Share

Chapter 3

Author: Jane Vauclain
last update Last Updated: 2021-12-31 02:10:37

Adam...

HALOS isang linggo na rin ang lumipas simula nung araw na yun na nag-away kami pero hindi na naulit pa iyon dahil umiiwas na ako.

Minsan nagkukulong na lang ako sa kwarto o sa labas kumakain, pag nandito naman ako sa school pag nakikita ko silang paparating na ay umiiwas na ako, sila ng mga barkada niya, ayaw kong mapahiya na naman ako.

Nandito ako ngayon sa english class namin, nagsasalita ang professor pero hindi ako nakikinig, nagulat na lang ako ng may umupo sa tabi ko at nagpakilala.

"Selena Tora, so paanong gagawin natin dito?" tanong niya napatanga lang ako, sa looks niya mukha siyang nerd pero napatanga ako sa kanya dahil wala akong alam sa mga pinagsasabi niya, umirap siya sa akin.

"Hindi ka nakinig, ikaw ang partner ko sabi ng professor, kailangan natin gumawa ng isang presentation na parang nasa isa tayong talk show, kailangan magpalitan tayo ng mga questions pero walang script habang nandun tayo, madali lang naman eh kaya ba?" tanong niya at tinaasan ako ng dalawang kilay, ngumiti ako at tumango.

"Okay then good, saan tayo pwedeng mag-practice? I mean para mapag-usapan natin ang gagawin," tanong niya na hindi tumitingin sa akin at parang may binabasa.

"Sa bahay ko," napalingon siya sa akin.

"Bakit sa bahay mo?" tanong niya ulit na nanlaki ang mga mata.

"Malapit lang iyon dito at saka maaga kasi akong umuuwi eh," tumango-tango na siya, pagkatapos na din naman ng subject namin na ito ay uwian na kaya didiretso na lang kami sa bahay.

NANG tumunog ang bell ay agad kaming lumabas nang magkasabay at dumiretso sa bahay ko, namin pala ni Sanya.

"Gusto mo ng juice, iced tea, tubig, kape ano?" tanong ko sa kanya habang nakaupo lang siya sa sofa at nagbabasa.

"Hindi, wala simulan na natin yung mga kailangang gawin para maaga tayong matapos," sabi niya na medyo naiilang.

"Dun na lang tayo sa kwarto ko," sabi ko sa kanya. Simple lang ang dahilan, iyon ay dahil ayaw kong sa pagdating ni Sanya ay magkikita sila, siguradong hindi magugustuhan ni Sanya yun kaya lang dahil nga sa iniiwasan ko si Sanya ayaw kong late umuwi dahil sigurado pag dating ko aawayin na naman ako noon.

Tumayo siya at binato ako ng libro.

"Aray! Ano ba? Para kang asa-" muntik ko nang masabi na para siyang asawa ko kung saktan ako. "Bakit mo ginawa yun?!" nainis ako kaya medyo napataas ang boses ko.

"Anong kwarto? Hoy! Hindi ako katulad ng ibang babae dyan kaya-" tinakpan ko na ang bibig niya dahil narinig ko na ang tunog ng kotse sa labas kaya alam kong nandiyan na si Sanya, hinila ko si Lena paakyat ng kwarto ko at ni-lock pero biglang kinagat niya ang kamay ko.

"Aray," pigil-pigil ko ang sarili na huwag mapasigaw.

"Walang hiya ka! Sinasabi ko na nga bang mali na sumama pa ako dito, rap-" tinakpan ko ulit ang bunganga niya ng kabilang kamay ko.

"Hindi kita rerape-pin, hindi ako ganoon at isa pa kahit kailan wala pang babae ang pumatol sa akin o ako wala pa akong pinatulan," tinanggal ko na ang kamay ko ng parang humupa na ang pagwawala niya.

"Eh bakit mo ako dinala dito?"

"Shhh..." nilagay ko ang hintuturo ko sa may bandang labi ko para sabihin na tumahimik siya.

"Bakit nga?" humina na ang boses niya.

"Yung asawa ko kasi dumating," nanlaki ang mga mata niya.

"May asawa ka na?" pabulong na tanong niya, tumango ako. "Eh bakit ka nagtatago dito? Gago ka ba? Baka mamaya paghinalaan niya akong kabit, siguro nagloko ka 'no? May kasalanan ka sa kanya kaya ganyan ka?" umiling ako.

"Yung asawa ko terror yun, basta pag narinig kong pumasok na siya sa kwarto kukunin ko mga gamit mo sa baba tapos aakyat ako tapos pwede na tayo gumawa nung mga homeworks at mga pag-uusapan natin tapos pag mga 6 pm pumapasok na yun sa kwarto niya so pwede ka ng lumabas tapos ihahatid na lang kita," tumango siya.

Narinig ko na tumunog ang pintuan ng kwarto ni Sanya, hudyat na pumasok na siya ng kwarto niya.

Unti-unti kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at sumilip, wala ng tao, lumabas ako ng biglang may umubo at pumingot sa tenga ko.

"Sinong kasamo mo rito? Akala mo hindi ko naririnig na may kabulungan ka?"

"Aray! Sanya ano ba?" tinanggal ko ang kamay niya sa tenga ko, pagtingin ko nag-cross arms siya at nakita ko na lumabas si Selena ng kwarto ko at nakalagay ang kamay sa bibig, napalingon si Sanya sa kanya.

Totoo kaya ang nakita ko? Parang nalungkot si Sanya nang makita si Selena, pero bakit?

"I I-Ikaw ang a-asa-w* ni Mr. Zhymian?" nauutal na tanong ni Selena, malamang kilala na nito si Sanya.

"At ikaw?" tanong ni Sanya, parang naging matigas na ulit ang mukha niya at nagsungit kay Selena.

"Selena Tora, partner niya ako sa english class kasi kailangan namin mag-usap tungkol-"

"I don't care, wala naman akong pakialam tungkol sa mga pag-uusapan niyo, tinanong ko lang kung sino ka," sabi ni Sanya.

"Ah hindi lang ako makapaniwala kasi sa school hindi ba may reputasyon ka bilang man-hater, isang bitter na Mean Girl, yung bansag sa inyo kasi para kayong yung sa movie, kayo at ng grupo mo hindi ba?" lumapit sa kanya si Sanya.

"Puwes, kung ayaw mong mapagtripan ka namin, ise-sekreto mo ang nalalaman mo tungkol sa amin, nagkakasundo ba tayo?" tanong ni Sanya habang paikot-ikot kay Selena.

"At ikaw ang tanga mo bakit dito mo siya dinala?" sumigaw siya sa akin, kahit kailan talaga.

"Ano bang paki mo? Bahay ko rin naman ito ah," sabi ko sa kanya.

"Bahay mo nga rin pero may kasunduan tayo hindi ba?" lumapit siya sa akin, sobrang lapit na parang lahat ng hangin sa paligid sinasagap na niya.

Kanina lang parang gusto ko na siyang sapakin pero bakit ngayon parang gusto ko siyang parusahan pero hindi ang saktan siya ng pisikal, sa ibang paraan ko gusto gawin iyon sa kanya.

Nakipagtitigan lang ako sa kanya and for the first time nagulat ako ng pumikit-pikit siya na parang nagbi-beautiful eyes at umiwas ng tingin sa akin, parang namaligno siya at bumalik ang tingin kay Selena.

"Ingat ka sa kanya ha, sige na sorry sa abala," sabi ni Sanya. Bakit sa ibang tao parang nawawala agad ang galit niya? Hindi siya kasing sama na tulad sa akin, iniisip ko bakit ang init ng dugo sa akin ng babaeng iyon.

"Sa baba na lang tayo tutal nakita niya naman tayo at nakita mo na siya, alam mo ng sikreto namin," sabi ko kay Selena.

"Kaya pala ganoon ka kanina, sikreto pala yun, kung malalaman ito ng buong campus-" bumukas ang pinto sa kwarto ni Sanya at sumilip siya, nakatitig siya kay Selena na parang kakainin niya ito ng buhay.

"Anong sinabi mo?" tanong nito kay Selena.

"Ah eh, wala sabi ko kung malalaman ng campus ito tyak gulo pero hindi naman eh, wala akong sasabihin," sabi nito sabay zipper ng bibig, ngumiti si Sanya kay Selena, bakit sa akin hindi siya ngumingiti ng ganun?

"Halika na sa baba," sabi ko kay Selena.

"Ang swerte mo at asawa mo si Chrissanya Evangelista," napailing-iling ako.

Ako maswerte paano nangyari iyon?

Alam ba ng babae na ito ang sinasabi niya?

Si Sanya ang pinakamahirap pakisamahan na tao, kaya ako ang pinakamalas na lalaki dahil ako ang nandito ngayon sa posisyon na ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 120

    Adam...NAKATITIGako kay Sanya habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.I like it when she's asleep because she looks so peaceful. She's beautiful with her eyes close and especially when she opens it and looks at me like I'm blessed to have her in my life. I could just stare at her like this for a lifetime, admiring everything about her while she is unaware of it.This is my Sanya. My C. The woman I love and the woman I'd spend my whole life with."Stop staring at me."Napangiti ako, "How did you know?""I can feel it."Hinapit ko siya sa beywang at yumakap ako ng

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 119

    Adam..."Iknow where Sanya is." Was the first thing Alexa told me over the phone when the plane where I boarded landed in Paris."You sure about that?""Sinundoko siya kanina sa airport at nandito na kami sa isang hotel. I'll text you where, ang alam ko magpapahinga siya, iniwan ko na muna siya at sinabi kong may trabaho ako. I'll wait for you here."When I got to the hotel lobby I saw her waiting for me."She had been crying since this morning. Anong nangyari? Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Alam mo namang buntis siya hindi ba? At isa pa, anak niyo yung&nbs

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 118

    Sanya..."C.Hey, wake up." Nagising ako sa masarap na amoy ng mainit na tinapay at sa boses ni Adam, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin, "God! I missed your lips. Wake up."Bumangon ako at agad na nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa kanya."Bakit umagang-umaga nakasimangot ka?"Lalapit sana siya sakin ng bigla akong umalis sa kama. Nakita ko ang cellphone ko sa bedside table kaya agad kong kinuha iyon kasama ng susi ng kotse.Naayos ko na ang lahat kagabi pa lang. Umiiyak akong nag-empake ng mga gamit ko kaya naisip ko na ipagpabukas na lang ang pag-alis. I need to go back to France, dun ko na lang din siguro isisi

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 117

    Sanya...DAYSpassed at hindi ko na kinausap si Adam simula ng araw na iyon, but he doesn't seem to care. Pakiramdam ko okay lang sa kanya ang lahat at dahil dun ay nasasaktan ako.Hindi niya ako sinuyo o kung ano man lang, ni sorry wala akong narinig sa kanya.Bakit parang bigla siyang nag-iba sakin?Was it because of that woman?"Sanya, the first thing you have to do is to be honest with him, hindi naman siya manghuhula hindi ba?"Napabuntong-hininga ako habang hawak ang cellphone sa tenga ko, "But Tora--""Ano? Nahihi

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 116

    Sanya...SINAMAHANako ni Adam sa check-up at naging maayos naman ang lahat. The Doctor said everything is normal. Niresetahan na lang niya ako ng mga vitamins na dapat kong i-take, sinabihan din ako na dapat ay mag-gatas ako palagi para mas maging healthy ang paglaki ng baby namin ni Adam sa loob ng tiyan ko.Pumapasok pa rin ako sa opisina, sabi nga ni Adam, hanggang sa matapos lang ang ZEN, naipakita ko na naman lahat ng designs sa kanya at pagpipilian na lang iyon, malapit na rin ang released date ng gadget nila kaya mas lalong naging busy ang mga tao."Who's the girl who came into Mr. Z's office this morning?" Narinig kong usap-usapan ng mga tsismosang employee.N

  • Love, Hate And Marriage   Chapter 115

    Sanya..."MAAYOSbang naging pagtulog niyo?" Ngumiti ako at napatango ng magtanong si Aling Lydia sa amin, inilapag niya ang almusal sa harapan namin.Mayroong itlog, sinangag at gulay na lumpia."Gelo, tumulong ka nga dun mamaya." Narinig kong utos ni Angel kay Adam mula sa labas ng bahay.Napalingon kami ng pumasok si Angel, "Saan?""Magbuhat ng buko doon sa may malapit sa paanan ng bundok.""Gelai, ano ka ba? Nagbabakasyon dito ang kapatid mo."Tumingin si Angel sa Mama "Ma, magpapatulong lang naman, hindi ko naman aa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status