공유

Chapter 5

last update 최신 업데이트: 2022-12-22 22:05:34

"Tatawagan ko na ba siya?" tanong ko habang nilalaro ang telepono sa kamay ko.

"Paano kung tama ang sinabi ni Eugene? Paano kung hindi ko nga siya makumbinsi?" alanganin na sabi ko saka pinatong ang telepono sa ibabaw ng lamesa.

Sinabi ko kasi kay Eugene ang plano ko na kausapin si Mark para kumbinsihin siya na umuwi ng Pilipinas. Nararamdaman kong si Mark lang talaga ang makaka-kumbinsi kay Jack na magpa-opera at saka para na rin magkaayos na ang dalawa sa hindi nila pagkakaintindihan. Tinakot ko siya na mag-resign ako at magpapakalayo kapag hindi siya makinig sa akin pero hindi man lang siya natinag. Good luck and I'm happy for you ang tanging sagot niya. Wala na kasi ako maisip na paraan at habang tumatagal ay mas nagiging kritikal ang sitwasyon niya. Tulol man si Eugene sa plano ko pero ito na lang ang naiisip kong paraan. Wala na akong oras at kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat.

"Pero hindi ko naman malalaman kung ano ang magiging reaksyon niya kung hindi ko siya kakausapin." kontra ko naman pagkalipas ng ilang sandali.

Kinuha ko ang phone ko at umayos ng upo. Saglit muna ako pumikit saka huminga ng malalim bago ako nag-dial. Binigay ni Tita Rose ang number niya kahit pa nga may alinlangan siya. Never ko pa nakita at nakausap ng personal si Mark kaya wala akong idea kung ano ang itsura pati na rin ugali niya. May nakikita akong mga picture niya pero hanggang doon lang. Ang pagkakaroon ni Jack ng iba't ibang babae ang tanging naisip ko na dahilan kung bakit galit siya. Sinabihan naman ako ni Jack na posibleng may sabihin si Mark na hindi maganda kaya hinanda ko ang sarili ko. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin niya ang mahalaga sa akin ay makuha ang atensyon niya. Nakailang ring na pero wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Naisip ko na baka busy siya kaya hindi sumasagot. Papatayin ko na sana at plano ko na lang na tawagan sa ibang araw.

"Hello!" mahina na bati ko ng biglang mag-open sa kabilang linya pero nagtaka ako ng wala naman tumugon.

"Hello?" nagtataka na sabi ko ng wala pa ring sumasagot.

Tiningnan ko ang phone ko sa pag-aakala naputol na ang tawag pero ongoing pa rin. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng inis dahil halata namang may nakikinig sa kabilang linya. Tumayo ako at pumunta sa balkonahe para mabawasanan ang pag-init ng ulo ko. Kailangan maging kalmado lang ako para maging maayos ang pag-uusap.

"Hello. Can I speak to Mr. Mark Joseph Donovan?" tanong ko na hindi ko naitago ang pagkainis kaya saglit ako napapikit.

"What do you want?" halos pasigaw na tanong ng taong nasa kabilang linya.

Hindi na ako nagulat sa tono ng pagtatanong niya dahil sigurado akong sinabihan na siya ni Tita Rose na tatawag ako. Expected na niya ang tawag ko kaya hindi na siya nag-abala na alamin kung sino ako. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ulit ang sarili bago ito sagutin.

"Queen tandaan mo kailangan mo siyang makumbinsi no matter what. Kailangan mo habaan ang pasensya mo," paulit-ulit na paalala ko sa sarili.

"Gusto ko sanang mag-usap tayo tungkol kay Jack. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na kritikal na ang kalagayan niya. He badly need the operation as soon as possible. Sabi ng Doctor his heart is not doing well and as days goes by lalo siyang nahihirapan. Hindi na umeepekto ang mga gamot na iniinom niya," sabi ko at bigla siya tumawa kaya natigilan ako.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" inis na tanong ko sarili habang tumatawa pa rin siya.

"May angking kabastusan pala ang lalaking ito." Gigil na sabi ko sa sarili.

"Jack?" nakakaloko na tanong niya at nakakunot ang noo ko.

"So you're calling me now because you want me to convince him for your own benefit. Now you're afraid that if he dies you'll be left with nothing," sarkastiko na tugon niya and I just rolled my eyes.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko dahil hindi iyon ang inaasahan ko. Hindi ko lubos maisip na makitid pala siya mag-isip. Imbes na kalagayan ng Ama niya ang isipin ibang bagay pala ang inaalala niya. Kung nasa harap ko lang ang lalaking ito malamang ay nasampal ko na siya sa sobrang galit. Curios tuloy ako kung ano kaya ang sinasabi ni Tita Rose sa kanya tungkol sa akin.

"Gago ka nga. Mas iniisip mo pa ang ibang bagay kaysa sa kalagayan ng sarili mong Ama. Ganyan ka ba kawalang puso para tiisin na hindi siya makita kahit alam mong any moment pwede siyang mawala. Hindi mo ba alam na nangungulila siya sa iyo. Hinihintay ka niya umuwi para makasama ka pero ang taas ng pride mo. Napaka-selfish mo dahil hindi mo man lang naisip na baka nahihirapan at nasasaktan din siya. Sa panahon ngayon mas kailangan niya ng karamay at higit sa lahat ay kailangan ka niya. May responsibilidad ka pa rin sa kanya bilang anak niya," nanggigil na sabi ko.

"Are you sure he needs me? I don't think so. He just wants to clear his conscience. Mukha namang marami kayong nagmamahal sa kanya especially you kaya you don't need me to be there. Well, I should be thanking you for not leaving him. He almost gave you everything and I won't be surprised if the day comes I'll see your name on his will. But let me warn you Queen it won't happen and I won't let it happen. You can fool him and anyone but not me. I won't let you walk away easily with his properties," sabi niya.

"Good to know na kahit paano ay nag-aalala ka pa rin kay Jack. Mukhang updated ka naman sa mga nangyari kay Jack kaya hindi ko na kailangan banggitin ang iba pang bagay," natatawa na sabi ko.

Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya. Tamang-tama lang ang naisip ko na plano at ngayon sigurado na ako na magiging matagumpay iyon. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako, maiinis o magagalit sa oras na 'yon. Kahit pala paano ay may alam ito sa mga nangyari kay Jack at mukhang mas higit pa. Sabagay alangan naman na pabanguhin ni Tita Rose ang pangalan ko.

"I know everything and I also know what you are up to. You're the kind of person who will do everything just to have it all. Hindi ka titigil hanggang hindi mo nakukuha ang lahat at gusto mo na sa iyo lang lahat ang atensyon. I don't know kung nagbubulagbulagan lang ba si Papa o ginayuma mo siya para gawin niya lahat ng ito. Sigurado ako na masayang-masaya ka ngayon dahil hindi ka na mahihirapan pa," sabi niya at nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko para pakalmahin ang sarili ko.

Sanay na akong hinuhusgahan ng ibang tao pero kahit ganun ay nasasaktan pa rin ako. Pero okay lang 'yon sa akin dahil kilala ko ang sarili ko at hindi ko kailangan ipagsigawan kung ano ako.

Tanging malapit na tao lang ang nakakakilala sa akin at sapat na iyon para sa akin. Hindi ko naman kailangan pasayahin at gumawa ng mga bagay para lang magistrate ako ng ibang tao.

"Wow, hindi pa man tayo personal na nagkikita pero may assessment ka na agad sa akin. Sabagay ang mga taong katulad mo na makitid ang pag-iisip hindi mag-aaksaya ng panahon na kilalanin muna ang tao bago husgahan," natatawa na sagot ko.

"Kaya ako tumawag gusto ko lang naman malaman kung tutulungan mo ba akong kumbinsihin si Jack o hindi," sabi ko at siya naman ang tumawa ng malakas.

"Nababaliw na siguro ang taong ito." sabi ko sa sarili habang hinihintay ang sagot niya.

"No!" mariin na sagot niya.

"Okay. Siguro kailangan na naming madaliin ang pag-aasikaso ng kasal," nakangiti na sabi ko.

"What?!" malakas na sigaw niya at hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Dapat kasi after pa ng recovery niya kami magpapakasal pero ngayong mukhang kailangan na namin madaliin. Thinking of it mas dapat palang hindi na magpagamot si Jack para mas mapabilis ang lahat," nakangiti na sabi ko pa.

"Don't you dare do that. I won't let you have it all just like that." sigaw niya

"Bakit hindi Mark wala namang ibang tao na pwede niyang pag-iwanan. Ang kaisa-isang tao na dapat magmamana ay hindi naman interesado. Willing naman akong tanggapin ang laha at wala namang problema sa akin," tugon ko.

Galit na galit siya sa idea na iiwan sa akin ni Jack ang lahat. Gagamitin ko ang pagkakataon na ito para mapauwi siya ng Pinas. Kung kinakailangan na magpanggap ako na fiancée ni Jack ay gagawin ko.

"Hindi nga talaga ako nagkamali na pera lang talaga ang habol mo sa kanya. Ito ang tandaan mo gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang mga plano mo. Hindi kita hahayaan na magtagumpay kaya huwag ka muna magsaya," sabi niya at pinigilan ko ang tumawa.

"Huwag ka ng mag-abala Mark I'll take care of everything from here. Aalagaan ko si Jack hanggang sa huli para naman hindi sayang ang mga iiwan niya sa akin. Hindi mo na rin kailangan umattend kasi alam kong sobrang busy ka. I'll just send your regards to him. Don't worry hindi ka naman mawawala kasi anak ka pa rin naman niya," sabi ko.

"Bye Mark." paalam ko

Hindi ko na hinintay ang tugon niya at agad na tinapos ang tawag. Sapat na ang reaksyon niya para malaman ko na tagumpay ang plano ko. Kailangan ko na lang hintayin ang pagdating niya. Sigurado akong nag-iisip na si Mark sa oras na ito ng paraan para hindi matuloy ang kasal kuno na sinabi ko.

"Success!" Masaya na sigaw ko.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (4)
goodnovel comment avatar
Ms. Sagittarius
effective kaya ang plano ni Queen? hehehe
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hahaha Sana nga mapauwi mo si Mark sa plano mo Queen
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
hahaha effective ang plano mo Queen
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 90

    “Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 89

    “Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 88

    “You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 87

    “Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 86

    “Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 85

    “Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status