Share

CHAPTER 34

AMETHYST'S POV

"Anak!" Agad na napaangat ang tingin ko nang mabosesan ko kung kanino ang boses na iyon.

"Mama! Tito Arnaldo! Crystal!" masiglang sabi ko at sinalubong ko sila.

"Ateee!" Agad kaming nagyakap-yakap nina mama nang tuluyan na akong makalapit sa kanila. Nagmano naman ako kay tito Arnaldo.

"Tara pasok na agad tayo, ma. Ang init dito, eh," sabi ko sa mga ito at naglakad na kami papunta sa tent para makasilong.

"Tulungan ko na po kayo, tita," presenta ni Ging-ging at saka kinuha ang ilang mga dala-dala nina mama.

"Nasaan si Allen, ma?" tanong ko habang inaayos ang mga upuan.

"Nag-outing sila ng mga barkada n'ya." Napatango na lang ako sa sagot ni mama.

"Kumusta kayo rito?" tanong ni mama pagkaupo namin sabay haplos sa tiyan kong malaki na dahil seven months and two weeks na ito ngayon.

"Ayos lang naman po, kayo po?" tanong ko rin kay mama.

"Ayos lang naman din," sagot naman ni mama.

"Nasaan pala ang lola mo?" tanong pa ni mama.

"Ayy, nasa loob po s'ya." Tatayo na sana kami pero
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status