Pagkatapos putulin ni Queensley ang tawag ay binato ko sa pader ang hawak kong telepono. Hindi ko na control ang emosyon ko habang kausap ko siya. Hindi ko rin inaasahan ang mga sinabi niya kaya mas lalo ako nakaramdam ng galit. Binalaan na ako ni Auntie Rose na anytime ay tatawagan ako ni Queensley kaya kahit paano ay expected ko na ang maging pag-uusap namin. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na hindi ako mag-paapekto sa lahat ng sasabihin niya. Sobrang nagulat ako nang banggitin niya ang tungkol sa kasal dahil wala naman nabanggit si Auntie Rose. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko na hindi makuntento ang babaeng iyon at gustuhin na makuha ang lahat. Kumpiyansa ako na hindi magagawa ni Papa iyon at kahit paano ay pinanghahawakan ko ang sinabi niya na parang Anak lang ang tingin niya kay Queensley.
"Who the hell she think she is!" galit na sigaw ko."Is everything okay, Sir?" nag-aalala na tanong ng Secretary ko pagpasok sa opisina ko.Nakita kong gulat na gulat siya ng makita ang wasak na telepono sa sahig. Nagtaka rin siguro siya sa nakita niyang ekspresyon ng mukha ko. Ngayon lang niya ako nakita sa ganoong situation. I always think first before I act. I never do things without thinking."Book me a flight next week to the Philippines. Set me a meeting with all the board members as soon as possible before I go to the Philippines. I need all the financial report by tomorrow," utos ko at tumango siya.Kailangang ayusin ko muna ang mga iiwan ko dito bago ako pumunta ng Pilipinas. Whether matatagalan o saglit lang ako hindi ko po masasabi unless makita ko ang situation. Ngayon pa lang kailangan ko na mag-isip ng paraan para makumbinsi si Papa na iwan si Queensley. Ito na Ang panahon para tapusin ang ilusyon niya na makukuha niya ang lahat."Okay Sir," sagot ng Secretary ko bago lumabas ng opisina ko.After mamatay ni Mama noong nasa highschool ako ay nakiusap ako kay Auntie Rose na sa Canada na lang ako magpatuloy ng pag-aaral. Hindi ko kasi kayang makita at makasama si Papa dahil siya ang dahilan kung bakit nawala si Mama. Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang sakit ng nakaraan. Iyon ang dahilan kung bakit never akong nag-reach out sa kanya. Nawalan na ako ng pakialam sa kanya at mas pinili ko na mamuhay ng mag-isa at malayo sa kanya. Tanging ang pera na iniwan ni Mama sa akin ang ginamit ko sa pag-aaral. Hindi ko tinanggap ang mga binigay niya na tulong dahil gusto ko patunayan sa kanya na kaya ko na wala siya. Nagsumikap akong mabuhay ng mag-isa at hindi ako sumuko. Dahil na rin sa sipag at tiyaga ay naitayo namin ng bestfriend kong si Melmar ang architectural firm na ngayon ay kilala na. Nag-umpisa lang sa maliit na kumpanya pero ngayon ay isa na ang kumpanya namin sa kilalang firm dito sa Canada."Hindi ako papayag na tuluyan mong sirain ang buhay ni Papa. Gagawin ko ang lahat para ikaw na mismo ang umalis sa buhay ni Papa at sa buhay namin. Kung noon ay wala akong ginawa para pigilan ka ngayon hindi ka magtatagumpay sa mga plano mo. You have done enough and it's time for you to disappear," nakakuyom ang isang kamay na sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.Ilang beses ko naman sinubukang umuwi para personal na alamin ang condition ni Papa pero nauuna pa rin ang galit sa puso ko. Bumabalik sa alaala ko ang mga panahong nakikita kong nahihirapan si Mama. Kahit paano ay nag-aalala ako sa kalagayan ni Papa lalo ng malaman ko ang sakit niya. Kahit na galit ako sa kanya hindi ko naman hiniling na mapahamak siya. Laking pasasalamat ko na lang dahil never iniwan ni Auntie Rose si Papa. Si Auntie Rose ang laging nag-uupdate sa akin sa mga nangyari kay Papa. Lahat ng bagay tungkol sa kanya ay alam ko lalo na sa mga babae na kasama niya. Nanunumbalik ang galit ko sa tuwing nabalitaan ko ang tungkol sa mga nakakarelasyon niya. Updated din ako sa mga ginagawa ni Queensley."Hindi ako makakapayag na makukuha mo ng ganoon na lang lahat ng pinaghirapan ni Papa. Tama nga si Auntie Rose tuluyan ng nahumaling sa 'yo si Papa pero matatapos na iyon. hinding-hindi ko hahayaang mangyari ang gusto mo," sabi ko pagkatapos kong ilagay ang mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.Hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuha na sagot kung bakit tinulungan ni Papa ang babaeng iyon. Ang kala namin ay anak siya ni Papa sa labas pero nakumpirma rin namin na hindi. Ilang beses ko na rin tinanong si Papa pero lagi lang niya sinasabi na darating din ang tamang oras para malaman ko. Ang tangi ko lang naalala ang sabi ni Auntie Rose na anak ito ng babaeng naging dahilan kung bakit nagpakamatay si Mama. Base sa kwento ni Auntie Rose isang prostitute ang Nanay ni Queensley kaya hindi na katakataka na ganoon din siya. Alam kong hindi ko dapat husgahan ang dalaga dahil hindi ko pa naman siya personal na kilala. Sapat na ang mga balita para malaman ko na hindi siya mabuting babae. Nang nalaman kong pinag-aaral siya ni Papa mas lalo lumayo ang loob ko sa kanya. Nakakainis lang dahil parang Anak na ang turing niya kay Queensley samantalang hindi niya magampanan ang responsibilidad niya sa akin. Nawalan na ako ng gana kaya hindi na ako nakikialam sa mga desisyon ni Papa dahil alam kong hindi naman siya makikinig sa akin. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagkatok sa pinto kaya napalingon ako."Excuse me Sir, your Auntie is on the line," sabi ng secretary ko at tumango ako saka lumapit sa lamesa ko."Why didn't you tell me about the wedding?" tanong ko agad pagkaangat ko ng telepono."What wedding?" nagtataka na tugon ni Auntie Rose at bigla akong napaisip.Ibig sabihin wala pang nakakaalam tungkol sa plano nila. May pagkakataon pa ako na pigilan ang plano nila para hindi matuloy. Kailangan ay makagawa na ako ng hakbang bago pa nila official na ipaalam sa lahat ang tungkol sa kasal nila."Mark, what wedding?" tanong ni Auntie Rose ng hindi ako tumugon.Siguradong mag-hystical si Auntie Rose kung sasabihin ko agad sa kanya ang plano ni Queensley. Masisira ang plano ko kapag nalaman niya dahil siguradong kakausapin agad niya si Papa. Kailangan ay planuhin kong maigi ang lahat to make sure na mawawala nang tuluyan sa buhay namin ang babaeng 'yon."Sorry Auntie, I thought it was Melmar on the line," pagsisinungaling ko."Mark sigurado ka na ba talaga na hindi ka uuwi ng Pinas? Nagpatawag na ang Papa mo ng board meeting last month na cancel nga lang dahil sa biglang pagsama ng pakiramdam niya. Mark natatakot ako na baka ibigay talaga niya sa babaeng 'yon ang lahat ng maiiwan niya na para sa iyo. Hindi ako makakapayag na gawin 'yon ng Papa mo pero alam mong wala akong karapatan na pigilan siya. Sa nakikita ko tuluyan na talaga siyang nahumaling kay Queensley. Pinapasunod niya at pinapaikot ang Papa mo. Kaya niyang gawin ang lahat at wala akong magawa para pigilan siya lalo ngayon, "sabi niya at nakuyom ko ang kaliwang kamay ko."Hindi niya talaga titigilan si Papa Auntie hanggang hindi niya nakukuha ang lahat," galit na sabi ko."Kaya nga mas dapat umuwi ka Mark dahil sa 'yo lang dapat mapunta ang lahat ng pinaghirapan ng magulang mo. Ikaw lang ang may karapatan sa lahat at hindi ang babaeng iyon. Narinig ko kahapon na pinapapunta niya si Atty. Aparte para ayusin ang mga papeles," sabi niya at saglit ako natigilan.Last time na tinawagan ko si Atty. Aparte para magtanong ang sabi niya na kalahati ng mga asset niya ay mapupunta sa iba't ibang foundation. Ang bahay namin ay mapupunta kay Auntie Rose at ang company sa akin mapupunta. Madadagdagan ang share ni Queensley sa kumpanya. Hindi ako nababahala pero pagkatapos namin mag-usap kanina ay mukhang mababago na ang lahat."I'll just wrap things here Auntie and I'll come home soon. Don't worry Auntie, I will do everything to stop his foolishness. I won't let that girl get everything. Don't worry too much Auntie Rose and leave everything to me," sagot ko."Really Mark?" gulat ba tanong niya."Yes Auntie, I'll just inform you when. Don't tell him yet. I want to surprise them," nakangiti na sabi ko."Naku for sure matutuwa ang Papa mo kapag nalaman niyang uuwi ka na. Mabuti naman at naisip mo na umuwi dahil Ikaw lang ang makakapigil sa kanya. Sana lang ay makumbinsi mo siya na magpa-opera at alisin na niya ang babaeng iyon sa buhay natin. Ikaw lang ang pag-asa ko para tuluyang malinawan ang Papa mo at matapos na ang kahibangan niya," masayang sabi niya."Don't worry Auntie, I will do whatever it takes to get her out of our life. I'll see you soon just keep me updated," puno ng determinasyon na tugon ko at nagpaalam na kami sa isa't isa.“Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi