Share

Chapter 5

Penulis: Lhiamaya
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-21 17:06:24

Ivy

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mata. Hindi pamilyar sa akin ang kisameng namulatan. Iginala ko ang paningin ko. Hindi pamilyar sa akin ang kwarto. Inalala ko ang nangyari kagabi. Ang pag uwi ko ng bahay at pagpapasuot sa akin ni tiyang ng maiksing damit. Ang pagsakay namin ng tricycle hanggang sa makarating kami ng bayan ng Consolascion. Ang pagpasok namin sa makitid na daan sa gilid ng beerhouse. Ang dalawang lalaki na kausap ni tiyong, ang pag iwan nila sa akin ni tiyang Linda sa dalawang lalaki. Yung matandang kalbo na malaki ang tiyan..

Kumalabog ang dibdib ko at bumalikwas ng bangon.

Binenta ako kagabi nila tiyang Linda at tiyong Oca sa matandang kalbo!

Tumayo ako at tinakbo ang pinto. Pinihit pihit ko ang doorknob pero naka-lock pa rin ito. Naaalala ko. Napagod at nanakit na ang kamay ko sa kasisigaw at kakakalampag ng pinto pero wala man lang nagbukas.

Lulugo lugong bumalik ako sa kama. Medyo mahapdi ang mata ko sa kaiiyak kagabi at siguradong mugtong mugto na. Nilibot ko ang mata sa buong kwarto. Tiningnan ko ang bintanang capiz. Sinubukan ko ng buksan kagabi yun pero bigo lang ako dahil nakakandado ito sa loob.

Pero baka may tao sa labas pwede akong makahingi ng tulong!

Tila ako nabuhayan ng pag asa at patakbong tinungo ang bintana at sumilip sa butas na naroon. Pero muli akong nabigo ng tumambad sa akin ay masukal na damo. Mukhang nasa bahaging likod ng bahay ang kwartong to.

Lulugo lugong bumalik akong muli sa kama. Napapitlag pa ako ng tumunog ang doorknob. Tanda na may papasok.

Sumiksik ako sa headboard ng kama at niyakap ang tuhod. Kumalabog sa kaba ang dibdib ko.

Pumasok ang lalaking sumalubong sa amin sa hagdan kagabi. May dala syang tray na may lamang pagkain. Hindi nya sinarado ang pinto pero meron namang lalaki na naka abang sa labas ng pinto. Iba yun sa dalawang lalaking halos kaladkarin na ako kagabi.

Nakangisi ang lalaking may dalang tray na lumapit sa akin.

"Gising ka na pala. Magang maga ang mata mo ah. Pero di bale maganda ka pa rin naman." Aniya at sabay silang tumawa ng lalaki sa may pinto.

Napalunok na lang ako.

"O heto pagkain, kumain ka. Kailangan mong magpakabusog dahil mamaya tiyak na mapapalaban ka." Dugtong pa nya ay muling tumawa. Nilapag lang nya ang pagkain sa kama at muli akong tiningnan habang nakangisi. Dumila pa sya sa labi. Kinilabutan ako.

"Jackpot talaga ang yayari sa'yo mamaya. Bukod sa ang ganda ganda mo at ang sexy mo, ang sariwa mo pa. Kung hindi nga lang ako yari kay boss gusto kong ako muna ang unang tumikim sayo eh. Siguradong ang sarap mo."

Nanginig ang katawan ko sa takot at pandidiri dahil sa sinabi nya. Muli na namang pumatak ang luha ko. Diyos ko po! Ano ba tong nangyayari sa akin?

Tumawa ang lalaki. "O kita mo? Wala pa nga akong ginagawa sayo nanginig ka na. Sa sarap ba yan o sa takot?"

Hindi ako sumagot. Nakakakilabot ang tawa nilang dalawa.

"Gago, malamang sa takot. Ang panget mo kasi eh!" Sabi ng isang lalaki na nasa pinto.

"Pero mas panget ka dahil kulang ka ng ipin gago!" Bira nya sa lalaki at sabay muli silang tumawa.

"Kumain ka na sexy baka gutom ka na, hayun ang banyo baka naiihi ka na. Maghilamos ka na rin at kalat na ang make up mo." Nakangising sabi nya sabay turo sa pintuang naroon.

Hindi ako sumagot o gumalaw man lang hanggang sa makalabas na ang lalaki at muling nilock ang pinto.

Ilang sandali kong tinitigan ang pagkain na nasa tray na nakalapag sa kama. Sinangag iyon na may tapa at itlog at isang basong malamig na tubig. Bigla akong natakam at nagutom. Pero nagdadalawang isip akong kainin yun. Baka mamaya kung ano ang nilagay nila. Pero naisip ko rin paano ako tatakas kung nanghihina ako sa gutom baka hindi ako makatakbo.

Hinila ko ang tray palapit sa akin. Bahala na! Wala naman sigurong lason to dahil papakinabangan pa nila ako.

Agad ko ng kinain ang pagkain. Ngayon ko naramdaman ang gutom dahil sa kaba at takot. At least matinong pagkain ang binigay nila. Mabilis kong naubos ang pagkain at pati na ang isang basong tubig. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para umihi at maghilamos. Tiningnan ko ang mukha ko sa lumang salamin na naroon. Wala na ang make up pero ang pamamaga ng mga mata ko ay halata pa rin. Wala ni anumang gamit sa loob ng banyo maliban sa isang sabon at shampoong nasa sachet. Timbang malaki at tabo at de flush na bowl.

Paglabas ko ng banyo ay saktong bumalik ang lalaking naghatid ng pagkain. Kinuha nya ang walang laman na tray. Ngumisi sya sa akin.

"Magpahinga ka na dahil dahil mamaya mapapasabak ka sa puyatan." Ngingisi ngising sabi nya at lumabas na ng pinto at muling ni-lock ng pinto.

Kagat labing umupo ako sa kama at mabilis na pinahid ang muling tumulo na luha. Walang maitutulong ang pag iyak ko. Kailangan kong makaisip ng paraan para makalabas dito. Dahil mukhang malabo na na may tutulong sa akin. Ang mga babae sa labas ay mukhang sanay na sa ganitong gawain at dito na rin siguro sila kumikita ng pera. At hindi ko hahayaan na babuyin lang ng kung sino ang katawan ko.

Sa lumipas na mga oras hanggang sa muling mag gabi ay nakaupo lang ako sa kama habang yakap ang tuhod at nag iisip ng paraan kung paano makakatakas. Muli akong hinatiran ng pagkain pero hindi ko naubos yun dahil nawalan ako ng gana.

Maya maya lang ay may pumasok na dalawang babaeng maiiksi ang mga suot at makapal ang make up. May dala dala silang damit at make up kit. Hinagis ng isang babaeng ngumunguya ng bubble gum ang damit sa kama.

"O magbihis ka na at wag kang babagal bagal." Mataray na sabi nya.

Kagat labing dinampot ko ang damit at pumasok sa banyo. Kinakabahan man ay sinuot ko na rin ang damit. Gaya ng damit na pinasuot sa akin ni tiyang na hinubad ko ay maiksi din ito at halos kita ang kuyukot. Mas mababa nga lang ang neckline nito at kita na ang cleavage ko. Napalunok na tumingin ako sa salamin. Hindi ko gusto ang nakikita ko sa salamin pero wala akong magagawa kailangan kong sumunod dahil baka kung ano pa ang gawin nila sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga at pilit pinatatag ang sarili kahit halos gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng kalabog.

"Ano ba? Bilisan mo dyan!" Sigaw ng babae sa labas ng pinto at kinalampag pa ito.

"O-Oo palabas na." Sagot ko.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang dalawang babae na nakataas ang kilay. Hinagod pa nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Siguradong tiba tiba na naman si boss Tano mamaya. Baka maging favorite pa nga ito ni boss eh." Anang isang babae at ngumisi.

Umirap naman ang babaeng ngumunguya ng bubble gum. "Bilisan mo na ayusan mo na sya."

Tumalima naman ang isang babae at nilagyan na ng make up ang mukha ko. "Infairness ang ganda mo ha. May lahi ka siguro no." Ani nya.

Hindi na lang ako sumagot. Pero tama naman ang sinabi nya. Ang mama ko kasi ay may lahing American. Kalahating  Amarikano daw kasi ang lolo ko, ang unang asawa ni lola na tatay ni mama. Namatay ito bata pa daw si mama dahil nagkasakit. Nag asawa uli si lola at anak nya sa bagong asawa si tiyang Linda na nilagay ako ngayon sa kapahamakan dahil sa pera. Natitiyak kong walang nakakaalam sa mga malalapit sa akin sa buhay ang nangyayari sa akin ngayon. Mama kung nasaan ka man gabayan nyo po ako. Wag nyo po akong hayaang mapahamak.

"O pak! S***a ganda mo te! Siguradong pagkakaguluhan ka mamaya." Tuwang tuwang sabi ng babae at binalik na ang make up kit sa lagayan.

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi nya.

Lumabas na ang dalawang babae at nilock ang pinto. Ang sabi nila susunduin na lang daw ako mamaya. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal nawa'y gabayan Niya ako at ni mama.

Muling bumukas ang pinto at niluwa ang dalawang lalaki kanina. Nakangisi silang parehas na hinagod ako ng tingin. Lumapit sa akin ang lalaking nagbigay ng pagkain sa  kanina at hinawakan ako sa braso. Napangiwi pa ako sa higpit ng hawak nya.

"Halika na at naghihintay na ang mga bigating parokyano." Aniya at hinila na ako palabas ng kwarto.

Muntik pa akong matipalok dahil sa suot kong high heels. Kabado man ay naging malikot ang mga mata ko. Wala na akong nakitang ibang tao pero may naririnig akong ingay sa baba. Mukhang nandun sila lahat.

Tama nga ako nandun silang lahat. Ang mga babae ay parang mga panindang nakahilera at may mga matamis na ngiti sa labi habang ang mga ilang kalalakihan naman na may mga edad na mukhang mga bigatin ay parang mamimili na sinusuri ang paninda. Ang matandang lalaki naman na tinatawag nilang Ka Tano ay nakadekwatrong nakaupo sa upuan habang may babaeng nasa likod nya at minasahe sya. Ibang babae yun sa babaeng nakakandong sa kanya noong una ko syang nakita. Nakangisi ang matanda habang humihithit ng sigarilyo.

"Boss nandito na po sya." Sabi ng lalaking nasa likuran ko ng makababa na kami ng hagdan.

Nagsilingunan silang lahat sa amin.

Napalunok naman ako. Lalo na ng halos sa akin na lahat nakatingin lalo na ang mga lalaki.

"Sya ba ang sinasabi mo Tano?" Tanong ng matabang lalaki na may mga gintong alahas sa katawan. Sa tantya ko ay mga nasa kwarenta ang edad.

Nangingisi namang tumango si Ka Tano.

"Ang ganda nito ah! At mukhang sariwa pa!"

"Sariwa talaga yan kaya mahal ang presyo." Sabi ni Ka Tano.

"Magkano ba? Handa akong magbayad matikman lang to, mukhang ang sarap lamutakin." Anang matabang lalaki na bakas ng matinding pagnanasa sa maya habang hinahagod ako ng tingin.

Kinilabutan naman ako at nandiri sa sinabi nya.

"Teka lang! Paano naman kami? Ang habol din namin ay sariwa. Ang lahat ng mga babae rito ay natikman na namin at gusto naman namin ng bago." Nakangising sabi ng may kapayatang matandang lalaki na humihithit ng sigarilyo.

Sumegunda naman ang ibang mga lalaking naroon.

"Gaya ng nakagawian, kung sino ang mas mataas ang offer sa kanya ang babae." Nakangising sabi ni Ka Tano.

Nagsipag sang ayunan naman ang mga lalaki at nagbigay na ng kanya kanyang presyo.

Hindi naman ako makapaniwala sa ino-offer nilang presyo. Handa silang magbayad ng malaki para lang sa panandaliang aliw.

Napapalunok ako, parang gusto kong masuka. Nandidiri ako.

Narinig kong ngumisi ang lalaking may hawak sa akin. "Mukhang tiba tiba ang bulsa natin ngayong gabi ah."

"Teka sandali Tano, nauna ako sa babaeng to. Kaya dapat akin sya. Handa akong magbayad kahit magkano." Anang matabang lalaki na ayaw magpatalo.

"Kami din, kaya din naming magbayad ng kahit magkano." Nakangising sabi naman ng may edad din na lalaki na mukhang politiko at mayaman.

"Wala akong pakialam basta akin na ang babaeng to." Pinal na sabi ng matabang lalaki at may tinawag pa na isang lalaki at inabot sa kanya ang check book at sinulatan sabay abot kay Ka Tano. "Bukas na bukas pwede mo nang withdraw-in yan." Dugtong nya sabay ngisi.

Tiningnan naman ito ni Ka Tano. Nanlaki naman ang mata ng babaeng nasa likod nya.

Hinablot naman ng matandang lalaking payat ang tsekeng nasa kamay ni Ka Tano. "300 000? Eh kaya ko pang doblehin to ah! Ito na ang pinagmamalaki mo?" Mayabang na sabi nito.

"Kaya mong doblehin?" Tanong ni Ka Tano. "Kung kaya mong doblehin sayo na ang babae."

Agad namang naglabas ng tseke ng matanda. Pero ang lalaking mataba na nag abot na ng tseke kanina ay humugot ng baril at tinutok sa matandang lalaki. Pati na ng dalawang kasama nitong lalaki na mga bodyguard nya ay may hawak na ring baril. Nagsitilian naman ang mga babae at nagipon ipon sa isang gilid.

"Sige subukan mo? Kung ayaw mong sumabog ang utak mo. Kilala mo ko Edmond. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko at kapag sinabi kong akin ang babaeng yan ay akin. At walang makakapigil sa akin kahit ikaw pa ka Tano."

Namutla ang matandang lalaki habang nakatitig sa baril. Si Ka Tano naman ay relax na relax pa ring nakaupo pero ang mga mata nya ay nakatingin sa mga tauhang naroon at nakaantabay.

"Mukhang gulo na to ah." Paanas na sabi ng lalaki sa gilid ko sabay suksok ng kamay sa loob ng jacket.

"Maghanda ka." Sabi naman ng lalaking may hawak sa akin.

Ako naman ay wala ng pagsidlan ang kaba at takot. Baka nga dito na ako mamatay kung mamalasin.

"Akina ang babae!" Anang matabang lalaki na nag aamok at lumapit sa amin sabay hablot sa braso ko. Pero hindi ako binitawan ng lalaking may hawak sa akin.

Mangiyak ngiyak na ako sa takot. Nag umpisa na akong manginig.

"Boss." Tawag ng lalaking may hawak sakin.

"Nilo bitawan mo ang babae." Pautos na sabi ni Ka Tano sa matabang lalaki.

Ngumisi naman ang matabang lalaki at binalingan si ka Tano. "Hindi mo ko mauutusan tanda." Anito sabay baril sa lalaking may hawak sa akin. Nabitawan ako ng lalaki sabay sapo sa tinamaang dibdib. Dinaluhan naman sya ng katabing lalaki. Napatili naman ako sa takot. Hinablot ako ng matabang lalaki. Pero agad din nya akong nabitawan ng may mga lalaking dumaluhong sa kanya. Nagkagulo na sila. May mga nagpapaputok na ng baril. Ang ilang mga lalaki ay lumabas na ng pinto.

Lumunok ako at nagpalinga linga. Halos lahat ng atensyon ng mga naroon ay sa mga lalaking nagrarambulan na. Wala na akong inaksayang panahon at mabilis na tumakbo sa pinto. Hinubad ko ang high heels at walang lingong tumakbo.

"Yung babae nakatakas!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki. 

Kaya mas binilisan ko pa ang takbo. Nakipag karerahan pa sa pagtakbo ko ang bilis ng puso ko.

"Hoy! Tigil!" Sigaw pa ng lalaki sa likuran ko.

Hindi ko ito nilingon at lumiko sa harap ng beerhouse at nagpasikot sikot sa mga nakaparadang sasakyan. Sinubukan kong buksan isa isa ang mga pinto ng mga sasakyan na naroon. Pero wala ni isa akong nabuksan lahat ay naka lock. Lumingon ako sa pinanggalingan ko. Kapag hindi pa ako nakapag tago ay siguradong mahuhuli nila ako. Tinungo ko ang isang malaking sasakyan na pick up na itim ang salamin. Una  kong binuksan ang unahan pero naka lock. Sumunod naman ang nasa likuran. Bukas!

Agad akong pumasok at sinarado ang pinto. Mabango ang loob ng sasakyan at malamig.

Yumuko ako ng makita ko ang isang tauhan na luminga linga. Sana hindi nila ako makita! Piping dalangin ko.

Nahigit ko ang hininga ng bumukas ang pinto sa unahan. May pumasok! Yung may ari siguro.

May narinig akong pagkasa ng baril kasunod ang matigas na bagay na nakadutdot sa gilid ng noo ko.

"Sino ka?" Tanong ng isang lalaking may malaking boses.

Nanginginig ang katawan na dahan dahan akong nagtaas ng mukha. Sumalubong sa akin ang nguso ng baril.

"W-Wag po.." Mangiyak ngiyak na sabi ko at nagmamakaawang tumingin sa lalaking may hawak ng baril.

"Ikaw?"

*****

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love Me Angel [Filipino]   Special Chapter 4

    Jeremy Natividad HINAGIS KO ang upos ng sigarilyo sa semento at tinapakan. Binuga ko ang usok pataas. Bored kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko na hawak hawak sa magkabilaang braso nila Emon at Nat. Matalim ang tingin nya sa akin pero mababakas ang takot sa kislap ng kanyang mata pati ang panginginig ng kanyang labi Napangisi ako. Wala pa nga akong ginagawa nanginginig na. "Ano? Banat na kung babanat ka!" Singhal nya sa akin. Mas lalo lang akong napangisi, ang dalawa naman ay tumawa lang at binatukan sya. "Kahapon ang tapang tapang mong maghamon ha. Ngayon parang maiihi ka na sa takot." Komento ni Nat. "Tsk! Hindi ako natatakot sa inyo. Baka kayo ang natatakot dahil pagtutulungan nyo pa akong tatlo." Matapang na sabi ng lalaki sabay dura sa semento at ngisi. Tumawa naman kaming tatlo. Mabuti na lang ay nasa tagong lugar kami. Nandito kami sa lumang talyer kung saan maraming mga nakaimbak na kinakalawang na bakal. Ang iba ay mga parte ng mga sasakyan. "Ang tapang mo bo

  • Love Me Angel [Filipino]   Special Chapter 3

    Jethro Natividad NAPANGISI AKO ng makita si Jana na nagdidilig ng halaman habang kinakausap nya ang mga ito. Parang ewan lang. Mabuti na lang cute syang negrita. Dahan dahan akong lumapit sa likuran nya at ginulat sya. "Boo!" Sigaw ko sa likuran nya sabay kiliti sa kanyang tagiliran. "Ay!" Gulat na tili nya at pumaling ang hawak na hose. Agad akong lumayo sa kanya bago ako mabasa. Tawa ako ng tawa ng makitang basang basa ang harapan ng damit nya. Agad nyang pinatay ang hose at masamang tumingin sa akin. Habang ako ay hindi magkamayaw sa pagtawa. Namumula sa inis ang kayumanggi nyang mukha. "Ang sama mo talaga sir Jethro, isusumbong ko kayo sa mommy nyo." Banta nya sa akin sabay walk out at dumiretso palabas ng gate. Malamang ay uuwi sa kanila para magpalit ng tuyong damit. Malapit lang naman ang bahay nya. Isang tawid lang ng kalsada. Natatawa pa ring hinahatid ko sya ng tanaw. Patawid na sya ng kalsada. Apo sya ng katiwala namin na si manang Sol. Paslit pa lang sya lagi ng nabu

  • Love Me Angel [Filipino]   Special Chapter 2

    Ivy "GOODBYE CLASS! Wag nyong kalilimutan ang mga assignments nyo ha." Bilin ko sa mga estudyante ko. "Yes ma'am!" Sabay sabay naman na sabi nila. "Ok go na, ingat sa pag uwi." Maayos na silang pumila para lumabas ng classroom. Naiwan naman ang mga cleaners. Niligpit ko naman ang mga gamit ko pagkatapos ay tumulong na rin ako sa paglilinis para mabilis matapos at ng sabay sabay na kaming makauwi. Siniguro kong wala ng naiwan sa loob ng classroom bago ko ni-lock ang pinto. Nagpaalam na sa akin ang mga estudyante kong cleaners na mauuna na sila. "Ma'am Ivy!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Tumatakbong palapit sa akin si Jana bitbit ang mga libro at sukbit sukbit ang bag. Nakangiting nagmano sya sa akin. "Wala ka ng naiwan sa room nyo?" Tanong ko sa kanya. "Wala na po." Umiling na sagot. "Ok, tara na." Aya ko sa kanya. Grade 5 na si Jana at lagi ko syang sinasabay sa pag uwi. Malapit lang naman kasi ang bahay nya sa amin. Apo sya ni manang Sol kaya hindi na sya iba sa akin. P

  • Love Me Angel [Filipino]   Special Chapter

    Ivy "Jethro anak." Tawag ko sa mag aapat na taong gulang kong anak na lalaki. "Dito po ako garden mommy!" Sigaw ng maliit na boses ng lalaki. Napangiti naman ako at pinuntahan sya sa garden. Naabutan ko syang nakaiskwat sa bermuda grass at may hawak na tingting at tila may kung anong kinukutingting sa damuhan. Nakalapag sa damuhan ang plastic na laruan nyang baril barilan. "Anong ginagawa mo dyan?" Nakangiting tanong ko. "Laro ako worm mommy." Aniya at nakabungisngis pang tinaas ang tingting na hawak na may nakasabit na bulate. "Ay dirty yan anak! Wag mong paglaruan." Saway ko sa kanya at hinawakan ang maliit nyang kamay. Kinuha ko ang tingting na may nakasabit na bulate at tinapon. Itinayo ko sya at pinagpagan ang shorts nya. "Hindi ka dapat naglalaro ng worm anak, dirty yun eh." Pangaral ko sa kanya. Kinapa ko ang likod nya. Medyo basa na dahil sa pawis. "Promise mo sa akin di ka na maglalaro ng worm." "Opo mommy." Nakangiting sabi nya. Di ko naman mapigilang pasilin ang ma

  • Love Me Angel [Filipino]   END

    Warning 🔞Jeizhiro "Ohh Jeiz ahh!" Parang musika sa tenga ko ang bawat ungol ni Ivy. Mas lalo pa akong nagiinit at ginaganahan. Hinalikan ko sya habang mabilis na umuulos sa loob nya. Madiin at sagad ang bawat baon ko. Humahabol pa ang katawan nya sa tuwing huhugutin ko. Mayamaya ay nanigas na ang katawan nya at sumikip ang kalooban nya na syang kinaungol ko. Nang matapos sya ay pinagpalit ko ang posisyon namin. Sya naman ngayon ang nasa ibabaw ko. "Move babe.." Malambing kong utos sa kanya at humawak sa dalawang hita niya. Humawak sya sa braso ko at nagumpisa ng gumalaw. Mabagal sa una hanggang sa bumilis na. "Ohh shit angel.. mmm faster babe!" Ungol ko at mahigpit na humawak sa balakang nya. "Nghh J-Jeiz! Hmph! Hmph! Hmph!" Napapamura ako at napapakagat labi sa sarap. Ito ang paborito kong posisyon naming dalawa. Ibang sarap ang hatid sa akin kapag sya ang nasa ibabaw at gumagalaw. Nakakaakit pa ang hitsura nya habang senswal na gumagalaw. Hinawi ko ang alon alon nyang buho

  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 39

    IvyParang nagdilim ang paningin ko ng maabutan ko ang hindi kaaya ayang tagpo na yun. Halos nakalambitin ang secretary ni papa na si Mariz sa batok ni Jeiz at nakalapat ang labi sa panga nito. "Jeiz!" Galit na sigaw ko sa pangalan ng asawa ko. Para syang binuhusan ng malamig na tubig ng makita ako at itinulak si Mariz. Napasalampak ang babae sa sahig. "Babe.." Matalim ko syang tiningnan at si Mariz. Parang may kamaong sumasakal sa puso ko. "It's not what you think angel." Napapalunok na sabi nya. Humakbang sya palapit sa akin pero niyakap sya sa bewang ng nakatayo ng si Mariz. "Ano ba Mariz! Bitiwan mo nga ako!" Binaklas nya ang mga braso ni Mariz pero bumabalik lang ito.Hindi na ako nakatiis at lumapit sa kanilang dalawa. Tinulak ko si Mariz para mahiwalay kay Jeiz. "Bitiwan mo ang asawa ko." Singhal ko sa kanya. Nang mahiwalay sya ay hinila ko si Jeiz at hinarang ang katawan sa kanya. Mukhang nakainom sya dahil naaamoy ko ang alak sa hininga nya. "Ivy." Tawag sa akin ni J

  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 38

    Ivy Mahigit isang linggo na ang lumipas ng mangyari ang insidenteng pangloloob ng takas sa bilangguan na tauhan ni Ka Tano. Takot na takot talaga ako ng panahon na yun. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking yun. Akala ko magagaya na ako sa mga napapanood ko sa balita na bangkay na lang natagpuan ng mga mahal nila sa buhay. Wala na akong nagawa kundi ang tahimik na umiyak at magdasal. At salamat talaga at dininig ng Diyos ang dasal ko. Dumating si Jeiz at iniligtas ako. Mabuti na lang talaga at walang masamang nangyari sa amin ni manang Sol. Nahuli din naman agad ang suspek. Ang takot ko noon ay agad ding napalis nang sabihin ni Jeiz na mahal nya ako. Hindi nga ako nakapagsalita eh. Sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko noon. At hanggang ngayon ay parang naririnig ko pang sinasambit nya yun. Kaya minsan para akong bulating inasinan sa kilig. Nang malaman ni papa ang nangyari ay agad syang napasugod sa bahay. Sobrang nag alala sya sa akin. Galit na galit din sya dun sa susp

  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 37

    JeizhiroKalalabas ko lang ng bangko ng tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa. Napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Lorenzo sa screen ng cellphone. Hindi karaniwan na tumatawag ito ng ganitong oras. Maliban na lang kung emergency. Pinindot ko ang screen at tinapat sa tenga ang cellphone. "Hello pare.""Nasaan ka pare?" "Kalalabas ko lang ng bangko, may problema ba?" Tinungo ko na ang raptor ko at sumakay. Narinig kong bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. "Nakatakas ang isang tauhan ni Ka Tano." "Ano? Pa'no nangyari yun?" "Ililipat na sya sa kapitolyo kaninang umaga nang biglang nang agaw ng baril. Nagpaulan sya ng bala sa labas ng presinto kanina bago tumakas." Saglit akong natigilan sa sinabi nya. Parang may mali. Kinutuban ako."Shit! Si Ivy!" Bulalas ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Lorenzo at agad na pinatay ang cellphone sabay hagis sa passenger seat. Binuhay ko ang makina at inatras palabas ng parkin

  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 36

    Ivy "Kuya Jeiz!" Sigaw ni Kiko na lumabas ng bahay ni lola at patakbong lumapit sa amin. Yumakap muna sya sa akin bago hinarap si Jeiz na ginulo ang buhok nya. "Mukhang namiss mo ko ah!" Natatawang sabi ni Jeiz. "Opo! Namiss ko kayo ni ate. Kanina ko pa nga kayo hinihintay eh." Masiglang sabi ni Kiko. "Huu! Pero mukhang si Jeiz lang ang namiss mo." Kunwaring nagtatampong sabi ko. "Hindi ah! Namiss rin po kaya kita ate." Nanghahaba ang ngusong sabi nya. "Talaga? O baka naman yung pasalubong namin ang namiss mo." Sabi ko. "Syempre kasama na rin po yun." Malawak ang ngiting sabi nya. Natawa naman si Jeiz at inabot sa kanya ang pinangakong pasalubong na ice cream. "O hati kayo ng ate mo ha." "Opo! Salamat po kuya Jeiz. Da best ka talaga!" Tuwang tuwang sabi ni Kiko. "Sus! Nambola ka pa." Ginulo ulit ni Jeiz ang buhok nya. Ako naman ay natatawa na lang. "Tara na po sa loob, may bisita po si lola." Aya ni Kiko at nagpatiuna na pabalik sa loob ng bahay bitbit ang plastic ng galon

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status