilian na lang iyon, malapit na rin ang released date ng gadget nila kaya mas lalong naging busy ang mga tao."Who's the girl who came into Mr. Z's office this morning?" Narinig kong usap-usapan ng mga tsismosang employee.N

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 115

    Sanya..."MAAYOSbang naging pagtulog niyo?" Ngumiti ako at napatango ng magtanong si Aling Lydia sa amin, inilapag niya ang almusal sa harapan namin.Mayroong itlog, sinangag at gulay na lumpia."Gelo, tumulong ka nga dun mamaya." Narinig kong utos ni Angel kay Adam mula sa labas ng bahay.Napalingon kami ng pumasok si Angel, "Saan?""Magbuhat ng buko doon sa may malapit sa paanan ng bundok.""Gelai, ano ka ba? Nagbabakasyon dito ang kapatid mo."Tumingin si Angel sa Mama "Ma, magpapatulong lang naman, hindi ko naman aa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status