"Woah! Happy birthday, Cloud. Tanda muna," masayang bati ko dito. Habang pabiro ko pang sinuntok sa braso.
"Loko, akala ko di kana pupunta? Anong oras na e, regalo ko?" Tumatawang tanong pa niya sakin. "Tanda mona, hahanapan mo pa ko ng regalo!" Asar kopa sakanya. Pero wala talaga akong hinandang regalo."Bahala ka nga jan," tampong tugon pa niya. Haha, seryoso ka jan boy ah. "Pangit, di bagay umayos kanga," tinapik ko pa't sinuntok dahil nag pout pa si loko, kala mo naman bagay."Sa susunod na, diko nabalot 'yung brief na extra ko don," pagbibiro ko pa dito. Pero bahala na pag napunta nalang ako sa mall. Doon madami akong pagpipilian para sa kanya, di naman maarte tong si Cloud e, kahit nga brief talaga kukunin niyan."Siguraduhin mo lang boy," seryoso pang saad niya. "Tara na nga sa loob kumain ka muna," anyaya niya pa sakin.Habang papasok pansin mo agad ang dami ng tao. Sabagay mayaman naman 'tong kupal na Cloud nato, private resort din 'to, kaya hindi na nakapagtataka."Hoy Cloud, happy birthday pare," bati ng lalaking naglalakad sa harapan namin, na sobra kung makangiti habang nakatingin sakin? Pagtatanong ko pa sa sarili. "Marvin? Woah! Pare ikaw naba 'yan? Laki ng pinagbago ah," balik na bati naman ni Cloud sa tumawag sa kanyang si Marvin.Aalis na sana ako. Para bigyan sila ng oras dahil para silang ilang taon na di nagkita. Kulang nalang humiga sila at magkilitian dito.Ngunit, naudlot lahat ng 'yon ng naglahad ng kamay sakin si Marvin. Habang malawak na nakangiti."Pare, Marvin pala," sabay lahad ng kamay sakin. "Shawn pare," sambit ko sabay abot sa kamay niyang nakalahad sakin."Lambot ng kamay natin pare ah?" Pilyong tanong niya pa, habang sinusulit ang pakikipagkamay sakin."Alagang Myra 'yan, Pare," tumatawang singit naman ni Cloud sa usapan namin."Ulol," pikon na sambit ko kay Cloud na tinawanan lang ako."Sabay ka na samin, kukunan ko lang si Shawn ng pagkain, alam mo naman 'yan daig pa ang babae," pang iinis niya sakin, pero hindi ko nalang pinansin dahil di naman totoo 'yon."Ganon ba pare, ako din kuhanan mo na lang din ako," pilyo nanaman niyang saad habang nakatingin sakin. Kunot noo ko naman siyang tinignan."Aba, kayong dalawa nalang kumuha, sige na aalis muna ako," diretso alis na saad niya nga talaga."Pano ba 'yan pare, tayo nalang dalawa?" Mapag larong tanong niya pa sakin."Huh?" Wala sa loob na, nausal ko."Wala tara na nga, pakakainin kita ng masarap na di mo pa nalalasap," tumatawang anyaya niya sakin. Sabay akbay pa ng sobrang higpit na akala mo hihiwalay ako sakanya.Naiilang man dahil sa kakaibang kilos niya, ay di ko nalang pinansin. Balewala lang naman sakin 'yon, siguro masyado lang siyang pala kaibigan."Ito pa pare," sabay abot nanaman sakin ni Marvin ng isang bote ng alak. Kanina lang kami nagsimula pagkatapos kumain, pero ramdam ko na ang tama ng alak sakin.Nagtuloy tuloy pa ang inuman. Hanggang sa alam kong diko na kaya, kaya nagpaalam nako kay Cloud at sa kainuman namin.Habang nag uusap kaming dalawa ay bigla nalang sumingit si Marvin."Pare uuwi kana?" Seryosong tanong niya na sakin nakatingin, "Oo pare, masyado na kasing gabi, nahihilo nadin ako di ako sanay sa alak e," natatawang paliwanag ko rito, pero seryoso parin siyang nakatingin sakin na akala mong may mali sa mga sinabi ko."Sige pare, ingat sa pag uwi," nakangiting tingin niya sakin sabay baling kay Marvin na sa akin parin nakatingin. "Ipapahatid nalang kita kay kuya Anton," dugtong pa niya matapos nun ay aalis na sana siya ng mag salita si Marvin."Wag na pare, ako na ang bahala sakanya," sabay baling kay Cloud na seryoso parin. Si Cloud naman ay abot tenga ang ngiti, napapano to? Abnormal."Sige-sige pare, ingat kayong dalawa ah, baka kung saan pa kayo pumunta," pagbibiro pa niya samin sabay baling sakin na nakangiti nanaman."Ano?" Pikon na tanong ko."Ingat pare," baling niya kay Marvin at binulungan pa ito ng kung ano. Hindi ko na lamang pinansin."Tara na," seryosong tingin niya sakin pero kalaunay ngumiti narin."Magkalapit lang pala tayo e, dito lang ako sa kabilang village," pagkuwento pa niya sakin. "Ahh, oo pero nakikitira lang ako jan kila tita 'yan," agarang tugon ko."So pano, ulitin natin to ah?" Nakangiting pagtatanong niya sakin. Tumango nalang ako kahit di ako sigurado kung makakalabas paba ko."Saglit pala Shawn, kunin ko sana number mo para may contact ako sayo," nabigla man ay pumayag nalang ako. Tumango nalang ulit ako at ibinigay ang phone ko.Akala ko aalis na siya, pero binaba pa niya ang side mirror niya para makita ako, "Sige na pumasok kana," ngiting sambit pa niya sakin. "Ha? Hindi ikaw ang umalis na," tugon ko rin sa kanya.Pero masyadong makulit ang taong 'to. Hindi pumayag habang hindi ako nakakapasok ng gate. Buntong hiningang sinunod ko nalang, hating gabi nadin naman kaya dire-diretso nakong pumasok sa loob ng gate.Saktong pagkapasok ko ang pag andar ng makina ng sasakyan ni Marvin. "Goodnight pare," hiyaw pa niya sabay busina ng sasakyan.Diko nalang pinansin dahil dumiretso alis nadin naman siya."Manang Divie!" Katamtamang hiyaw ko na alam kong maririnig nila sa loob ng bahay.Ang sakit sa ulo, Hindi ako sanay mag inom lalo na at sakin lagi ang tagay, wala naman akong choice kaya tanggap lang ako ng tanggap.Wala pa ata akong limang oras sa party pero ito kulang nalang mahiga ako dahil sa kalasingan at hilo. Pero kaya ko naman. Nakaya ko nga na walang magulang e."Manang Divie, manang hello may nakakarinig ba?" Medjo malakas na tanong ko, dahil kanina pako dito pero hindi parin lumalabas si manang.Katok parin ako ng katok sa pintuan dahil wala naman akong extrang susi sa bahay. Hindi naman kasi ko pala labas kaya hindi ko kailangan ng susi, pero hindi ko din alam na ganito pala matulog si manang, tulog mantika.Ilang sandali pa. May naririnig akong pababa sa hagdanan. Kaya mas nilakasan ko pa ang katok sa pintuan, "Manang ikaw na ba yan? Pasuyo naman po pabukas ng pinto, kanina pa po ako dito eh," sambit ko dahil sa lakas ng epekto ng alak sa akin. Kaya marahil tuloy tuloy na ang sinasabi ko.Nang mabuksan na ang pinto.Nahihilo man ay alam kong di si manang ito, kailan pa naging si manang si Branden? Tawa kopa sa isip ko. Habang nakikita ang masasamang tingin sakin ng nasa harap ko."Ang lakas din ng loob mong tarantado ka," tiim bagang na aniya pa sakin. "Ano, ganyan kaba pinalaki ng magulang ko? Uuwi ka pag gusto mo!" Galit na hiyaw niya sakin, hindi pa nakontento at hinala't kinuwelyuhan pako.Akala ko tapos na, pero hindi pa pala dahil matapos niya kong hilahin pakaladkad sa hagdan. Sinuntok na niya ko sa mukha."Ano tarantado! Tumayo ka nga jan, mag suntukan tayo," sabay sipa pa sakin, nang hindi ako tumayo.Kailan nga bako lumaban sakanya? Wala pa, hindi ko siya pinapatulan dahil may respeto ko kila tita. Dahil sila ang bumuhay sakin, kaya parang sa kanila nadin ang buhay ko.Nang hindi ako sumagot nakatanggap nanaman ako ng suntok.Ilang suntok pa ang natanggap ko bago niya ko talikuran. Pero bago niya gawin 'yon. Sumagot ako sa sakanya, dahil kating kati na ang dila ko na magsalita."Nagsasawa kadin pala? Akala ko papatayin mo nako," hiyaw ko pa habang umiiyak na nakatingin sa kanya. "Wala naman akong ginawa saiyo ah, kulang nalang lumpuhin moko!" Garalgal na hiyaw ko dito dahil nilalamon nako ng kalasingan ko."Ano nagsawa kana? Kung hindi pa osige gawin mo nalang akong laruan mo! Para masaya kana!" Galit na hiyaw ko pa habang patuloy na umiiyak. Marahil dahil sa alak kaya nadadala ko sa emosyon ng pangyayari."Ano gawin mo nalang akong laruan mo! Total lagi mo nalang ako ginaganito diba? Edi ngayon may rason na bat gagawin moto!" Galit na tinitigan ko siya habang nakatingin din siya sakin. Tiim bagang at naglilisik na ang mga tingin niya na ilang salita pa at siguradong titilapon ako sa harapan niya.Nakatingin lang siya sakin. Kalaunay bigla nalang itong tumawa na nagpakilabot sa akin. Habang tumatawa ay bigla nalang siyang lumapit saakin, "That fucking nice. Let's have a deal. Akin nayang katawan mo, akin lang dapat! Dahil ipararanas ko sayo ang kalupitan ng mundo," sabay lapit sa tenga ko habang dahan dahang sinasabi ang salitang 'kalupitan ng mundo' ng magtama ang aming mga mata pilyo siyang ngumiti habang matalim parin na nakatingin sa akin.Nanginginig ang mga tuhod ko gusto ko ng bumigay. Naiilang ako sa kanya lalo na at ang lapit lapit namin sa isa't isa. Hindi ako mapakali gusto ko siyang itulak palayo sakin dahil ibang kilabot ang dating sakin ng mga ngiti niya.Natatakot man ay lakas loob parin akong sumagot sakanya, "K-Kung 'yan ang ikatatahimik ng mundo mo. Papayag ako," saad ko habang nanginginig, wala na hindi kona mababawi pa.Ano bang nangyayari sakin? Para akong hindi lalaki pag malapit na siya sakin. Umuurong ang mga laman ko pag nakikita ko siya. Marahil masyado akong nadala sa mga panakot niya sakin simula sa paglaki panay panunumbat na ang natatanggap ko sa kaniya.Pero sisiguraduhin ko, sa larong ito...Alin man sa aming dalawa ang mananalo. Siya o mabibigo ako.Iyak lang ako ng iyak sa bawat araw na nagdaan hindi dahil sa nangyari kay Jane kundi dahil naalala kona.Naalala ko na ang lahat.Bat kung kelan huli na?Kung kelan alam kong hindi na puwede.Natatakot ako sa puwedeng mangyari. Sa puwedeng gawin samin ni tito Zleo.Hindi ko na hahayaang mangyari ang dating nangyari.Kahit masakit pipiliin ko ang alam kung tama.At 'yon ang tamang gagawin ko.Sa ilang araw na nagdaan kailangan ko ng kausapin si kuya Branden dahil sa mga naalala ko.Hinanap ko lang siya sa loob ng mansyon nila. Dahil nakauwi na kami pagkatapos ng nangyari.Inikot ko ang buong bahay ngunit hindi ko siya mahanap. Tinignan ko na din siya sa kwarto niya pero wala din siya.Nang makasalubong ko si Zildjian ay tinanong ko siya kung nakita pa niya si kuya Branden.Sinabi lang niya na napansin niyang nasa garden. Kaya dali dali ko siyang pinuntahan dun para maka usap.-----Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin nakakausap si Shawn.Gustong gusto ko na siyang kausapin.
Lumipas ang mga araw at nakauwi na kami dito sa bahay namin.Simula ng may aksidenteng nangyari pansin ko na laging wala sa bahay sila mama at papa.Pansin ko din na hindi na lumalabas ng kwarto si Shawn at bukang-bibig niya ang mga katagang wala siyang kasalanan.Ilang araw na ang lumipas pero ito parin siya takot na takot sa nangyari. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak ng mag isa.Araw araw ganun nalang ang ikot ng buhay namin.Uuwi lang sila mama para tignan kami at pagsabihan si Shawn.Hindi ko alam kung nakakatulong ang ginagawa nila dahil palagi parin umiiyak si Shawn.Hindi ko alam kung sinisisi din ba nila si Shawn o hindi.Pinagbawalan din ako ni papa na lumapit kay Shawn ng hindi ko alam.Minsang sumuway ako ay nakatikim ako sa kanya ng sakit ng katawan.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang sigurado ako.Sinisisi nilang lahat si Shawn.Dahil ang p
Ilang araw ang lumipas. Patuloy ko parin iniiwasan si kuya Branden.Lagi akong nasa labas. Papasok lang ako pag alam kung tapos na silang kumain.Lagi akong nakatambay sa tabing dagat.Naging place ko na 'yon. Bukod sa tahimik, maaliwalas din pag masdan.Hindi naman na naging makulit si kuya sakin. Hinayaan nalang din siguro niya ako.Gusto ko na ngang umuwi. Pero pag naalala ko na sa kanila nga pala ako nakatira ay mas gugustuhin ko nalang dito.Dahil dito malaya akong gawin ang gusto ko. Sa mansyon nila limitado nalang dahil hindi na katulad nun dito.Tsaka mga katulong lang ang makakausap ko dun kadalasan busy pa sa pagtratrabaho kaya ayun lagi lang akong nakakulong sa kwarto. E, dito kahit saan akong pumunta ay malaya kong puntahan.Lakad lang ako ng lakad ng mapansin kung makakasalubong ko si Jane.Si Jane na laging sunod ng sunod kay kuya.Kahit hindi naman na siya pinapansin.
Masaya ang buhay lalo na kung mahal mo ang kasama mo sa bawat araw.Sa bawat araw na nagdaan ay hindi nakakasawang kasama ang taong mahal mo.Naalala ko tuloy 'yong mga araw na lagi kaming magkasama ni Shawn.Lagi kaming nag-lalasing ni Shawn dito parin sa tagaytay. Kung puwede ij,q nga lang araw araw ay ginawa na namin ang kaso bata parin kami. Pasikreto lang ang pag-inom namin lalo na kapag andito sila tito at tita. Tuwing bakasyon ang pinakamatagal na pag-stay nila dito ay dalawang linggo pagkatapos nun. Malaya na kaming dalawa ni Shawn dahil tulad ng nakagawian maiiwan kaming dalawa dito.Na hindi naman na nila tinututulan. Suportado pa nga nila kami dahil nagiging independent na kami. Lalo na sa edad namin ay dapat na matuto na talaga kaming maging independent.Pero kahit ganun sakanila parin ang perang ginagamit namin.Isa din sa dahilan kaya pumapayag sila tito at mama dahil kilala naman nila ang mga tao dito. Hi
Ang dami kung nagawa ngayong araw kakahintay kay kuya.Ala una na pala ng tanghali pero ito ako naghihintay parin sa pagdating niya.Panay ang labas ko lalo na pag may naririnig akong humihintong sasakyan sa mismong tapat ng mansyon na ito.Baka kasi si kuya Branden na.Lumipas pa ang mga oras ay wala paring Branden ang nagpapakita sakin.Panay ang tanong sakin nila tita kung bakit andito lang ako sa labas.Ngiti lang ang sinusukli ko sa mga tanong nila.Paminsan minsan sinasagot ko na naglilibang lang sa labas.Pero alam ko naman na alam na nila kung bakit.Si kuya Marvin bago mag-inuman kinagabihan ay umalis siya kinabukasan kaso hindi ko alam kung kelan ang balik. O, kung babalik paba.Sa ngayon siya na kasi ang umaasikaso ng mga business nila lalo na at nagkaroon ng problema kaya kailangan niyang puntahan.Namimiss ko na din siya dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin.
9:30 am na pala, ayun sa oras na naka rehistro sa phone ko.Nakatulog pala ko kagabi pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya.Ansarap ng tulog ko, wala naman akong nararamdamang hang over. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi pero nalasing parin ako.Naalala ko bigla na hindi nga pala ako sa kwarto ko nakatulog, nang iikot ko ang paningin ko ay napadako ang tingin ko kay kuya Branden na mahimbing na natutulog.'Magkatabi kaming natulog?' Tanong ko sa sarili ko.Parang nabuhayan ang loob ko dahil sa naiisip, hindi ako nilipat ni kuya bagkus hinayaan niya lang ako dito sa kwarto niya. Habang magkatabi kami.Sobrang saya ko sa nararamdaman ko ngayon. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng hindi niya ko pinansin at sinungitan lang niya ko kagabi.Gusto ko siyang lapitan at halikan habang natutulog. Pero natatakot akong magising kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na pagsawaan ang mukha niya.Bumibilis ang tibok n