Share

Chapter 5

Author: peterrpopper
last update Huling Na-update: 2023-09-21 08:50:48

Nang dumaan ang hapon ay nandito parin ako sa aking kwarto.

Nahihiya ako sa nangyare, ewan ko ba sa sarili ko kung bat ko ginawa ang ginawa ko.

Pero nangyari na ang nangyari kaya wala nakong magagawa pa.

Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko.

Dahil siguro nadala lang ako? O baka naman dahil nagustuhan ko?

Pero first kiss ko 'yon.

Kasalanan kodin naman hinayaan ko ang sarili kong maakit sakanya.

Kahit hindi ako sigurado sa desisyon ko ay sumugal parin ako.

Ginawa ko parin ang kapangahasan ko.

Dala nga marahil ng init ng katawan ko kaya ko nagawa 'yon.

Lumipas ang kinagabihan ay nasa kwarto parin ako. Ayokong lumabas.

Baka andun si Branden, tapos magkakasalubong kami.

Hindi ko siya kayang harapin ngayon.

Pano kung tanungin ako kung bakit ko ginawa 'yon? Ano isasagot ko?

Na, nadala lang ako ng init ng katawan?

Pero may part kasi sakin na ayokong aminin na nadala lang ako. Dahil alam ko sa sarili ko na ginusto ko 'yon.

Nang bandang alas otso na ay naligo na muna ako.

Habang nagliligo ay bumabalik nanaman ako sa nangyari kanina samin.

Pano ko siya haharapin? Anong gagawin ko pag nagkita kami?

Andaming katanungan sakin na hindi ko masagot.

Sigurado akong nakahanda na ang lamay ko. Dahil sa kagaguhan ko parang hinatid ko na din ang sarili ko sa libingan ko mismo.

Ang kailangan ko nalang gawin ay magdasal.

Na sana tumagal pako sa mundong ito. Pero nagustuhan din naman niya diba? Oo tama nagustuhan din naman niya kaya patas lang kami.

Nang malapit na akong matapos ay may narinig akong katok sa pintuan ko. Kaya dali dali ko ng tinapos ang pagkakaligo ko.

Nang nakalabas nako ay wala naman ng kumakatok.

"Ang boring," biglang sabi ng nasa gilid ko. Kaya gulat akong napalingon.

"K-Kuya," nanghihinang sambit ko.

"Bakit?" Mayabang na tanong niya.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Natatakot na tanong ko sabay kapit sa tuwalyang nakatapis sa baba ko. Pakiramdam ko nahuhubaran ako sa mga tingin niya sa akin.

"Kung anong nasa isip mo," mapang asar na ngiti niya pa sakin.

Patuloy lang siyang nakatingin sakin kaya naiilang ako. Pero ng naintindihan ko na ang sinabi niya sakin ay parang binagsakan ako ng ataul sa katawan ko. Marahil ito na ang kanina ko pang iniisip.

Wala sa sariling napaluhod ako sa harapan niya.

"Kuya," naluluhang tawag ko dito. "H-Hindi kopo sinasadya," umiiyak na sambit ko dito.

Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Habang nakaluhod ako sa harapan niya na umiiyak.

Hindi ko alam pero natatakot talaga ako sa ginawa ko sakanya. Dahil hindi naman talaga normal na halikan ko siya diba?

Para nakong tanga sa posisyon ko dahil hindi naman niya ko pinapansin. Nakatingin lang siya sakin ng seryoso pero hindi nagsasalita.

Hindi ko naman magawang tumayo dahil mas magmumukha akong tanga.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bigla nalang niya kong hinawakan sa balikat.

"Tumayo ka jan," seryosong sambit niya sakin.

Naguguluhan man dahil sa sagot niya ay tumayo nalang ako.

"K-Kuya," tawag ko sakanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Bat ba kuya ka ng kuya, e! Mukhang napipilitan kalang naman!" Singhal niya sakin.

Nagulat ako sa sinabi niya sakin. Oo nga pala ayaw niya akong maging kapatid. Kaya siguro nagalit siya sakin kanina dahil pinagsabihan siya ni tito na 'alagaan ang kapatid niya' which is ako na ayaw naman niya talaga, dahil ayaw niyang maging kapatid ako.

May part sakin na nasasaktan at the same time natutuwa na hindi ko mapaliwanag?

This past few day hindi ko na kilala ang sarili ko para bang may sumanib sa aking mapanganib na spirito.

Lumala pa lalo ng nakakausap kona si Branden. Ewan siya yata ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Makita kolang siya hindi nako mapakali para kong natatae na ewan.

Pero kahit ganon ay thankfull parin ako dahil kahit papano ay hindi na siya tulad ng dati.

Parang unti unti ng nasisira ang harang na tinayo niya mismo para harangan ako?

Pansin ko unti unti na siyang bumabait sakin na siyang inaabuso ko.

Dahil sa katangahan ko ay ito ako ngayon sa harapan niya hindi makatingin sakanya.

Gustohin ko man na umalis na siya ay hindi ko naman masabi. Dahil wala naman akong karapatan na sabihin 'yon! Unang una sakanila itong bahay nato.

Nakahawak parin ang kamay niya sa balikat ko.

"Sa susunod na uulitin mo 'yon, malilintikan kana sakin, maliwanag ba?" Paalala niya sakin habang dinidiinan ang pagkakahawak sa balikat ko.

Nasasaktan man sa pagdiin niya ay nagsawalang kibo nalang ako. Habang tumatango sa mga sinabi niya sakin.

Mas mainam nato kesa sa inaakala ko.

Akala ko katapusan kona. Buti nalang wala lang sakanya 'yon.

Bigla nalang niyang binitawan ang balikat ko sabay talikod habang naglalakad.

"Bumaba ka na hinahanap kana nila mama," nakatalikod parin siya sakin ng nagsalita siya.

Akala ko ay aalis na siya pero may sinabi pa siya sakin na siyang nagpalito sa sistema ko.

"Dahil pag inulit mopa 'yon, baka hindi nako makapag pigil at baka.. bumigay ako," sabay lakad niya pagkasabi noon.

Nang masarado na niya ang pintuan ay doon ko palang naramdaman ang pagbigay ng tuhod ko. Hindi ko alam pero naghihina ako sa mga pinag sasabi niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin don? Nalilito nako hindi ko na alam ang gagawin.

Nang bumalik nako sa katinuan ko ay bumalik ako sa banyo at naligo nalang ulit dahil pawis pawisan ako dahil sa nangyari.

Nang matapos ay nagbihis nako at nag ayos ng sarili bago bumaba dahil si kuya na mismo ang nagsabi ay malugod kong susundin.

Pagkababa ko ay nasa sala pa naman sila. Akala ko ay kumakain sila dahil alas nuwebe na ng gabi.

Nang mapansin ako ni tita ay sinabihan niya ko na kumain na.

"Katatapos lang namin kumain, hindi ka na namin nahintay at sabi ni Branden naliligo ka paraw?"

"Naku, pasensya napo tita," nahihiyang saad ko dito.

"Sige na kumain na kayo dun, kanina kapa hinihintay ng kuya mo doon."

Nabigla man ay tumango nalang ako kay tita. Hinihintay ako ni kuya Branden? Bakit naman niya ko hihintayin na kumain? Naku sign na ata 'to na mamatay nanga ako.

Nang malapit nako sa kusina ay parang gusto ko nang bumalik dahil parang nawala ang gutom ko ng malaman kung naghihintay sakin si kuya Branden.

Nang makapagdisesyon ay babalik na sana ako kaso ay may nagsalita bigla.

"So aalis kana lang bigla? Ganyan moba itrato ang master mo?" Pagtatanong niya habang nakakunot ang noo.

Nakatayo lang ako malapit sa kusina kaya narinig ko ang sinabi sakin ni kuya Branden na nakatingin na sakin habang nakasandal sa lamesa ng kusina na tanaw pala ako dito sa puwesto ko.

"Sorry po kuya sa paghihintay."

Kunot noo ako nitong tinignan habang nakasandal parin sa lamesa habang nasa mga bewang niya ang mga kamay niya.

"Anong hinihintay?" Pag uusisa niya.

"Diba po hinihintay ninyo ko? Sabi kasi ni tita hindi kapa kumakain kasi hinihintay mo daw ako kuya?" Nakangiting pagtatanong ko dito.

Habang tumatagal kumakapal din pala mukha ko lalo na pagdating kay kuya.

Pansin kolang tumatapang hiya ko pagkausap kona siya.

Kaya siguro ang lakas ng loob ko na sabihin sa harap niya ito, habang siya ay seryoso.

Dahil siguro malapit na ang loob ko sakanya? O baka hindi nako natatakot sakanya na parang normal na tao lang siya para sakin na hindi kailangan katakutan.

"Wag kang naniniwala kung wala naman patunay, at hindi porket nahuli akong kumain ay hinintay na kita," paliwanag niya.

Kahit na ganon ang sagot niya sakin ay hindi nawala ang ngiti ko sa aking mga labi. Ewan kahit na magpaliwanag siya na mali ang sinabi ni tita ay para sakin tama 'yon.

Ewan pero kinikilig nanaman ako sakanya.

"Ano pang tinatanga mo jan? Kumain kana ng mahugasan muna tong pinggan," seryosong hayag niya sakin sabay turo ng mga hugasin.

Kaya lumapit nako sa lamesa at nag umpisang kumain. Magana akong kumain, kain kong kain ang ginawa ko dahil para kong nagutom sa pinaggagawa ko ngayon araw.

"Patay gutom, hoy maghinay hinay ka nga para kang baboy kung kumain. Tignan mo 'yang bibig mo panay kanin," naiiritang pahayag niya sakin.

Nahihiya naman akong napatingin sakanya. Bat kasi andito pa siya? Tapos naman na siyang kumain ah! Bat kailangan pa akong panoorin?

Akala ko umalis na siya kanina. Hindi ko na kasi siya tinignan ng mag umpisa akong kumain.

Nahihiya akong umayos ng pagkain at pinunasan ang bibig ko na panay kanin.

Nakatayo lang siya habang nakatingin sakin ng diretso na parang sinusuri ako.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain at hindi na siya pinag abalahang bigyan ng pansin kahit ramdam ko parin ang mata niya na nakatutok sakin.

Nang natapos ako ay busog na busog ako.

"May kailangan kaba sakin kuya? Sana sinabi muna ng hindi mo na sana ako hinintay matapos kumain," nakangiting pahayag ko dito.

Nabigla siya sa sinabi ko kaya kitang kita ko ang pababago niya. Namumula na siya ngayon na hindi ko mawari kung bakit?

"Kuya ang gwapo mo po pag namumula ka," pahayag kopa dito.

Tumalikod nalang siya sakin na walang sinasabi.

Hinayaan ko nalang siya.

Nang bigla nalang may humila ng braso ko paharap.

"K-Kuya?"

"Yes baby?" Sambit niya ng bigla nalang niya kong hinalikan.

Natuod nalang ako sa kinatatayuan ko habang malaya niyang hinahalugad ang labi ko.

"May natira pa kasing kanin, kaya kinain kona sayang naman."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Epilogue

    Iyak lang ako ng iyak sa bawat araw na nagdaan hindi dahil sa nangyari kay Jane kundi dahil naalala kona.Naalala ko na ang lahat.Bat kung kelan huli na?Kung kelan alam kong hindi na puwede.Natatakot ako sa puwedeng mangyari. Sa puwedeng gawin samin ni tito Zleo.Hindi ko na hahayaang mangyari ang dating nangyari.Kahit masakit pipiliin ko ang alam kung tama.At 'yon ang tamang gagawin ko.Sa ilang araw na nagdaan kailangan ko ng kausapin si kuya Branden dahil sa mga naalala ko.Hinanap ko lang siya sa loob ng mansyon nila. Dahil nakauwi na kami pagkatapos ng nangyari.Inikot ko ang buong bahay ngunit hindi ko siya mahanap. Tinignan ko na din siya sa kwarto niya pero wala din siya.Nang makasalubong ko si Zildjian ay tinanong ko siya kung nakita pa niya si kuya Branden.Sinabi lang niya na napansin niyang nasa garden. Kaya dali dali ko siyang pinuntahan dun para maka usap.-----Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin nakakausap si Shawn.Gustong gusto ko na siyang kausapin.

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 21

    Lumipas ang mga araw at nakauwi na kami dito sa bahay namin.Simula ng may aksidenteng nangyari pansin ko na laging wala sa bahay sila mama at papa.Pansin ko din na hindi na lumalabas ng kwarto si Shawn at bukang-bibig niya ang mga katagang wala siyang kasalanan.Ilang araw na ang lumipas pero ito parin siya takot na takot sa nangyari. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak ng mag isa.Araw araw ganun nalang ang ikot ng buhay namin.Uuwi lang sila mama para tignan kami at pagsabihan si Shawn.Hindi ko alam kung nakakatulong ang ginagawa nila dahil palagi parin umiiyak si Shawn.Hindi ko alam kung sinisisi din ba nila si Shawn o hindi.Pinagbawalan din ako ni papa na lumapit kay Shawn ng hindi ko alam.Minsang sumuway ako ay nakatikim ako sa kanya ng sakit ng katawan.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang sigurado ako.Sinisisi nilang lahat si Shawn.Dahil ang p

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 20

    Ilang araw ang lumipas. Patuloy ko parin iniiwasan si kuya Branden.Lagi akong nasa labas. Papasok lang ako pag alam kung tapos na silang kumain.Lagi akong nakatambay sa tabing dagat.Naging place ko na 'yon. Bukod sa tahimik, maaliwalas din pag masdan.Hindi naman na naging makulit si kuya sakin. Hinayaan nalang din siguro niya ako.Gusto ko na ngang umuwi. Pero pag naalala ko na sa kanila nga pala ako nakatira ay mas gugustuhin ko nalang dito.Dahil dito malaya akong gawin ang gusto ko. Sa mansyon nila limitado nalang dahil hindi na katulad nun dito.Tsaka mga katulong lang ang makakausap ko dun kadalasan busy pa sa pagtratrabaho kaya ayun lagi lang akong nakakulong sa kwarto. E, dito kahit saan akong pumunta ay malaya kong puntahan.Lakad lang ako ng lakad ng mapansin kung makakasalubong ko si Jane.Si Jane na laging sunod ng sunod kay kuya.Kahit hindi naman na siya pinapansin.

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 19

    Masaya ang buhay lalo na kung mahal mo ang kasama mo sa bawat araw.Sa bawat araw na nagdaan ay hindi nakakasawang kasama ang taong mahal mo.Naalala ko tuloy 'yong mga araw na lagi kaming magkasama ni Shawn.Lagi kaming nag-lalasing ni Shawn dito parin sa tagaytay. Kung puwede ij,q nga lang araw araw ay ginawa na namin ang kaso bata parin kami. Pasikreto lang ang pag-inom namin lalo na kapag andito sila tito at tita. Tuwing bakasyon ang pinakamatagal na pag-stay nila dito ay dalawang linggo pagkatapos nun. Malaya na kaming dalawa ni Shawn dahil tulad ng nakagawian maiiwan kaming dalawa dito.Na hindi naman na nila tinututulan. Suportado pa nga nila kami dahil nagiging independent na kami. Lalo na sa edad namin ay dapat na matuto na talaga kaming maging independent.Pero kahit ganun sakanila parin ang perang ginagamit namin.Isa din sa dahilan kaya pumapayag sila tito at mama dahil kilala naman nila ang mga tao dito. Hi

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 18

    Ang dami kung nagawa ngayong araw kakahintay kay kuya.Ala una na pala ng tanghali pero ito ako naghihintay parin sa pagdating niya.Panay ang labas ko lalo na pag may naririnig akong humihintong sasakyan sa mismong tapat ng mansyon na ito.Baka kasi si kuya Branden na.Lumipas pa ang mga oras ay wala paring Branden ang nagpapakita sakin.Panay ang tanong sakin nila tita kung bakit andito lang ako sa labas.Ngiti lang ang sinusukli ko sa mga tanong nila.Paminsan minsan sinasagot ko na naglilibang lang sa labas.Pero alam ko naman na alam na nila kung bakit.Si kuya Marvin bago mag-inuman kinagabihan ay umalis siya kinabukasan kaso hindi ko alam kung kelan ang balik. O, kung babalik paba.Sa ngayon siya na kasi ang umaasikaso ng mga business nila lalo na at nagkaroon ng problema kaya kailangan niyang puntahan.Namimiss ko na din siya dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin.

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 17

    9:30 am na pala, ayun sa oras na naka rehistro sa phone ko.Nakatulog pala ko kagabi pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya.Ansarap ng tulog ko, wala naman akong nararamdamang hang over. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi pero nalasing parin ako.Naalala ko bigla na hindi nga pala ako sa kwarto ko nakatulog, nang iikot ko ang paningin ko ay napadako ang tingin ko kay kuya Branden na mahimbing na natutulog.'Magkatabi kaming natulog?' Tanong ko sa sarili ko.Parang nabuhayan ang loob ko dahil sa naiisip, hindi ako nilipat ni kuya bagkus hinayaan niya lang ako dito sa kwarto niya. Habang magkatabi kami.Sobrang saya ko sa nararamdaman ko ngayon. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng hindi niya ko pinansin at sinungitan lang niya ko kagabi.Gusto ko siyang lapitan at halikan habang natutulog. Pero natatakot akong magising kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na pagsawaan ang mukha niya.Bumibilis ang tibok n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status