Dahil sa nangyari nawala ang antok ko, parang naglaho ang alak sa tiyan ko. Hindi ko mawari pero nagsisi ako sa katangahan ko. Bakit ako pumayag sa madumi niyang laro.
Dapat kasi nanahimik nalang ako, dahil pag nagsawa na siyang gawin ang gusto niya sa akin. Iiwan nalang niya ko kung saan.Nang nag umaga ay bumangon nako kahit gustong gusto kopang matulog. Hindi naman puwede dahil kailangan kong tumulong sa gawaing bahay. Ayaw man nila tito't tita wala na din silang nagawa. Araw araw panaman akong nangungulit na hayaan nalang ako sa gusto kong gawin."Good morning Shawn," malanding bati sakin ni Zildjian isang bisexual na lalaki.Hanga din ako sa lalaking 'to. Kung puwede lang daw araw araw, liligawan niya ko para lang masabi niya na talagang may gusto siya sakin.May itsura naman si Zildjian. Sa katunayan gwapo 'tong lalaking ito, magmula sa matatangos niyang ilong na bumagay sa mga labi niyang mamula mula at ang kilay niyang ang ayos ng pagkakatubo. Ang bilugan niyang mukha na bumagay din sa katawan niyang katamtaman ang ganda tingin ko malapit na siyang maging 6 footer.Ewan nga ba dito bat sakin may gusto.Sa sobrang daldal nga niya minsan pag walang trabaho. Nakuwento na niya lahat ng dapat ikuwento magmula pagkabata niya hanggang sa pano siya nagtrabaho dito.Pero ang gusto ko talaga sa kuwento niya is di siya tulad ng ibang mga gay/bisexual na hindi naaayon sa panahon. Hindi siya mahilig sa gamit pambabae 'yung tipong natawag lang siyang bisexual dahil nagkagusto siya sa lalaki at babae. Ganun kasimple.Pero wala pa daw siyang karanasan sa pakikipag relasyon sa lalaki. Dahil takot daw siyang sumugal. Pero pag ako na daw ang magiging boyfriend niya payag na payag daw siya.Sabi ko nga kay Branden nalang siya. May crush daw siya dun pero ako daw ang gusto niya. Ang gulo niya bahala nga siya."Good morning din," sabay kindat ko sakanya. As always kinilig nanaman siya, ewan sabi niya pagdating daw sakin ang rupok rupok niya. Kung hihiling nga daw ako ng kahit ano gagawin niya basta sa akin galing at utos ko daw.Dumiretso nalang ako sa hardin sa labas at dun ko itinuon ang lahat ng aking atensyon.Nang lumipas ang oras madami nadin akong nagawa. Nadiligan at naputol ko na din ang ilang mga bagong sibol na mga dahon. Pinapantay ko kasi 'to na pabilog. Kaya ayan kailangan araw araw putulan para hindi na humaba pa."Shawn! Meryenda ka muna," malayo palang pero humihiyaw na sa lakas ang boses niya"Yup! Pababa nalang jan. Salamat Zildjian," nakangiting sambit ko dito."Oo nga pala. Kauuwi lang nila ate Liza at kuya Mico. Gusto ka daw makita," namumulang tugon pa niya sakin. Nang hindi ako nagsalita ay patakbo itong umalis sa harapan ko.'Huh?' Anyare doon? Kunot noong naitanong ko na lamang sa sarili.Natatawa nalang ako sa nangyari."Anong tinatawa mo?" Maangas na tanong ng bagong dating na si Branden."Wala," sabay iwas ko ng tingin ng magsalubong ang mga mata namin."Wala pala e, ano nababaliw kana? Umalis ka na nga lang dito," sabay kuha ng meryenda na nakalaan para sakin. "Nga pala aalis ako mamaya, alam mona kung anong gagawin," ngumunguyang saad niya pa sakin.Ano nga bang kailangan kong gawin, edi samahan siya na magpakalasing. Kumbaga alalay niya ko pag lasing na siya ako ang mag uuwi sakanya.Nang iangat ko ang paningin ko sakanya. Ibang epekto nanaman ang naramdaman ko sa sarili ko. Hindi ko mapaliwanag tuwing nagtatama ang mga mata namin, nagwawala 'tong puso ko.Habang kumakain ay nakatayo lang ako malapit sakanya. Tinitignan ang bawat kilos niya, bawat pag nguya ng kanyang panga, at ang paggalaw ng adams apple na talagang nakakabighani pagmasdan. Isama mo pa ang umiigting niyang panga. Lalong lalo na ang mapupula niyang mga labi na lagi akong inaakit.Hanep, ano nanaman nangyayari sakin?Ilang taon naba simula ng maramdaman koto? Tanda kopa nagsimula ang lahat ng ito ng minsang kinausap niya ko.---"Hoy iyakin, lumapit kanga dito hilutin mo 'tong likod ko," sabay hilot niya sa sentido. "S-Sige po kuya," nabibigla man dahil ngayon niya lang ako kinausap ng matino kahit pautos pa ito ay tuwang tuwa nako.Maamo naman ang mukha ni kuya Branden lalo na ngayong nakapikit siya. Para siyang walang problema kahit bihira lang siyang ngumiti."Bilisan mo dito banda 'yung masakit. Loko kasing Clark nayon may araw din siya," turo nito sakin kung saan masakit habang galit na nakatingin kong saan.Nang hawakan ko na ang balikat ni kuya para masimulan ko ng hilutin ay para akong na paso sa init ng kanyang katawan. Hiniwalay ko agad ang kamay ko sa balikat niya dahil nakaramdam din ako ng kaunting kuryente na dumaloy sa katawan ko ng magdikit ang kamay ko sa balikat niya.Para akong tuod na nakatayo lang dahil ang lakas ng tambol ng puso ko. Habang tinitignan ang likod ni kuya Branden na kasalukuyang naka pikit na, na naka subsob sa lamesa dito sa kanilang garden.Nalilito man sa nangyayari sa aking katawan ay sinubukan ko na ulit hawakan ang balikat ni kuya Branden. Nang magdampi na ang mga balat namin ay wala naman akong naramdamang kakaiba.Patuloy ko lang na hinihilot si kuya ng bigla itong umungol, "S-Shit.. sige pa diinan mo," ungol na bigkas niya sa akin.Bumilis nanaman ang tambol ng puso ko. Paiba iba ang nararamdamang ko tuwing katabi ko siya. Lalo na ngayong iba ang epekto sakin habang patuloy kong hinihilot si kuya Branden.Hindi ko mapaliwanag pero natutuwa akong marinig ang ungol niya habang nakapikit na naka paskil sa kanyang mukha ang sarap.Dahil sa tuwa ay mas pinagbuti ko ang paghilot sa balikat niya.Bumaba ang hilot ko sa mga braso niyang matikas na sumasabay sa pagbibinata niya.Nang bigla akong matigilan dahil sumandal siya sa upuan kaya kitang kita ko na ang mga nag uumpisang mahulmang katawan niya. Dahil tanging boxer lang ang suot niya kaya kitang kita ko ang katawan niya. Malaya ko lang itong nakikita habang patuloy ko siyang hinihilot dahil nakapikit naman siya."Enjoying the view?" Natatawang tanong niya habang nakapikit. "Kuya?" Nalilitong tanong ko."Nahh nothing, I didn't expect that he's a gay," aniya pa."Yung Clark poba kuya?" Pagtatanong ko rito."Nope. It's you," sabay baling sakin na may mapaglarong ngiti.Napayuko nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Dahil hindi ko naman talaga alam ang sinasabi niya."Don't worry, I'm just kidding," natatawang saad nito sabay hawak sa kamay ko. "Stop, ok na," pagpapahinto niya sakin ng hahawakan ko na sana ang hita niya para hilutin.Natutuwa man dahil para kaming close sa isa't isa ay hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi niya. Susulitin ko nalang ang bawat minuto na mabait siya sakin."Kuya Branden," nahihiyang tawag ko dito. "Hmm.." nakapikit na usal naman niya."Hindi mo na po ako aawayin?" Pagtatanong ko sakanya.Napamulat ito ng mata sabay tingin sakin ng seryoso, "Alam mo bang inis na inis ako sayo pero wala akong magawa? Ayoko sayo dahil ginugulo motong isip ko, ginugulo mo ang pagkatao ko," seryosong pahayag niya sakin habang seryoso parin na nakatingin sakin."Pero wala po akong ginagawa kuya," nalilitong usal ko sakanya sabay yuko."Iyon na nga Shawn, wala kang ginagawa pero binabaliw moko," galit na sambit nito sabay tayo at tinalikuran ako.---Hanggang ngayon ganito parin ang nararamdaman ko. Walang nagbago.Ilang beses naba itong nangyare sakin? Hindi kona alam dahil sakanya ko lang naman nararamdaman lahat ng ito.Anong klaseng sumpa ba ang kinabit niya sakin? Ganoon nalang ba ang galit niya kaya nilagyan niya ako ng sumpa."Tinitingin mo?" Mariing tanong niya sakin habang umiinom."W-Wala.. sige alis nako," namumulang sambit ko sabay talikod sakanya. Dahil naaakit nanaman ako the way ng pag inom niya.Habang papasok sa pintuan ay natanaw ko sila tito at tita kasama ng dalawa niyang anak na masayang nagkukuwentuhan sa may sala.Nakakatuwa na kahit may anak silang sumpungin at pinaglihi sa sama ng loob. Hindi mo mapagkakaila na mababait ang pamilyang ito.Mabait din naman si Branden. Oo sa iba pero sakin hindi. Kita ko 'yon lalo na sa school. Mayabang nga lang akala mo sakanya ang school. Hindi naman, oo nga share holder ang mga magulang niya pero hindi parin tama ang mga katarantaduhan pinag gagawa niya.Lalo na pag ako ang nakikita niya. Kaya sa University todo ang iwas ko sakanya dahil kung hindi niya ko papahiyain pagtri-tripan naman niya ko.Sikat 'yang si Branden sa University. Maliban sa may mga sports siyang sinasalihan madami ding nahuhumaling sakanya. Sikat din siya sa katarantaduhan kahit mga Professor tinatalo niya.Alam naman ng lahat na sakanila ko nakatira. Kaya ilag din sakin ang mga tao dito sa University dahil takot sila kay Branden."Tinatanga mo jan? Tabi nga," naiiritang baling niya sakin sabay bungko pa ng kaniyang balikat.Naiinis man sa ugaling pinapakita niya ay hinayaan ko nalang.Kung makakapaghiganti ko sakanya sisiguraduhin kong mag eenjoy ako, at siya naman ang magdudusa.Hanggang sa may naisip ako na gawin sakanya."Tignan lang natin kung tatagal kang hambog ka," mahinang bigkas ko na may nakausling ngiti sa aking mga labi habang tinitignan ang papalayong pigura niya."Humanda ka sa akin Branden, dahil sa pagkakataon na ito, hindi laging ikaw ang masusunod dahil ngayong gabi, sisiguraduhin kong ako ang masusunod."Iyak lang ako ng iyak sa bawat araw na nagdaan hindi dahil sa nangyari kay Jane kundi dahil naalala kona.Naalala ko na ang lahat.Bat kung kelan huli na?Kung kelan alam kong hindi na puwede.Natatakot ako sa puwedeng mangyari. Sa puwedeng gawin samin ni tito Zleo.Hindi ko na hahayaang mangyari ang dating nangyari.Kahit masakit pipiliin ko ang alam kung tama.At 'yon ang tamang gagawin ko.Sa ilang araw na nagdaan kailangan ko ng kausapin si kuya Branden dahil sa mga naalala ko.Hinanap ko lang siya sa loob ng mansyon nila. Dahil nakauwi na kami pagkatapos ng nangyari.Inikot ko ang buong bahay ngunit hindi ko siya mahanap. Tinignan ko na din siya sa kwarto niya pero wala din siya.Nang makasalubong ko si Zildjian ay tinanong ko siya kung nakita pa niya si kuya Branden.Sinabi lang niya na napansin niyang nasa garden. Kaya dali dali ko siyang pinuntahan dun para maka usap.-----Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin nakakausap si Shawn.Gustong gusto ko na siyang kausapin.
Lumipas ang mga araw at nakauwi na kami dito sa bahay namin.Simula ng may aksidenteng nangyari pansin ko na laging wala sa bahay sila mama at papa.Pansin ko din na hindi na lumalabas ng kwarto si Shawn at bukang-bibig niya ang mga katagang wala siyang kasalanan.Ilang araw na ang lumipas pero ito parin siya takot na takot sa nangyari. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak ng mag isa.Araw araw ganun nalang ang ikot ng buhay namin.Uuwi lang sila mama para tignan kami at pagsabihan si Shawn.Hindi ko alam kung nakakatulong ang ginagawa nila dahil palagi parin umiiyak si Shawn.Hindi ko alam kung sinisisi din ba nila si Shawn o hindi.Pinagbawalan din ako ni papa na lumapit kay Shawn ng hindi ko alam.Minsang sumuway ako ay nakatikim ako sa kanya ng sakit ng katawan.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang sigurado ako.Sinisisi nilang lahat si Shawn.Dahil ang p
Ilang araw ang lumipas. Patuloy ko parin iniiwasan si kuya Branden.Lagi akong nasa labas. Papasok lang ako pag alam kung tapos na silang kumain.Lagi akong nakatambay sa tabing dagat.Naging place ko na 'yon. Bukod sa tahimik, maaliwalas din pag masdan.Hindi naman na naging makulit si kuya sakin. Hinayaan nalang din siguro niya ako.Gusto ko na ngang umuwi. Pero pag naalala ko na sa kanila nga pala ako nakatira ay mas gugustuhin ko nalang dito.Dahil dito malaya akong gawin ang gusto ko. Sa mansyon nila limitado nalang dahil hindi na katulad nun dito.Tsaka mga katulong lang ang makakausap ko dun kadalasan busy pa sa pagtratrabaho kaya ayun lagi lang akong nakakulong sa kwarto. E, dito kahit saan akong pumunta ay malaya kong puntahan.Lakad lang ako ng lakad ng mapansin kung makakasalubong ko si Jane.Si Jane na laging sunod ng sunod kay kuya.Kahit hindi naman na siya pinapansin.
Masaya ang buhay lalo na kung mahal mo ang kasama mo sa bawat araw.Sa bawat araw na nagdaan ay hindi nakakasawang kasama ang taong mahal mo.Naalala ko tuloy 'yong mga araw na lagi kaming magkasama ni Shawn.Lagi kaming nag-lalasing ni Shawn dito parin sa tagaytay. Kung puwede ij,q nga lang araw araw ay ginawa na namin ang kaso bata parin kami. Pasikreto lang ang pag-inom namin lalo na kapag andito sila tito at tita. Tuwing bakasyon ang pinakamatagal na pag-stay nila dito ay dalawang linggo pagkatapos nun. Malaya na kaming dalawa ni Shawn dahil tulad ng nakagawian maiiwan kaming dalawa dito.Na hindi naman na nila tinututulan. Suportado pa nga nila kami dahil nagiging independent na kami. Lalo na sa edad namin ay dapat na matuto na talaga kaming maging independent.Pero kahit ganun sakanila parin ang perang ginagamit namin.Isa din sa dahilan kaya pumapayag sila tito at mama dahil kilala naman nila ang mga tao dito. Hi
Ang dami kung nagawa ngayong araw kakahintay kay kuya.Ala una na pala ng tanghali pero ito ako naghihintay parin sa pagdating niya.Panay ang labas ko lalo na pag may naririnig akong humihintong sasakyan sa mismong tapat ng mansyon na ito.Baka kasi si kuya Branden na.Lumipas pa ang mga oras ay wala paring Branden ang nagpapakita sakin.Panay ang tanong sakin nila tita kung bakit andito lang ako sa labas.Ngiti lang ang sinusukli ko sa mga tanong nila.Paminsan minsan sinasagot ko na naglilibang lang sa labas.Pero alam ko naman na alam na nila kung bakit.Si kuya Marvin bago mag-inuman kinagabihan ay umalis siya kinabukasan kaso hindi ko alam kung kelan ang balik. O, kung babalik paba.Sa ngayon siya na kasi ang umaasikaso ng mga business nila lalo na at nagkaroon ng problema kaya kailangan niyang puntahan.Namimiss ko na din siya dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin.
9:30 am na pala, ayun sa oras na naka rehistro sa phone ko.Nakatulog pala ko kagabi pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya.Ansarap ng tulog ko, wala naman akong nararamdamang hang over. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi pero nalasing parin ako.Naalala ko bigla na hindi nga pala ako sa kwarto ko nakatulog, nang iikot ko ang paningin ko ay napadako ang tingin ko kay kuya Branden na mahimbing na natutulog.'Magkatabi kaming natulog?' Tanong ko sa sarili ko.Parang nabuhayan ang loob ko dahil sa naiisip, hindi ako nilipat ni kuya bagkus hinayaan niya lang ako dito sa kwarto niya. Habang magkatabi kami.Sobrang saya ko sa nararamdaman ko ngayon. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng hindi niya ko pinansin at sinungitan lang niya ko kagabi.Gusto ko siyang lapitan at halikan habang natutulog. Pero natatakot akong magising kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na pagsawaan ang mukha niya.Bumibilis ang tibok n