"Sigurado ka bang iniinom mo sa tamang oras ang mga gamot mo?" tanong ko kay Jack habang kumakain kami ng almusal.
"Opo." natatawa na sagot niya."Tandaan mo mahigpit ang bilin ng Doctor regarding sa mga gamot mo. Higit sa lahat kailangan ay sundin natin lahat ng bilin niya." Paalala ko sa kanya at nakangiti na tumango-tango siya.Maraming binilin ang Doctor na hindi pwedeng gawin habang hindi pa ito pumapayag sa operation. Nangako naman siya na susundin ang lahat ng iyon. Nag-iisip pa rin ako kung ano ang pwede kong gawin para pumayag siya. Ang sabi kasi ni Dr. Abuel kailangan na talaga maisagawa ang operation dahil hindi na tulad noon ay unti-unti ng humihina ang katawan ni Jack."Mukhang maling course ang kinuha mo Queen dapat pala nursing ang kinuha mo instead of business management," biro niya at inismiran ko na lang."At nagagawa mo pa talagang magbiro ha!" inis na sabi ko bago uminom ng kape."Queensley pwede bang galangin mo naman si Jack." sita ni Tita Rose sa akin at nakakunot ang noo napatingin ako sa kanya.Si Tita Rose ang kapatid ni Jack sa ama, hindi na siya nakapag-asawa dahil sa pag-aalaga sa ama nila. After kong makapagtapos sa kolehiyo ay doon na ako pinatira ni Jack sa mansion nila at sa company na rin niya ako nag-work. Hindi sang-ayon si Tita Rose sa pag-tira ko sa bahay ni Jack dahil iniisip niya na magkakaroon ng isyu tungkol sa amin. Pagpasok ko sa company at paglipat sa bahay ni Jack doon na nga nag-umpisa ang iba't ibang tsismis tungkol sa amin. May mga empleyado sa company nagkalat na isa ako sa mga babae ni Jack o kaya naman ay anak sa labas. Sa paglipas ng taon ay napatunayan ko naman sa lahat na karapat dapat ako na magtrabaho sa company. Ginawa ko na lang ang trabaho ko at hindi ko sila pinansin. Ilang beses na rin nilinaw ni Jack ang balita na kumakalat pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang tsismis."Tita Rose naman hindi pa po ba kayo nasanay at saka si Jack naman po ang may gusto," sagot ko at umiling siya."Oo nga naman Rose dapat ay sanay ka na samin ni Queen. Ang tagal na niya nakatira rito at mas komportable ako. You know naman I'm young at heart," nakangiti na sabi niya at tumawa pa sa huli."Pero Jack 'yan mismo ang dahilan kung bakit hindi mamatay-matay ang tsismis tungkol sa inyong dalawa. Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi nila? Masyado mong sinanay si Queen na gawin lahat ng gusto niya dapat ay may limitation kayong dalawa dahil hindi lahat ng tao alam kung ano ba talaga kayo. Ang laki ng pinagbago mo mula ng dumating si Queen. Hindi ka ba naalarma na baka bumaba ang tingin ng ibang tao sa iyo lalo ng mga empleyado mo," sermon niya kay Jack."Rose, don't think too much. Hindi naman siya ibang tao dahil para ko na siyang anak at kung ayaw maniwala ng ibang tao wala na akong magagawa. It's up to them kung anong gusto nilang isipin. Mas nakakabuti pa nga 'yong tsismis para sa mga product promotion natin. Mas napag-uusapan, mas napapansin hindi ba?" sabi ni Jack at tumingin sa akin.Hindi ko mapigilan ang tumawa dahil sa sinabi ni Jack. Tama rin naman kasi siya dahil good or bad publicity is still publicity. Everytime na may lumalabas na bagong balita tungkol sa akin ay tumataas ang sale kaya naman hinahayaan ko na lang. Wala naman na talaga kami magagawa kung walang gustong maniwala na wala kaming relasyon ni Jack. Nasasanay na rin ako sa mga tsismis dahil hindi lang naman kay Jack ako na link."Korek ka dyan! More tsimis more sale," natatawa na sagot ko at nag-high five kami ni Jack."Kaya lalong lumayo ang loob ni Mark sa 'yo." bulong ni Tita Rose.Nakita kong natigilan si Jack, kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pangungulila sa taong nabanggit ni Tita Rose. Hindi ko pa personal nakikilala ang anak niya dahil sa U.S na siya nag-aral mula ng mamatay ang nanay niya. Hindi kasi kami madalas magkita ni Jack noong panahong nag-aaral pa ako. Pinakuha niya ako ng bank account at doon ipinapadala ang panggastos na kailangan ko. May mga picture siya sa bahay pero noong bata pa siya. Hindi rin nagkukwento si Jack tungkol sa kanya kaya wala akong idea kung ano ba ang nangyari sa mag-ama. Minsan ko ng tinanong si Tita Rose pero tinaasan lang niya ako ng kilay at sinabi na wala akong karapatan. Walang imik na tumayo na si Tita Rose at nag-walk out. Inobserbahan ko si Jack pero tahimik lang siya at halatang malalim ang iniisip."Queen hindi muna ako makakapag-report sa company for the meantime. I need you to attend all the meetings and appointments as my representative. Busy si Rose para sa launching ng new collection kaya ikaw na lang muna," utos ni Jack at tumango-tango ako."Okay Jack. I'll let Joshua call Felix regarding my schedule," tugon ko.Si Joshua ang best friend ko and at the same time make up artist / manager ko. Si Danica at Joshua ang taong pinagkakatiwalaan ko bukod pa kay Jack. Ilan lang sila sa mga taong nakakakilala sa akin ng lubos. Aminado naman ako na hindi ako friendly na tao at lalong hindi ako marunong magpa-please ng tao para lang masabi na mabait. Prangka akong tao dahil sinasabi ko kung ano ang gusto ko at alam kong tama. Kumbaga what you see is what you get. Marunong naman ako makisama pero depende sa taong pakikisamahan ko."Speaking." Bulalas ko ng makita ang pangalan ni Joshua sa screen ng phone ko."Yes?" sagot ko."You're all over the net again My Dear," sagot niya at napaisip ako kung anong ibig niya sabihin."What do you mean?" nagtataka na tanong ko at nakita kong napatingin si Jack sa akin.Muntik ko ng makalimutan hindi nga pala siya pwedeng ma-stress. Nakangiti na umiiling ako para ipaalam sa kanya na huwag mag-alala. Nag-excuse muna ako at naglakad papunta sa garden para ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Joshua. Ayaw ko marinig ni Jack kung anuman ang pag-uusapan namin dahil siguradong magtatanong siya."Pwede bang linawin mo ang sinasabi mo," sabi ko at narinig kong huminga siya ng malalim"Remember the Charity Ball last week?" tanong nito at lalo akong napaisip."Ano naman ang tungkol doon? Pwede ba Joshua huwag mo gawing installment sabihin mo na kung ano ang gusto mo sabihin at hindi ako manghuhula. Just tell me what's all about it," gigil na sagot ko."Check the net now and you'll see what I'm talking about," sagot niya at tumingala ako para pigilan na sigawan siya."Seryoso ka ba? Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang?" inis na tanong ko."Just do what I say, okay?" yamot na tugon niya at huminga ako nang malalim.Matagal ko na kilala si Joshua at hindi naman siya magsasayang ng oras kung hindi importante. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko para kunin ang tablet. Agad kong binuksan ang ang site na sinabi ni Joshua."Ano! Nakita mo na ba?" sigaw ni Joshua sa kabilang linya.Hindi na ako nagulat sa nakitang mga pictures. Kuha 'yon sa isang Charity event na pinuntahan ko last week. Sa mga picture ay makikita ang isang lalaki nakaluhod sa harap ko. May mga kuha ring nakayakap ang lalaki sa akin at marami pang iba na magkasama kami. Naka-blurred ang mukha ng lalaki sa picture pero obvious naman kung sino ang tinutukoy sa caption."So?" balewalang tugon ko."Anong so? Hindi mo ba nabasa ang nakalagay diyan sa article at ang mga comment. Wala hiya talaga 'yang lalaking 'yan hindi ka ba talaga niya titigilan. Halata naman na ginagamit ka lang niya para sumikat. Ang kapal ng mukha niya! Sigurado ako na binayaran niya ang mga iyan para kuhanan kayo ng pictures at mapag-usapan. Wala na ba siya maisip na paraan at kailangan ka pa niya idamay," galit na sabi ni Joshua at hindi ko mapigilan ang tumawa.Naiimagine ko ang reaksyon ni Joshua sa mga oras na 'yon. Siguradong halos lumabas na ang litid niya sa leeg dahil sa galit."At nakukuha mo pa talagang tumawa, Queen? Naiintindihan mo bang masama na naman ang dating nito sa image mo dahil sa ginawa ng gagong 'yon. Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana ako pumayag na pumunta ka pa sa event na 'yon. Hindi ka ba talaga niya titigilan? Hindi ba niya alam na nakakaapekto sa 'yo ang mga pinaggagawa niya at saka hindi ba siya nahihiya?" sabi niya at napasimangot lang ako.Mula ng lumabas ang balita na isa ako sa mga babae ni Jack marami ng lalaki ang naghayag ng interest at halos lahat sa mga 'yon ay mga married men. Katulad ng nasa picture isa ito sa matagal ng nangungulit sa akin. Isa itong kilalang tao kaya naman laging malaking issue kapag nagkikita kami. Sikat siya na artista noon pero until-unti nalaos mula ng mag-asawa. Ngayon ay bumabalik ulit sa showbiz pagkatapos makipaghiwalay."It will be a waste of time kung magpaliwanag pa ako. As if naman maniwala sila sa mga sasabihin ko at tanggapin nila. Mas lalo lang pag-uusapan kung magbibigay pa ako ng statement. Hayaan mo na lang at mamamatay rin 'yan katulad ng ibang balita. Huwag mo na lang mababanggit kay Jack dahil ayaw kong mag-alala na naman siya," sagot ko kay Joshua.Hindi na siya sumagot at alam kong disappointed na naman siya sa akin. Lagi niyang sinasabi na hindi ko dapat hayaang masira ang reputasyon ko lalo na sa mga bagay na hindi ko ginawa. Para naman sa akin bakit kailangan ko pa mag-aksaya ng oras kung alam ko naman na hindi rin naman sila maniwala."Okay. If you say so," sabi niya pagkatapos magpgkawala ng malalim na buntong hininga."Ano ka ba Joshua by this time dapat sanay ka na. Useless lang kung papatulan pa natin ang mga tsismis kaya huwag mo ng isipin at baka mastress ka lang," natatawa na sabi ko."Okay Queen as long as okay ka," tugon niya."By the way Joshua fix my schedule for this week baka ilang araw na hindi ako available," sabi ko."Bakit?" nagtataka na tanong niya."Kailangan kasing magpahinga ni Jack at hindi pa siya pwedeng magtrabaho. Ako na muna ang aattend sa ibang meetings at appointment niya kasi hindi pwede si Tita Rose. Send ko sa 'yo later ang magiging schedule ko pagdating ko sa office," tugon ko."Kumusta na nga pala si Sir Jack?" tanong niya."Ayon matigas pa rin ang ulo ayaw talaga magpa-opera kahit anong pilit ko naiinis na nga ako. Wala pa nga akong maisip na paraan para mapapayag ko siya kasi ang sabi ni Dr. Abuel kailangan na talaga bago pa maging complicated ang condition niya," sagot ko."For sure nag-uusok na naman niyan si Madam Rose kasi ikaw ang sinabihan ni Sir Jack," sabi niya at natawa ako."Hay naku sinabi mo pa. Alam mo naman 'yon wala ng ibang nakita kung hindi ako. Hindi ko na lang pinapansin ang mga parinig niya dahil ayaw kong mastress pa si Jack sa aming dalawa," tugon niya."Nasubukan mo na ba ulit tawagan ang only son niya?" tanong niya at nakaramdam na naman ako ng pagkainis."Alin? Iyong taong bato na 'yon? Hinding-hindi hindi ko na ulit siya tatawagan kahit siya pa ang huling tao. Wala siyang kwentang anak dahil natitiis niya ang Ama niya. Alam na niya ang situation ni Jack pero balewala lang sa kanya. Gets ko naman na galit siya pero hindi ba niya naisip na pwedeng mawala ang Ama niya. Pasalamat nga siya kasi may Ama siya samantalang may ibang tao na lumaking nangungulila sa Ama," inis na tugon ko."Sabagay kahit anong galit dapat ay magpakita pa rin siya ng malasakit. Pero hindi naman natin alam ang buong kwento kaya hindi natin siya pwede husgahan," katwiran niya at umiling ako."Hindi katwiran iyon Jack para sa akin wala siyang kwenta kasi sarili lang niya ang iniisip niya. Bahala na siya sa buhay niya basta gagawa ako ng paraan," determinado na tugon ko.“Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi