"Queen, the board meeting will be two weeks from now and I need you to be there," sabi ni Jack habang kumakain kami.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jack dahil wala naman 'yon connection sa akin. Halos isang buwan na mula ng sabihan niya ako na maging representative. Nagre-report ako sa kanya sa bawat meeting na pinupuntahan ko. Updated din siya sa lahat ng nangyayari sa kumpanya. Nakita kong natigilan si Tita Rose sa pagkain at mahigpit ang hawak niya sa kubyertos."Pero bakit Jack?" nagtataka na tanong ko pagkalipas ng ilang segundo.Tumigil si Jack sa pagkain at tumingin sa akin pagkatapos uminom ng tubig. Tumingin rin siya kay Tita Rose na kasalukuyang nakatingin kay Jack. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Aware naman ako kung ano ang tingin niya sa akin. Pinapakisamahan lang niya ako dahil kay Jack."Hindi lingid sa inyong dalawa ang kalagayan ko. Habang lumilipas ang araw ay lalo akong nanghihina at hindi nakakatulong ang mga gamot na iniinom ko. Alam kong sasabihin ninyo na magpa-opera ako pero alam na ninyo ang sagot ko. Tanggap ko naman ang kalagayan ko at ngayon pa lang dapat ay ayusin ko na ang mga kailangan na ayusin," paliwanag niya.Bigla ako kinabahan sa mga sinasabi niya at hindi ko gusto ang naririnig ko. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkadismaya. Ramdam ko ang kawalan niya ng pag-asa na ngayon ko lang nakita sa kanya. Sobrang hinahangaan ko siya dahil sa mga pinakita niya."Jack!" tawag ko sa kanya at nakangiti na tumingin siya sa akin."I need someone to take my place in the company," sabi niya bago tumingin sa akin."Hindi maari Jack. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao. Isipin mo nga bakit kay Queensley mo ibibigay ang responsibilidad sa kumpanya gayong buhay pa ang anak mo," tutol ni Tita Rose at tiningnan ako ng masama."Tama si Tita Rose at saka wala akong karapatan sa mga ari-arian mo Jack," sang-ayon ko.Nagkatinginan kami ni Tita Rose ng biglang mahinang tumawa si Jack. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ni Jack ngayon. Mahirap tanggapin ang kalagayan niya at hindi ako naniniwala na tanggap na talaga niya."Oo nga may anak ako pero ayaw naman niyang akuin ang responsibilidad sa kumpanya. Ayaw nga niyang makita ang Ama niya na may sakit. Ayaw niya sa mga bagay na pinundar ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga taong naka-depende sa kumpanya lalo na ngayon," malungkot na sagot niya."Gusto ko lang naman bago ako mawala nasa ayos ang lahat ng maiiwan ko. Alam ko naman na wala siyang ni katiting na interest sa lahat ng ito kaya hindi na ako umaasa. Hahatiin ko sa inyong dalawa ang maiiwan ko pero may iiwan pa rin naman ako para kay Mark," dugtong niya.Bakas sa mukha ni Jack ang pangungulila at lungkot. Alam kong mabigat sa kalooban niya at pinipilit lang niya magpakatatag. Minsan nahiling ko na sana ay siya na lang ang tunay kong tatay. Alam kong galit si Mark sa ama niya pero hindi ko maiintindihan kung paano niya natitiis ang ama niya kahit pa nga alam nito na any moment pwedeng mawala si Jack. Kahit gaano kalaki ang kasalanan ng isang magulang hindi naman siguro dapat maatim ng anak na mawala ito."Walang puso talaga ng lalaking 'yon." sabi ko sa sarili habang nakatingin kay Jack.Narinig ko minsan si Tita Rose na kausap niya si Mark sa telepono at binanggit niya ang tungkol sa kalagayan ni Jack. Kinubinsi rin niya na umuwi at kausapin ang Papa niya pero mukhang Wala siyang balak gawin iyon. Hindi ko maiwasan ang maawa kay Jack na patuloy naghihintay sa anak niya. Napakabuting tao ni Jack at nakita ko kung paano siya tumulong sa ibang tao. At isa na ako sa mga taong tinutulungan niya hanggang ngayon. May malaki siyang puso para sa lahat at may konsiderasyon sa pangangailangan ng ibang tao."Kakausapin ko ulit siya. Hindi ako papayag sa mga plano mo Jack at siguradong ganoon din siya. Siya lang ang may karapatan at walang ni isang katiting na karapatan ang babaeng iyan," galit na sabi ni Tita Rose at tiningnan niya ako ng masama.Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Tita Rose at may dahilan siya para magalit. Wala naman akong interest sa kayamanan ni Jack at kahit kailan ay hindi ako naghahangad. Hindi sumagot si Jack at sinenyasan niya ako na alalayan siyang tumayo. Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan siya tumayo."Kung ayaw niya Rose hindi ko siya pipilitin. Hindi ko nga siya napilit noon na bumalik ngayon pa kaya na successful na rin siya," puno ng hinanakit na sabi niya bago humakbang at inalalayan ko siya.Sa garden kami humantong ni Jack, dahan-dahan siyang umupo at ng maayos na ang pwesto niya saka ako umupo sa tabi niya. Bakas sa mukha niyang nahihirapan at nalulungkot ako dahil wala akong magawa."Sorry Queen," pilit ang ngiti na sabi niya at hinawakan ang kamay ko."Para saan?" natatawa na tanong ko."Nadamay ka na naman sa problema ko," sagot niya at umiling ako."Ano ka ba Jack alam mo naman na willing akong tumulong hanggang kaya ko. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo sabihin mo lang," sabi ko habang tinatapik ang kamay niya."Pero hindi ako pabor sa sinabi mo kanina. Sobra-sobra na ang binigay mo sa akin at wala akong karapatan sa mga maiiwan mo. Tama si Tita Rose si Mark lang ang may karapatan sa lahat ng ito. Huwag mo sanang ipilit sa akin dahil hindi ko talaga matatanggap 'yon," sabi ko at tumingala siya sa langit."Ano ba ang plano mo Jack?" tanong ko sa kanya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan."Hindi ko rin alam Queen kung anong dapat kong gawin para bumalik si Mark. Alam mo ba noong nalaman ko ang tungkol sa sakit ko naisip ko na baka 'yon ang maging dahilan para makasama ko ulit siya. I was hoping na kahit paano ay may natitira pang pagpapahalaga sa puso niya para sa akin. Hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin kahit pa nga ilang beses na ako humingi ng tawad sa kanya. Bago sana ako mawala gusto ko siya makasama. Mapatawad niya ako para mabawasan ang bigat na dinadala ko. Ilang taon na niya akong tinitiis Quern at masakit 'yon para sa akin. Ganoon ba ako kasama? Hindi pa ba sapat na parusa ang ilang taon na paglayo niya sa akin? Ito na ba ang karma ko?" Alam kong masama akong tao pero hindi ba niya ako mabibigyan ng isa pang pagkakataon?" malungkot na sabi niya.Umiwas ako ng tingin para mapigilan ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Lumaki ako na walang kinilalang Tatay dahil walang binabanggit ang nyanay ko. Kahit pangalan o picture ay wala akong nakuha kahit pa sa pinakahuling oras niya. Ang lagi lang niya sagot sa tuwing magtatanong ako ay hindi ko na dapat hanapin o alamin pa dahil hindi ako naging kawalan sa buhay ng Tatay ko. Dagdag pa niya na kung mahalaga ako sa Tatay ko dapat ay noon pa niya ako hinanap. Sa tuwing mapag-uusapan namin ang tungkol sa kanya ay kita ko ang lungkot sa mukha ni Nanay kaya iniwasan ko na ang magtanong pa. Clueless ako hanggang ngayon kung sino ang Tatay ko at kung ano ang nangyari sa kanila ng Nanay ko."Nagkamali ka noon Jack pero hindi ibig sabihin noon ay masama kang tao. Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit humantong sa ganito pero kailangan lang makapag-usap kayo ng personal para magkaintindihan. Hindi pwedeng habang buhay na lang kayong ganyan dahil magkapamilya kayo. Kailangan lang natin gumawa ng paraan para umuwi siya. Naniniwala ako na kapag nakita ka niya magbabago ang lahat," sabi ko para bigyan siya ng pag-asa."Napakabuti mo na bata Queen kaya naman hindi ako nagsisisi na tinulungan kita. Hindi ka na ibang tao sa akin dahil halos sa akin ka na lumaki kaya anak na ang turing ko sa iyo. Nagpapasalamat ako dahil lumaki kang mabuting tao at may mabuting kalooban. Hindi mo rin ako pinabayaan at ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin na lubos akong nagpapasalamat. Hindi man tayo magkadugo pero para sa akin para na kitang anak," nakangiti na sabi niya.Nagulat ako ng maramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Pasimple akong umiwas ng tingin saka pinahid ang mga luha ko dahil ayaw kong makita iyon ni Jack. Hanggang maari ay ayaw kong mag-alala siya o dagdagan pa ang mga iniisip niya. Hanggang kaya ko ay gagawin ko ang lahat mabawasan lang ang mga problema niya at sakit na nararamdaman."At lahat ng 'yon ay utang ko sa 'yo Jack. Kung hindi dahil sa tulong mo hindi ko alam kung ano ako ngayon. Ikaw ang dahilan kung ano ako ngayon dahil pinalaki mo ako. Tinuruan mo ako mabuhay, sinuportahan at hindi pinabayaan kaya utang ko ang buhay ko sa iyo," sabi ko habang pinipigilan ang luha ko."Pero gusto ko sanang isipin mo rin ang sarili mo for once. Lagi na lang sa kapakanan ng ibang tao ang inuuna mo. Lahat na lang ginagawa mo para sa ibang tao. I really want to see you happy," sabi niya at natawa ako."Masaya naman ako ngayon Jack sa mga ginagawa ko. At saka willing naman akong gawin ang lahat para sa ikaliligaya ng mga taong mahal ko. Ang makita lang sila at kayo masaya, masaya na rin ako. Wala kang dapat ipag-alala sa akin dahil okay lang ako," nakangiti na sabi ko.Totoo naman na masaya ako kapag nakikita ang mga tao sa paligid ko na masaya at sapat na 'yon para sa akin. Nakita ko ang lahat ng 'yon sa Nanay ko noong nabubuhay pa siya. Ginawa niya ang lahat para sa akin noong nabubuhay pa siya at pagtulong niya sa ibang tao kahit na wala ng matira sa kanya. May pangarap din ako at soon ay matutupad ko na iyon. Kapag okay na si Jack pwede ko na sundin ang pangarap ko."Do you trust me Jack?" tanong ko sa kanya.Nagtatanong napatingin siya sa akin at ngumiti ako. May naisip akong plano at sana lang ay magtagumpay ako. Willing akong mag-sakripisyo para kay Jack bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya. Hindi rin kaya ng konsensya ko na umupo lang at walang gawin."Of course I trust you." nakangiti na sagot niya.Sinabi ko sa kanya ang buong plano ko. Umiiling siya pero pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita. Katulad ng sinabi ni Tita Rose hindi papayag si Mark na mapunta sa akin ang kumpanya. Confident ako sa iniisip kong plano at sigurado ako na hindi niya hahayaang mapunta sa akin ang dapat ay sa kanya."No Queen, I won't allow it. This is not your problem to solve. I'll just think of another way but not your plan," umiling na tugon niya."Please Jack, let me help you with this one. Whether mag-succeed ito o hindi kailangan natin subukan. Wala naman mawawala kasi matagal na naman may isyu between us at sanay na ako. Kapag nag-fail promise hindi na ako makialam at hahayaan na kita sa gusto mo. Please," pakiusap ko at tumingala siya saka saglit na pumikit."Okay but you promise you'll stay out of this when it fails," tugon niya at nakangiti na tumango ako."Hopefully mawindang ang pride niya sa gagawin ko and I can't wait kung ano ang gagawin niya," excited na sabi ko at natatawa na umiling naman siya."Pero I must warn you Queen hindi ko alam kung paano siya magre-react sa gagawin mo. I'm just concern na baka may gawin o sabihin siya na hindi maganda sa 'yo," nag-aalala na sabi niya."Para namang hindi mo ako kilala Jack ang dami ko ng napagdaanan na ganyan. Namanhid na ata ako sa tagal ng panahon kaya okay lang sa akin. Ang goal ko is mag-react siya at maapektuhan siya sa gagawin ko," nakangiti na sabi ko saka ko siya tinapik sa balikat."Don't worry this will be fun," excited na dagdag ko.“Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi