Share

Chapter 6

Jeizhiro

Hindi ko pa nauubos ang isang bote ng beer ng may lumapit na namang isang babae sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang pakay nila. Ang alam ko mahigpit na itong pinagbabawal sa mga ganitong lugar. Tinaboy ko na kanina ang isa. Ang pakay ko talaga sa lugar na to ay inom at hindi kasama ang babae. Babalik na ako sa San Agustin bukas at hindi ko alam kung kelan ako pwedeng mag off ulit.

Tinaboy ko muli ang babae at tinuon na lang ang pansin sa pag inom ng beer. Sinilip ko ang oras sa wrist watch. Pasado alas diez na pala ng gabi. Tinungga ko ang laman ng bote ng beer at nag iwan ng pera sa lamesa at tumayo. Kinolekta naman ito ng  nagserve sa aking waitress.

Diretso na akong lumabas ng beerhouse at dinukot ang susi ng raptor ko sa bulsa. Medyo maalinsangan ang gabi.

Pagbukas ko pa lang ng driver seat ay may nararamdaman na akong kakaiba. Umupo ako at sinarado ang pinto sabay dukot ng baril sa loob ng leather jacket habang hindi inaalis ang mata sa rare view mirror. May tao sa likod!

Mabilis kong kinasa ang baril sabay tutok sa ulo ng nasa likod. Base pa lang sa pigura at mahabang buhok nito ay babae ito.

"Sino ka?" Mabagsik kong tanong.

Bahagyang nanginig ang katawan nya at dahan dahang nag angat ng mukha. Sumalubong sa kanya ang nguso ng  kwarenta y singkong baril ko.

"W-Wag po.." Nanginginig ang boses na sabi nya.

Pamilyar sa akin ang boses nya. Pinakatitigan ko ang mukha nyang takot na takot na hindi man lang naitago sa makapal nyang kolorete sa mukha. Pamilyar din sa akin ang alon alon nyang buhok.

Nahigit ko ang hininga kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. "Ikaw?"

"W-Wag po.. m-maawa po kayo sa akin.." Mangiyak ngiyak na sabi nya at tinaas pa ang kamay tanda ng pagsuko.

Napamura ako at binaba ang baril.

Pero nanlaki ang mata nya nang tumingin sa bintana. May lalaking sumisilip sa loob ng sasakyan ko na tila ba may hinahanap. At dahil heavily tinted ang salamin ay wala itong makikita o maaaninag man lang. Kinutuban na ako. Tiningnan ko sya at ang lalaking paikot ikot sa sasakyan ko at pasilip silip. Bakas sa kanyang mukha ang takot. Bahagya pa syang nanginginig. Parang alam ko na kung ano ang nangyayari. Napatiim bagang ako.

Nang ginalaw ko ang braso ko ay hinawakan nya ito at umiling iling.

"P-Please po sir.. W-Wag nyong bubuksan. K-Kukunin nila ako.. i-ibebenta nila ako. P-Parang awa nyo na po tulungan nyo po ako.." Pabulong na sabi nya kasabay ng pagpatak ng luha nya. 

May bumangong galit sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Mukhang biktima pa sya ng human trafficking. Ngali ngaling labasin ko ang lalaki at paputukan ng baril. Pero mamaya lang ay may sumulpot pa na dalawa at nag uusap silang tatlo. Hinahanap nga nila ang babae.

Ramdam ko naman ang paghigpit ng hawak sa akin ng babae. Tiningnan ko sya. Nagmamakaawa ang tingin nya. Tumango na lang ako sa kanya. Awang awa kong pinahid ang luha sa pisngi nya. Napapitlag naman sya sabay bitaw sa braso ko. Mukhang nagka trauma pa sya dahil sa mga lalaking yun.

Binawi ko na lang ang kamay ko. "Sorry." Anas ko.

Hinintay ko munang umalis ang mga lalaki sa labas. Nakita ko pa ang ilang mga lalaking sumulpot sa kung saan at nag iikot ikot na tila may hinahanap hanggang sa nawala na sila at lumusot na sa kung saan.

Binuhay ko na ang makina. Sinilip ko sya sa likod. Nakasandal sya at nakapikit. Pinakabit ko sa kanya ang seatbelt ngunit nahihirapan sya dahil nanginginig ang mga kamay nya kaya tinulungan ko.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang sya habang pinipisil pisil ang kamay.

"Saan ka nakatira? Ihahatid na kita." Basag ko sa katahimikan.

Nakita ko naman ang pagka alarma sa mukha nya at takot. Umiling iling sya.

Kumunot ang noo ko.

"A-Ayoko ko po sa bahay, siguradong pagagalitan ako nila tiyang at tiyong dahil tumakas ako.. B-Baka doon din ako puntahan ng mga lalaking yun." Nahihintakutang sabi nya.

"Binenta ka ng tiyahin at tiyuhin mo sa mga lalaking yun?" Di makapaniwalang tanong ko habang nakatingin sa kanya sa rare view mirror.

Tumango tango sya. May bumangon namang panibagong galit sa dibdib ko.

"Putangna! Anong klaseng tiyuhin at tiyahin yun, nagawa nilang ibenta ang sarili nilang pamangkin?" Di maitago ang galit sa boses ko. "Eh nasaan ang mga magulang mo?"

"W-Wala na po akong magulang, patay na po ang mama ko.." Tuluyan na syang napaiyak at hindi magkandatuto sa pagpahid sa luha.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan sya sa rare view mirror. Habag na habag ako sa kalagayan nya. Parang pinipiga ang puso ko. Medyo kumalat na rin ang make up nya dahil sa luha nya. Hindi ko gusto ang makapal na make up nya lalo na ang suot nyang nakakapag pakulo ng dugo ko.

Agad kong iniwas ang tingin sa maputi nyang cleavage na litaw sa mababang neckline ng damit nya. Litaw na litaw din ang mapuputi at mabibilog nyang mga hita.

Lumunok ako at tinanggal ang bara sa lalamunan ko. Inabot ko ang tissue sa dashboard at binigay sa kanya. Inabot naman nya yun at nagpasalamat. Hinubad ko na rin ang jacket ko at binigay sa kanya. Tiningnan lang nya ito pati ako.

"Isuot mo para hindi ka lamigin." Ani ko.

Nahihiyang kinuha nya ito. Pero imbes na isuot ay nilagay lang nya sa kandungan nya.

"Isuot mo na." Ulit ko.

Sinunod naman nya ako. Napangiti ako.

Napabuntong hininga ako ng makitang wala syang sapin sa paa pagbaba nya ng sasakyan. Mukhang tumakbo syang nakayapak habang tinatakasan ang mga humahabol sa kanya. Nagpalinga linga pa sya at tinitingnan ang bahay ko.

"Pumasok na tayo sa loob." Sabi ko at nagpauna ng pumasok.

Binuhay ko ang ilaw sa sala. Nilingon ko sya. Kumunot ang noo ko dahil hindi pa sya pumapasok at bakas sa mukha nya ang pag aalangan.

Bumuntong hininga ako at napakamot sa kilay. "Pumasok ka na, wag kang mag alala hindi ako masamang tao. Dati akong sundalo at may respeto ako sa mga babae." Pagtitiyak ko sa kanya.

Pumasok naman sya. Pinaupo ko sya sa sofa. Pumasok ako ng kusina para bigyan sya ng tubig.

"Heto uminom ka muna." Abot ko sa kanya ng isang basong tubig.

Kinuha naman nya ito. "Salamat po." Aniya at uminom na.

"Maiwan muna kita dito, ihahanap lang kita ng maisusuot."

Umakyat ako sa kwarto ko para hanapan sya ng pamalit. Dahil wala naman ibang damit dito sa bahay kundi mga damit ko lang kaya isang t-shirt na puti at boxer shorts ang kinuha ko.

Inabot ko ito sa kanya pagbaba ko. "Magpalit ka na ng damit. May banyo dun." Tinuro ko ang pinto sa tabi ng kusina.

Nahihiya man ay kinuha nya ang damit na inabot ko tumungo sa banyo.

Dumiretso naman ako ng kusina para ihanap sya ng makakain. Tamang tama may natira pa sa pinaluto kong kare kare kay manang Sol. Iinitin ko na lang.

Habang hinihintay ang iniinit na kare kare ay nagsandok na ako ng kanin. Hinanapan ko na rin sya ng maiinum sa ref. Pero dahil beer in can at tubig lang ang lamang ng ref ko ay gagawan ko na lang sya ng fresh orange juice.

"S-Saan po pwedeng ilagay to."

Nag angat ako ng tingin.

Napanganga ako ng makita ang hitsura nya. Burado na ang make up nya. Ngayon ay mas malinaw ko ng nakikita ang magandang mukha nya na gustong gusto kong titigan kapag napapadaan ako sa prutasan. Suot suot na nya ngayon ang t-shirt ko na halatang malaki sa kanya at nagmistulang bestida na. Parang bigla akong pinagpawisan at nauhaw. Tumikhim ako at wala sa sariling ininom ang juice na ginawa ko. Muntik pa akong mapamura.

Tiningnan ko muli sya. Nakatingin lang din sya sa akin habang nakasampay sa braso ang damit na hinubad nya at ang boxer shorts ko.

"Bakit hindi mo sinuot yung boxer shorts?" Tanong ko. May undies naman siguro syang suot.

"Ah kasi malaki yung bewang.."

Napakamot na lang ako sa ulo. "Sige ilapag mo na lang dyan sa upuan. Ako nang bahala sa mga damit na yan. Umupo ka na at kumain. Siguradong gutom ka." Ani ko at pinag hila sya ng upuan.

Tumalima naman sya at umupo. "K-Kayo po?" Alok nya sa akin.

Umiling ako. "Tapos na ako ikaw na lang."

Kiming ngumiti sya. "Salamat po."

Tumango na lang ako at tinuloy na ang paggawa ng fresh orange juice para sa kanya.

Halatang gutom na gutom sya dahil sunod sunod ang subo nya. Siguro hindi sya pinapakain o hindi makakain dahil sa takot.

"Ano palang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

Nagtaas sya ng tingin sa akin. Nilunok muna nya ang kinakain. "I-Ivy Crisostomo po."

Ah Ivy pala ang pangalan nya. Ivy. Hmm maganda parang sya.

"Ako naman si Jeizhiro Natividad, Jeiz na lang ang itawag mo sa akin para hindi masyadong mahaba."

Tumango tango sya. "S-Salamat po sir Jeiz."

Nginitian ko sya. Ang sarap sa tenga ng banggitin nya ang pangalan ko.

"Ilang taon ka na ba?" Muling tanong ko.

"Eighteen po."

"E-Eighteen ka lang?" Di makapaniwalang ulit ko sa sinabi nya. Puta! Ang bata pa pala nito.

Tumango syang muli. "Pero mag na-nineteen na po ako sa susunod na buwan."

Napainom ako ng tubig dahil parang may bumara sa lalamunan ko..

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status