Share

Chapter 10

"ANO ANG pumasok diyan sa kokote mo, Uno at hinayaan mong magkaroon kayo ng relasyon ni Ellie?!" galit na galit na tanong kay Uno ng kaniyang ama.

Binalita ni Sandra na official na sina Uno at Ellie. Kaya naman inis na inis si Uno kay Sandra dahil pinangunahan na siya nito. "Noong una, sinabi niyong magkaibigan lang kayo. Ilang beses kitang pinaalalahanan sa bagay na iyan. You are bound to marry Sandra. Kilala mo si Dad. Kapag sinabi niya, wala nang makakapagpigil sa bagay na iyon. Pauwi na sina Dad at Mommy next month. Ayusin mo 'to!" dagdag na saad ng daddy ni Uno sa kaniya.

Napapikit siya nang mariin sa narinig mula sa ama. Talagang pinahirapan siya ngayon ni Sandra. Maayos naman noong una ang usapan nila ni Sandra, pero ngayon siya pa mismo ang nagpapagulo sa sitwasyon nila.

"Hayaan mo na kasi ang anak natin kung sino ang pipiliin niya, Lorenzo. Hindi basta-basta ang pagpapakasal. Mas gusto ko si Ellie para kay Uno. Our son loves her," ani Criselda, ang ina ni Uno.

Tumayo ito sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status