Share

Chapter 33

ELLIE

NAPATAYO AKO sa higaan at lumapit sa pintuan nang makarinig ako na may pumipihit ng seradura ng pinto. Nakalock ang silid namin. Alas dos pa lang ng madaling araw. Hindi pa nga rin ako dalawin ng antok dahil simula kanina na umalis sina Uno at Sandra ay hindi pa sila bumabalik. Ni hindi rin nagawang magpaalam ni Uno sa amin ng anak ko. Alam kong nasaktan ko siya at galit siya.

Pero hindi naman niya ako masisisi. Hindi madali ang lahat. Hindi madaling paniwalaan ang mga sinabi niya. Ang isip ko ay nahahati. Pero ang puso ko ay gustong maniwala kay Uno. Natatakot lang ako. Natatakot lang ako na masaktan ulit. Natatakot lang ako na malaman ang totoo dahil mahal ko rin si Judah. Pero kung totoo iyon, hindi ko alam kung ano kaya ko siyang patawarin.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Uno na mapupungay ang mga mata nakatingin sa akin. Hindi agad ako nakakilos.

"Sabihin mong mahal mo pa rin ako, Ellie. Please, babe?" Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil. Pagkatapos ay pin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status