Maaga palang umalis nako sa mansyon. Ayoko kasing makita si Branden sa bahay kaya naisip kong mag libot muna sa mall.
Dahil tandang tanda ko pa ang pangyayari, pagkatapos niya kong halikan.---"May natira pa kasing kanin, kaya kinain kona sayang naman.""Pero kuy--!""Stop, diba ito naman ang gusto mo? Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito kaya ako naman ang magpapatuloy hanggang katapusan. Wala na akong magagawa dahil umabot kana sa limitasyon mo. Pilit kung pinigilan pero ikaw na mismo ang nag-udyok sakin na gawin ito," mahaba niyang paliwanag.Napapalunok nalang ako habang tinitignan siyang nagsasalita, parang nagbara ang lalamunan ko at hindi ako makagalaw.Buti nalang hawak niya ang katawan ko dahil muntikan nakong tumumba ng subukan niya kong bitawan.Naghihina ako dahil sa ginawa niya sakin at pinagsasabi.Anong ibig niyang sabihin doon?---Nabalik lang ako sa katinuan ng may nagsalita sa harapan ko."Wazzup! Pogi, bibilin mona ba ko?" Maharot na tanong niya sakin."Ay hindi pala 'yong damit sir?" Agarang bawi niya sa tanong ng makitang seryoso ko lang siyang tinignan.Kunot noo lang ako habang nakatingin sakanya habang may pasayaw sayaw pa siyang nalalaman."Baliw ata to e!" Bulalas ko habang nakaturo sakanya.Akala naman nitong ni ate bagay sakanya maging sales lady.Bagay sakanya sa bar, tapos dun siya sumayaw sayaw."Ay wow kuya, ang rude mo naman sakin. Sa ganda kong to sasabihan moko ng ganyan?" Pagtatanong niya sabay lugay ng buhok pagkatapos inirapan ako."Sales lady right?" Pagtatanong ko."Hala! Mukha bakong sales lady kuya? Amp balakajan kuya," pairap nanaman niya sakin.Akala ko aalis na pero inirapan lang pala ko."Akala ko aalis kana?" Pagtataboy na tanong ko dito."Akala ko aalis kana?" Panggagaya niya. "Bakit sayo pa itong mall, kuya?" Tanong niya pa.Naiinis man sa ugali niyang pinapakita sakin ay hinayaan ko nalang, diko na sana to papatulan kaso pinipikon pako."Ano ba! ginagago mo ba ko babae?" Mariing tanong ko dito.Nakakapikon siya ah, kahit nakakuha na kami ng mga pansin dito ay wala nakong pake."Uy, joke lang kuya, pinapasaya lang kita e," nakangiting sambit niya sakin habang pinagpapawisan."Umayos ka kasi, para kang hindi babae.""Oo na po kuya manong," aniya pa habang nakangiti."Kita mo? Ayan ka nanaman.""Sige na bibilin kona 'yan ng matahimik kana.""Salamat kuyang manong na pogi," pakaway kaway pa niyang sabi sakin.Pailing iling nalang ako habang papalayo sakanya. Abnormal ata ang babae nayon, dapat kona bang siyang idala sa mental?"Eight hundrend pesos, sir," nakangiting pahayag niya sakin.Nagbigay nalang ako ng isang libo para maka alis na agad."Thank you sir," tumango nalang ako sakanya sabay labas.'San kaya ako kakain? Nakakagutom na,' pagkausap ko sa sarili.Habang naghahanap ay parang may pamilyar na tao akong nakita, hindi malayo sa pwesto ko."Tita!" Naka ngiting tawag ko dito."Shawn anak ikaw naba yan? Ang gwapo't ang laki mo na," sabay beso nito sakin."Naku, hindi naman po tita," nahihiyang sabi ko dito."Parehas na parehas kayo ng anak ko, dibale magkikita din naman kayo bukas pag nandon na tayo sa resort.""Resort po tita?" Nagtatakang tanong ko dito.Kunot noo naman ako nitong tinignan bago nagsalita, "Oo anak may bakasyon tayong lahat. Remember taon taon naman 'yon, dahil malapit na ang pasukan kaya pinaaga nalang namin para mag-enjoy naman kayo," mahabang litanya niya sakin."Naku ganoon poba tita, hindi po kasi nabanggit sakin ni tita Liza," kamot ulong tugon ko sakanya.Tinawanan lang ako nito."San ka nga pala pupunta tita?" Pagtatanong ko dito."Naghahanap ako ng puwedeng kainin," sagot niya."Ako man po tita, naghahanap din po ako kung saan ako kakain.""Tamang tama dahil namiss ko ang pagkaing pinoy 'don nalang tayo kumain," aniya."Sige po tita."Habang naglalakad ay kuwento lang ng kuwento sakin si tita tungkol sa anak niya. Matanda lang daw sakin ng isang taon 'yon. Doon sa ibang bansa kasi nag aral ang panganay ni tita. Tuwang tuwa nga daw siya ng nalaman niyang dito na titira kasama sila. Dito na din daw mag-aaral 4th year college na daw anak niya.Ewan lang ah pero pansin ko parang nirereto ako ni tita sa anak niya?Kulang nalang sabihin niya sakin na 'anak arrange marriage na kayo ng panganay ko'.Nahiya pa ata si tita sakin kaya di muna sinabi.Ganoon paman ay nakisabayan nalang ako sa kuwento niya sakin, kung ano ano din ang pinagkukuwento ko kay tita, hanggang sa nahanap na nga namin ang pinoy restaurant na aming kakainan."Sige anak pakabusog ka ah, don't worry my treat," matamis pa na ngiti niya sa akin.Tumango tango nalang ako at nagpasalamat kay tita, "Naku salamat tita.""Hay nako anak, I'm sure talaga na magkakasundo kayo ng anak ko na 'yon," hirit pa niya."Naku ganun poba tita, malay po natin magkasundo po kami," pag alaska ko sakanya."Oo naman anak mabait naman 'yon kuya mo nayun, kaya talagang magkakasundo kayo.""HA HA HA.. excited nadin tuloy ako tita," naiilang na tawa ko nalang dahil sa pangungulit sakin ni tita."Sige kain muna tayo anak," ngiting tugon niya.Ngumiti nalang ako kay tita sabay tango sakanya.Nang natapos na kami ay busog na busog ako, ang sarap talaga ng pagkaing pinoy. Hinding hindi ako magsasawa dito."Anak may pupuntahan ka paba pagkatapos natin dito?" Pagtatanong niya pa."Naku, wala napo tita baka umuwi napo ako. Nag libot lang naman po ako kaya napunta ako dito."Ganun ba anak, osige ingat sa pag-uwi sabihan mo nalang sila Liza na nakauwi nako. Naku sure ako na mas lalong gumanda 'yun bruha nayun," tumatawang pahayag niya sakin."Sige tita, ikaw din ingat po sa biyahe sabihin ko kay tita na nakauwi napo kayo.""So pano bukas nalang?" Tanong pa niya."Opo tita, ingat," tugon ko dito.Nauna nakong tumayo kay tita dahil nagbayad pa siya ng kinain namin. Habang palabas ay napaisip ako sa mga sinabi ni tita sakin. Dalawang linggo pa bago mag simula ang klase? Pero mas mainam nadin para maenjoy nga namin ang huling sandali.Nang makalabas ay pumara nako ng taxi at sinabi ang address namin. Ala una na pala ng hapon? Hayst kahit ayaw ko man ay magkikita at magkikita kami ni Branden.Nang nasa gate nako ng mansyon ay nagbayad at bumaba nako.Papasok palang ako sa pintuan ay tanay ko na sila tito sa swimming pool habang naliligo silang mag-anak. Ang saya saya nilang tignan. Kung buhay pa siguro sila mama, ganyan din siguro kami kasaya."Kuya Shawn Lackey," kaway na tawag sakin ni Lovely.Kumaway nalang din ako habang papalapit sakanila."Kuya ligo tayo," Anyaya sakin ni Kobe habang umaahon."Naku, sige kayo nalang," tugon ko sa pang aaya nila."Halika na kuya," hila na sakin ni Kobe."Pero kas--!""Wag mo pilitin ang ayaw," bitter na singit ni Branden samin.Kaya napalingon kami sakanya na naka kunot noo nanaman. Habang nakatingin ay naalala ko nanaman ang ginawa namin kagabi, kung paano niya ko hinalikan. Pero sa nakikita ko sakanya parang... wala lang sakanya?Namumula akong napayuko dahil hindi ko kaya ang matatalim niyang tingin."Bat kuya, maliligo lang naman kami," ani Kobe."Anong nangyayari dito? Ikaw Branden ano nanaman 'yang ginagawa mo sa mga kapatid mo?" Pagtatanong ng kararating lang na si tita.Umirap nalang si Branden pagkatapos ay umalis na."Hey kuya, ligo na tayo?" Pangungulit na tanong parin sakin ni Kobe.Sasagot na sana ako ng sumingit si tita sa usapan, "Kobe, wag mo ng kulitin 'yang kuya mo. Maliwanag? Ikaw naman anak ihanda mo na ang gamit mo at magbabakasyon tayo sa tagaytay bukas."Tumango nalang ako sabay ngiti dito."So paano akyat nako, Kobe?" Pang aasar ko dito dahil hindi niya ko napapayag na maligo.Nasa hagdan palang ay natatanaw ko nanaman si Branden sa gilid ng pintuan ko.Bumabalik sakin ang mga alala sa mga kaganapang ganito.Hindi puwede maulit ulit 'yon!.Lakas loob akong nagtuloy tuloy na umakyat sa hagdan.Nang malapit na ako sa gawi niya ay napatingin na ito sa akin."Aalis ako at sasama ka sakin," tatalikod na sana siya ng hindi ako pumayag."Ayoko," sabi ko dito."Anong ayoko? Ang sabi ko aalis ako at sasama ka," sagot niya sakin."Ang sabi ko din, ayoko," tugon ko.Kunot noo niya kung tinitigan, na nagtataka sa mga sinasabi ko."Wala kang magagawa, sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo," tiim bagang na pagbabanta niya sakin."Ano ba kuya, ayoko ika e!" Hiyaw ko rito ng hablutin niya ang braso ko at madiin na hinawakan."May mali ba sa sinabi ko? Sasama ka lang sakin pero bat ang arte mo?" Aniya pa sakin na may pagtatanong.Kitang kita ko kung paano magdilim ang paningin niya sa akin. Pero dahil nadala na din ako ng galit ko ay hindi ako nagpatalo."Ayoko nga diba? Ayoko! Ayoko! Kung gusto mo umalis ka mag-isa!" Tumaas na ang boses ko."Potangina!" Galit na hiyaw niya sabay suntok sa pader malapit sa pintuan ko.Nanginginig na ako habang nakatayo malapit sakanya.Galit siya ramdam ko 'yon. Galit ba siya dahil hindi ko siya sinusunod? O galit siya dahil ayaw ko na siyang sundin?Hindi pa siya makaintindi? Pagod ako, pagod ako kakaiwas sakanya tapos sakanya naman pala wala lang ito."Pag sinabi kong sasama ka, sasama ka sakin," aniya pa."Ano ba ang hindi mo na-iintindihan? Ang linaw ng sinabi ko diba? Ayoko pagod ako, nakikita mo? Pagod ako na kakaiwas sayo tapos ikaw naman parang... wala lang sayo ang nangyare, hindi kita maintindihan? Mali ang ginawa natin!" Naiiyak na sabi ko dito."Sa tingin moba ikaw lang ang nalilito sa nangyayare? Tingin moba ikaw lang ang nakakaramdam niyan ngayon? Mas malala ang nararamdaman ko dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko!" Pahiyaw niyang sabi sakin."P-Pero... kuya," umiiyak na sabi ko dito.Anong gagawin ko? Alam kung mali 'to pero... mali nga bang mahalin siya?Iyak lang ako ng iyak sa bawat araw na nagdaan hindi dahil sa nangyari kay Jane kundi dahil naalala kona.Naalala ko na ang lahat.Bat kung kelan huli na?Kung kelan alam kong hindi na puwede.Natatakot ako sa puwedeng mangyari. Sa puwedeng gawin samin ni tito Zleo.Hindi ko na hahayaang mangyari ang dating nangyari.Kahit masakit pipiliin ko ang alam kung tama.At 'yon ang tamang gagawin ko.Sa ilang araw na nagdaan kailangan ko ng kausapin si kuya Branden dahil sa mga naalala ko.Hinanap ko lang siya sa loob ng mansyon nila. Dahil nakauwi na kami pagkatapos ng nangyari.Inikot ko ang buong bahay ngunit hindi ko siya mahanap. Tinignan ko na din siya sa kwarto niya pero wala din siya.Nang makasalubong ko si Zildjian ay tinanong ko siya kung nakita pa niya si kuya Branden.Sinabi lang niya na napansin niyang nasa garden. Kaya dali dali ko siyang pinuntahan dun para maka usap.-----Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin nakakausap si Shawn.Gustong gusto ko na siyang kausapin.
Lumipas ang mga araw at nakauwi na kami dito sa bahay namin.Simula ng may aksidenteng nangyari pansin ko na laging wala sa bahay sila mama at papa.Pansin ko din na hindi na lumalabas ng kwarto si Shawn at bukang-bibig niya ang mga katagang wala siyang kasalanan.Ilang araw na ang lumipas pero ito parin siya takot na takot sa nangyari. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak ng mag isa.Araw araw ganun nalang ang ikot ng buhay namin.Uuwi lang sila mama para tignan kami at pagsabihan si Shawn.Hindi ko alam kung nakakatulong ang ginagawa nila dahil palagi parin umiiyak si Shawn.Hindi ko alam kung sinisisi din ba nila si Shawn o hindi.Pinagbawalan din ako ni papa na lumapit kay Shawn ng hindi ko alam.Minsang sumuway ako ay nakatikim ako sa kanya ng sakit ng katawan.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang sigurado ako.Sinisisi nilang lahat si Shawn.Dahil ang p
Ilang araw ang lumipas. Patuloy ko parin iniiwasan si kuya Branden.Lagi akong nasa labas. Papasok lang ako pag alam kung tapos na silang kumain.Lagi akong nakatambay sa tabing dagat.Naging place ko na 'yon. Bukod sa tahimik, maaliwalas din pag masdan.Hindi naman na naging makulit si kuya sakin. Hinayaan nalang din siguro niya ako.Gusto ko na ngang umuwi. Pero pag naalala ko na sa kanila nga pala ako nakatira ay mas gugustuhin ko nalang dito.Dahil dito malaya akong gawin ang gusto ko. Sa mansyon nila limitado nalang dahil hindi na katulad nun dito.Tsaka mga katulong lang ang makakausap ko dun kadalasan busy pa sa pagtratrabaho kaya ayun lagi lang akong nakakulong sa kwarto. E, dito kahit saan akong pumunta ay malaya kong puntahan.Lakad lang ako ng lakad ng mapansin kung makakasalubong ko si Jane.Si Jane na laging sunod ng sunod kay kuya.Kahit hindi naman na siya pinapansin.
Masaya ang buhay lalo na kung mahal mo ang kasama mo sa bawat araw.Sa bawat araw na nagdaan ay hindi nakakasawang kasama ang taong mahal mo.Naalala ko tuloy 'yong mga araw na lagi kaming magkasama ni Shawn.Lagi kaming nag-lalasing ni Shawn dito parin sa tagaytay. Kung puwede ij,q nga lang araw araw ay ginawa na namin ang kaso bata parin kami. Pasikreto lang ang pag-inom namin lalo na kapag andito sila tito at tita. Tuwing bakasyon ang pinakamatagal na pag-stay nila dito ay dalawang linggo pagkatapos nun. Malaya na kaming dalawa ni Shawn dahil tulad ng nakagawian maiiwan kaming dalawa dito.Na hindi naman na nila tinututulan. Suportado pa nga nila kami dahil nagiging independent na kami. Lalo na sa edad namin ay dapat na matuto na talaga kaming maging independent.Pero kahit ganun sakanila parin ang perang ginagamit namin.Isa din sa dahilan kaya pumapayag sila tito at mama dahil kilala naman nila ang mga tao dito. Hi
Ang dami kung nagawa ngayong araw kakahintay kay kuya.Ala una na pala ng tanghali pero ito ako naghihintay parin sa pagdating niya.Panay ang labas ko lalo na pag may naririnig akong humihintong sasakyan sa mismong tapat ng mansyon na ito.Baka kasi si kuya Branden na.Lumipas pa ang mga oras ay wala paring Branden ang nagpapakita sakin.Panay ang tanong sakin nila tita kung bakit andito lang ako sa labas.Ngiti lang ang sinusukli ko sa mga tanong nila.Paminsan minsan sinasagot ko na naglilibang lang sa labas.Pero alam ko naman na alam na nila kung bakit.Si kuya Marvin bago mag-inuman kinagabihan ay umalis siya kinabukasan kaso hindi ko alam kung kelan ang balik. O, kung babalik paba.Sa ngayon siya na kasi ang umaasikaso ng mga business nila lalo na at nagkaroon ng problema kaya kailangan niyang puntahan.Namimiss ko na din siya dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin.
9:30 am na pala, ayun sa oras na naka rehistro sa phone ko.Nakatulog pala ko kagabi pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya.Ansarap ng tulog ko, wala naman akong nararamdamang hang over. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi pero nalasing parin ako.Naalala ko bigla na hindi nga pala ako sa kwarto ko nakatulog, nang iikot ko ang paningin ko ay napadako ang tingin ko kay kuya Branden na mahimbing na natutulog.'Magkatabi kaming natulog?' Tanong ko sa sarili ko.Parang nabuhayan ang loob ko dahil sa naiisip, hindi ako nilipat ni kuya bagkus hinayaan niya lang ako dito sa kwarto niya. Habang magkatabi kami.Sobrang saya ko sa nararamdaman ko ngayon. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng hindi niya ko pinansin at sinungitan lang niya ko kagabi.Gusto ko siyang lapitan at halikan habang natutulog. Pero natatakot akong magising kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na pagsawaan ang mukha niya.Bumibilis ang tibok n