Share

Love Me Again
Love Me Again
Author: Pam Quen

Chapter 1

ELLIE

PASADO alas sais na ng gabi. Siguradong mahihirapan na naman akong makasakay nito. Nagmadali na akong lumabas ng gusali nang pinagtatrabahuhan ko sa Ayala dahil siguradong marami ng tao ang naroon sa sakayan ng mga pampublikong sasakyan.

Rush hour na at Friday pa. Sobrang mahirap makasakay nang ganitong oras at ganitong araw. Bukod pa doon ay napaka-traffic dahil uwian ng mga nagtatrabaho sa mga opisina. Kung minsan nga ay nilalakad ko na lang simula Ayala hanggang sa apartment ko sa Pasay kapag wala talaga akong masakyan. Kahit pagod ako ay naglalakad ako dahil wala akong choice kung gusto kong makauwi agad.

“Ellie, wait!” tawag sa akin mula sa likuran ko. Agad akong napahinto at nilingon ang tumawag sa akin.

Si Reese, ang bestfriend ko at katrabaho. Matagal ko na siyang kaibigan simula High School pa lang kami. Nagmamadali ang paglakad nito tungo sa kinaroroonan ko.

Napangiti ako sa kaniya habang nakatingin sa paglapit niya.

“Bakit, Reese?” tanong ko sa kaniya kahit 'di pa siya tuluyan na nakakalapit sa akin.

“Ellie, sumama ka na sa amin ni Mark ngayon. Kakain lang tayo sa labas tapos mag-iinuman saglit. Sabado naman bukas kaya sumama ka na, please?" kumbinsi niya sa akin.

Kanina pa niya ako kinukulit na sumama pero tinanggihan ko dahil hindi ako mahilig sa mga maiingay na lugar lalo na sa bar. Third wheel lang din naman ako sa date nila.

Napaisip ako saglit. Wala naman akong gagawin ngayon sa bahay pero tinatamad talaga akong lumalabas. Parang mas gusto kong manood na lang ng movie sa apartment ko.

“At saka, hindi ka rin naman makakasakay agad ngayon kasi rush hour at Friday. Sobrang traffic pa. Imbes na maghintay ka na makasakay, sumama ka na lang para hindi sayang ang oras mo.” Pangumbinsi niya. Ang kulit talaga nitong kaibigan ko.

Napailing ako. “Next time na lang, Reese. Wala ako sa mood na uminom ngayon. Next Friday na lang.”

“Kahit sumama ka na lang kumain sa amin ni Mark ngayon. Pagkatapos kumain, ihahatid ka na namin kung ayaw sumama na uminom.”

I heaved a sigh. Ang hirap din minsan tanggihan ang kakulitan nitong kaibigan ko. Besides, nakakaramdam na rin naman ako ng gutom ngayon. Tama nga siya. Masasayang lang ang oras ko sa paghihintay ng jeep. Ngumiti ako at tumango.

“Sige na nga. Sasama na akong kumain sa inyo, pero hindi ako iinom. Ihatid niyo na ako pagkatapos nating kumain.”

Lumapad agad ang ngiti niya sa labi sa sinagot ko sa kaniya. Parang excited siya na ewan. “Hindi ka magsisisi, Ellie. Siguradong mag-eenjoy ka ngayong gabi.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko na lamang tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Madalas naman kaming kumain sa labas kaya nagtataka ako sa sinabi niyang mag-eenjoy ako. Tumunog ang phone niya na hawak at sinagot agad.

“Hello, Mark. Oo sasama na si Ellie,” sabay ngiti ni Reese sa akin. Excited talaga ang mukha niya at masaya. “Ikaw, kasama mo na ba siya?”

Napakunot ulit ako ang noo. Sino kaya ang tinutukoy ni Reese na kasama ni Mark?

Malakas ang kutob ko. Mukhang may iba kaming kasama at siguradong irereto nila sa akin iyon ni Mark. Boyfriend ni Reese si Mark at kaibigan din namin simula high school. Naging kaibigan ko lang iyon dahil kay Reese.

Wala pa akong naging boyfriend ever since kaya gano'n na lang nila ako mai-reto kung kani-kanino. Napa-oo ako ng wala sa oras. Sinasabi ko na nga ba at may binabalak talaga itong si Reese na kalokohan. Kaya pala hindi ko feel na sumama kanina pa.

“Okay, good. Sa harap ng building ka na lang namin hintayin ni Ellie. Okay, bye!” paalam ni Reese kay Mark sa telepono.

“Ellie, sa harap na natin abangan si Mark. Tara na. Nakalabas na 'yon ng parking lot," yaya niya sa akin.

Wala na akong magawa kun'di ang sumama na lang. Naka-oo na ako at tuwang-tuwa itong si Reese na sasama ako. Ayoko rin naman magmukhang kj sa kanilang dalawa.

Sa isang Filipino cuisine na restaurant kami pumunta sa Greenbelt. Mayamaya ay dumating ang isang lalaki. Marahil ay ito na 'yong kaibigan niya na hinihintay namin.

Nakasuot ito na longsleeve na white at nakatupi hanggang siko. Clean cut ang gupit ng buhok niya at talaga namang nakakatawag nang pansin ang kaniyang kagwapuhan. Malinis siyang tingnan at mukhang mabango. Sa kutis pa lang niya ay malalaman mo na galing siya sa mayamang pamilya. Bukod sa maputi ay ay makinis ang balat niya.

Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang binati sina Mark at Reese.

Medyo nakaramdam ako nang hiya kaya 'di ko alam kung ngingitian ko siya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang nagtama ang paningin namin na dalawa. He smiled at me. Naconscious ako sa itsura ko pero ngumiti pa rin ako sa kaniya. Hindi man lang ako nakapagretouch ng face powder o lipstick kanina bago umalis sa work dahil hindi ko naman inaasahan na kakain kami sa labas at may kasama pala kaming iba.

Biglang umubo nang mahina si Mark kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "By the way Ellie, this is my friend, Uno." Pagpapakilala ni Mark sa kaniyang kaibigan. "Uno, this is Ellie. Single and ready to mingle," saad ni Mark sabay tawa.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa walang preno ang bibig niya Kailangan ba niya talaga sabihin iyon? Kahit kailan talaga itong mga kaibigan ko. Pinagtutulakan talaga akong magkaroon na ng boyfriend.

Bukod sa kanilang dalawa, si Judah lang ang kaibigan ko sa school noon. Wala na nga lang ako balita sa kanya pagkatapos naming makagraduate. Pero ang alam ko nasa ibang bansa na siya. Nawala na kasi kami ng communication.

Mas lumapad ang ngiti ni Uno. Hindi ko alam kung natuwa siya do'n sa pagbibiro ni Mark o dahil sa sinabi ni Mark na single ako. Bahagya kong ipinilig ang ulo ko. Bakit naman siya natutuwa kung single ako?

“Naku, umupo ka na Uno. Huwag mo na lang pansinin itong si Mark, Ellie. Hindi ka na nasanay," saad ni Reese.

Napailing na lang si Uno pero nakangiti pa rin siya. Hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa'kin habang umuupo. Mas lalo tuloy akong nahihiya dahil kung makatitig naman ay parang binabasa na buong pagkatao ko.

“Hi, Ellie. Nice to meet you. Finally.” He said. Inilahad niya ang isang kamay upang makipag-kamay. “Don't mind him. Siraulo talaga 'yang si Mark.” He said.

Nahalata ata niya na nainis ako sa biro ni Mark. Feeling ko kasi ay napahiya ako. Tinitigan ko muna ang kamay niya na nakalahad. Hindi ko alam pero nahihiya ako sa kanya at nahihiya rin ako na tanggapin ang pakikipag-kamay niya. Napabuga ako ng hininga.

Nahihiya kong inilahad din ang isang kamay ko sa kaniya at nakipag-kamay. Napalunok ako nang naramdaman ko ang mainit niyang palad. Pinisil pa niya iyon nang marahan kaya nakatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang iyon. Napasinghap ako. Dahan-dahan kong binawi dahil mukhang wala yata siyang balak bitawan ang kamay ko. I swallowed.

“Bakit finally?" manghang tanong ko.

"Uhm... kasi Ellie, si Uno 'yong matagal ko nang gusto ipakilala sa'yo. College pa lang tayo no'n kaya lang, 'di nagkaroon ng chance dahil madalas, bigla ka na lang umaalis o umiiwas kapag nalaman mong may ipakikilala kami sa'yo," paliwanag ni Mark. Naging seryoso na rin siya.

Napamaang ang labi ko sa narinig. College pa? That was two years ago. Dalawang taon na kaming nakagraduate sa college. Mas lalo akong nahiya sa kaniya.

Napatingin ako kay Mark. “Iyong classmate mo noon?”

Tumango sina Mark at Reese. Sabay pa.

Naalala ko nga, palagi nga ako kinukulit ni Mark noon. May ipakikilala nga raw siya sa akin na kaibigan niya. Magkaiba kasi kami ng University ni Mark na pinasukan noong college. Kaming dalawa ni Reese ang magkasama sa isang University.

"Yes. Do you remember now?" tumango ako. "And last year, siya rin ang dapat kasama natin papuntang Baguio, kaya lang bigla kang nagback-out dahil nalaman mong may kasama akong kaibigan na ipakikilala ko sa iyo. After noon, umalis na rin si Uno ng bansa at kababalik lang niya."

Si Uno ay tahimik lang na nakatingin sa amin, sa akin to be exact. Bakit ba hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin? May dumi ba ako sa mukha?

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Baka isipin ni Uno ay nagmamaganda ako masyado, na ayaw ko siyang makilala. Maraming beses iyong pag-attempt nina Mark na ipakilala 'yong friend niya. Malay ko ba na iisa lang 'yon at si Uno pa. Akala ko kasi ay magkaiba ang tinutukoy niyang friend. Mas lalo tuloy akong nakaramdam nang hiya.

“Ahh… okay.” Tanging nasabi ko na lang.

Naging masaya ang pag-uusap namin. Nagyaya si Mark na mag-inuman pero tulad ng sinabi ko kanina kay Reese ay hindi ako sasama.

“Hahatid ka na lang ni Uno, Ellie. Siya na ang bahala sa iyo,”  wika ni Mark. Nasa parking area na kami.

Pinaningkitan ko ng mata si Reese. Ang galing ng plano nila. Si Uno ang maghahatid sa akin.

Susunod daw ang iba pa nilang mga kaibigan kaya hindi nila ako maihahatid na dalawa. Tsk. Mga reason nila.

“Kaya ko ng umuwi mag-isa, Mark. Ako na ang bahala sa sarili ko,” sagot ko.

Marami namang taxi na dumadaan. Kanina nga habang kumakain kami ay hindi masyadong nagsasalita si Uno. Nakikinig lang siya at panay ang tingin sa akin. Nakikitawa siya sa mga jokes ni Mark pero mas madalas ay tahimik lang at panay ang sulyap sa akin.

“Ano ka ba, Ellie? Si Uno na ang maghahatid sa iyo.” Tinapik ni Mark si Uno. “Oh ikaw na ang bahala sa kaniya. Ingatan mo.”

Naiinis ako. Parang pinagkaisahan nila ako. Gwapo nga si Uno pero hindi ako komportable sa kanya. Nahihiya nga ako makipag-usap tapos maiiwan kaming dalawa na magkasama. Tahimik pa man din siya.

“Kaya ko na ang sarili ko, Mark. Sige na Uno, sumama ka na sa kanila.” Pagtataboy ko sa kanya. Abala pa ako sa kanya. Susunod ang iba pa nilang kaibigan kaya mas lalong nakakahiya.

“It's okay, Ellie. Si Logan at Pen lang naman ang susunod,” wika ni Uno.

“Pero—”

“Mauuna na kami, Ellie. Baka naiinip na iyon si Logan at umuusok ang ilong. Ayaw pa naman no'n na pinaghihintay,” sabi ni Reese.

Wala na nga talaga akong magagawa.

May binulong pa si Mark kay Uno bago sila ni Reese pumasok sa loob ng kotse at iniwan nila akong naiinis.

Naiwan kaming dalawa ni Uno. Namayani ang ilang minutong katahimikan. Nanatili kaming nakatayo kung saan kami iniwan ng dalawa. Pinakiramdaman ko siya. Nakalagay sa bulsa ng pantalon niya ang dalawang kamay.

Tumikhim ako. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin. Napakamot siya ng batok.

“Let's get inside the car,” saad niya. Tumango lang ako kahit may pag-alinlangan. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

"Thanks," saad ko bago niya sinara at saka umikot sa driver's seat.

Tahimik lang kaming dalawa ni Uno sa loob ng sasakyan. Paminsan-minsan ay may tinatanong siya, sinasagot ko naman. Wala akong maisip na mapag-usapan namin na dalawa.

Nagtataka lang ako dahil hindi ko natandaan na nabanggit ko ang address ng apartment ko kanina habang nasa biyahe kami. Hindi naman niya kasi naitanong kanina. Basta hininto na lang niya ang sasakyan sa tapat mismo ng apartment ko.

“Nasabi ba sa'yo nina Mark na dito ako nakatira?” Nagtatakang tanong ko.

"Uhm... Yeah. Natanong ko kanina."

Napatango-tango ako. Baka iyon ang binulong ni Mark kanina kay Uno. “Pasensya ka na kung ayaw kong makipagkilala noon. Hindi naman sa ayaw kitang makilala. Ayaw ko lang kasi na kung kani-kanino ako nirereto nina Mark at Reese.”

"Bakit? Nirereto ka ba nila sa iba?" seryoso nitong tanong at tila nakasalubong ang kilay. Parang naiinis ang itsura niya. Mukha siyang galit.

I slowly nodded. “Oo.”

“Damn it!” mahina nitong pagmumura pero umabot pa rin sa pandinig ko.

“Ayos ka lang ba?”

Medyo nahimasmasan siya sa tanong ko. Ngumiti na rin siya. “Yeah. I'm fine. I'm sorry.”

“Okay lang. Sige na, papasok na ako sa loob. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo. Salamat sa paghatid.”

Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Mabilis akong lumabas agad.

“Ellie,” tawag niya sa akin. Nakalabas pala agad siya ng sasakyan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. “I hope this is not the last that we'll get to see each other. Uhm... may gagawin ka ba bukas?”

My lips hang open. Wala naman akong gagawin bukas. Is he asking me for a date? Napalunok ako sa naisip na niyaya niya akong date.

I nodded kahit wala naman akong gagawin. “Mayroon. Sorry, marami akong gagawin bukas.” I lied.

Napatango-tango siya. Parang natalo ng isang milyon ang hitsura niya. “It's okay.” Malungkot ang boses nitong sabi.  “Maybe on Sunday?”

Sunday? Wala rin naman akong gagawin pero wala akong balak na umalis sa Sunday lalo pa kung siya ang kasama. Ang tahimik nga namin kanina sa loob ng sasakyan pagkatapos ay magkikita pa ulit kami.

Pero naguilty ako bigla sa pagsisinungaling ko sa kanya. I unconsciously nodded. Bahala na nga. I smiled at him. “O-kay.”

Napangiti siya nang malapad sa sinagot ko. “Good. See you on Sunday.” Mabilis nitong sabi. Bumaba ang mukha niya at hinalikan ako sa pisngi.

Nagulat ako. My heart skipped a beat. Napalunok ako't pinagpawisan sa simpleng paghalik niya sa pisngi ko.

Nagkahiyaan pa kaming dalawa pagkatapos. “Uh… I, I should go.” He said. Nahihiya rin.

“O-kay. Ingat.” Parang nabundol ng drum ang dibdib ko sa lakas ng tibok.

Nakailang paalam pa siya sa akin bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

***

KINABUKASAN, UNO sent me a friend request on my social media account. Tiningnan ko ang profile niya. Nakaramdam ako lalo ng panliliit ng sarili dahil sa mga nakita kong post niya. He's rich. Kung saan-saan na pala siya nakarating na lugar.

I ignored his friend request. Last na iyong pagkikita namin bukas. Sigurado naman akong hindi na ulit iyon magyaya sa akin na lumabas. Hindi ako ang tipong babae nababagay para maging kaibigan niya.

Si Mark kasi ay galing sa mayaman na pamilya. Kami lang ni Reese ang hindi kaya ang swerte ng kaibigan ko dahil mabait ang pamilya ni Mark kahit hindi mayaman si Reese katulad nila.

Nilagay ko na lang sa bedside table ang phone ko at inabala ang sarili sa panunuod ng movie. Minsan, kapag ganito na mag-isa lang ako, naiisip ko si Mommy kung iniisip din ba niya ako. Iniisip din kaya niya akong balikan? Simula ng nawala si Daddy, natuto na akong mag-isa. Nakasanayan ko pero namimiss ko pa rin siya.

Nag-vibrate ang phone ko. Sinilip ko. May tumatawag sa messenger. Si Uno.

Nakakunot ang noo ko na dinampot ang phone. Pinag-isipan ko kung sasagutin ko ba o hindi. I choose the latter.

Bahala siya. Wala sigurong magawa ang taong iyon kaya ako kinukulit. Titigil din naman 'yan.

Mayamaya ay narinig ko na may nag-doorbell sa gate. Sinilip ko sa bintana kung sino ang tao. Compound kasi itong apartment na tinitirahan ko. Apat na pinto lang naman at hindi naman kalakihan ang bawat apartment kaya kita dito sa pwesto ko ang labas ng gate. Sakto lang ang laki ng apartment sa maliit na pamilya.

Si Uno! Ano'ng ginagawa niya dito? Ang kapitbahay namin na si Aling Lea ang nagbukas. Napabalik ako sa sofa na kinauupuan ko. Bigla akong kinabahan. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at sinipat ang sarili. Maikli ang suot kong shorts at naka- tshirt lang ako na puti. Nagsuklay ako ng buhok at nagpulbo muna. Ewan ko ba at bigla na naman akong naconscious sa itsura ko.

“Ellie… Ellie…” Boses na iyon ni Aling Lea sa labas ng pinto ko. “May naghahanap sa iyo.”

Huminga muna ako nang malalim. Kinagat ko lang ang ibabang labi para basain ang natutuyo kong labi sa kaba.

“Lalabas na po.”

Bumungad sa akin ang malapad at mapanuksong ngiti ni Aling Lea pagkabukas ko ng pinto. “May gwapo kang bisita.” Kinikilig ang boses nitong saad. Sumusulyap-sulyap pa siya kay Uno na titig na titig sa akin.

I cleared my throat. “Salamat po, Aling Lea.”

“Walang anuman. Maiiwan ko na kayo nitong pogi mong bisita.” Paalam nito sa amin. Sabay pa kaming nagpasalamat ni Uno sa kanya.

“Uhm. Bakit ka nandito?” Hindi ko naman siya binabastos sa tanong ko pero nagtataka lang ako. Bukas pa kasi ang usapan namin na magkikita kaming dalawa.

“Visiting you.” He answered in his formal tone of voice.

“Wala akong sakit.” Pilosopo kong sagot.

“Why? Do you need to get sick so I can visit you?”

Napamaang ang labi ko. Natawa ako nang mahina. Ang sungit ko yata sa kanya.

“Sorry. Pasok ka,” sabi ko na lang.

Inikot ni Uno ang paningin sa kabuuan ng apartment ko. Malinis naman ang bahay ko kahit hindi kalakihan. Mayroon isang kwarto, katamtaman lang ang laki ng sala ko at may kusina na kita na dito sa sala.

“Maupo ka.” Tinuro ko ang single na sofa para doon siya umupo pero sa mahabang sofa siya umupo. “Ano'ng gusto mo, kape o juice?”

“Coffee. Just black coffee. Thank you.”

Habang nagtitimpla ako ng kape namin na dalawa ay sinusulyapan ko siya. Tumitingin din pala siya sa akin kaya nagtatama ang paningin namin na dalawa.

Napakagat ako ng labi. Muntik nang matapon ang kape na tinitimpla ko dahil bigla akong kinabahan. Nahuli niya kasi akong nakatingin sa kanya. Nataranta tuloy ako.

“Are you okay?” Tatayo sana siya at lalapitan ako pero agad kong inawat.

“Yes. Okay lang ako.” Inabot ko agad sa kanya ang tasa ng kape.

Sa single sofa na lang ako umupo. Isang romantic comedy na movie ang pinapanuod ko.

“Bakit ka nga pala nandito? Bukas pa naman ang usapan natin?” tanong ko habang hinihigop ang mainit na kape.

He did the same. Humihigop din ng kape. “Wala lang. Wala akong magawa sa bahay. May date sina Mark at Reese. Si Logan umuwi ng Sta. Monica. Hinahanap na sa kanila.”

“Hindi ba siya dito sa Manila nakatira?”

“Nope. May bahay sila dito and may condo pero sa Sta. Monica siya nakatira.”

Napatango-tango lang ako. Malayo ang Sta. Monica dito sa Maynila. Kailangan pa mag-eroplano o barko para makarating do'n.

“May chopper sina Logan. Iyon ang ginagamit niya kapag may gala iyon dito sa Manila and he needs to get back immediately to his hometown.”

“Wow. As in wow.” Mangha kong sambit. Ang yaman naman pala ng kaibigan niya. Sabagay, pareho naman sila.

“You wanted to ride on a chopper? Hiramin ko kay Logan.” Nakangiti niyang tanong.

I waved my hands to refuse. “Hindi. Napa-wow lang ako kasi ang yaman ng kaibigan mo. Ginawa lang balikan ang Manila at Sta. Monica.”

“He's an only child. Mayaman talaga sila.”

Biglang namayani ulit ang katahimikan sa pagitan namin.

“I sent you a friend request on your social media,” saad niya pagkatapos nang mahabang katahimikan. Ang tingin niya ay nasa harap lang ng tv na pinapanood.

“Uhm…  Hindi ko pa nacheck.” I lied again.

“Okay. Do you want to order something like pizza? What do you want to eat?”

“Ikaw.”

He chuckled. Narealize ko na lang ang sinagot ko sa kanya. Nakakahiya! Parang gusto kong magpalamon sa lupa.

“I mean ikaw ang bahala.” I corrected it.

“Pizza.” He dialed his phone and called to order a pizza.

Naisip ko rin na sinabi ko nga pala sa kanya na busy ako ngayon pero heto at kasama ko siya dito ngayon. Baka isipin niya ay talagang iniiwasan ko siya.

Naging magaan na rin ang loob ko kay Uno after this day na nakapag-usap kami nang matagal na dalawa. Kababalik lang niya from New York dahil tutulungan niya ang parents niyang patakbuhin ang kanilang negosyo.

Hindi naman pala siya mahirap kausap. I mean, akala ko kasi mayabang siya at hindi makikipagkaibigan sa isang tulad ko but I was wrong. Mabait si Uno at maasikaso.

“See you tomorrow.” Paalam niya bago bumaba ang mukha niya at hinalikan ako sa pisngi.

Napapikit ako sa banayad na pagdantay ng mainit niyang labi sa pisngi ko. I gasped. This is the second time he did it.

Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha sa akin. Nagtagal nang nagkatinginan kaming dalawa. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

“S-ee you. Mag-iingat ka sa pagdadrive.” I waved goodbye at him.

Inabot na siya ng gabi dito sa bahay dahil nanuod pa kami ng ibang movie nang natapos na iyong pinapanuod ko kanina. He even ordered food for our dinner. Siya lahag gumastos.

“Accept mo na ang friend request ko.” He said.

I nodded my head in response. “Oo na,” natatawa kong sagot.

Natawa ako dahil hindi ko pa nga pala siya ina-accept. Kinuha niya ang phone. “Let's take picture together. Smile.”

Napangiti na lang din ako. Itatag niya ako sa post niya. Ako iyong biglang nahiya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status