Share

Chapter 37

Jeizhiro

Kalalabas ko lang ng bangko ng tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa. Napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Lorenzo sa screen ng cellphone. Hindi karaniwan na tumatawag ito ng ganitong oras. Maliban na lang kung emergency.

Pinindot ko ang screen at tinapat sa tenga ang cellphone. "Hello pare."

"Nasaan ka pare?"

"Kalalabas ko lang ng bangko, may problema ba?" Tinungo ko na ang raptor ko at sumakay.

Narinig kong bumuntong hininga ang nasa kabilang linya.

"Nakatakas ang isang tauhan ni Ka Tano."

"Ano? Pa'no nangyari yun?"

"Ililipat na sya sa kapitolyo kaninang umaga nang biglang nang agaw ng baril. Nagpaulan sya ng bala sa labas ng presinto kanina bago tumakas."

Saglit akong natigilan sa sinabi nya. Parang may mali. Kinutuban ako.

"Shit! Si Ivy!" Bulalas ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Lorenzo at agad na pinatay ang cellphone sabay hagis sa passenger seat. Binuhay ko ang makina at inatras palabas ng parkin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status